ALEXIA POV. WALA akong pagpipilian kundi harapin si Mr. Hugo Nick. Parang sinadya ng tadhana na maging kapatid niya si Gezelle… at dahil doon, mas dumami pa ang mga taong nag-uugnay sa aming dalawa. “Anak,” mahinahong tanong ni Mama Alenia, “hanggang ngayon ba’y hindi pa rin nawawala ang galit mo kay Hugo?” “Hindi naman po ganoon kadaling kalimutan ang pagkamatay ng anak ko,” sagot ko, pilit pinipigilan ang panginginig ng tinig. “Nauunawaan kita,” aniya. “Pero wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Isa pa, ama siya ng bata. Masakit din iyon para sa kanya… hindi lang niya ipinapakita dahil lalaki siya. Kung anuman ang sakit at paghihirap ng loob na nararamdaman mo, pareho lang kayong dalawa.” paliwanag ni Alenia. Hindi ako agad nakasagot. Nauunawaan ko ang sinasabi ni Mama, ngunit ga

