ALEXIA POV. ISANG linggo na ang lumipas mula nang muling makita ni Kuya Kenneth si Ate Alleneth, ang tunay na Montero, ang nawawala naming kapatid, at ang tunay na kadugo nina Kuya Kenneth at Kuya Kennedy. Hanggang ngayon ay hirap pa rin akong maniwala na si Gezelle pala ay anak ni Mama at ni Senyor Del Fierro. Kaya pala sa DNA test na sabay naming ipinagawa, kaming dalawa ni Gezelle ang nagpositibo. Samantalang silang tatlo… (99.99%) siyamnapu’t siyam na punto siyamnapu’t siyam na porsiyento ang resulta. May alam na kaya ang senyor? Alam na kaya niyang si Gezelle ang anak nila, at siya ang bunso sa akin? Tahimik akong naglakad palabas ng Montero-Montemayor Mansion. Sa hardin, nadatnan ko si Gezelle na nakaupo, tila malalim ang iniisip. “Gezelle, may sasabihin ako sa’yo,” mahina ngu

