ALEXIA POV. SA dami ng tulong na nagawa ni Senyor Del Fierro para sa akin, wala akong lakas ng loob na tanggihan siya. Kaya nangako ako… gagawin ko ang lahat upang mailayo sa landas ni Mr. Hugo Nick ang babaeng iyon. Anuman ang maging kapalit, handa akong tanggapin ang lahat ng konsekuensinya. Narito ako ngayon sa venue kung saan kasalukuyang nagaganap ang ika-tatlumput anim na kaarawan ni Mr. Hugo Nick. Malinaw na masama ang loob ng senyor… patunay na hindi siya dumating. Akala ko’y nagtatampo lamang siya kanina, ngunit ngayong wala siya rito, patunay na galit talaga siya sa sariling anak. “Ms. Alexia, pumasok na tayo sa loob. Gaya ng utos ni Senyor Del Fierro, nasa paligid mo lamang kami. Tumawag ka lang kung kakailanganin mo ng tulong… pindutin mo lang ang button sa gilid ng suot mo

