HUGO POV. NAIPILIG ko ang aking ulo habang umiikot ang paningin ko sa tindi ng pagkahilo. Paano ako agad nalasing? Wine lang naman ang laman ng mga kupitang ininom namin ni Alexia. Sandali… nasaan na ang babaeng ’yon? Kahit inaantok na, pilit ko pa ring hinanap si Alexia sa gitna ng karamihan. Ngunit wala… kahit anino niya’y hindi ko makita. “Sir Hugo, ihahatid ka na po namin sa silid mo. Mukhang hindi mo na kaya,” sabi ng isa sa aking mga bodyguard. “B-bitawan n’yo ako,” pautal kong tugon. “N-nasaan si Alexia? Hanapin n’yo ang babaeng ’yon at dalhin siya sa silid ko!” “Masusunod po, Señor Hugo. Halika na, aalalayan ka namin.” Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko sila ngunit malabo na ang aking paningin. Gayunman, sumama na lang ako… sobra na talaga ang antok ko. “Ako na ang maghahat

