ARGUS POV. HABANG nasa opisina, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Midnight Girl. Para siyang apoy na patagong sumisiklab… habang mas pilit kong pinapawi, mas lalo akong pinag iinit. Isang malakas na pagbagsak sa ibabaw ng desk ko ang tuluyang nagpabalik sa aking huwisyo. “Ilang araw ka nang laging nakatitig sa kawalan, Argus Emanuel,” galit na tanong ni Kuya Hugo. “Ano ba talaga ang problema mo?” “Wala akong problema,” malamig kong sagot. “May iniisip lang ako.” “Iniisip?” umiling siya. “Ilang araw ka nang ganyan. Mamayang gabi na ang grand alumni at parang wala ka pa ring balak.” “Hindi ko naman talaga gusto pumunta sa event na ’yon,” tugon ko, bahagyang inis. “Marami akong mas priority. Isa pa, wala namang maganda sa mga ganyang pagtitipon… puro payaba

