ELLEN POV. HANGGANG kailan kaya ang ipaghihintay ko? Ilang taon na ang lumipas na ako’y nag-iisa, ang bawat araw ko ay nauubos sa trabaho... walang pagbabago. Sa mahabang panahon, nasanay na lamang ako sa paulit-ulit na takbo ng buhay… bahay at trabaho, trabaho at bahay. Araw-araw, matapos ang mahabang oras sa opisina, diretso akong umuuwi. Ayaw kong mag-aksaya ng oras sa labas, lalo na kung tapos na ang aking mga gawain. Para sa akin, mas mahalaga ang katahimikan kaysa sa ingay ng paligid sa labas. Isa akong executive secretary sa Montemayor Shipping Lines Company. Marami akong kaibigan, babae man o lalaki, at karamihan sa kanila ay mga magpipinsang Montemayor. Magaan ang loob ko sa kanila, hindi lamang dahil isa akong tauhan ng kumpanya, kundi dahil likas akong palakaibigan at marunon

