ARGUS POV. ISANG envelope ang marahas na ibinagsak ni Papa sa ibabaw ng desk ko. Napaangat ang aking tingin sa kanya, ngunit hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata. May isang bagay lamang akong tiyak… galit siya. Galit na galit, sa isang dahilan na hindi ko pa nauunawaan. “Maraming taon na ang pagbibigay ko sayo, Argus Emanuel, pero hanggang ngayon wala ka pa rin ginagawa!” Dinampot ko ang envelope at marahang binuksan. Isa-isang bumungad sa akin ang mga papel sa loob. Napakunot ang aking noo nang mabasa ang pamagat. Marriage Contract. Kanino iyon? Agad na tanong ng aking isipan. Muli akong tumingin kay Papa, nagtatanong ang aking mga mata. “Totoo ang nilalaman ng mga papeles na ‘yan,” malamig niyang sambit. “Matagal ka nang kasal.” wika ni Papa. “At parang wala kang plano n

