HUGO POV. One year later… NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na sumisilip mula sa siwang ng kurtina. Bahagya kong idinilat ang mga mata at napangiti. Kagabi, halos madaling-araw na ako nakatulog… kaarawan ko kahapon at sinorpresa ako ni Alexia. Ipinaghanda niya ako, lihim siyang nagpatulong sa mga kapatid ko. Dito mismo, sa aming bagong bahay. Anim na buwan na kaming nakatira rito. Tahimik, payapa, at walang tanong mula sa mga kapitbahay o kakilala. Matagal na ring patay ang dati kong asawa, si Cindy… at tuluyan nang isinara ng panahon ang pahinang iyon ng aking buhay. Buntis na naman si Alexia. Tatlong buwan na ang dinadala niya. At simula nang mawala ang ikalawa naming anak, doble ang pag-iingat naming dalawa. Ayaw na naming maulit ang sakit na minsang dumurog sa aming dalawa. “Inu

