ALEXIA POV. NAPATAKIP ako sa aking bibig nang tuluyang alisin ang piring sa aking mga mata. Para akong dinala sa isang paraiso… isang mundong tila hinango mula sa isang fairy tale. Ang paligid ay kumikislap sa liwanag, ang bawat detalye ay puno ng hiwaga at pag-ibig. Nakatuon ang aking mga mata sa unahan nang biglang bumukas ang malaking screen. Kasunod noon ay awtomatikong nag-play ang isang video. Isang cartoon na babae ang umakyat sa isang sasakyan, sinundan ng cartoon na lalaki. Nagkaroon sila ng pagtatalo… isang eksenang unti-unti kong nakilala. Isa-isa kong naalala ang mga pangyayari. At saka ko napagtanto… ang video ay kwento naming dalawa ni HK. Hindi ko napigilan ang maging emosyonal habang patuloy kong pinapanood ang bawat tagpo. Ang mga alaala naming puno ng sagutan, tampuh

