HUGO POV. KATATAPOS lamang ng aming kasal, pinili ni Alexia na huwag muna kaming magtungo sa honeymoon. Hindi maganda ang kalagayan ng kanyang katawan, madalas siyang nagsusuka dahil sa paglilihi, at ayaw niyang magbiyahe. Kaya napagkasunduan naming manatili na lamang dito sa aming bahay. Simula nang magbuntis siya, ayaw ko nang mawala siya sa aking paningin. Sapat na ang dalawang pagkakataong nagbuntis siya na wala ako sa kanyang tabi. Sa tuwing naaalala ko ang anak naming nawala, hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako. At alam kong mas mabigat ang sakit para kay Alexia… sapagkat siya ang ina. Si Alexia ang uri ng babaeng mas inuuna ang kanyang mga anak kaysa sa sarili. Kaya naman lahat ng kaya kong gawin upang matulungan siya ay buong puso kong ibinibigay. Ang mahalaga sa akin ay makit

