INUMIN NA MAY DROGA

1953 Words

HUGO POV. PINUNTAHAN ko si Papa, bitbit ang galit sa ginawa niya. Alam niyang may anak na kami ni Alexia, ngunit sa kabila niyon, bakit kailangan pa niyang pakasalan si Tita Alenia? Hindi ko maunawaan kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kasalukuyan siyang nasa loob ng conference room nang dumating ako, ngunit hindi ako nag-atubiling pumasok. Hindi ko kayang hintayin pang matapos ang meeting. Kumukulo ang dugo ko… sa desisyon niyang iyon at sa inis para kay Alexia. Bakit niya hinayaang magpakasal ang mga magulang, gayong malinaw ang magiging epekto nito sa aming lahat? Mas lalong nakakagalit na hindi man lang niya iyon isinangguni sa aming magkakapatid. Nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya, agad siyang tumayo. Inilibot ko ang tingin sa lahat ng naroroon… mga taong hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD