ALEXIA POV. PAALIS na sana kami ni Mama nang dumating si Papa… at kung umasta siya, para bang taos-puso ang pag-aalala niya kay Mama, samantalang maraming beses na niyang niloloko. “Saan ang punta n’yo, mahal? At bakit may dala kayong maleta?” tanong niya, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Mama. Hindi ako sumagot. Nakahawak lang ako sa handles ng wheelchair ni Mama, pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw ko siyang tingnan, ni bahagyang sulyapan. Sawa na ako sa kanya… sa paulit-ulit niyang pangakong hinding-hindi na niya uulitin ang pakikipagkita sa kerida niya. Para na kaming sirang plaka; wala nang saysay ang mga salita niya na puno kasinungalingan. “May pupuntahan kami ni Alexia,” mahinahong sagot ni Mama, bagaman ramdam ko ang panginginig ng kanyang tinig. “At baka matagalan

