BULAKLAK AT SAMPAL

1956 Words

ALEXIA POV. NANG makita ko si Mama, may hawak din siyang bouquet ng mga bulaklak, nakaupo sa wheelchair, at malapad ang kanyang ngiti. Ibinaba ko muna ang lahat ng dala ko, maliban sa diploma at medalya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan. Iniabot ko ang diploma bago isinabit sa kanya ang medalya. Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit… hindi ko na mapigilang maluha. Kanina, nagawa ko pang pigilan ang mga luha, pero ngayon ay tuluyan na akong bumigay, kasabay ang mga impit kong paghagulgol. “Ngayon ka pa iiyak? Nakapagtapos ka na, anak. Sulit ang mga sakripisyo ng iyong ama para maitaguyod ka. Ilang hakbang na lang, matutupad mo na ang mga pangarap mo. Dapat masaya ka, kagaya ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon,” wika ni Mama, habang patuloy ang kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD