HUGO POV. NASA himpapawid na kami, ngunit hindi pa rin ako pinapansin ni Alexia. Hindi ko na rin siya kinulit; sapat nang kasama nila ako sa biyahe patungong Taiwan. Karga ko si Nico Alexis, at habang naglalaro kami, kahit papaano’y nababawasan ang bigat na nararamdaman ko. Maya-maya’y nakatulog na ang anak ko sa aking bisig. Dinala ko siya sa private room at maingat na inihiga sa kama. Tinawag ko si Yaya Yna upang magbantay, saka ako lumabas. Sa may pasilyo, nadatnan ko si Pareng Kenneth. Tinawag niya ako at sabay kaming pumasok sa isang pinto. Isang mini-bar ang bumungad sa amin. Tahimik siyang nagsalin ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. “Napaka-komplikado ng buhay natin,” panimula niya. “Kahit pa nagkalat ang mga babae sa paligid, sinasabi nilang madali lang mag-asa

