Nakangiti akong sinalubong ni tessa,
"Tara ate magbihis kana nanduon na Yung susuotin mo"
Sabi niya sa akin,
"Ok lang ba ito ate?"
Sabay pakita niya sa akin ng damit simpleng dress lang naman ito,
Tumango ako sa kanya,
Pagkabigay niya lumabas siya saglit kaya pagbalik niya nakapag bihis na ako,
Nakita ko ang pag kamangha sa mga mata niya,
"Ate kahit simple lang ang suotin mo nagiging maganda ito pag naisuot muna'
Pambobola niya sa akin,
Nginitian ko ulit siya, mukhang mabait naman ito
"Tara ate labas na tayo kain na tayo"
Hila niya sa braso ko,
Pagkadating namin sa kusina may matandang babae naman akong nakilala
"Nanay si ate Madison po siya po yung Wife ni master"
Kinikilig na pakikilala ni tessa kaya napa kunot noo ako,
Bigla din siya sumeryoso nung makita niya ang reaksyon ko,
"Ate Madison si Nanay po siya po ang katiwala dito"
Nakangiti niyang sabi ulit,
Nginitian ko si Nanay nginitian din niya ako,
Mukha naman wala akong magiging problema sa kanila sa isip isip ko,
"Kumain na kayo iha' wag ka mahiya"
Nakangiti niyang sabi,
"Nanay Uuwi po ba si Kuya Rex?"
Narinig ko na tanong ni tessa kay Nanay,
"Naku hindi ko alam sa bata na iyon"
Sagot naman ni Nanay,
Napatingin ulit sa akin si Nanay at sa pagkain ko,
"iha alam ko maganda ang katawan mo pero hindi uso dito ang diet ha"
Nakangiti niyang sabi, biglang nagsalita naman si tessa
"Nakuu ate naiingit lang yang si Nanay sa katawan mo kasi tignan mo yung katawan niya ohh? wala nang paglagyan ang taba"
Nakangiti naman pagbibiro ni tessa,
"Hay naku Ikaw bata ka nakita mo na naman itong taba ko"
Napatawa na din ako sa kanila,
Bigla ulit napabaling sa akin si tessa,
"Ate Hindi ko alam mas maganda ka pala sa personal"
Nagulat ako sa sinabi niya,
Nakita ko ang pabiglang bato sa kanya ni Nanay nang gulay na hinihiwa nito sabay pinandilitan siya ng mata,
Napatingin ako kay Nanay dahil sa ginawa niya,
"Pasensya kana iha nagulat ako may uod yung sitaw"
Sabi niya sa akin,
Napatingin ulit ako kay tessa,
"Anong sabi mo? nakita mo naba ako dati?"
Tanong ko sa kanya dahil sa sinabi niya kanina,
"Hindi pa po ate nagkamali lang ako ng sinabi mas maganda ka po pala pag malapitan"
Nakangiti niyang sagot sa akin,
Hindi na lang ako kumibo,
Hinay hinay lang Madison bulong ko sa Sarili ko,
Pagkatapos namin kumain nilibot ako ni Tessa sa buong kabahayan,
Halos wala talagang paglagyan ang paghanga ko sa mga nakikita ko,
"Tessa Bakit wala ako makitang picture nung master mo?"
Tanong ko sa kanya, dahil habang nag lilibot kami isa iyon sa gusto kong makita sa malaking bahay na ito,
Para naman makita ko na agad kung anong itsura nung tao na nakabili sa akin,
"Naku ate isa din iyan sa tinanong ko sa kanya nung dumating ako dito"
Paninimula ni tessa na sagutin ang tanong ko,
"Ang sagot lang niya sa akin hindi na daw kailangan ipangalandakan ang kagwapuhan niya"
Natatawa na patuloy na sagot niya.
Hmp! Mahangin ah! sa isip isip ko,
Pero nagtanong ulit ako,
"Bakit tessa guwapo ba naman talaga?"
.
"Opo naman Ate! alam mo ba yung Bad boy looking? ganoon ang dating ni kuya.. este ni Master"
Rinig ko na sagot niya, napansin ko na nailang na siyang sagutin ako,
Naupo kami sa isang mahabng bangko na nakatanaw sa malaking swimming pool na nasa harapan namin,
Tinanong ko na lang siya nang tungkol sa kanya dahil parang naiilang siya pag nagtatanong ako tungkol sa master niya,
"Paano ka napunta dito tessa?"
Panimula ko sa kanya, dahil sabi niya sa akin nung una pinatira lang din siya dito,
Napansin ko ang pananahimik niya,
"Binenta kasi ako ng tiyuhin ko sa hindi ko Kilala na tao para mag benta ng katawan"
Napatingin ako sa kanya dahil nakita ko na iiyak na siya,
"Buti na lang nakatakas ako sakto naman na dumaan ang sasakyan ni kuya Rex at tinulungan niya ako"
Umiiyak pa rin na sabi niya, Nakaramdam ako ng awa sa kanya,
Para ko na din nakita si Karen sa kanya,
Naiyak na din ako dahil naalala ko na naman silang tatlo lalo na si karen,
Hahanapin ko kayo pangako kung kailangan gamitin ko ang katawan ko gagawin ko!
Bulong ko sa sarili ko habang yakap parin si tessa na umiiyak,
Nang mahimas masan na si tessa bumalik na kami sa loob,
Nalaman ko din sa kanya na hindi Basta basta makakalabas sa bahay na ito ng wala kang identity finger,
Dahil bukod daw sa mga taong pinag kakatiwalaan sa loob ng bahay sila lang daw ang nakakalabas masok sa loob ng malaking bahay na ito,
Kahit daw sila ni Nanay ay wala daw Identify finger para makalabas sa malaking bahay,
Kailangan pa daw ipaalam sa isang nakakataas na bantay sa labas kung kailangan nila lumabas,
Nadismaya ako sa bagay na iyon wala nga nagbabantay sa akin sa loob ng malaking bahay pero secured naman ang lahat ng puwede kong labasan,
Relax lang Madison bulong ko ulit,
Pagdating ng Hapunan kumain kami nila Nanay at tessa nang sabay sabay,
Pero bago iyon meron ako nakita na pumasok sa loob nang kusina para kumuha ng mga pagkain nila,
Napatingin sa akin si Nanay kasi nakita niya na sinundan ko nang tingin yung lalaki na may mga dala na pagkain,
"Sila ang mga Personal Security dito iha"
Napatingin ako kay Nanay hindi ko alam bakit nasabi niya iyon siguro nakita niya na sinundan ko iyon ng tingin,
Kailangan ko talagang mag ingat pa!
Pagkatapos kumain hinatid na ako ni tessa sa kuwarto para mag pahinga,
Inaaya ko siyang samahan ako pero ayaw niya dahil kailangan daw may katabi si Nanay dahil binabangungot daw ito pag natutulog,
Kaya wala na ako nagawa, Pagkaligo ko kumuha ako ng damit pantulog na terno na nakita ko sa malaking aparador,
Pagkatuyo nang buhok ko nahiga ako pinilit ko maging komportable dahil kailangan ko makapag isip para makawala sa sitwasyon na ito,
Pinatay ko ang mga ilaw dahil hindi ako sanay nang bukas ang ilaw pag matutulog,
Binuksan ko lang ang isang maliit na ilaw sa kisame kung Saan may konting liwanag,
Dahil siguro sa sobrang lambot ng higaan ko at sa lamig ng aircon agad ako nakatulog,
Ang Sarap ng Pakiramdam ko nang unti unti akong magising alam ko na nasa malambot parin ako na higaan,
Pero dahil nakatagilid ako ramdam ko ang isang kamay ko na nakapatong sa isang bagay na matigas at nakaumbok,
Nanlalaki ang mata ko sa gulat,
Dahil yung dalawang paa niya ay naka puwesto sa bandang ulunan ko at naka brief lang siya,
Pagtingin ko sa bandang baba ng kama sa paanan ko nakita ko ang isang lalaki na nakahiga,
Dahil sa gulat at galit sa nakita ko,
Kinuha ko ang unan at pinagpapalo ang matigas na bahagi sa gitnang hita niya na nahawakan ko habang tulog,
"Bwisit kang hayop ka!!! Napaka bastos mo!!"
Patuloy na sigaw ko habang walang tigil ang pag palo ko sa p*********i niya...