Rex Cordell

1084 Words
Bastos ka!!! bastos ka!!! Walang tigil ang pagpalo ko sa nakatambad na p*********i niya, "Ouchh shiiit!!!" Narinig ko na sigaw niya at mabilis na tumayo, Nagmamadali siyang buksan ang mga ilaw kaya nagliwanag ang buong kuwarto, Para pa siyang nagulat nung makita ako, Napagmadan ko ang kabuuan niya kahit naiinis akong tignan siya dahil naka brief lang siya, Maputi siya guwapo Matikas ang katawan yung gupit niya may pagka bad boy pero bumagay naman sa kanya, Kahit gulo gulo ang buhok niya dahil sa kagigising lang niya ang lakas pa din ng dating niya, Nahinto lang ang pagtitig ko sa kanya ng bumukas Ang pinto at pumasok si tessa na nagmamadali, "Bakit po kuya M.. este kuya Rex?" Narinig ko na tanong ni tessa, Nagulat ako paanong nalaman agad ni tessa na may nangyari dito sa loob. Napatingin ako sa kamay nung lalaki na pinalo ko kanina dahil nakadiin pa din ang palad niya sa may kulay pula na button sa glass wall, Napatingin din sa akin si Tessa na nagtataka, "Sino yang bastos na yan tessa?" Galit na tanong ko sa kanya, nakita ko na inabot niya ang pantalon sa lalaking bastos na nakatingin pa din sa akin, Tumingin sa akin si tessa na nalilito, "E Ate Madison siya po si M.." Bigla siyang inakbayan nung lalaki na nakapantalon na, "Ako si Rex" Matipid na sagot niya, Napaisip akong bigla kung siya yung Rex na lagi kong naririnig kay tessa ibig sabihin isa siya sa tauhan nung master nila, "Bakit dito ka natutulog sa tabi ko!!!!? Galit na sigaw ko sa kanya, "Paumanhin nagkamali ako ng pinasukan na kuwarto" Ngiting sagot niya sa akin, Tinignan ko siya nang masama, "Hindi kaba tagarito para mag kamali ng papasukan na kuwarto?!!" Sigaw ko pa din sa kanya, Nakita ko ang pagkalito ng mata ni tessa, "Eh ate kasi po.." Sagot sana ni tessa, "Dito din kasi ako madalas matulog pag wala si Master kaya nasanay na ako" Nakangiti pa din niya na sagot, Napapansin ko pa sa kanya ang madalas na pagtingin niya sa kabuuan ko, Dahil siguro nakatingala sila sa akin dahil nakatayo ako sa kama at may hawak na unan na kanina ay gamit ko sa pagpalo sa kanya, "Sige lalabas na ako" Nakangiti niyang paalam pero bago siya tumalikod may ibinulong siya kay tessa, Nakita ko ang pasimple ngiti ni tessa, "Anong binulong niya sayo'?" Tanong ko kay tessa, Nag alangan pa ito na sabihin sa akin, Napakamot ito sa buhok niya, "E kasi inaakit mo daw siya e" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tessa, "Anoo??? ang kapal ng mukha niya ako pa ang mang aakit sa kanya?!!" Napasigaw kong sagot kay tessa habang nakatayo pa din sa ibabaw nang kama, "Ang ibig niyang sabihin ate' kasi yung suot mo at yung itsura mo?" Sagot niya sa akin at ngumuso paturo ang kabuuan ko, Pinagmasdan ko ang Sarili ko, Nakaterno ako na spaghetti strap na crop tops at maikling short, Wala akong suot na bra kaya bakas ang malaman na dibdib ko, Dahil na din maluwag ang style ng croptops nakalaylay ang isang strap ng damit ko para malantad ang kalahating pisngi ng didbdib ko, Napaupo akong bigla sa kama dahil sa pagkagulat sa itsura ko, Lumapit sa akin si tessa ng nakangiti, "Kasi naman ate kahit ano talaga suotin mo para kang diyosa sa kagandahan at isama pa iyang maganda mong katawan" Nakangiti niyang sabi sa akin, "Ano ba ginawa mo kay kuya Rex? biglang tumawag na emergency alarm?" Nagtataka na tanong ni tessa, Napataas ang kilay ko duon diba dapat ako ang gumawa ng ginawa niya dahil nagulat ako pagkagising ko may katabi ako na lalaki? bulong ko na lang, "Pinagpapalo ko siya ng unan dahil nagulat ako may katabi na ako dito" Sagot ko na lang sa kanya, Nahalata ko ang tingin ni tessa na seryoso, "Ate Madison diba dapat masanay kana kasi mangyayari naman talaga na magkatabi na kayo ni Master sa higaan?" Sabi pa din niya, Nakalimutan ko ang bagay na iyon, darating nga pala ang panahon na makakatabi ko sa higaan yung Master na sinasabi niya, Kinilabutan ako sa isipin na iyon, Pero iba pa din yung kanina dahil hindi naman siya yung Master ninyo, Gusto ko Sana isagot sa kanya, pero sinarili ko na lang, "Tessa bakit hindi ko nga pala nakikita pa din yung Master ninyo? Tanong ko na lang sa kanya. "Si Kuya Rex na lang po ang tanungin mo ate' kasi sa kanya po pinag katiwala lahat ni master" Sagot niya sa akin, Iniwan na ako ni tessa sa kuwarto pero nagbilin muna siya mag ayos na ako at hihintayin na lang niya ako sa labas para sa agahan, Kumuha lang ako ng simpleng dress na naka hanger at panloob, Pumasok na ako ng banyo para maligo, Pagkatapos ko maligo nagsuklay lang ako, kahit basa pa buhok ko lumabas na ako ng kuwarto, Pagkadating ko sa dine in area nanduon na si Nanay na nag aayos ng agahan at si tessa, Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni tessa, "Nasaan na si Rex bakit hindi pa bumababa?" Narinig ko na tanong ni Nanay, Nainis na naman ako nung marinig ko ang pangalan na Rex! yung bastos na Rex! "Hi Good morning" Narinig ko na may nagsalita galing sa pintuan palapit sa amin, Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti, Inirapan ko siya' pero Kung tutuusin gusto ko pa pag masdan ang itsura niya dahil bagong paligo din siya', Parang meron siyang hawig na Korean actor pero hindi ko pa matignan maiigi dahil naaasiwa akong pag masdan siya', Naupo siya sa harapan namin ni tessa at hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng senyas niya kay tessa at kindat, Hambog talaga sa isip isip ko, "Hi ako nga pala si Rex Cordell" Lahad ng palad niya sa harapan ko, Tinaasan ko siya ng kilay, "Sinabi mo na ang pangalan mo kanina Diba?" Pag tataray na sagot ko sa kanya, Hindi niya pinansin ang pagtataray ko, "Mas gusto ko mag pakilala ng maayos sa iyo" Nakangiti niya parin na sabi habang hindi inaalis ang palad niya sa harapan ko, Kaya dahil duon napag masdan ko ang mukha niya, Hawig nga siya ni Lee min-ho Pero yung style niya bad boy good looking, Hindi ko alam parang kusa umangat ang isang palad ko para tanggapin ang pakikipag kamay niya, Naramdaman ko ang paghigpit ng pisil niya sa palad ko, "Madison" Matipid na sagot ko, "I know..." Parang narinig ko na bulong niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD