"Hayaan mo muna po sayo mam at sabihin ko na lang kay Ka Gani na sayo ang naiwan niyang relo sa batuhan." si Ka Lota ng iwan na niya si Laila sa tapat ng bahay nito.
"Sige po Ka Lota. Salamat din po pala sa pagsama nyo sa akin, sa susunod na linggo po ulit." paalam ni Laila.
Pakiramdam ni Laila ay taga duon na din siya at kasama na talaga ng mga rebelde. Madali niyang nakasanayan ang buhay sa kabundukan. Naisip niyang wala din siyang ibang pagpipilian at ayaw na din niyang bilangin ang mga araw na ilalagi pa nya duon dahil mas magiging matagal ito para sa kanya. Subalit andun pa din ang kanyang pag alala sa anumang masamang mangyayari sa kanya duon. Pinanghahawakan na lamang niya ang salita ng mga tao dun na hindi siya pababayaan at poprotektahan siya anuman ang mangyari. Lagi na lang niyang pinagdarasal na sana ay hindi masyadong mag alala sa kanya ang mga mahal niya sa buhay lalo na ang ate niya at ang boyfriend niyang si Rigor.
Nakakaramdam din siya ng accomplishment sa naging misyon niya sa kanyang kinasadlakan. Marunong ng bumasa ang mga batang kanyang tinuruan kahit na hindi pa ito ganun kabilis bumasa. Masarap din pala ang simpleng buhay na ganun sa loob loob niya. Walang masyadong iniisip na problema. Simpleng pamumuhay, walang kompetisyon sa kapwa, walang pataasan o payabangan. Walang ingay na nanggagaling sa mga kapitbahay na nagpapatugtog ng malalakas. Walang trapik. walang usok ng sasakyan. Subalit ang mga kasama niya ay mga rebelde na hinahanap ng mga may kapangyarihan. Patuloy siya sa pagsusuklay ng buhok ng may kumatok.
"Mam si Isagani po ito."
"Pasok ka Isagani."
"Nasa inyo daw po yung relo kong naiwan sa batisan?"
"Oo eto oh."
"Nakaabala ba ko mam? Maaari bang umupo muna at maki kape?"
"Ay oo sige pagtimpla kita."
"Ako na lang po mam. Hindi ka masarap magtimpla eh."
"hmmp. ade wag."
"Biro lang mam, tuloy nyo lang po pagsusuklay. Wala ka palang salamin dito mam, bakit hindi mo sinasabi. Hindi kasi ko nagsasalamin eh. Tiwala naman kasi ko lagi sa mukhang ito." sabay lagay ng hinlalaki at hintuturo ni isagani sa ilalim ng baba nya at kumindat kay Laila.
"Yabang mo naman."
"O sige na nga pangit na ko. Pangit naman talaga ko. Nanay ko lang nagsasabing pogi ako."
"hahaha. May pagka komedyante ka din noh Isagani."
"Para mapalagay mam ang loob mo sakin.. saming lahat dito.."
"Nasanay na ko Isagani. Saka nga pala may maliit naman akong salamin galing sa pinaggamitan kong press powder."
"Pabibili kita mam kapag may nagpunta ng kabayanan."
"Ikaw bahala.samahan mo na tuloy ng pulbos."
"Ilang sako mam?"
"Isagani ha. Espasol ba ko at ibibilot mo sa polbo?"
"Hahaha. Alam mo pala ang espasol noh."
"Oo naman, sarap kaya nun."
Tumikim muna si Isagani ng kape saka muling nagsalita.
"Hindi ka ba naiinip dito mam?"
"Yung totoo ba?"
"Hindi mam. Magsinungaling ka, yung hindi totoo isagot mo sakin."
"hmmp.. Yung totoo isagani, hindi inip ang nararamdaman ko. Oo nung una naiinip ako dahil alam kong may mga taong naghahanap sa akin, mga taong lagi kong nakikita araw araw. Yung ate ko, yung mga pamangkin ko, yung mga co teachers ko, yung mga estudyante ko.. saka yung boyfriend ko... pero ngayon hindi na. Saka alam mo, parang kahit sinasabi nyo na protektado ko, hindi mawawala sa akin yung pangamba."
Nagkibit balikat at lumabi si Isagani.
"Hindi ko naman maiialis sa yo yang nararamdaman mo. Siguro kung ako din ang nasa katayuan mo baka ganun din ang maramdaman ko."
"Sana hindi na lang kayo naging rebelde.Sana pangkaraniwang tao na lang kayo para wala na ang pangamba ko."
"De wala din kami dito kung hindi kami naging rebelde."
"Ay oo nga noh.. pero ang ibig kong sabihin, kung hindi kayo rebelde, ang sarap mamuhay din ng ganito. Basta masipag ka lang dito eh hindi ka magugutom."
"Dapat naman talaga eh walang nagugutom na pilipino. Kung hindi dahil sa kabuktutan at maling sistema ng gobyerno natin."
Hindi agad tinugunan ni Laila ang sinabi ni Isagani dahil alam niyang maraming baon na pangangatwiran si Isagani at mauuwi lang sila sa pagdedebate.
"Bakit natahimik ka? Ano iniisip mo?o... sino iniisip mo? Boyfriend mo?" tanong ni Isagani.
"Hindi naman."
"Maaari ko bang malaman pangalan niya?"
"Rigor.. Rigor Ramirez."
"Pangalang pang mayaman ah."
"Hindi mayaman si Rigor.. actually galing talaga siya sa kahirapan.. as in sobrang hirap."
"Kwento ka naman kung okey lang."
"Kinukwento sa akin ni Rigor ang naging buhay niya. Labandera ang nanay niya at wala na siyang tatay grade six pa lang daw siya tapus may kapatid siyang dalawa na malaki ang agwat sa kanya mas bata bale sa kanya. Consistent first honor siya kaya scholar siya nung high school.p Pero kahit nga scholar siya, problema pa din niya ang baon niya sa eskwelahan. Minsan nga daw nilalakad lang niya mula kanila hanggang paaralan. Nabubully pa din daw siya nuon. Pero gaya ng elementary, lagi din siyang first honor."
"Matalino pala boyfriend mo. Tapos.."
"Tapos nun, nung nag college na siya, state university pinasukan niya, kayod kalabaw daw ang ginagawa ng Nanay niya. Laba dito laba duon, tinda ng kung anu ano para lang may pambaon siya araw araw. Minsan nga daw pamasahe lang ang baon niya, buti na lang daw may naging kaibigan daw siya na mayaman na lagi siyang nililibre. Saka kahit daw sa mga project pag wala siyang pera yung kaibigan niya ang nagpapaluwal." kwento ni Laila.
"Bait naman nung kaibigan ng boyfriend mo. Ano daw pangalan?"
"Hindi naman niya nabanggit na sakin. Bakit naman tinatanong mo pa?"
"Maganda kasi pag nagkukwento ka, may mga pangalan yung bawat character."
"Asus, may ganun pa talaga?"
"Oo naman, o tapus anu na nangyari?"
"Sa kasamaang palad daw, hindi na talaga kinaya ng Nanay niya ang pagsuporta sa kanya kaya napilitan na siyang mag drop. Tapos kaya napilitan na din siyang mag drop dahil unang nag drop yung kaibigan niya dahil nagkaroon yata ng problema sa mga professor. Hindi ko na masyadong maalala yung kwento niya na yun eh. Tapos.. sige humigop ka muna ng kape mo at kanina pa nakaumang na iinumin mo baka lumamig na.haha."
Humigop ng kape si Isagani.
"Sige tuloy mo lang nakikinig naman ako eh."
"Dahil nga matalino, malakas ang loob niya na mag apply ng mga trabaho. Marami siyang naging trabaho, naging clerk, naging data encoder, nag customer service hanggang sa naging ahente ng insurance. Naalala ko pa tuloy akala namin kung sino, lunch break namin sa faculty ng biglang pumasok at hinahanap ang principal namin. Nun pala, hihingi daw siya kahit 30 mins para mag alok ng insurance. Napakabilis magsalita pero naiintindihan naman namin. Magaling siyang magsalita, kung may pera ka rin lang makukumbinse ka talaga niya na kumuha sa kanya ng insurance."
"Paano ka naman niya niligawan i mean paano kayo nagkaroon ng communication.?"
"Nagulat ako same day nung nagpunta siya ng school, labasan namin nakita ko sya sa may gate. Tapos inapproach niya ko. Akala ko naman aalukin ulit ako ng insurance. Ayun nagpakilala sa akin ng personal, since gentleman naman siya, kaya nagpakilala din ako. Madalas niyang gawin na hintayin ako. Nagyayayang mag snack. Hanggang sa nagkakatext na kami. Then umakyat na ng ligaw sa bahay nila ate ko. Madali naman niyang nakasundo si ate kasi nga magaling magsalita yun. haha. Saka mabait naman, hanggang sa sinagot ko na. Ayun."
"Ganda pala ng love story mo mam. Saka masyadong ma adventure ang buhay ng boyfriend mo."
"Pero sa tingin ko mam swerte ang boyfriend mo sayo."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Si mam naman pa humble pa. Mala-Ryza Zenon ang beauty mo kaya. Tapos matalino din, mabait pa, hindi ko lang alam kung mamboboso."
"Ano sabi mo Isagani?"
"Ah wala po mam."
"Narinig ko yun.Isagani hindi kita binosohan ha. Naligaw talaga ko kanina."
"Nagbibiro lang ako mam. Saan naman po kayo nakarating kung naligaw kayo?"
"Dun.. dun.."
"San po dun mam? Sa mga batuhan po ba mam?"
Alam ni Laila na namumula na siya dahil wala siyang maisagot. Nag galit galitan na lamang siya.
"Isagani ayoko ng ganyang biro ha. Pinagbibintangan mo ko." sabay pihit ng katawan nito upang tumingin sa ibang direksyon.
"Si mam naman, nagbibiro lang talaga ko. Naniniwala naman po ako sa sinabi nyo. Gusto lang kita patawanin."
"Hindi ako natatawa."
"Huuy tatawa na yan.."
Inaakma akma ni Isagani na sundutin sa tagiliran si Laila.
"Tatawa na yan oh.. tatawa na si mam."
Tumayo si Isagani at humawak sa kanyang bewang.
"Mam paano na nga yung pagkembot, ganito ba?Tingnan mo naman ako. one two three four five six seven eight.."pilit binabale ni Isagani ang kanyang bewang sa pagkembot."eight seven six five four three two one."
"Ayan oh natatawa ka na mam oh. Hahaha."
Tuluyan na ngang natawa si Laila dahil na rin sa pagkembot ni Isagani na sadyang napakatigas ng katawan at hindi nito mabale ang balakang para makakembot.
"Puro ka kalokohan ha Isagani. Teka nga pala, puro ako lang kwento ng kwento. Ikaw naman ang magkwento.. kahit ano.. love life mo.. family mo.. o kung paano ka napasama dito."
"Wala kasing masyadong thrill ang buhay ko eh. Hindi pa ko nakaka experience ng true love. Girlfriend, marami kong naging girlfriend nung high school pero pasaglit saglit lang. Para kasing nung high school ako pag nakita kong maraming nagka crush sa babae, nakikipagsabayan ako. Liligawan ko din, then pag sinagot na ko, parang wala ng thrill. Saka bata pa kasi ko nun. Parang mga puppy love lang. Nung college, dun ako nagsimulang maging aktibista. Hindi ko na inisip mag girlfriend. Alam mo mam, kung iisa isahin ko sayo ang mga dahilan ng pagsama ko sa ganitong samahan eh aabutin pa tayo ng kinabukasan."
"Wala kang planong mag asawa?" tanong ni Laila.
"Tinatanong ko din sa sarili ko yan Mam. Gusto ko siempre mag asawa, gusto kong magka anak.. maraming anak. Kaso paano mangyayari yun eh girlfriend nga wala ako."
"Yun ang point ko Isagani, paano ka magkaka girlfriend kung andito ka lang palagi.. kung palagi ka lang nagtatago. Pumunta ka man ng kabayanan ay panandalian lang, kung may kailangan ka lang. Paano mo naman makikita ang magiging girlfriend mo. Kamukha mo pa naman si Richard Gutierrez medyo paitimin lang ng konti si Richard.
"Naku si mam oh ako naman ang binobola. Sinabi ko lang na kahawig niya si RyZa Zenon tapos ako naman ang gagantihan na kamukha naman ni Richard Gutierrez."
"Haha. Ano ka ba Isagani, hindi mo ko gaya na mambobola noh. Totoo nga. Kaya nga lang, isipin mo Richard Gutierrez ha, o tapos paitimin mo parang balat ni Rocco Nacino.. oh ayun.. perfect.. yun tama yung combination na sinabi ko."
"Naku ewan ko sayo mam. Niloloko mo na lang ako eh."
"Seriously, Isagani paano nga?"
"Hindi ko alam Mam eh bahala na kung magiging matandang binata ako, so be it. Pero kung mag kaka asawa ako, unang unang magugustuhan ko sa kanya ay ang paniniwala niya sa saloobin ko. Yun bang iisa ang aming isip. Na magkakasundo kami pagdating sa prinsipyo sa buhay. Kahit hindi siya ganun kaganda.. kahit hindi sexy.. kahit hindi maputi.. pero dapat mabait saka masarap magluto.. o di ba simple lang hanap ko sa isang babae."
"Bilis ng oras mam oh. Pasilim na pala. Tatawag na ng hapunan mga kasama natin niyan. Sige iwan muna kita mam ng mapahinga ka."paalam ni Isagani.
"Sige Isagani. Salamat sa pakikipagkwentuhan mo." si Laila
"Basta naiinip ka Mam, call me, i'll be there. hehe. Bye."
Matapus ayusin ang mga gagamitin sa pagtuturo kinabukasan ay kusa ng lumabas si Laila para pumunta sa hapag para sa hapunan. Hindi na niya hinihintay na may tumawag pa sa kanya at kabisado na niya ang bawat oras ng pagkain.
Nang makuha na niya ang kanyang pagkain at nakapwesto na sa mesa, ay nilinga niya ang mga taong nakapaligid pero hindi pa niya natatanawan si Isagani. Ngayon lamang niya napansin ito na hindi sumabay sa pagkain. Hindi lang ito nakakasabay kung ito ay may lakad sa kapatagan o kung may mga gawain o pagpupulong sila. Sinimulan na ni Laila ang pagkain ng matanawan niyang parating si Isagani. Siya na unang bumati dito.
"Tara na Isagani kain na." tiningnan lang siya nito at hindi siya sinagot. Nakitaan niya ng may katigasan sa boses nito.
"Kumander, mawalang galang na po. Maaari po ba akong humingi ng biglaang pagpupulong mamaya mga alas otso. May mahalaga lamang po sana kong banaggitin." si Isagani.
"Sige Ka Gani halika at kumain ka na." sagot ni Kumander Balag
"Busog pa po ako at katatapos ko lang po magkape. Maiwan ko po muna kayo." paalam ni Isagani.
Napansin ni Laila na mukhang may tinitimping galit sa boses ni Isagani pero pinipilit pa din nitong magalang sa nakakataas sa kanya. Na curious si Laila sa sinasabing pagpupulungan nila. Kani kanina lang ay nakikipag biruan pa ito sa kanya, ngayon ay biglang nabago ang mood nito.
"Ang mga may katungkulan lamang ang kasama sa pagpupulong." pahabol ni Kumander bago ito tumayo matapos kumain.
Nagkaroon ng mga pinagbubulungan ang mga kababaihang naiwan sa hapag. Sa tantiya ni Laila ay ang tungkol sa pagpupulungan ang pinag bubulungan ng mga ito. Hindi na niya binalak magtanong dahil malalaman din niya yun kay Isagani. Pagakatapos niyang kumain ay bumalik na din siya sa kanyang bahay at nag toothbrush. Habang may kaunti pang liwanag ay binuksan niya ang kanyang lesson plan para tingnan ang kanyang mga ituturo kinabukasan. Nais pa sana niyang magsulat subalit nahihirapan na siya sa gaserang nakatabi sa kanyang notebook na pinagsusulatan kaya't minabuti na lamang niyang iligpit yun at mahiga na.
"Ano ang nais mong pag usapan natin Ka gani?" pagbukas ni Kumander Balag sa pagpupulong.
"Nakarating sa akin ang balitang pananakot at pangongotong sa ilang mga tindera sa palengke ng ilan nating kasamahan." pagsisimula ni Isagani.
"Ano gusto mong sabihin Ka gani magpatuloy ka." si Kumander Balag
"Paano kung may masaktan kayong sibilyan? Na wala namang kinalaman sa ating pinaglalaban. Bakit kailangan pa nating mangotong, nagkukulang ba ang ating pondo kumander?"
"Baka naman ipinagmamalaki ni Ka Gani ang naipasok niyang pera Kumander?" si Ka Lando ang sumagot na isa sa mga council ng samahan.
"Ka Lando, hindi ko pinagmamalaki yun, at kahit kelan hindi ako nakipag argumento tungkol sa pera. Ang pinupunto ko dito ay bakit kailangan pang mangotong at manakot sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril?" mariing sagot ni Isagani
"Ka gani, isa itong estratehiya upang mapansin ng gobyerno ang ating samahan dahil hindi sila gumagawa ng kahit anong hakbang para sa kapakanan natin?" sagot ni kumander balag.
"Kumander, marami pang paraan para bulabugin natin ang gobyerno. Ang ginawa nating pagpapapansin ay mas magiging mainit lamang ang mga mata sa atin ng gobyerno. Mas lalo nila tayong titiisin at pagsusungitan. lalo't higit tayong lilipulin." konkretong pananalita ni Isagani.
"Alam ko ang pinupunto mo Ka Gani. Maaaring tama ang pananakot pero ingatan na may masaktan na sibilyan. Hanggat tayo ay may kinakain ay iwasan ang pangongotong. Sa pamamagitan ng pananakot, magsusumbong tiyak ang mga taong bayan sa awtoridad.. para lang nating kinakalabit ang pangulo sa ginhawa natin." pagbibigay katwiran ni Kumander Balag.
"Marami ng nabawas sa ating samahan at hindi pa ganuon kalakas ang pwersa natin para gumawa na naman tayo ng isang bagay na tayo din ang mapapahamak. Baka naman maaaring isangguni muna natin ang mga ganitong hakbangin bago gawin
.. mungkahi ko lang kumander." si Isagani.
"Mungkahi mo o mungkahi ng teacher mo?" si Ka Lando muli ang sumingit.
"Ka Lando, walang kinalaman ni katiting si Mam Laila sa nga sinasabi ko. At ni minsan hindi namin pinag uusapan ang tungkol sa ating samahan dahil alam din niya ang mga limitasyon niya." si Isagani
"Kung hindi nyo napag uusapan, ano mga pinag uusapan nyo sa madalas niyong pagkwentuhan ha Ka Gani?" tanong muli ni Ka Lando
Nakamasid lamang si Kumander sa bawat nagsasalita at mataan siyang nakikinig.
"Nililibang ko lang si Mam Laila. Ka Lando alam mo ang sitwasyon ng teacher na yun dito sa samahan natin at uulitin ko Ka lando ako ang may hinaing dito sa pagpupulong na ito at wag mo idamay dito sa usapang ito ang teacher." matigas na salita ni Isagani.
"Hindi ganuon kadaling humanap ng malilipatan. Kung tayo ay aatakihin ng mga sundalo dito baka hindi pa kayanin ng pwersa natin. Marami pa tayong sinasanay sa pakikidigma. Napakalapit ng ginawang pangongotong at pananakot. Ilang bayan lang mula dito.. at itong kinalalagyan natin ang maaaring isipin ng pamahalaan na pinagtataguan natin. Alalahanin natin na ang iba sa atin ay kasama ang buong pamilya. Maraming bata, mga kababaihan. Ano ang magiging laban nila?" pagpapatuloy ni Isagani.
"Nakuha ko na ang ibig mong sabihin Ka gani." muling salita ni Kumander Balag.
"Ako ang may utos na gawin ang mga bagay na yun. Ipagpaumanhin mo Ka Gani. Aaminin kong may pagkakamali ako dun. Naunahan ako ng galit sa hindi nila pagpansin sa kahilingan kong palayain nila ang iba nating kasama, lalo na ang aking kapatid. Sasagutin pa nila na dapat daw ay sumuko tayo lahat at bibigyan tayo ng magandang buhay ng gobyerno. Ano tayo? uto-uto? Hindi tayo tangang gaya nila.?" salaysay ni Kumander Balag
"Sang ayon ako diyan sa sinasabi mo kumander." si Isagani.
"Simula ngayon, bawat hakbangin ay dadaanin natin sa pagpupulong. Lahat ay malayang magbigay ng kanya kanyang opinyon. Hindi tayo dapat ang nagtatalo talo dahil hindi tayo ang magkakalaban.Dapat nagkakaisa ang ating mga hangarin at adhikain. Muli humihingi ako ng paumanhin Ka Gani." pagpapatuloy ni Kumander Balag.
"Walang anuman kumander." si Isagani
"Ka lando may sasabihin ka pa ba?" tanong ni Kumander
"Wala na po kumander." sagot ni Ka Lando.
"Ikaw Ka Lota?"
"Wala po kumander."
"Ka Ester"
"Wala Kumander"
"Ka Dindo"
"Wala na po kumander"
"Inaasahan ko ang lagi nyong pakikiisa. Kung may mga saloobin kayo ay sasabihin nyo agad sa kapulungan upang pag usapan. Sana ay maliwanag ang lahat ng sinabi ko."
"Sige na magpahinga na kayo at tapos na ang pagpupulong na to" pagtatapos ni Kumander Balag.
Lihim na may inggit si Ka Lando kay Isagani dahil laging pinapaboran ni Kumander Balag ang mga panukala at suhestiyon ni Isagani gayong mas nauna siyang miyembro ng samahan. Ang hindi alam ni Isagani ay lihim na minamatyagan ni Ka Lando ang bawat kilos niya lalong lalo na ang pagiging malapit nito sa teacher na si Mam Laila.