CHAPTER 9

3306 Words
"Twenty plus twenty?" tanong ni Laila habang hawak ang kanyang ginawang flashcards. "Mam, mam, mam." Halos sabay sabay naman na nagtataasan ng kamay ang mga bata. "O sige ikaw Carlo." ang siyang napili ni Laila na sumagot. "Mam 40 po." sagot naman ni Carlo. "Very good. Oh etong prize mo." sabay abot ng isang supot ng yelo na may mga laman na anim na candy. "Ganyan nga mga bata, dapat lagi kayong mag aaral para pag nagtanong ako ay alam nyo ang isasagot. So,mathematics pa din ang subject natin mamaya ha. Okey let us pray." si Laila. Pauwe si Laila ng bahay ng makasalubong niya si Isagani. "Okey ka na ba?" bungad na tanong ni Laila kay Isagani. "Anong okey? Okey naman ako lagi ah." sagot ni Isagani. "Iba mood mo kagabi eh. Tara magkape ka muna sa bahay." yaya ni Laila. Dahil sa wala namang gagawin ay sumama si Isagani kay Laila sa bahay nito na ilang hakbang lang naman ang layo mula sa kanilang pinag aaralan. "Mukhang mainit ang ulo mo kagabi kasi" bungad ni Laila pagkapasok ng bahay. "May konti lang pinag usapan" sagot naman ni Isagani habang nagtitimpla na ito ng kape. "Mukhang masyadong seryoso ka at hindi ka na talaga kumain kagabi ah." "Diet ako. Para hindi ako magka tiyan kaya ndi ako kumain." "Puro ka kalokohan isagani." "Alam mo Mam Laila, kung sa isa ngang pamilya nagkakaroon minsan ng hindi pagkakaunawaan kami pa kaya." "Ano ba kasi yun." "Galit ako sa maling sistema Mam Laila. Kapag galit ka sa isang bagay, natural ayaw mong nakikita ito na ginagawa ng mga kasama mo." sagot ni Isagani. "H-hindi ko pa din gets Isagani." sagot naman ni Laila. Bahagyang lumapit si Isagani kay Laila upang marinig nito ang sasabihin kahit sa mahina ang gawin niyang boses. "Okey, ganito na kami, alam mo ibig kong sabihin pero nabalitaan ko dyan sa kalapit bayan malapit sa paanan ng bundok ay may mga kasamahan kaming nangongotong sa palengke at mga nagpapaputok pa ng baril. Makinig ka Mam Laila, alam ko na ang iisipin mo. Na sa ganuong pamamaraan nanggagaling ang kinakain namin dito at pinanggagastos sa ibang bagay, tama di ba?" Tumango tango ng bahagya si Laila. Pwede kong sabihing oo at pwede din hindi. Mahabang paliwanagan eh. Ibig kong sabihin eh hindi duon sa mga maliliit na tao din na isang kahig isang tuka din.. na mahigpit din ang pangangailangan sa pera.. at malapit lang din sa kabundukan ang ginawa nila. Hindi sa tinatakot kita pero hindi nila naisip ang epekto ng ginawa nila na yun. Madali kaming matutunton ng pamahalaan sa ginawa nila." "Naiintindihan ko." "Hindi mo pa mam lubusang maiintidihan. Hindi ko na dapat sinasabi sa yo ang ganitong bagay. Pati nga ang pagpunta ko dito sayo at pagkukwentuhan natin ay ginagawan pa ng isyu ng isa naming kasama." "Ha? Bakit ano sinasabi?" "Wag mo ng intindihin yun. May inggitero din sa samahan na to. Alam mo Mam,wala namang perpekto. Iba iba ugali ng tao at merun dito nun o kahit saan naman yatang samahan eh merong ganun." "Sabagay." "Saka pag nailabas ko na ang kinikimkim ko at lumuwag na kalooban ko eh wala na sa kin yun." "Kelan ka ulit pupunta ng kabayanan Isagani?" tanong ni Laila. "Wala pang plano Mam eh. Bakit may mahalaga ka bang ipapabili?" sagot ni Isagani. "Sige saka na lang." "Sabihin mo na mam lalo na kapag sa pagtuturo kailangan eh madali namang maglakad." "Kartolina sana saka pentel pen. Gagawa pa ko ng flash cards eh. Saka candy pa ulit sana. Ganado mga batang mag aral dahil sa reward na binibigay ko. Kakatuwa talaga mga bata sa kendi. Naaalala ko tuloy, may mga estudyante ko na pinapangakuan ng mga kung anu anung gamit o laruan ng mga nanay nila para lang mag aral ng mabuti. Kahit public school yun marami ding may kaya. Elementary pa lang may cellphone na agad yung ibang bata." "Ah sige yun lang pala  naalala ko tuloy may mahalaga nga pala kong bibilhin muntik ng mawala ko sa loob ko." napatapik pa sa noo si Isagani pagka alala ng kailangan niyang bilhin sa bayan. "sige na mam at may mga tsismoso din at tsismosa dito. Daanan ko na lang mamaya yung listahan ng bibilhin mo." paalam ni Isagani. "Salamat Isagani." Hindi na namamalayan ni Laila ang mga araw na dumadaan. Hindi na din niya inaalam ang petsa dahil ayaw niyang magbilang. Ang goal niya ay mapabilis niya ang pagtuturo sa mga bata at nagbabaka sakali siyang mas maaga siyang palayain ng mga rebeldeng kanyang kasama ngayon. Pakiramdam niya nga ay mabilis ang mga araw na dumadaan at hindi na siya nagkakaroon ng puwang sa pag iisip ng mga negatibo o malulungkot na bagay dahil wala ding maidudulot na maganda sa kanya yun at maaari pang makaapekto sa kanyang pagtuturo sa mga bata. Matapos daanan nung gabi na yun ni Isagani ang mga habilin niya, ay natulog na si Laila. Kahit paano ay may ideya na siya kung saan nanggagaling ang mga pinanggagastos nila duon pero sabi nga ni Isagani, hindi naman lagi o sa lahat ng pagkakataon. Gaya ng mga nakakaraang araw ay nakikita na niya na mga nakaupo na ang kanyang mga estudyante pag padating na siya. Maaga ang mga ito at kinakikitaan nya lagi ng interes sa pag aaral kaya tinutumbasan din niya ang sipag ng mga bata. "Okey good morning class." "Good morning mam." "Let us pray. Tayo muna lahat." Pagkatapos magdasal ay may napansin si Laila. Nung bumati pa lamang siya ng good morning ay napansin niya na mahina ang sagot ng klase niya at ngayon ay kumpirmado niya na marami ang wala sa kanyang mga tinuturuan. Hindi sana niya mapapansin kung isa o dalawa lang ang wala pero halos kalahati ng klase niya ay wala. "Teka, first time yata ito.Bakit ang dami yatang absent ngayon?" Walang kumikibo isa man sa mga bata at mga nakatingin lamang ito sa kanya at pawang mga nakangiti. "Wala bang makakapagsabi kung bakit wala sila dito? Saka bakit parang ang sasaya nyo pa?" Pagkatanong niya nuon ay isa isang naglabasan ang mga batang inaakala niyang absent sa likod ng malaking puno bitbit ang tig iisang malaking letra. "Happy birthday to you... happy birthday to you.. happy birthday.. happy birthday.. happy birthday to you..." sabay sabay na kanta ng mga bata at nagpalakpakan ang mga ito. Naglabasan ang mga bata na binubuo ang salitang happy birthday na nakasulat sa pinagpira pirasong kartolina na iba iba ang kulay. Hindi maipaliwanag ni Laila ang nararamdaman. Hindi din niya alam kung ano ang sasabihin. Birthday na pala niya. Siya mismo ay hindi niya alam. September 15 na pala at tatlong buwan na ang kanyang pinamamalagi sa kabundukan. Mangiyak ngiyak siya sa kanyang kinatatayuan. Pagtingin niya sa paligid ay natanawan niyang may mga iilan na nakatingin pala sa kanila at pawang mga nakangiti ang mga ito. Pinunasan muna niya ang mga luha na nagsisimula ng pumatak bago siya nagsalita. "Thank you mga anak. Buti pa kayo alam nyo birthday ko. Teka paano nyo nga pala nalamang birthday ko ngayon?" Pagkatanong ni Laila ng ganun ay lumabas naman si Isagani sa malapad na puno na pinagtaguan din ng mga bata kanina. Dala dala ang isang malaking kwadradong cake at isang kandila sa gitna nito. Nagsimula ulit ang mga batang nagkantahan ng happy birthday at sinabayan pa ng palakpak bilang tugtog sa kanta. Pati ang mga iilan na nakatingin sa kanila ay nakikanta din at nakipalakpak din. Tuluyan ng naiyak si Laila sa kaligayahan. Matapos magkantahan ay sabay sabay nagsigawan ang mga bata ng "wish, wish" dahil nasa harapan na niya si Isagani na hawak ang cake ng may nakasinding maliit na kandila. "Happy birthday mam Laila o wish ka na daw? "bati ni Isagani sabay inilapit pa ng bahagya kay Laila ang cake upang hipan ang kandila. Suminghot singhot muna si Laila dahil sa pagkakaiyak nito bago pumikit ng sandali. Pagkadilat nito ay hinipan ang kandila sa cake. Pagkaihip ni Laila ay sabay sabay na nagpalakpakan ang mga bata maging ang mga nakikipanuod sa eksenang yun. Habang bumabalik sa kanya kanyang pwesto ang mga bata ay binalingan ni Laila agad si Isagani. "Paano mo nalaman Isagani?" tanong niya. "Minsan akong nag open ng f*******: sa kabayanan. Sinearch kita, dami nga naghahanap sayo. Tapos nakita ko birthday mo, alam kong andito ka pa nun kaya tinandaan ko. Happy birthday. hehe." "Stalker ka ha. hahaha. Salamat." "Thank you mga anak. Napaiyak nyo ko dun ha.kaya pala ang konti nyo kanina. May pa surprise pa kayo sakin. At dahil dyan, kakainin na natin itong cake na dala nyo.." "Yeheeeey." muli na namang nagpalakpakan ang mga bata. Akala ni Laila ay hanggang duon na lang ang surpresa sa kanyang kaarawan. Sa kanilang pananghalian ay kinantahan siya muli lahat ng buong samahan at nagpalitson ng baboy si Kumander para sa kanya. Isang litson sa pananghalian at isa pa para sa hapunan. May ibang karne din gaya ng manok at bibi. Pakiramdam ni Laila ay iyon na ang pinakamasayang kaarawan niya. Matapos ang hapunan ay pinapasok na ng mga nanay ang kanilang mga anak maging ang ilang kababaihan. May naglapag ng mga galon sa ibabaw ng mesa na may malinaw na laman na parang tubig. "Tuloy natin ang kasiyahan." sigaw ni Kumander Balag. Sigawan at palakpakan naman ang mga natirang naroroon. Lambanog pala ang inilapag ng mga lalaki. Naging abala ang ibang kalalakihan sa paggawa ng siga na gagawing bonfire at may mga sulu din. Ang mga kababaihan ay naglabas naman ng mga pagkain sa tingin niya ay karne ng bibe at marami itong sili. Narinig niyang "sarap ng pulutan ah" pagkalapag ng mga ito sa mahabang mesa.Biglang lumapit sa kanya si Isagani. "Masaya po ba kayo mam?" bungad na tanong sa kanya pag upo sa tabi niya ni Isagani. "Oo sobrang saya Isagani. kaso..." "Kaso ano?" "H-hindi kasi ko umiinom ng alak eh." medyo nailukot ni Laila ang mukha dahil minsan na siyang nakaamoy ng alak at hindi niya nagustuhan ito. "Hindi naman ganun katapang yan. Ayan oh tingnan mo." itinuturo ni Isagani ang mga ilang kababaihan. "Umiinom din ang mga yan, saka ninsan lang naman to mam. Birthday mo naman." pang eenganyo ni Isagani. Naisip ni Laila na wala namang masamang subukan niya. Bukod dun ay inihanda ang mga iyon para sa kanya. "Okey sige pero kapag nalasing ako uuwe na ko ha." sagot ni Laila. "Siempre naman. Ayaw naming kainuman ang makulit. hahahaha. Joke lang mam." pagbibiro ni Isagani. Kanya kanyang basong tangan ang lahat ng naroroon. Maging si Ka Lota na nasa kanyang harapan ay nakikisaya sa kanila. "O isang bagsak para may Mam Laila." sigaw ni Kumander Balag. Ibig sabihin ng isang bagsak ay isang tagay na sabay sabay o isang toast. Naghihintay si Kumander Balag na iangat ng lahat ang basong tangan habang nakaangat na ang basong hawak ni Kumander. Maging si Laila ay sinalinan ng lambanog ang basong hawak niya at inaangat iyon. "O sabay sabay ha.. para sa birthday ng ating teacher.kay Mam Laila." pangunguna ni Kumander Balag At sabay sabay nga nilang ininum ang alak na  nakatagay sa kani kanilang baso.cBinigla nI Laila ang pag inum upang hindi niya gaano itong malasahan at magtagal sa kanyang pang amoy. Pagkainum niya ay naramdaman niyang may mainit na gumuguhit sa kanyang lalamunan papunta sa kanyang tiyan. Tumikim tikim pa siya, panlasa niya ay may alcohol siyang nainum subalit may tamis na naiiwan sa kanyang dila. Namalayan niyang nakatingin pala sa kanya ang lahat. Napapalakpak ang iba sa pagkakainum ni Laila at ang iba ay natatawa sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Masarap naman di ba.?"tanong ni Isagani na bahagyang natatawa. "Parang maanghang." sagot naman ni Laila. "Wala namang sili yan paanong aanghang. haha. Sundan mo ng tubig para pang banlaw. Chaser kumbaga. hehe." "Kaya ba mam?" tanong ni Ka Lota na nasa harapan niya na sinagot na lang niya ng thumbs up.. Kanya kanyang kwentuhan ang sumunod na pangyayari. Nakikinig na lamang si Laila sa mga biruan at tawanan sa kaniyang harapan. Nasanay na din ang kanyang bibig at lalamunan sa bawat paglagok niya ng alak. Pakiramdam niya ay lalong nagiging masaya sa bawat tagay na naiinum niya. Nakakailang tagay na si Laila ng nakikisalo na siya sa usapan ng mga kaharap. "Lasang seven up lang pala to eh. Pahingi pa nga po." si Laila. "Lakas pala iinum ni Mam." sagot ng isang lalaking kaharap. "O tagay pa.happy birthday to me." alok ni Laila ng isang bagsak pa. Hindi namamalayan ni Laila na unti unti na palang tumatama sa kanya ang alak. Luminga siya sa kanyang tabi at hindi niya namalayang wala pala si Isaganiduon. Inilibot pa niya ang kanyang medyo napapapungay ng mata sa paligid pero hindi pa din niya nakita si Isagani. Hinayaan na lamang niya at ipinagpatuloy niya ang pakikipagkasiyahan sa mga kaharap. Nasa kasalukuyan siyang pakikipagkasiyahan ng makarinig siyang tumitipa ng gitara na palapit sa kanya. Nakatahimik ang lahat at ng nilingon niya ay si Isagani na naglalakad patungo malapit sa kanya. "The smile on your face lets me know that you need me.... there's a truth in your eyes saying you'll never leave me... the touch of your hand says you catch me whenever i fall.... you say it's best... when you say nothing at all." "Happy birthday mam." palakpakan muli ang lahat. Kahit na may konting tama na si Laila ay damang dama niya ang bawat lyrics ng kinanta ni Isagani, bukod pa sa maganda ang boses nito. Kaya marahil wala itong talento sa pagsasayaw ay sa pagkanta ito napunta. Mas nadagdagan ang kasiyahan sa pagkakalabas ng gitara ni Isagani. "Galing mo pala kumanta." bati ni Laila. "Hindi naman masyado mam. Baka naman lasing ka na. haha."sagot ni Isagani. "Ako lasing? Parang hindi pa nga ako nagsisimula eh." pagmamalaki naman ni Laila kahit alam niyang tumatama na ang alak sa kanya. "Yabang naman ni Mam. Dahan dahan lang mam mahaba pa ang gabi baka malasing ka agad niyan." paalala ni Isagani. Tumayo pa si Laila at humawak sa bewang nito at kumembot kembot. "O yan ba ang lasing ha... ha.. o eto pa eto pa." diretso pa din siya ng kembot na ikinatawa ni Isagani. "Hahaha. Oo sige na mam. Naniniwala na ko. haha." "Ka gani bigyan mo nga ako ng tugtog dyan. Kakanta ko."si Ka Benjo ang kumuha ng atensyon ni Isagani. "Sige sige." sagot naman ni Isagani. "O makinig may kakanta."sigaw ni Kumander. "Eto na..." si Ka Benjo "Anak ka ng pu...." Simula pa lang ay tawanan na ang lahat. "Anak ka ng pu... anak ka ng pu-lis Meycauayan" Tawanan ang lahat sa pagitan ng pagkanta ni Ka Benjo. "Nanay mo'y malan...nanay mo'y malan....nanay mo'y malan-tik ang mga kamaaay." "ikaw ay demon... "demonyo.hahahaha.."singit ng isa. "Hintayin natin hahaha" "ikaw ay demon....ikaw ay demon-strador ng paaralan." Nababalot ng tawanan ang kuta sa bawat tapos ng isang linya ng awitin. "At puro kayo hin...at puro kayo hin...at puro kayo hin-di mayayabang.." Tawanan ang lahat. Bumilis ang kanta ng sinabayan ng palakpak. "Anak ka ng pu-lis ng Meycauayan.. Nanay mo'y malan-tik ang mga kamay... Ikaw ay demonstrador ng paaralan.. at puro kayo hin-di mayayabang." Patuloy ang kasiyahan. Patuloy ang inuman. Patuloy ang kantahan. Paminsan minsan ay tumatayo pa si Laila upang sabayan ng sayaw ang mga kinakanta. Isa pang tayo ni mam Laila ay nabuwal ito dahil lasing na at nahihilo na ng hindi niya namamalayan. Buti na lang at nasapo agad ito ni Isagani at hindi sa gawing likuran ito ng bangkuan nabuwal. "Mam hatid na po kita. Lasing ka na po." yaya ni Isagani. "Ano kah bah naman ishagani. hik.hik.. Hindi pah ko lashing..hik." pasinok sinok na sagot ni Laila "Mam sige na po pahatid na po kayo kay Ka Gani." singit ni Ka Lota na nananitiling matatag sa inuman. "hik..o sigeh may klase pah nga palah koh bukash..hik.shalamat sa inyong lahat ha. kumander.. salamat po.. tuloy lang poh kayo.. goodnight. hoooh.."paalam ni Laila. Inalalayan naman ni Isagani si Laila na gumawa ng isang malaking hakbang palabas ng bangkuan. Kinuha nito ang isang braso at isinampay sa kanyang balikat. Nang makalabas ay sinimulan na nitong maglakad. Paekis ekis na ang lakad ni Laila at naramdaman ni Isagani na mas bumigat ito marahil ay hindi na kayang masyadong maglakad kaya hinapit nito ang bewang upang alalayan  na hindi mabuwal. Mabigat na ang mga hakbang ni Laila na siyang nagpatagal sa kanila na makarating sa bahay nito. Gamit ang isang kamay ay nabuksan ni Isagani ang pinto ni Laila na tali lamang ang nagsisilbing kandado nito. Inalalayan niya ito hanggang sa papag na higaan nito. Hindi pa din natatanggal ang pagkakakapit ng braso nito sa balikat niya. Pagkahiga kay Laila ay isusunod na sana ni Isagani na buhatin naman ang mga binti nito upang ilagay sa papag subalit nakabig siya ni Laila ng brasong nakakatang sa balikat niya.  Pagkakabig sa kanya ay napadapa ang kalahati niyang katawan sa ibabaw ni Laila. Naramdaman niya agad ang mga dibdib ni Laila na dumikit sa dibdib niya at halos magdikit na kanilang mukha. Hindi pa din tinatanggal ni Isagani ang braso ni Laila na nakakapit sa batok niya dahil may kahigpitan ang pagkakayakap nito. Muli na namang napagmasdan ni Isagani ang mukha ni Laila, pero mas malapit ngayon na halos dalawang pulgada lamang ang layo sa mukha niya at halos magkadikit na ang kanilang mga ilong. Nararamdaman ni Isagani ang mainit na hininga ni Laila na nagmumula sa ilong nito at sa bibig. Amoy pa din niya ang lambanog sa bibig ni Laila na siyang mas lalong nagpapula sa mga labi nito. Pinagmamasdang mabuti iyon ni Isagani ng humapit pa lalo ang braso ni Laila na naging dahilan upang lumapat ang labi ni Isagani sa labi ni Laila. Hinihingal si Isagani. Hindi siya kumikilos subalit natutukso na siya dahil magkadikit na ang labi nila at gusto na niya itong tikman at halikan. Kahit nakainom ay nanaig pa din sa isip niya sa pangakong hindi niya gagalawin si Laila kaya dahan dahan niyang kinuha ang braso nito at dahan dahan niyang inaangat para tanggalin sa pagkakayakap nito sa batok niya. Malapit na niya yung matanggal at dahan dahan na din niyang nailalayo ang kanyang mukha kay Laila ng biglang kumilos ito muli at hinapit siyang muli. Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Isagani ang kanyang sarili at sinabasib niya ng halik ang mga labi ni Laila. Ninamnam niya ang mga mapupulang labi ni Laila na umaakit sa kanya kani kanina lamang. Patuloy siya sa paghalik ng naramdaman niyang kumikilos din ang labi ni Laila, lumalaban din ito. Alam nito ang nangyayari. Ipinagpatuloy lamang ni Isagani ang ginagawa at mas lalo siyang nag init dahil sa ginagawang pag ganti ng halikan ni Laila. Ang kaninang mahigpit na pagkakahapit sa batok niya ay biglang lumuwag at naramdaman niya na humahagod na ang mga  kamay nito sa kanyang batok at sa buhok niya. Hinawakan na ni Isagani sa magkabilang pisngi si Laila. Bahagya siyang umangat upang pagmasdan muli ang magandang mukha ni Laila. Nakapikit pa din ito at bahagyang nakabuka pa din ang mga labi nito na parang inaanayayahan siyang muli na ito ay halikan. Hahalikan na niya ito muli ng bigla itong umungol at umusal. "Riigoorr... sige paa... halikan mo pa ko Riigoor.. miss na miss na kitaa." usal ni Laila. Napatigil si Isagani sa plano niyang paghalik muli dito. Para siyang biglang natauhan sa narinig niya mula kay Laila. Pagsasamantala ang ginagawa niya. Kinuha niya ang kamay ni Laila sa kanyang batok at ibinaba iyon. Nanatili pa ding nakapikit si Laila na sa  tingin niya ay natutulog na. Kinuha na lamang niya ang kumot nito at ikinumot sa teacher. Saka niya iniwanan ito. Maaaring nangungulila na talaga si Laila sa boyfriend nito sa isip isip ni Isagani at ayaw niyang samantalahin ang pagkakataong yun lalo na at kaibigan niya ang boyfriend nito. Kahit man siya ay alam niyang nangungulila na din siya sa kandungan ng isang babae. Pero alam niyang hindi lamang ang katawan ang nais niya kay Laila, may namumuo na siyang pagtingin dito na pilit niyang pinaglalabanan dahil marami siyang bagay na isinasa alang alang at alam niyang mali ang kanyang nararamdaman. Bumalik na lamang siya sa kasiyahan upang ipagpatuloy ang pag inom. "Natagalan ka yata Ka Gani?" kantyaw ni Ka Baste. "Ka Baste good boy to.. hahahaha.. ang bigat ni mam.. lasing na talaga." sagot naman ni Isagani. "Akala namin ay nakitulog ka na din dun kay mam eh." dugtong na pagbibiro nito sabay tawanan ng lahat. Natanawan ni Isagani si Ka Lando na nakatingin sa kanya at hindi ito natatawa sa birong pinakawalan ni Ka Baste. Hindi niya ito pinansin at binaling niya ang atensyon sa pakikipagbiruan sa ibang kaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD