CHAPTER 10

2864 Words
Masakit man ng bahagya ang ulo ni Laila ay pinilit nitong bumangon upang makaligo agad. Alam niyang kahit papaano ay mababawasan ang sakit ng ulo at bigat ng katawan niya kapag siya ay naligo. Lagi niyang tinataon na madilim dilim pa kung pumunta siya ng kanyang banyo para kaunting tao lang ang kanyang nadadaanan pagkapaligo niya dahil nahihiya pa din siya kahit papano na maglakad na basa ang suot niyang damit dahil ugali na niyang sa bahay siya nagpapalit ng underwear at ng kanyang susuotin. Alam niyang nalasing siya kagabi pero alam niya lahat ng ginagawa niya.. marahil dahil sa epekto ng alak kaya malakas ang loob niya sa mga ginagawa niyang pagsasayaw at paminsang minsang bumabangka sa kwentuhan.. at higit sa lahat alam din niya ang nangyari sa kanila ni Isagani.Na hanggang sa ngayon ay pakiramdam niya ay nararamdaman pa niya ang pagkakahinang ng kanilang mga labi. Hindi man niya aminin ay alam niyang nadedevelop na siya kay Isagani. Pero naiisip niya na dahil lamang siguro yun na si Isagani ang lagi niyang nakikita at siyang nag aasikaso sa kanya. Namimiss lang nya siguro ang mga bagay na dati rati ay si Rigor ang gumagawa sa kanya. Sana ay iyon nga ang dahilan kung bakit siya nadedevelop kay Isagani. At lalo niya itong hinangaan dahil sinadya niyang banggitin ang pangalan ni Rigor sa pagitan ng kanilang halikan. Napatunayan niya na hindi mapagsamantala si Isagani at inisip nitong lasing lang siya. Pero nakaramdam ng pagkabitin o panghihinayang si Laila sa ginawang pagsubok kay Isagani. Paano kung hindi niya binanggit ang pangalan ni Rigor? Hanggang saan kaya aabot ang pangyayaring yun? Nagtatalo ang isip niya na buti na lang at hindi iyon nagtuloy dahil ayaw niya ding magkasala kay Rigor. Tatlong taon siyang iningatan ni Rigor at hindi siya nito pinuwersa na kunin ang pagkabirhen niya at alangan namang ibigay niya ito sa taong kelan lang niya nakilala at hindi naman niya ito boyfriend kaya naisip niyang tama lang ang nangyari. Habang siya ay nagkakape ay iniisip na niya ang ikikilos niya paglabas at kung magkasalubong man sila ni Isagani. Ipapakita niya dito na wala  siyang alam sa nangyari at nagising na lang siya na nasa bahay na siya. Matapos magkape ay nag toothbrush na siya at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. May mga bumabati sa kanya at tinutukso pa din siya sa kanyang pagsayaw ng nakaraang gabi at dinadaan na lang niya yun sa ngiti. Nakarating siya sa lugar ng kanilang pinagtuturuan ay hindi niya nakita o nasalubong si Isagani. Maghapon ang nagdaan ng makasalubong ni Laila si Isagani at una siyang bumati dito. "Isagani.. ngayon lang yata kita nakita maghapon." bati ni Laila Naramdaman ni Isagani na wala nga sigurong alam si Laila sa mga nangyari kagabi at lasing lamang ito. "Maghapon ang ginawa naming pagsasanay mam. Nagpahatid na lang din ako ng pagkain dun sa lugar ng pagsasanay para menos pagod. Wala ka ba hang over mam?" si Isagani "Kaninang umaga masakit ulo ko pero nawala na din sa nagdaan na maghapon. Game na ulit ako. haha." biro ni Laila. "Tara na mam. Tagay na ba?haha" balik na biro ni Isagani. Umiling iling lang si Laila habang nakangiti at tuloy tuloy na itong dumiretso sa bahay niya. Napansin ni Laila na madalang na niya makita si Isagani. Kumain man ito ay malayo sa kanya, mabilis at aalis agad ito pagkakain. Dating madalas itong dumaan sa kanya upang makikape at makipag-kwentuhan. Hindi naman ito gaya ng dati. Ganun pa din naman ang reaksyon nito kapag miminsan silang nagkakasalubong. Nakangiti.. palabiro... tinatanong pa din ang kailangan niya.. pero hindi na gaya ng dati na humihinto pa ito para makipagkwentuhan. Maaari siguro na dahil gamay na niya sa kuta kaya hinahayaan na siya nitong kumilos mag isa. Dahil halos kilala na lahat ni Laila ang mga taga roon mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda dahil sa araw araw at maya't maya niya itong mga nakikita. Pero hindi maaaring magsinungaling si Laila sa kanyang sarili na namimiss niya ang mga dating ginagawa ni Isagani sa kanya. Ang palagian nitong pagkakape at pakikipaghwentuhan, ang mga biro nito ang mga biglaan nitong surpresa kahit ma maliit na bagay lamang ito. Hindi din niya alam kung bakit laging rumerehistro sa isip niya ang nakangiting mukha ni Isagani kapag nakahiga na siya, tapos ay biglang rerehistro naman ang mukha ni Rigor na para bang pinagkukumpara ng isip niya ang mukha ng dalawa,si Rigor at Isagani. Bigla niyang maiisip ang katawan ni Isagani na nakita niyang paliligo nito minsan at hindi niya ito makumpara dahil hindi pa niya nakikita ang buong kahubaran ni Rigor. Maging ang maraming beses na naging halikan nila ni Rigor ay naikukumapara niya sa miminsang naging halikan nila ni Isagani. Bakit kailangan niyang pagkumparahin?Bakit niya kailangang isama sa iniisip niya si Isagani. Aminado siyang hinahangaan niya sa ngayon si Isagani pero alam niyang lilipas din ito kapag hindi na niya ito nakikita at kapag nakasal na sila ni Rigor. Pero bakit parang hindi lang paghanga ang nararamdaman niya o hindi na niya kayang pagkumparahin ang paghanga sa mimanahal na? Ilang panahon na lang naman ang ilalagi niya roon at alam niyang lilipas din kung anu man ang bumabagabag sa kanya. Madalas mapuyat si Isagani dahil hindi siya dalawin ng antok. Hindi niya makuhang antukin dahil abala ang kanyang isip. Hindi sa mga hakbang ng samahan kundi kaiisip kay Laila. Alam niyang hindi mali ang magkagusto siya kay Laila, pero ang mahalin niya ito ay alam niyang isang malaking pagkakamali. Unang una ay girlfriend ito ng kanyang kaibigan at malapit na din itong ikasal at nakikita niyang mahal na mahal din ni Laila si  Rigor. Naiinggit na talaga siya ka Rigor dahil kay Laila at hindi sa kung anu pa man na merun si Rigor. Kung alam niyang walang boyfriend si Laila ay liligawan niya talaga ito o kahit may boyfriend pa ito wag lang ang kaibigan niya. Naisip tuloy niya ang sinabi ni Laila... paano nga ba siya magkaka asawa kung andun lang lagi siya at hindi din siya nagkaka girlfriend. Siguro nga ay makakatagpo din siya ng para sa kanya naiisip ni Isagani. Kaya pinipilit niyang wag na masyadong maging malapit kay Laila pero ayaw niyang maramdaman nito na umiiwas siya kaya pinapakita na dito na walang nagbabago. Ang tanging nagbago ay ang madalas niya ditong pakikipagkwentuhan. Alam niyang hindi lang niya basta hinahangaan si Laila.. alam niyang mahal na niya ito. Sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang muka nito na malapit sa mukha niya na kita niya lahat ng detalye ng mukha nito. Sumasagi din sa isip niya ang alindog nito na nasilayan nung ito ay naliligo sa talon. Nalilibang ang kanyang utak sa ganuong mga tanawin na nakakatulugan na niya. "Good morning class." bati ni Laila sa mga bata isang umaga na magtuturo siya. "Good morning mam.. good morning classmates." sagot naman ng mga bata. "Okey I want you to read all the sentences wrtitten on our board. So every correct reading will get a reward, okey?" english subject na ang tinuturo ni Laila. Halos lahat ay nagtaasan ng mga kamay upang mag recite. "Sige nga Cesar." tawag ni Laila. "My parents are going to the market to buy foods for us." dire direchong basa ni Cesar. "Very good. So here is your reward. Okey next." Marami ng natutunan ang mga bata. Marunong ng magsulat, magbasa pati mga english na salita ay kaya na nilang basahin. Pero may mga salita pa din na hindi nila alam i pronounce at kasulukuyang itinuturo ni Laila. Maging simpleng addition at subtraction ay madali na sa mga bata kahit ilang digits pa ito kaya sinisingitan na din niya ito ng multiplication at division. Minsan siyang pinatawag muli ng kumander upang batiin siya sa kanyang trabaho dahil nakikita nito mismo sa kanilang anak ang mga bagong nalalaman nito. Binalita din nito sa kanya na malapit na din siyang palayain ng mga ito. Dapat ay matuwa si Laila sa narinig na sinabi ng Kumander pero pakiramdam niya ay parang hindi lubos ang kaniyang kasiyahan. Pakiramdam niya ay gagradweyt ang mga batang kanyang naturuan at iiwan na siya ng mga ito. Pero ang totoo ay siya ang mang iiwan sa mga ito. Ilang beses na din siyang nagkaroon ng mga estudyanteng grumadweyt na naging malungkot sya dahil sa haba ng panahon na nakakasama niya ang mga ito araw araw. Pero iba ang mga batang kanyang naturuan sa bundok, dahil  hindi lang tuwing klase niya nakikita ang mga ito, araw araw,  maya't maya, minsan kasama pa niyang naliligo sa batis, mga nakakalaro. Iniisip pa niyang ano na mangyayari sa mga batang iyon pagkatapos niyang turuan. Anung kinabukasan ang naghihintay sa mga batang may mga pangarap din sa buhay... at sinasabi niya sa sarili niya na sana ay hindi kasama si Isagani sa mga iniisip niya na hindi nagpapalubos ng kanyang kasiyahan sa kanyang paglaya. Lulan ng eroplano galing Singapore, pabalik na sila Rigor at Mrs. Alegre matapos ang ilang buwan din nilang pagbabakasyon. Masayang masaya si Rigor dahil mas naging advance ng isang buwan ang pag alis papuntang Amerika ni Mrs.Alegre. Pag uwe nila ng Pilipinas ay aasikasuhin lamang nito ang mga dapat asikasuhin at aalis na din ito sa loob ng isang buwan. Saktong limang buwan simula ng pinadukot niya si Laila ay aalis na si Mrs. Alegre at masisimulan na niya lahat ng plano niya. Nakakuha na din siya ng lupa sa isang subdivision. May kasama na din itong bahay kahit na hindi ito ganun kalaki. Habang sila ay nasa bakasyon ay kinontak niya si Dindo upang tulungan siya  sa kakilala nitong ahente sa mga subdivision. Si Rigor mismo ang namili ng modelong gusto niya na ipinapakita sa kanya sa pamamagitan ng internet. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay tawagan si Isagani upang mapaghandaan nito ang pagpapalaya sa kanyang girlfriend at ibibigay na din niya ang naipangako niyang balanse pa na isang milyon. "Sana nag enjoy ka sa bakasyon natin dear." lambing ni Ancis habang sila ay nasa eroplano pa. "Oo dear.. sobra.. sobrang enjoy.. ni sa panaginip hindi ko inakala na maeexperience ko yun kaya thank you talaga dear." sagot ni Rigor. "Dear, one month na lang ang stay ko sa Pinas. Kakalungkot naman, mamimiss kita, kaya sana sulitin na natin yung mga natitira pa nating moment" si Ancis "Oo dear. Bubusugin kita ng pagmamahal ko" sabay hawak ni Rigor sa kamay ni Ancis "..at bubusugin ka din nito." inilagay bigla ni Rigor ang hawak niyang kamay ni Ancis sa kanyang p*********i. Binawi agad ni Ancis ang kamay. "Ano ka ba dear. Baka may makakita sa atin,  nakakahiya." "Pakialam ba nila dear. hehe." Paglabas ng airport ay natanaw na agad sila ni Mang Oscar at kinawayan na agad sila nito. "Kanina ka pa ba Oscar?" tanong ni Mrs. Alegre. "Hindi naman po mam." sagot nito "Mang Oscar mamaya na pasalubong mo ha." singit naman ni Rigor. "No problem. Salamat po sir." sagot ulit nito. Laging maningning ang mga mata ni Rigor sa pagkakabalik ulit ng Pilipinas sa ilang buwan lang niya pagkakaalis. Dahil ilang panahon na lang ang hihintayin niya. Pagkahatid sa kanila ni Oscar sa bahay at pagkabigay ng pasalubong dito ay hinatak na ni Rigor si Ancis sa kwarto. "Simulan na natin dear pagbubusog ko sayo." paglalambing ni Rigor kay Ancis. "Ano ba dear mamaya na hindi pa tayo naliligo." "Mamaya na tayo dear maligo. Umisa muna tayo tapus sabay tayo maligo para dun natin ituloy." "A-ano ba dear.. nakikiliti ako.. hihihi."tawang malandi ni Ancis habang hinahalikan siya sa batok ni Rigor. Huling huli na ni Rigor ang kiliti ang Ancis. Madaming ipinamili sa kanya si Ancis na mga mamahaling bagay. Alam niyang mahilig sa s*x si Ancis kaya binibigay niya ang hilig nito upang masulit ang ibibigay sa kanya nito. Nangako pa ito na susuportahan siya kapag nasa States na siya at pipilitin daw nitong makauwe kahit dalawang beses isang taon at napagkasunduan nilang magkikita sila na sinang-ayunan naman ni Rigor. "Hello tol." si Rigor "Oh tol, nakauwe ka na pala. Kelan pa?" sagot ni Isagani "Oo tol, kahapon lang kami nakauwe.m May good news ako sayo tol. Mas napaaga ang alis ng matanda, less than a month na lang." masayang pagbabalita ni Rigor. Hindi alam ni Isagani pero parang hindi siya natuwa sa binalita ng kaibigan. "Ah.. ga-ganon ba.. de maganda... so pa paanong mangyayari tol?" nasagot ni Isagani. "Tol kamusta na si Laila." "Ganun pa din naman tol. Di ba pinangako ko naman sayo yun." "Tol, isang linggo bago umalis ang matanda tatawagan kita ulit. Ihanda mo na ang paghahatid kay Laila. Isipin ko kung saan ko siya pedeng sunduin ha. Tol, yung balanse ko sabihin ko sayo kung paano ko maiaabot. Kapag nagkaroon  ako ng bakanteng panahon o kaya sasamantalahin ko kapag wala si Ancis. Maraming aasikasuhin yun bago siya umalis." "Sige tol, makakaasa ka." "Salamat talaga tol ha. Hanggang ngayon maasahan pa din talaga kita. May pasalubong din nga pala ko para sayo. Gagawa ako ng paraan para magkita tayo. Lumuwas ka ng maynila ha, makapag bonding naman tayong dalawa." "Sige tol." "Sige tol, bye." "Bye." Napakabilis ng panahon. Biglang naalala agad ni Isagani ng kidnapin pa lang nila si Laila, at ngayon ay malapit na nila itong palayain. Gusto sana niyang sabihin kay Rigor na hustuhin na nilang anim na buwan gaya ng kanilang napag usapan pero tiyak na hindi papayag si Rigor at baka ano isipin pa nun. Ang totoong dahilan ay gusto pa din niya makasama ng mas matagal pa si Laila dahil masaya na siya masilayan lamang ito. Mali ang pigilan niya ang paglaya ni Laila dahil karapatan niya ito kahit hindi niya alam ang totoong mga pangyayari kaya't ibabalita niya agad ito kapag nagkaroon siya ng magandang tiyempo. Pabalik na sana muli sa itaas ng kabundukan si Isagani ng muling may tumawag sa kanyang cellphone. Nasa gawing paanan siya ng bundok kung saan kumukuha siya ng signal dahil hindi sila masyadong magkaintindihan ng kausap kapag nasa taas siya ng bundok at panay text lang ang natatanggap niya. "Ka Gani, may mga nagrereklamong mga magbubukid at kinuhanan daw sila ng mga kaban-kaban na palay. Paano po ba gagawin natin dito?" sumbong ng tumawag. "Ganun ba, gagawan ko ng paraan yan. Tatawagan kita ulit bukas." sagot ni Isagani. Mabilis na umakyat ng kabundukan si Isagani at ang destinasyon niya ay ang bahay ng kumander. Iniisip niyang ang kumander ang muling nag utos sa mga ganuong gawain. "Maaari bang tumuloy kumander. Si Ka gani po ito." nasa bungad ng pintuan si Isagani. "Pasok ka Ka Gani." sagot ni Kumander Balag. Pagpasok ni Isagani ay natanawan niyang nanduon din si Kumander Lando at mukhang may pinag-uusapan ang mga ito na naputol dahil sa pagkakadating niya. "Maupo ka Ka Gani. Anong sadya mo?" tanong ni Kumander Balag "Kumander, pati po ang mga magbubukid ay nagrereklamo na. Maraming kaban na palay daw ang kinuha sa kanila." bungad ni Isagani. "Ako ang nag utos nun Ka Gani." si Ka Lando ang sumagot. "Ka gani wag mo ng isingit dito ang perang nadiskarte mo, alam na namin yun. Hindi tayo kawanggawa Ka gani. May katapusan ang pera na manggagaling sa kaibigan mo." sunod pa ding salita ni Ka Lando. "Alam ko yun Ka Lando, pero bakit maliliit na tao ang pinupuntirya natin. Madami dyan ang sobra sobra ang pera." sagot ni Mang Lando. "Kapag mayaman ang ginawan mo ng ganyan palagay mo bay mag iingay yun Ka Gani? Makakarating ba sa pamahalaan kung milyonaryo ang o bilyonaryo ang gagawan natin ng ganun ha Ka Gani?" pang uusig ni Ka Lando. "Mukha yatang nagiging malambot ka ngayon Ka Gani. May kapalit namang proteksyon ang kinukuha natin sa kanila." singit ni Kumander. "Kumander, hindi ba nagmumukha tayong sindikato nyan sa ginagawa natin?" si Isagani. "Anong katwiran yan Ka Gani? Hindi ikamamatay ng mga taong yun kung ano man ang kinuha natin pero tayo maaari tayong mamatay sa gutom. Wala pang binibigay ang mga pulitikong kalaban ng administrasyon. Ang gusto nila ay mas magulo pa saka sila magbibigay. May ginagawa bang aksyon ang pangulo, wala di ba?" si Kumander Balag. "Parang lumiliko yata ang mga adhikain natin kumander.?" tanong ni Isagani. "Baka naman ikaw ang lumiliko na." Si Ka Lando. "Wag kayong magtatalong dalawa. May punto kayo pareho dito. Ka Gani, nararamdaman kong may ibang bumabagabag sa yo. Lahat ng bagay dito ay binibigyan natin ng konsiderasyon. Ka Gani... Ka Lando.." "Maisingit ko lang din Kumander, di ba napagpulungan natin na bawat hakbangin ay dadaan lahat sa pulong upang hindi na sa ako nagtatanong kung una pa lang ay alam ko na ang pangyayaring ito." si Isagani. "Sige Ka Gani, ipagpalagay natin na hindi pa ito nangyayari. Ano magiging suhestiyon mo?" tanong ni Kumander Balag kay Isagani. Namataan ni Isagani na naghihintay din ng isasagot niya si Ka Lando. "Maraming magbubukid Kumander... Ka Lando. Imbes na sa dalawang magbubukid lang kumuha ng maraming kaban ng palay, sana ay hiningan na lang tig-iisa ang bawat may ari ng bukid duon.Hindi magiging mabigat sa kanila yun." sagot ni Isagani. Napatango tango ang Kumander sa narinig na sagot mula kay Isagani. Hindi ikinagusto ni Ka Lando ang nakikita niyang pag sang-ayon ni Kumander Balag sa tinuran ni Isagani. Mababakas sa mukha nito ang pagkainis. Pagpunta ni Isagani sa kanyang tulugan ay naisip niya ang sinabi ng Kumander na nararamdaman niya na may bumabagabag sa kanyang kalooban. Baka nga kaya may nagbabago sa kanyang mga kilos at pananalita na hindi niya napapansin. Dahil ba lahat yun kay Laila? Lalo na ngayon at malapit na itong mawala sa kanila. Dapat niyang pag aralan ang bawat ikinikilos at pananalita niya. Maaari ngang naapektuhan na siya at hindi niya ito namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD