Kung kailan malapit na ang paglaya ni Laila ay parang mas mabilis ang pagdaan ng mga araw at hindi na maikubli ni Isagani ang nararamdamang lungkot. Napakahirap pala ng sikilin mo ang iyong damdamin sa loob loob niya. Wala man lang siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman upang mahingahan nya kung hindi man siya mabigyan ng magandang payo. Makalipas pa ang ilang araw ay lumapit na si Isagani kay Kumander Balag upang ipagbigay alam dito ang nalalapit na nilang pagpapalaya kay Laila.
"Kelan ito Ka Gani?" tanong ni Kumander Balag
"Mahigit dalawang linggo po mula ngayon kumander." sagot ni Isagani
"Saan mo ihahatid?"
"Sasabihin daw ng kaibigan ko kung saan at kung anong oras."
"Kailan mo balak ipaalam sa teacher?"
"Inuna ko lang po sabihin sa inyo baka bukas po ng gabi ko sabihin sa kanya para makapaghanda siya at masabi din niya sa mga bata."
"Alam mo Ka Gani, napalapit na ang mga bata kay Mam Laila dahil nakikita ko din sa anak ko yun. Aaminin kong marami kaming naging pagkukulang ng aking asawa sa aking anak o maaaring ng ibang magulang din na kasama natin. Maraming naituro si Mam Laila na hindi namin naituro sa anak namin. Hindi mga tungkol sa paaralan ang sinasabi ko Ka Gani. Ni hindi namin naturuang magdasal ang aming anak.. na ngayon gabi gabi bago matulog ay nagdarasal. Lagi niyang pinagdarasal ang kapakanan naming mga magulang niya. Alam natin Ka Gani na hindi talaga misyon ni Mam Laila na magturo sa nga bata dito. Nataon lang na isa siyang teacher... pero paano natin ipapaliwanag sa mga bata ang pag alis ng teacher?"
"Hindi ko naisip na magiging kumplikado yun nung una Kumander pero may punto po kayo at ngayon ko lang po naisip na tama po yung sinabi nyo."
"Bigyan mo ng proteksyon ang teacher Ka Gani kahit wala na siya dito. Alam mo namang parang ikaw na ang kanang kamay ko dito Ka Gani at nararamdaman ko din ang pangingimbulo sayo ni Ka Lando. Kaya pagpasensyahan mo na ko at si Ka Lando kung may mga desisyon kaming mali. Kapag nawala ako gusto ko pamunuan mo itong samahan na to at ipagpatuloy mo ang ating nasimulan."
"Kumander matagal pa po yun. Ang lakas lakas nyo pa, malakas pa kayo sa kin. Si Mam Laila po pinag uusapan natin dyan po tayo nauwe." pagbibiro ni Isagani.
"Dahil nakita ko sa teacher kung paano niya pasunurin sa kanya ang kanyang mg mag aaral.. lahat nakikinig sa kanya.. lahat sumusunod sa kanya.. at lahat ng turo niya ay may magandang naidudulot sa mga estudyante niya. Ipaabot mo na lang ang aking pasasalamat sa kanya Ka Gani."
"Makakarating po Kumander."
Hindi akalain ni Isagani na may kalambutan din pala ang puso ni Kumander Balag at lalong hindi niya akalain na siya pala ang napipinto ni Kumander Balag na pumalit sa kanya bilang pinuno. Pero hindi niya masyadong binigyang pansin ang huli dahil alam niyang hindi ganuon kadaling sabihin yun at matagal pang mangyayari yun.
Kinabukasan ay hinintay ni Isagani matapos ang buong maghapon upang ibalita kay Laila ang nalalapit na niyanng paglaya. Pilit niyang pinasaya ang kanyang mukha bago siya kumatok sa bahay nito.
"Mam Laila.. Mam.."
"Isagani?"
"Opo mam."
"Tara pasok, bukas yan Isagani."
"Maaari po bang makikape mam?"
"Hahaha.. oo naman.. na miss ka na nga ng kape at hindi ka na niya nakikita. "Napadaan ka Isagani?"
"May maganda kasi kong balita sayo mam." habang nagtitimpla ng kape si Isagani.
"Ha talaga? Ano naman yun?" excited ng marinig ni Laila ang sasabihin ni Isagani.
"Napansin ni Kumander Balag ang mabilis na pagkatuto ng mga bata at dalawang linggo mula ngayon ay ibababa ka na namin sa kabundukang ito." pinipilit maging masaya ni Isagani sa pagsasabi kay Laila.
"Talaga Isagani." medyo nagulat na sagot ni Laila.
Hindi alam ni Laila sa sarili na natuwa ba siya sa pagkakasabi ni Isagani o nabigla siya dahil ang alam niya ay mahigit isang buwan pa ang ilalagi niya duon. Ngayong kaharap niya ang mukhang laging rumerehistro sa kanyang isip ay siya pang nagsasabi na siya ay malalayo na sa lugar na yun.
"O bakit parang nagulat ka. Di ka ba masaya?" tanong ni isagani.
"M-masaya.." sagot niya.
"Masaya pero ganyan lang reaksyon mo." si Isagani.
"Nagulat lang ako Isagani." hindi alam ni Laila pero naiiyak siya at hindi niya alam kung sa saya o kung ano pa mang dadamin ang dahilan kung bakit siya naiiyak.
"O bakit naiiyak ka?" tanong ni Isagani at hindi niya napansin na naiiyak na din pala siya.
"Hindi ko alam Isagani." sabay pahid nito sa mga naglalagang luha sa kanyang mga mukha." Bakit naiiyak din?" balik na tanong sa kanya ni Laila.
"Hah? hindi ah. Napuwing lang ako. Bakit naman ako iiyak?" sabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Laila sa pagsasalita.
"Alam mo Isagani, simula pa nung una ay hindi ko naramdamang bihag nyo ako dito..Hindi nyo pinaramdam sa akin yun. Lahat ay naging mabait sa akin ang mga tao dito... lalo ka na.." nagpatuloy ang pag-luha ni Laila.
Hindi agad makapagsalita si Laila sa mga gusto pa niyang sabihin. Gusto niyang sabihin na natutunan na niyang mahalin si Isagani kahit hindi naman siya nito mahal. Idinaan na lamang niya ito sa pag iyak.
"At yung mga bata.... kahit ilang buwan lang kami nagkasama sama napalapit na sa akin ang mga bata Isagani. Mamimiss ko ang mga bata.. parang ang hirap magpaalam sa mga bata." patuloy na pagsasalita at pag luha ni Laila.
"Mamimiss ko lahat dito Isagani.. yung kainan ng sabay sabay.. yung kantahan ng mga bata.. yung falls.. yung batis.. sila Ka Lota.. Ka ester.. Ka Benjo.. lahat sila.. yung ginawa nyong suprise nung birthday ko hindi ko makakalimutan yun Isagani.. the best birthday sakin yun..pati yung unang pag inum ko ng alak at pagkalasing ko dito ko lahat unang naranasan." umiiyak man ay bahagyang tumawa si Laila
"Saka ikaw siempre mami miss din kita. I..ikaw ba? Mamimiss mo din ba ko Isagani?" umiiyak man ay tumitig si Laila sa mga mata ni Isagani.
Sapat na ang liwanag na nanggagaling sa gasera upang makita nila ang mukha ng isa't isa.
Nakikinig lang si Isagani sa mga sinasabi ni Laila pero tumatagos lahat yun sa puso niya. Hindi na nakaligtas sa paningin ni Laila ang pagpatak ng mga luha ni Isagani.
"Mamiss kita mam.. Salamat."
Pagkasabi ng kanyang huling sinabi ay nagmamadaling lumabas si Isagani. Lumayo ito hanggang makarating sa isang malapad na puno. Sumalampak ito sa mga ugat ng puno at isinandal ang katawan sa puno. Duon ay ibinuhos lahat ni Isagani ang mga luhang gusto niyang pakawalan. Umiiyak siya dahil aalis na si Laila. Umiiyak siya dahil mamiss niya ito. At umiiyak siya dahil mahal niya ito at hindi man lang niya nasabi na mahal niya ito dahil alam niyang mali ang gagawin niya. Mas masakit pa pala sa daplis na tama ng baril ang nararamdaman niya ngayon.. at ngayon lang niya ito naramdaman sa buong buhay niya.
Kinabukasan, matapos ang buong maghapong pagbibigay niya ng mga pagsusulit sa mga bata ay kinausap ni Laila ang mga ito. Karapatan nilang malaman ang kanyang pag alis.
"Class bago mag uwian may sasabihin si teacher." panimula ni Laila pero pakiramdam niya ay naiiyak na siya.
"Yes mam." sagot ng mga bata.
"Class, si teacher di ba bigla na lang dumating dito..... tapos si teacher may mission dito..... yun ay ang turuan kayo..... then si teacher nagturo naman at nakita niyang mabilis natututo ang mga bata at kayo yun. Sabi ni Kumander ang galing galing nyo na daw.... pati ikaw Cesar..... so si teacher Laila ay malapit ng magpaalam sa inyo.." paputol putol na sabi ni Laila. Hindi niya napigilan at naiyak siya pero pinapalis niya agad upang hindi mapansin ng mga bata.
"Saan po kayo pupunta mam? Iiwan nyo na po kami?" malungkot na tanong ng isang bata.
"Kasi ganito yun ha...." hindi talaga mapigilan ni Laila na mapaiyak." ...kasi si teacher....si teacher.... may mga iniwan ding student na gaya nyo sa maynila.... kailangan ko din silang turuan mga anak... kaya mapipilitan si teacher na iwan kayo....." humihikbing salita ni Laila
"Mam, di po ba marami namang teacher dun. de sila na lang magturo dun sa tuturuan mo. Dito ka na lang po samin mam." iyak ng isang bata.
Nag iyakan na halos ang mga bata. May mga magulang na nakakubli at nakikinig at mga naiiyak din.
Hindi malaman ni Laila kung paano i ha handle ang sitwasyon dahil mismo siya ay hindi niya maawat ang pag luha.
"Class wag na kayo umiyak... hindi naman mamamatay si teacher......"
May ilang bata na umuwe na agad at umiiyak.
"Class... para naman matuwa si teacher.. bukas ... gusto ko may letter kayo lahat sa akin.... babaunin ko lahat yan... tapos babasahin ko kapag nasa maynila na ko... para kapag nami miss ko kayo.... mababawasan ang pagka miss ko... kapag nabasa ko mga letters nyo... aasahan ko bukas class ha.. sige you may go home now." sinabayan na din ni Laila ng alis dahil hindi na niya matagalan ang mga batang nagsisipag iyakan at dumudurog yun sa puso niya.
Isa si Isagani sa mga nakasaksi ng mga nangyari. Lalong bumigat ang kanyang kalooban sa nakitang reaksyon ng mga bata. Maging ang ilang mga magulang ay nahirapang ipaliwanag sa mga anak ang nalalapit na pag alis ni Mam Laila.
Hindi naging masigla ang hapunan ng gabing yun. Nalaman ng lahat ang nalalapit na pag alis ni Laila. Iniisip nila ang mga anak na nalungkot agad sa nalamang balita. Dahil napalapit na ang kanilang mga anak sa teacher. Gaya ni Kumander Balag, napagtanto nila ang mga pagkukulang nila sa kanilang mga anak at laking pasalamat ng mga ito kay Mam Laila.
"Wala yata si Kumander?" basag ni Isagani sa katahimikan habang nagkakainan.
"Bumaba ng kabayanan Ka Gani... kasama si Ka Lando at Ka Baste. Bukas ng umaga din daw ang balik nila. Pinapahanap ka kanina ni Kumander hindi ka daw makita." sagot ni Ka Lota.
Naisipang magpahangin ni Laila at lumabas ng gabing yun dahil alam niyang hindi agad siya dadalawin ng antok.
Palakad lakad siya ng marinig na may tumutugtog ng gitara. Alam niyang si Isagani yun. Hinanap niya ang pinagmumulan ng tumutugtog at dahil sa liwanag ng buwan at nakita niyang nakaupo si Isagani at nakasandal sa puno ng kanilang pinag aaralan at dun naggigitara.
"The smile on your face lets me know that you need me...
there's a truth in your eyes saying you'll never leave me...."
Hindi namalayan ni Isagani na papalapit siya at sumabay si Laila sa mga susunod na lyrics ng kanta.
"the touch of your hand says you catch me whenever i fall."
Napalingon bigla si Isagani.
"Ituloy mo." sabi ni Laila.
"You say it's best.....when you say nothing at all.."
Pinalakpakan ng bahagya ni Laila si Isagani.
"Bakit naman dito mo pa naisipang mag gitara? si Laila
"Ha.. baka kasi makabulahaw ako dun. Alam mo namang dikit dikit lang halos bahayan sa 'tin." sagot ni Isagani
"Saka masarap dito. Lapad pa ng puno oh, sarap sandalan saka mahangin." dugtong pa nito.
"Paano mo naman ako nakita dito mam." si Isagani naman ang nagtanong.
"Hindi pa ko inaantok. Sabi ko sa sarili ko gusto ko muna magpahangin. Saka ewan ko.. para bang gusto ko ng sulitin yung mga bawat araw pa andito ko, yung simoy ng hangin, yung tahimik ng gabi, hanggang sa narinig kong may tumutugtog eh alam kong ikaw na yun. Kaya ayun.. dito kita nakita."
"Favorite ko yung kinakanta mo na yun. When you say nothing at all." dugtong pa ni Laila
"aako din nga eh... so ibig sabihin marunong ka ding bumasa sa mata ng nararamdaman ng iba?" si Isagani
"Hmm.. siguro." matipid na sagot ni Laila.
"Nababasa mo ba nararamdaman ko ngayon?" tanong bigla ni Isagani
"Di ba sabi mo favorite mo din yung kantang yan?" balik na tanong ni Laila
"Oo.bakit?" si Isagani
"So kaya mo ding basahin sa mata ko ang nararamdaman ko ngayon?" si Laila
"Gaya gaya ka naman ng tanong eh."
"Pero kung talagang favorite mo nga yan, malalaman mo nilalaman ngayon ng gustong isigaw ng damdamin ko... sige mauna na ko Isagani inaantok na ko." paalam ni Laila
Paalis na si Laila ng tinawag muli ni Isagani.
"Mam."
"O bakit Isagani?"
"Sana ikaw din. Mabasa mo din sana sa mata ko kung ano nilalaman ng damdamin ko ngayon?"
Bahagyang napahinto si Laila at tinatagos ang ibig sabihin ni Isagani kapagdaka'y tuluyan na siyang lumakad pabalik sa kanyang tinutuluyan.
Napapaisip sI Isagani sa sinabi ni Laila. Alam naman niya at sinabi na sa kanya nito na masaya siya dahil makakauwe na siya at magkikita na sila ng mga mahal niya sa buhay at nalulungkot siya ng dahil sa mga bata at mamimiss niya ang mga tao dun sa kanila. Pati na ang batis, ang kainan lagi na sabay sabay. Bukod pa dun ano pa ba ang damdaming sinasabi ni Mam Laila.
Naisipan na lang muli ni Isagani na daanin na lamang sa kanta ang kanyang pagmumuni muni.
Unang pagtipa pa lang ng kanyang gitara ay sabay sabay napatid ang tatlong kwerdas nito. Nagulat siya at tatlo pa talaga nagkasabay sabay. Kung isa lang sana ay makatugtog pa din siya. Pero bakit parang kinabahan siya.. parang nakaramdam siya ng biglang pagkabog ng dibdib niya.
Pagpapalahaw ang gumising kay Isagani ng umagang yun. Mga nag iiyakan. Kaya napabalikwas agad siya sa pagkakahiga at lumabas ng bahay.
Nakita niya si Ka ester, Ka Dory at mga anak nito nag iiyakan.
"Ka Gani, wala na si Balag." palahaw ng asawa ni Kumander Balag na si Ka Ester.
"Ka Lota anong nangyari? Totoo ba 'to.?" tanong ni Isagani
"Oo Ka Gani.. May naka engkwentro sila Kumander kagabi. Nakilala sila.. napatay sila ng walang kalaban laban." naiiyak na sagot ni Ka Lota.
Siyang pagdating ni Laila at narinig niya ang nangyari.
"Nasa punerarya daw ang mga bangkay nila Kumander, Ka Celso at Ka baste."patuloy ni Ka lota.
"Ka Gani, may nagsumbong daw na magbubukid sa mga awtoridad nataon na may nagpapatrolya sa kabayanan at nakilala si Kumander." paliwanag ng isang kasama nila.
Napaupo si Isagani sa mga naririnig niya. Hindi siya makapag isip ng maayos. Bigla itong tumayo at sinugod nito ang isang puno at pinagsusuntok ito.
"Kumander... kumander bakit mo naman kami iniwan ng ganito." palahaw ni Isagani.
Dinamayan agad ni Laila si Isagani. Pinatigil na nito sa pagsuntok ang nagdurugo ng kamao ni Isagani at hinimas himas ang likod nito.
Nang mahimasmasan ay kinausap ang mga kasama.
"Ka benjo, kontakin mo ang ibang kamag anak ng mga kasama natin. Bigyan mo ng pangtubos sa punerarya. Ka ester, kinalulungkot ko ang pangyayari. Kayo po ang masusunod kung saan nyo gusto iburol si Kumander. Mga kasama, hindi tayo basta basta pwede pumunta sa burol tandaan nyo. Magmatyag muna kayo. Baka hindi pa naililibing ang mga kasama natin ay masundan pa agad ito."
Napansin ni Laila ang estudyanteng si Cesar na anak ni Kumander Balag. Nilapitan niya agad ito at niyakap.. pati ang anak ni Ka Celso.
Si Ka Baste ay wala pa ding asawa at mga anak.
Muli na namang nalukuban ng kalungkutan ang kanilang samahan.
Nilapitan ni Ka Lota si Isagani bago ito umalis.
"Ka Gani, magpahinga ka muna ulit at kami na muna ang mag aasikaso sa mga kasama nating nasawi."
"Ka Gani, narinig ko ang pinag usapan nyo ng aking asawa nung nakaraang gabi. Ka Gani, ikaw na ang bahala sa amin. Wag mo kaming pababayaan." si Ka Ester na asawa ni Kumander.
Hindi pa man lumuluwag ang kalooban ni Isagani dahil sa damdaming hindi niya mailabas kay Laila ay isang trahedya na naman ang nangyari na dumurog sa puso niya. Paano ba niya haharapin lahat ito sa loob loob niya. Sino ang hihingahan niya at hihingan niya ng saklolo sa mga dinadala niya. Kailangan niya ng opinyon ng iba. Kailangan niyang harapin ito. Alam niyang malaking responsibilidad ang iniwan ni kumander Balag sa kanya at hindi pa niya napaghahadaan yun. Gayundin ang pag alis ni Laila, hindi pa din handa ang kanyang damdamin sa pag alis nito.