CHAPTER 12

3113 Words
Napakasakit para kay Isagani na ilibing ang kanyang mga kasama na hindi man lang siya kasamang maghatid sa huling hantungan ng mga ito. Pinagtirik na lamang niya ng mga kandila ang mga kasamang namayapa na. Tumawag na din sa kanya si Rigor upang ipaalam dito na nakaalis na si Mrs. Ancis Alegre papuntang Amerika at nais na niyang makita ang girlfriend at mapapangasawa nitong sI Laila. Binalita niya din kay  Rigor ang nangyari sa kanilang pinuno at ilang kasama nito kaya hindi niya napagbigyan ito na magkita sila at magkaroon ng bonding silang dalawa. At sa iba na lang iniutos ni Isagani ang balanseng pera na ibibigay ni Rigor. Dalawang araw bago palayain si Laila ay naghakot na ng mga personal niyang gamit si Rigor sa nabili nitong bahay sa subdivision. Surpresa niya ito kay Laila sa unang araw pa lang na magkita sila at nais niyang kasama si Laila upang pumili ng mga gamit na bibilhin nila para sa kanilang magiging bahay. "Dadalhin mo pa ba ang mga gamit mo dito mam Laila?" tanong ni Isagani kay Laila sa huling gabi nitong pamamalagi sa bundok. "Hindi na siguro Isagani. Yung mga sulat lang ng mga bata siguro ang dadalhin ko at yung gamit ko nung kinidnap nyo ko nun." sagot ni Laila "Gustuhin man naming pigilan ka mam pero naiintindihan din namin ang mga mahal mo sa buhay na tiyak na matagal na ding nangungulila sa yo. Baka isipin nila eh patay ka na. Saka sobra sobra na din ang naitulong mo sa samahang ito." si Isagani "Kaya lang, lahat ay nagluluksa pa din sa pagkawala ng aming pinuno at nila Ka lando at Ka Baste tapos bukas ng makahapunan ay ikaw naman ang aalis. Napakalungkot naman ng nangyayari samin ngayon." malungkot na pagpapatuloy ni Isagani. "Alam mo Isagani may isang bagay na makakabuti sa akin sa pag alis ko bukas." si Laila "Matagal kong tinatanong ang sarili ko. Pinaglalaruan ako ng damdamin ko.. naguguluhan ako.. pero sa huli ako din pala makakasagot sa sarili kong mga tanong... ako din pala makakaunawa ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Isagani, kahit hindi tayo ganung katagal na magkakilala, napalapit ka na talaga sa akin... dahil lagi kang andyan para sa akin.. nabuhos ang atensiyon ko sayo pero alam kong panandalian lang to. Dahil nangungulila din ako sa lalaking laging nagbibigay sa akin ng kakaibang saya... yung pinararamdam sa akin na espesyal ako... ginagawa mo kasi sa akin yun Isagani eh... kaya napalapit ka sa akin... dito oh.. dito sa puso ko Isagani." napaiyak si Laila sa sinasabi niya. "Sinasabi mo dati sa akin na swerte ang mapapangasawa ko? Mas swerte ang mapapangasawa mo Isagani. Dahil napakaresponsable mong tao. Pwede kang kausap sa seryoso, kaya mong sakyan ang ugali naming mga babae... may iba sayo Isagani na wala sa ibang lalaki. Kung ano man yun ay hindi ko alam... pero alam ng puso ko at sinasabi niya yun. Sinasabi ko sa yo to Isagani para sabihin ko sayong hindi ka mahirap mahalin... madali mong matatagpuan ang babaeng mamahalin mo ng panghabambuhay." Hinawakan ni Isagani ang mukha ni Laila upang pawiin ang mga luha nito. "Mam... gusto kong magkasala... gusto kong magkasala mam." pagkasabi ni Isagani ng mga katagang yun ay niyakap niya ng mahigpit at nag iiyak ito. "Mam... pwede bang kidnapin kita ulit.... Pwede bang kidnapin kita at hindi na ibalik. Mam ,mahal na mahal kita.. mas nagpapalungkot sa akin mam ang pag alis mo. Hindi ko alam kung paano ko pamumunuan ang samahan na to tapos aalis ka pa mam.  Paano ko mam. Ano gagawin ko mam?" hindi humihinto sa pag iyak ni Isagani gayundin sI Laila. Humiwalay si Laila sa pagkakayakap ni Isagani at hinawakan niya sa dalawang pisngi si Isagani na tila bata  ito sa pag iyak. "Makinig ka Isagani. Pinaglaruan tayo ng tadhana. Pinagtagpo tayo dahil may dahilan pero hindi para tayo sa isa't isa. Magpakatatag ka Isagani. Mapaglalabanan mo yan. Makakalimutan mo din ako ilang araw lang. Ganun din ako Isagani. Paglalabanan ko tong nararamdaman ko para sa yo dahil alam kong mali. Salamat sa lahat Isagani." Bigla ulit sila nagyakap ng mahigpit. Matapos ay isang mahinhing dampi ang iginawad ni Laila sa labi ni Isagani na patuloy pa din sa paghikbi. "Magpahinga ka na. Magpapahinga na din ako." Napagkasunduan ni Rigor at Isagani na bigyan na lamang ni Isagani ng pamasahe itong si Laila upang hindi ito maghinala kung ito ay susunduin pa niya. Basta ihatid lamang ito sa sakayan at ituro kung saan ang sakayan papuntang bus terminal. Kinabukasan ay maaga pa ding gumising si Laila hindi para paghandaan ang kanyang pagtuturo kundi ang magpaalam sa bawat naroon. Siya mismo ang nagpunta sa bawat bahayan upang magpaalam. Napakabigat para sa isang aalis na nararamdaman mong ayaw ka pa paalisin ng mga taong iiwan mo, yun ang nararamdaman ni Laila. Minsan pa at sa huling pagkakataon ay niyaya ni Laila si Isagani upang pasyalan ang batis at talon. "Alam mo isa ito sa ma mimiss ko. Sana hindi na lang ito matagpuan ng ibang tao para manitili itong maganda at malinis... at para na din sa kaligtasan nyo." si Laila habang umuupo sa isa sa mga malalaking bato sa gilid ng batis. "Sana nga mam." "Laila na itawag mo sa kin Isagani. Aalis na din ako mamaya at hindi na din ako teacher dito." "Sige L-Laila." "Kakamiss Isagani." muli na namang naiyak si Laila. "Bago man lang ako umalis Isagani maaari ba kong magtanong ng pinagbabawal nyo sa akin?" "Sige mam... ah Laila.. Ano yun?" "Ano plano mo pagkatapos? Hindi ba pwedeng... hindi ba pwedeng sumuko na lang kayo Isagani? para..." "Para ano Laila? Para mabulok kami sa kulungan? Pati hustisya sa atin baluktot Laila." "Baka naman may iba pang paraan... para pag alis ko... alam kong nasa mabuti kayong kalagayan. Yung namumuhay ng walang pangamba." "Laila... maaaring magkaiba ang paniniwala natin. Nagpapasalamat ako sa respetong binigay mo dun, pero gaya ng sabi ko sayo, hindi pa ko handa sa iniwang responsibilidad sa akin ni Kumander. Kaya magulo pa ang utak ko. Siguro... siguro pag matagal ka ng wala... siguro pag talagang nakalimutan na kita... siguro makakapag isip na ko ng maayos nun... patawarin mo ko Laila." naluha na naman si Isagani. "Wala ka dapat ihingi ng tawad Isagani. Alam kong nagawa mo lang yun para sa inyong samahan. Matagal na kitang pinatawad." "Malapit ng magtakip silim. Tara na Laila." yaya ni Isagani. Pagdating nila ng kuta ay nakaipon lahat ng bata at hinihintay talaga nila ang pagbalik ni Laila upang magpaalam ang mga ito sa pag alis ng kanilang naging guro. "Mam mag iingat po kayo lagi ha..." "Mam sana po makabalik po kayo dito." "Mam wag nyo po kami kakalimutan ha." "Thank you po sa lahat mam." "Mahal ka po namin mam." Naiiyak si Laila sa bawat sinasabi ng mga bata... at mas naiiyak siyang makitang umiiyak din ang mga ito. "Paalam na mga anak ko. Lagi pa din kayong mag aaral ha kahit wala na ko... para maabot nyo yung mga pangarap nyo... saka wag kayong nag aaway ha... lagi nyong tatandaan ang mga turo ni teacher ha... sige na aalis na si teacher... mahal ko din kayong lahat." at kumaway na si Laila sa mga bata tanda ng pagpapaalam. Nandun din karamihan upang magpaalam kay Laila. Kinawayan din ni Laila ang mga yun. Pagtalikod ni Laila ay narinig niyang mas lumakas ang iyakan ng mga bata pero hindi na niya yun nilingon at niyaya na niya si Isaganing maglakad. Patuloy ang pagdaloy ng luha ni Laila habang sila ay naglalakad. Hindi pa sila nakakalayo ay may sumigaw na bata. "Mam Laila..." Hindi natiis ni Laila at nilingon niya ito. Pagkalingon niya ay tumakbo ang bata palapit sa kanya na umiiyak at niyakap siya nito. "Mam.... mam Laila... wag ka na po umalis teacher." hagulgol ng bata Nagsunuran na din ang ibang mga bata upang isa isang yumakap kay Laila. Hirap na hirap ang kalooban ni Laila sa pangyayaring yun. Pagkayakap sa lahat ay hindi na siya muling lumingon at mas binilisan pa niya ang mga hakbang kahit naririnig pa niya ang iyakan ng mga bata. Nakasunod lamang si Isagani sa bawat hakbang ni Laila ng malaunan ay inunahan na ni Isagani si Laila upang gabayan ito sa dadaanan.. "Laila, eto nga pala number ko. Kung sakali mang magkaproblema ka... o kayo ng magiging asawa mo... kontakin nyo lang ako... mag iingat ka Laila." "Salamat Isagani... hindi kita makakalimutan.. mag iingat ka Nararamdaman ko na magkikita pa tayo uli. Alagaan nyo ang mga bata." binigyan ng isang halik sa pisngi ni Laila si Isagani bago ito sumakay ng tricycle. "Manong sa terminal papuntang Maynila nyo po siya ihahatid ha." "Sige po." sagot ng driver. Pag andar ng tricycle ay siya namang pagpatak ng luha ni Isagani. "Mahal na mahal kita Laila." tanging naibulong ni Isagani sa papalayo ng si Laila. Pakiramdam ni Laila ay hindi naman siya lumaya dahil masikip ang kanyang kalooban sa kanyang pag alis. Imbes na maging masaya siya ay panay ang luha niya habang siya ay nakasakay sa bus pauwe na sa kanila. Dahil sa haba ng biyahe ay nakatulog si Laila at sakto ang kanyang paggising sa Caloocan kung saan talaga siya bababa papuntang Malinta. Biglang naalala niya na halos ganung oras din nung siya ay kidnapin ni Isagani. Para siyang nagpapantasya na luminga linga na makita niya si Isagani at Ka Benjo at sasakay din sa jeep na sasakyan niya. Makalipas ang tatlumpung minuto ay narating na ni Laila ang bahay ng ate niya at pasado alas dose na din ng gabi. Sunod sunod ang ginawa niyang katok upang magising agad ito. Halos himatayin naman sa gulat si Leslie ng makita ang kapatid. Ginising niya ang mga anak pati ang asawa nito upang makita nila si Laila. "Diyos ko salamat po. Ano bang nangyari sayo. Saan ka ba nakarating. Para yatang umitim ka ng konti at nangayayat ha. Kumain ka na ba teka ipaghahain kita." tarantang mga tanong ng ate ni Laila. "Mahabang kwento ate pero isa lang ang sasabihin ko senyo. Naging masaya naman ako sa napuntahan ko. Kung pwede ko nga lang kayo tawagan kaso tinapon nila yung cellphone ko eh." "Hah? ano? Paano ka naman naging masaya dun.. tapos tinapon kamu cellphone mo.. hindi ko maintindihan. Ano naengkanto ka ba?" habang naghahain ng pagkain si Leslie. "Ate, basta. Saka eto na naman ako oh. Okey na naman ako. Wala namang nabago sakin. Medyo umitim lang ate pero hindi naman ako pumayat." patuloy na kwento ni Laila "Alam mo bang nakakapagpakalma samin eh yung tumatawag kay Rigor na sinasabing okey ka naman daw." si Leslie "Tumatawag kay Rigor? Sino daw?" "Ayaw daw magpakilala eh. Lalaki daw, sinasabi daw na nasa mabuti kang kalagayan." sagot ni Leslie. "Hindi pa yun. Bago nag seminar sa ibang bansa si Rigor may tumawag na naman daw...... tara kumain ka na muna dito... mga anak panik na ulit kayo. Sabay nyo na daddy pagpanik... Asan na nga ba ko?" natatarantang si Leslie "May tumawag ulit...teka ate.. si Rigor nag seminar abroad?" si Laila "Oo. Teka naman kasi nalilito na ko sa kwento natin. May tumawag daw ulit at ganun ulit ang sinabi na wag mag alala at okey ka naman daw. Napanatag kami ng konti dahil sabi ni Rigor narinig daw niya ang boses mo at ikaw daw mismo ang nagsabi na wag kaming mag alala sayo. Kilalang kilala naman ni Rigor boses mo di ba. Kaya sigurado daw siya na ikaw talaga ang nagsalita." patuloy ni Leslie. "Hah? Sino kaya yun? Wala namang ganung nangyari.?" sagot na may pagtataka ni Laila. "Naku sige na wag mo muna intindihin yun at kumain ka muna." si Leslie "Ui pero alam mo. Sinuswerte ngayon ang jowa mo sa trabaho niya. May paseminar seminar pa ngayon abroad. Saka ang laki ng iginwapo ni Rigor ah, lumaki pa ang katawan.Nag gym pa yata. Bukas ko na itetext at baka sumugod pa dito yun eh wala na tayong itutulog. Magpahinga ka na lang muna ngayong gabi." si Leslie "Itetext ko na lang mga kamag anak natin. Mga malalayo naman mga yun sa probinsiya kaya kahit mabasa pa nila text ko ngayon eh hindi naman makakapunta mga yun dito." "Kumain ka lang ng kumain dyan at aayusin ko lang kwarto mo sa taas. Tapos itambak mo na lang diyan yung pinagkainan mo at bukas na lang mahugasan, tapos sumunod ka na sa itaas para makapagpahinga ka na ha. Salamat naman kay Lord at dininig Niya dasal ko. O sige mauna na ko Laila ha." dire diretsong salita ni Leslie "Sige ate ako na bahala dito. Salamat." Pagkahiga ni Laila ay naiisip niya ang mga pinagdaan niyang buhay sa kabundukan. Mabilis nagflashback sa kanya ang lahat. Iniisip niya ngayon na sana ay tulog na din si Isagani at sana ay tuluyan na din niyang makalimutan ito. Sa kabilang dako ay  hindi pa din nakakatulog si Isagani at paminsan minsan pa ding tumutulo ang luha niya. Iniisip niya na sana nga ay tama si Laila na madali din niya itong makakalimutan. Sana nga. Umaga pa lang laking gulat ni Laila sa kanilang bisita. "Love..." si Rigor. "Love." takbo agad ni Laila papunta kay Rigor upang ito ay yakapin. "Love... akala ko ano na nangyari sayo. Akala ko pinagpalit mo na ko sa iba. Ano ba nangyari sayo? San ka ba galing?" pagkukunwaring hindi alam ni Rigor. "Naku Rigor, kagabi ko pa din tinatanong yan. Basta okey naman daw ang pinuntahan niya. Yun lang ang sabi." singit ni Leslie. "Ang mahalaga love eh andito na ulit ako." si Laila. "May surprise ako sa yo love." si Rigor. "Ano naman yun? tekaaa... mukhang totoo sinasabi ni ate ha, pumopogi ka yata ngayon love ah... at parang machong macho ang dating mo." si laila "Para pogi sa kasal natin love."si Rigor "Ano na nga pala yung surprise mo? Saka wait... ano pasalubong mo sakin? Galing ka daw ibang bansa, anong bansa yun love?" si Laila. "Sila ate lang nadalhan ko ng pasalubong saka yung mga bata. Yung surprise ko na lang pasalubong ko sayo." "O sige na nga. Ano nga ba yung suprise mo?" si Laila "May naghihintay na taxi sa labas.   Tara na kwentuhan na lang kita habang nasa byahe tayo." si Rigor "Ha? Ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi ma may taxi palang naghihintay. Magpapalit lang ako ng damit, saglit na saglit lang." "Saan ba tayo pupunta love?" tanong ni Laila pagkasakay ng taxi. "De dun sa surprise ko sayo." sagot ni Rigor. "Sige magkwento ka muna. Ako kasi wala namang masyadong ikekwento." si laila "Ikaw nga love ang dapat unang magkwento. Pinakaba mo kami lahat, hindi namin alam kung saan ka hahanapin lalo na ang ate mo." "Parang misyon ang napuntahan ko love kaya okey naman ako. Kita naman di ba. So ano ngang kwento balita ko ganda daw ng record mo sa kumpanya." Inakbayan muna ni Rigor ang fiancee  at sinandal sa kanyang balikat bago nagsalita. "Love... sinuswerte lang... dumami lang ang clients ko through referrals... tiyagaan... convincing power.. eto naman parang hindi ako kilala... kaya ayun. Naisama pa ko ng boss ko sa mga tour niya I mean sa mga seminars niya." "Galing naman ng love ko." "Love asikasuhin na ulit natin yung kasal natin. Kausapin natin ulit yung coordinator. One month preparation kaya na yun. Hanap tayo ng designer na kaya itayong igawa ng damit ng rush pero maganda. Then kausapin na natin lahat ng ninong at ninang natin pati mga secondary sponsors. Okey ba sayo yun love?" "Oo naman. Dapat nga naikasal na tayo. Wait love sino kayang pedeng bridesmaid ko?" "Sino ba plano mo dati?" "Si Debra... yung co teacher ko" "Oh, yun naman pala eh. De siya pa din." "Eh ikaw sino ang bestman mo?" "Hmm.. si Dindo pa din ung kasama ko sa work. Daming binigay saking clients yun eh." Kung pwede lang sana na si Isagani ang kanyang bestman sa loob loob ni Rigor. "So kelan natin aasikasuhin love?" "Asap. Start tayo tomorrow. Unahin natin si coor then sa kanya na natin ipabahala lahat. Pero mag prenup pa din tayo dapat this week na din yun. Rent-a-car muna tayo para matipid hindi puro taxi." "Marunong ka ng mag drive love?" "Oo love... malay mo magka kotse tayo di ba. Kaya nag-aral na ko mag drive." "Ah manong pakikaliwa nyo po dyan sa subdivision na yan." "Sige po sir" sagot ng driver. "Sino pupuntahan natin diyan love?May kukunin ba tayong ninong dyan?" tanong ni Laila "Wait love baka maligaw tayo. Ayan manong paki kanan po tapus kaliwa po sa unang kanto." si Rigor habang ginaguide ang driver. "Ayan pakitabi po sa kulay green na gate manong. Manong pakihintay po ulit kami ha." "Love sino ba taga diyan para namang walang tao." habang sinisipat ni Laila ang two-storey na bahay. Nagulat si Laila na may nilabas na susi si Rigor at ito ang nagbubukas ng pinto ng bahay. Pagkabukas nito ay bigla itong sumigaw. "Suprise." "Hah? Anong?" "Love, ito ang surprise ko sayo. Ito na ang magiging bahay natin after our wedding." "Love... talaga? Hindi yata ko makapaniwala love." sabay lapit ni Laila kay Rigor at niyakap to. "Nagustuhan mo ba love?" "Oo naman." "Financing to love wag ka mag alala. Ipisina ko magbabayad nito. Tara tingnan mo buong bahay love." "Lika dali." "Tatlo rooms love sa taas pero isa lang ang cr. Then kung napansin mo may isa ding cr sa ibaba. Eto love ang magiging room natin yung pinakamalaki among the three." "Wow, malaki nga. O ano mga 'to?" mga folders,binders magazines organizers,photo album at kung ano ano pa tinutukoy ni Laila. "Ah, mga personal kong gamit love. Dinala ko na dito pero tayong dalawa ang pipili ng mga gamit na ilalagay natin dito sa house. Gusto ko yung taste mo ang masusunod. Wait love cr lang ako ha." paalam ni Rigor. Luminga linga si Laila at pinuntahan ang mga gamit ni Rigor na nakalagay sa isang malaking box. Photo album agad ang kanyang unang nadampot. Bubuklatin pa lang sana niya ito ng may mga naglalagang mga picture na nakaipit lang dun. Mabilis na dinampot yun ni Laila. Nakita niyang picture pala ni Rigor yun nung college. Natawa pa siya at medyo payat pala si Rigor nung college. Ibat ibang picture ng college. Nang may napansin siya sa kasama nito sa litrato. Parang kilala niya. Halos pare pareho ang mukha ng kasama ni Rigor sa litrato. Si Isagani ba to sa loob loob ni Laila. Limang litrato na puro sa University kuha ang picture. Naramdaman ni Laila na palabas na ng cr si Rigor kaya mabilis niyang nilagay sa bag niya ang mga litrato at inayos sa tamang lugar ang mga gamit ni Rigor. Itatanong agad niya sana kung sino yung nasa litrato pero mas gusto niya munang makasiguro. Baka kung sino lang yun ay mapahiya pa siya pag nagtanong siya agad. "Love tara tingnan mo naman yung magiging rooms ng magiging mga anak natin. Gawa na kaya tayo love?" "Ayan ka na naman love ha." "Akala ko makakalusot na eh. Lalo mo lang ako pinapa excite. hmmmmm." sabay yakap ni Rigor kay Laila. "Lets go love, daan na tayo kay coor ngayon para may ma accomplish tayo today kahit papano. Daan na din tayo sa school mo para makita ka na nila at makapag file ka na din ng leave." suhestiyon ni Rigor. "Owkeey, you're the boss. Pero pwede love kain muna tayo. Nagugutom na ko eh." "Saan mo gusto kumain?" "Kahit saan love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD