Isang linggong hindi humihinto si Leslie sa paghahanap sa kapatid na si Laila. Ilang presinto na ang kanyang napagtanungan at nahingan ng tulong sa paghahanap sa kapatid. Malaking responsibilidad sa kanya ang pag aalaga sa nakababatang kapatid dahil nag iisa lang ito at ipinangako niya sa kanilang mga magulang bago mamatay ang mga ito na aalagaan at poprotektahan niya ito. Kaya kahit nag asawa na siya ay sa kanya pa rin ito nakapisan. Pinuntahan niya ang driver ng jeep na nagsasabing may dalawang lalaking kinarnap ang jeep niya at tinangay ang isa niyang pasaherong babae. Maliwanag sa description nito na si Laila ang sinasabing tinangay na babae dahil sa uniform ng teacher na sinasabi. Pati ang ruta ng jeep nito ay tumutugma dahil sa ganuong ruta sumasakay si Laila pauwe. Nakita ang jeep sa kalsada sa may nueva ecija at walang makapagsabi sa mga taga roon na may krimen na nangyari duon. Maging ang mga presinto dun ay wala ding natatanggap na report ng kahit anung krimen. Iniisip niya kung nireyp si Laila at pinatay ay maaaring nakita na ang katawan nito. Pero pinipilit niyang isaksak sa isipan niyang buhay pa ang kapatid.
"Hello Rigor, may balita ka na ba kay Laila?" si Leslie.
"Ate, talagang tatawag na ko sayo dahil nakatanggap ako ng tawag kani kanina lang." sagot ni Rigor
"O ano sabi? Sino tumawag?Kidnapper ba? "sunod sunod na tanong ni Leslie.
"Ate, boses lalaki. Sabi wag daw akong mag alala at nasa mabuting kalagayan daw si Laila. Sinabi kong gusto kong makausap si Laila pero hindi siya pumayag. Tinanong ko kung ransom ba kailangan nila, pinatayan na ko ng phone. Tinawagan ko ulit ang number hindi na siya active. Hindi na nagriring kahit ilang beses ko ulitin na tawagan." si Rigor.
"Diyos ko, sino kaya yung tumawag na yun? Rigor, wag kang hihinto sa paghahanap kay Laila ha. Ganun din gagawin ko. Ilang gabi na ko hindi makatulog kaiisip sa kapatid ko."
"Oo ate. Wag kang masyadong mag alala baka magkasakit ka niyan. May awa ang Diyos ate. Hindi niya pababayaan si Laila. Magdasal lang lagi tayo."
"Sige balitaan mo ko ulit pag may bago. Saka ulit ulitin mong i dial ung number baka sakaling sumagot yung tumawag sayo."
"Sige ate. Bye."
"Bye".
Binabagabag ng mga tanong ang isipan ni Leslie sa pagkawala ni Laila. Anong motibo ng mga ito sa pagkakadukot sa kapatid niya. Isang linggo na pero wala man lang ni katiting na impormasyon kung nasaan ang kapatid niya. Nagkaroon siya ng kaunting pag asa sa narinig mula kay Rigor. Sana ay totoo ang sinasabi ng lalaking tumawag na nasa mabuti ngang kalagayan ang kapatid niya. Pero ano ginagawa nila sa kapatid niya. Paano nila nasabing nasa mabuti itong kalagayan. Iniisip niyang baka ginawa ng s*x slave ang kapatid niya. Ubos na yata ang luha niya kaiiyak sa pag iisip sa kapatid.
Kung gaano kakabado at pag aalala ni Leslie sa kapatid ay kalmadong kalmado naman itong Rigor. Ipinapakita lang niya na siya ay nag aalala kapag kaharap at kausap ang kapatid nitong si Leslie at mga kaibigan at co teacher ni Laila. Dahil ipinangako sa kanya ng kanyang kaibigang si Isagani na aalagaan nila at poprotektahan nila ang kanyang kasintahan.
Matagal ng magkaibigan si Rigor at Isagani. College days pa lang nila. Parehas silang Political Science student sa isang state university. Nais maging abogado ni Rigor samantalang wala pang plano si Isagani kung sakaling matapos nito ang Pol Sci. Sabay din silang pumasok sa fraternity. Nasa ikatlong taon na sila sa kolehiyo ng nakisama si Isagani sa mga mag aaral na aktibista.
"Tol, baka naman mapunta ka sa balag ng alanganin sa pinasok mo na yan. Maaaring ikatangggal mo sa scholarship mo yan or the worst matanggal ka sa university." paalala ni Rigor sa kaibigan.
"Tol, hindi tayo pwedeng magbulag bulagan at magbingi bingihan sa mga nangyayari sa paligid natin lalo na sa pamamalakad ng ating gobyerno. Hindi nila pwedeng ipamukha sa atin ang scholarship na binibigay nila dahil kusang lang sa kanila yan. Nabubuhay tayo sa baluktot na paniniwala sa pamamalakad nila." sagot ni Isagani.
"Alam mo tol, mas maraming tinig, mas malakas ang pwersa,. Dapat marami ang magsalita at magpamukha sa kanila ng mga mali nilang gawa dahil ulit ulit lang na gagawin yan kahit sino pa ang maupo dyan. Kaya tol, sumama ka na sa amin " patuloy na katwiran ni isagani.
Nagsagawa ng isang malaking pag aaklas ang mga mag aaral sa harap ng Malacañang, sinuportahan ito ng mga taong labas at ng ibang pulitikong galit sa kasalukuyang adiministrasyon. Subalit nauwi ang lahat sa wala. Hinuli ang karamihan at nakasama si Isagani at Rigor na itinurong kasama sa pag aaklas... na naging dahilan sa pagkakatanggal nila sa university.
Lalong tumindi ang galit ni Isagani sa gobyerno at tuluyan na itong sumama sa mga komunista upang ituloy niya ang kanyang paniniwala at pakikibaka. Samantala hindi na din nakapagpatuloy ng pag aaral si Rigor subalit hindi siya nawalan ng pag asa. Naghanap siya ng trabaho kung saan ay qualified siya. Ibat ibang hanapbuhay ang napasok niya, at dahil may itsura siya at personalidad, ay mag nag amuki sa kanya na mag alok ng life insurance. Sa unang kliyente niyang na deal ay malaki agad ang kinita niya kaya't nahiligan na niya ang ganuong propesyon. Mataas ang pangarap niya. Gusto niyang yumaman dahil nakikita niyang pera ang kinikilala ng tao. Kapag may pera ka ay mas mataas ang tingin sa yo ng tao at mas respetado ka. Sawa na siya sa kahirapan dahil bata pa lamang siya ay marami na siyang naranasang pang aalipusta sa ibang tao dahil sa kanyang kahirapan. Dahil sa matalino siya ay nakapasok siya sa state university at nakilala niya si Isagani. Si Isagani naman ay nanggaling sa may kayang pamilya, kaya nitong pumasok sa ibang university pero mas pinili niyang pumasok sa state university dahil nais daw niyang matikman kahit papaano ang kinikita ng gobyerno. Hindi na din siya napigilan ng kanyang mga magulang sa desisyon niyang pagsama sa mga komunista dahil may ibang pag uugali si Isagani. Ipaglalaban niya ang iniisip niyang tama. Hinayaan man siya ng mga magulang ay patuloy pa din ang pag aalala nito para sa kanya. Mas pinagbuti ni Rigor ang paghahanapbuhay. Hanggang nakilala niya Si Laila ng humingi siya ng kaunting oras sa principal ng pinapasukang paaralan ni Laila upang alukin ito ng insurance o mag sub agent sa kanya. Natutunan niya ang ganung istratehiya sa isa niyang kasama ding ahente. Na pasukin lahat ng posibleng mapag alukan ng insurance. Hindi man kumuha ang mga ito, alukin niyang mag sub agent sa kanya. Sa ganang ito, ay kikita pa din siya kahit na iba ang humahanap ng kliyente para sa kanya. Hanggang nakilala niya si Mrs. Ancis Alegre.
Isinama si Rigor ng kapwa niya kliyente sa isang ballroom party. Si Dindo na isa ding DI o dance instructor.
"Pare, malay mo may makilala ka dun.isang client lang... bang... money agad." yaya sa kanya ni Dindo.
Basta pera ang pag uusapan ay madaling makumbinsi si Rigor. Nais niyang mabuhay ng magaan kasama si Laila at ng magiging anak nila. Kaya sumama si Rigor.
"Dindo my dear, akala ko naman iindyanin mo na ko.. at magbubutas na lang ako ng bangko dito." salubong at bati agad ng may edad pero maposturang babae kay Dindo.
"Of course not my dear " sagot naman ni Dindo.
"By the way, this is my friend Mrs. Ancis Alegre. one of the stockholders ng isang shipping company." pakilala ng babae sa kasama niya na may edad na din gaya niya at mapostura at maraming suot na alahas.
"Oh, who's this handsome guy with you?" tanong ulit ng babae na ang tinutukoy ay si Rigor.
"Ah mga madam, this is my friend Rigor Ramirez and this is my best dance partner Keisha and her friend madam Ancis Alegre." pakilala ni Dindo sa mga kaharap.
Muntik ng matawa si Rigor sa pakilalang pangalan ni Dindo sa kausap nitong babae. May edad na pero Keisha pa ang pangalan. Ang pigil niyang tawa ay dinaan niya sa ngiti.
"Please to meet you mga madam." sabay abot ng kamay ni Rigor sa mga babaeng kaharap.
"DI din ba siya Dindo dear para naman may partner itong amiga ko." tanong ni Keisha.
"Im sorry Keisha pero hindi sumasayaw si Rigor." sagot naman ni Dindo.
"Can you please escort for the meantime ang friend ko at namimiss ko na kasing sumayaw.?" pakiusap ni Keisha kay Rigor.
"Don't worry madam.. madam Ancis is safe and secured with me. Enjoy dancing." sagot ni Rigor.
"Umiinom ka ba Rigor?" tanong ni Mrs.Alegre paglayo ni Dindo at Keisha.
"Yes madam."
"Let's go to the bar section para naman makapagkwentuhan tayo." yaya ni Mrs.Alegre.
Sa kanilang kwentuhan, nalaman ni Rigor na biyuda na pala si Mrs. Alegre 68 na siya at 65 naman ang kasama nitong si Keisha at lahat ng anak nito ay sa America na nakatira. Pinipilit na din siya ng mga anak niya na duon na din manirahan. Nagdadalawang isip pa siya nuong una dahil minsan siyang nagbakasyon dun ay nainip agad ito wala pang isang buwan. Subalit ngayon, nag aasikaso na ito ng business na maari niyang pagkaabalahan kapag nasa states na siya. Madali niyang nakuha ang loob ni Mrs. Alegre pero hindi niya ito agad inalok dahil alam niyang wrong timing dahil nasa party sila. Binigyan siya ng calling card ni Mrs. Alegre pagkatapos nilang magpaalaman sa party na yun.
Makalipas ang ilang araw simula ng makakilala ni Rigor si Mrs. Alegre ay tinawagan niya ito. Inimbita siya nito sa kanyang bahay sa isang subdivision.
Dahil sa wala pang sariling sasakyan ay kumuha ng taxi si Rigor papuntang subdivision. Masyadong mahigpit sa subdivision, buti na lang at madaling nakontak ng mga guard si Mrs. Alegre at napapasok agad ang sinasakyan niyang taxi. Namangha siya sa malalaking bahay na nadadaanan niya. Lahat mukhang mayayaman. Ang tataas ng bakod pero kita pa din ang bahay dahil naglalakihan din ang mga bahay. Hanggang narating niya ang address na itinuro ng guwardiya na bahay ng mga Alegre. Sa tantiya niya ay 20 ft ang taas ng gate ng bahay at kita mo agad ang magandang hardin sa loob nito. Maganda ang pagkaka landscape at mukhang laging alaga sa maintenance ang pagkakatrim sa mga halaman. Isang maid na naka uniform ang lumabas para pagbuksan siya ng gate. Pinapasok siya ng maid at sinabihan siya na sundan siya.
Mas lalo siyang nalula ng makapasok siya sa loob ng bahay. Napakataas ng ceiling nito at may isang malaking chandelier sa gitna. Napakaluwag ng sala na naiikutan ng magagarang sofa. May iilang mga paintings na nakasabit sa mga dingding at may piano din siyang natanaw. Malamang gawa iyon ng isang interior designer sa loob loob niya. Hindi naman nagtagal at lumabas si Mrs. Alegre mula sa itaas na may mahabang hagdan na pakurba.
Bumababa si Mrs.Alegre ay may isa na namang maid na lumalabas at may dala itong tray na may sandwich at orange juice. Hindi iyon ang maid na nagbukas sa kanya ng pinto paniniyak ni Rigor.
"Ah letty." tawag ni Mrs. Alegre sa isang maid.
"Yes po mam." sagot nito.
"Pakisabi sa ibang kasama mo na wala munang lalabas dito sa sala dahil may bisita ako, maliwanag?"
"Yes po mam."
Akala ni Rigor ay sa pelikula lang niya makikita ang mga donya na gaya ni Mrs. Alegre at mga katulong na naka uniform pa.
"Rigor sorry for waiting and thank you nga pala at napasyal ka." bungad sa kanya ni Mrs.Alegre na paupo sa sofa paharap kay Rigor.
"Yes po mam.. eh.. naalala nyo po ba yung sinabi ko po senyo sa party?" sagot ni Rigor.
"Yap, na may iaalok ka sa akin?"
"Yes po mam."
"I'll be honest with you Rigor. Tinawagan ko si Keisha and i have learned na gaya ka din pala ni Dindo na life insurance agent. Si Keisha may mga anak dito sa Pinas kaya may benificiary siya just in case. Pero ako, alam mo namang nasa states na buong family ko, and besides, may insurance na din ako.. matagal na."
"Ah ganun po ba mam."
Parang napapahiya si Rigor dahil hindi nga niya naisip na sa yaman nito ay tiyak na kumpleto sa mga insurance ang mga taong yun. Hindi na tuloy niya alam kung ano pa ang sasabihin niya. Parang gusto na niyang magpaalam.
"Sorry po mam. So,naabala ko pa po yata kayo?"
"No. I thank you for coming dahil ako ang may i ooffer sayo..."
Bahagyang nagulat si Rigor sa sinabi ni Mrs. Alegre.
"Ano po yun mam?"
"Ancis na lang Rigor, simply call me Ancis."
"Hindi po ba nakakahiya mam?"
"Mas komportable ko kung Ancis itatawag mo sa akin."
"Sige.. An..ancis.."
Bahagyang humigop ng kape si Mrs. Alegre sa tasang hawak nito. Pagkalapag ay tumingin ng direcho kay Rigor.
"I'll be straightforward to you Rigor. I don't care kung may asawa ka or girlfriend ka."
Kinakabahan man pero hinihintay ni Rigor ang susunod na sasabihin ni Mrs. Alegre.
"Type kita, gusto kita, in 6 months time mag ma migrate na ko sa states for good. Gusto ko makipag live in ka sa akin habang nandito ko sa Pinas... and you will taste all the pleasure in life... plus 20 million pesos."
Napalunok bigla si Rigor sa kanyang narinig. Totoo ba sinasabi ng babaeng to sa loob loob niya.
"Money is nothing to me. Aanhin ko lahat ng pera na yan kung hindi ako masaya. Make me happy Rigor. Hindi sa jina judge kita pero i'll make sure na hindi mo kikitain ang 20 million sa loob ng anim na buwan. Bibigyan kita ng one week to decide, for the meantime here is ten thousand pesos para sa pinamasahe mo pagpunta dito." sabay abot ng sobre ng pera ni Mrs. Alegre kay Rigor.
Lumisan si Rigor sa bahay ng mga Alegre na parang lutang. Hindi niya lubos maisip kung paano ang gagawin niya. Siya pa naman ang nagplano na magpapakasal na sila ni Laila. Napakalaking pera ng twenty million. Para na din siyang tumama sa lotto. Subalit iniisip niya kung pakikisamahan niya si Mrs.Alegre ay tiyak na mag sesex sila. Kaya ba niyang makipag s*x na mas matanda pa sa nanay niya. At tiyak na kasama siya nito kahit saan man ito pumunta. Pero sa halagang ibibigay nito sa kanya ay makakabili na siya ng magarang kotse at bahay at mas magiging engrande ang kasal nila ni Laila. Pero paano si Laila? Paano niya itatago ito kay Laila. Tiyak na lagi siya nitong hahanapin. Tiyak na hindi ito papayag kung sakali mang ipaalam niya ang alok ni Mrs.Alegre. Pero ang pangarap niya na ang kusang lumapit sa kanya. Sa pagkakataong ito ay muli niyang naalala si Isagani. Nagkaiba man ang tinahak nilang buhay ay hindi naman naputol ang kanilang pagkakaibigan at komunikasyon. Nuon pa man ay malaki na ang naitutulong sa kanya ni Isagani. Kapag pumapasok siyang walang baong pera ay si Isagani lagi ang nagpapakain sa kanya. Kapag may mga biglaan silang project ay si Isagani ang sumasapo sa kanya, at sa pagkakataong ito ay alam niyang si Isagani muli ang makakatulong sa kanya. Kaya nabuo ang desisyon niyang ipadukot ang girlfriend sa kanyang kaibigan kapalit ang dalawang milyon na ibibigay niya dito at sa buong samahan nito.
Matapos maisagawa ang planong pagpapadukot at alam niyang hindi pinababayaan ng samahan si Laila ay muling nagbalik sa mansion ng mga Alegre si Rigor.
"So nakapag decide ka na ba? Mr.Rigor Ramirez." si Mrs. Alegre.
"Yes Ancis, tinatanggap ko ang offer mo. I will be your partner or husband for six months."
"Good. Be practical Rigor, gusto ko yan, hindi plastik. So let's go shopping para makapamili ka ng mga gamit mo. Wag mo na dalhin yung mga luma mong damit at gamit dito."
"Ancis, pwede ba ko mag request?"
"Yes, ano yun?"
"P-pwede ba ko makahingi ng downpayment para iwan ko sa mga magulang ko at kapatid ko?"
"Wala akong pakialam kung saan mo dadalhin ang pera pero bibigyan kita ng five million in advance. I trust you Rigor. Gaya ng sabi ko sayo, money for me is nothing. Kaya sana wag mo sisirain ang tiwala ko sayo."
Alam ni Rigor ang ibig sabihin ni Mrs.Alegre. Maaari siyang ipahanap nito at ipapatay kung lolokohin niya ito. At bakit naman niya lolokohin, may fifteen million pang natitira na makukuha niya bago ito umalis.
"Makakaasa ka Ancis. Trust me."
"Okey just wait me here tatawag ako sa bangko. Then direcho na tayo mag shopping. By the way, marunong ka na ba mag drive?"
"Naku hindi pa eh."
"Don't worry, in two days matututo ka din sa mga driving school. For the meantime tawagan ko muna yung driver ko para ipag drive tayo. Just wait here."
Ilang oras lang ay makakahawak na siya ng milyon na hindi pa nangyayari sa buhay niya. Nakaplano na agad na ibibigay niyang downpayment kay Isagani ang isang milyon at magbibigay lamang siya ng paunti unti sa pamilya niya dahil alam niyang magtataka ang mga iyon kapag nag iwan siya ng malaking pera. Magbubukas siya ng bagong bank account na ililihim niya kay Laila.
Ilang saglit pa ay dumating na ang driver na tinawagan ni Mrs.Alegre. Dinala agad siya nito sa mga mamahaling department store. Binili lahat ng kailangan niya mula ulo hanggang paa. Ibinili din siya nito ng mas updated na cellphone at dumaan sila sa isang derma clinic.
"Madam, facial po ba?" tanong ng attendant.
"Sa kanya facial mo lang."turo ni Mrs. Alegre kay Rigor."ako rejuvenate saka diamond peel".
"Madam ang pogi naman nitong kasama mo parang si Jericho Rosales." puri ng tauhan sa clinic kay Rigor.
Bahagya namang ngumiti si Rigor sa papuring yun. Hindi pa naranasan ni Rigor ang pumasok sa isang derma clinic kayat hindi pa niya alam ang gagawin. Kuntento na siya dati sa paggamit lang ng mga bleaching soap at mga astringents.
"Sige po bend na po kayo sir." sabi ng attendant kay Rigor.
Matapos ang session sa clinic na yun ay dumaan na sila ng bangko. Mahigpit ang security. Pagpasok pa lang ng bangko ay nakilala na agad si Mrs.Alegre at inanyayahan agad siya nito sa isang kwarto dun. Hindi na pinasama si Rigor at nanatili na lamang siya sa waiting area sa loob ng bangko. Kulang kulang isang oras din ang pinaghintay ni Rigor subalit hindi siya nakaramdam kahit kaunting pagkainip dahil malaking halaga ang kapalit ng kanyang paghihintay. Paglabas ni Mrs.Alegre ay niyaya na siya nito lumabas at inescortan pa sila ng dalawang guwardiya hanggang makapasok sila sa loob ng kotse.
Nakalagay lamang ang limang milyon sa loob ng isang paper bag.
"Rigor, asan yung bag na binili natin hindi ko na pinasama yun sa compartment sa iba nating pinamili."
"Eto sa likod ko nasasandalan ko."
"Dyan mo ilagay itong pera para hindi halatang pera ang dala mo. Magpapahatid lang ako sa bahay at ipagdadrive ka ni Oscar kung saan ka pupunta. Hihintayin na lang kita sa bahay. Wag ka lang masyadong magpapagabi." habilin ni Mrs.Alegre.
"Sige. Salamat ha."
Hinawakan ni Mrs.Alegre sa baba si Rigor.
"Don't say that. Hihintayin ko na ako naman ang magpasalamat sayo." namumungay ang mata nito sa pagkakasabing iyon ni Mrs.Alegre.
Pagkababang pagkababa ni Mrs.Alegre ay tinext agad ni Rigor si Isagani.
"Tol, magbibigay na ko ng downpayment, isang milyon. Paano ko ibibigay sayo to?"
"Tol, bilis ng raket mo ha." mabilis na reply ni Isagani.
"Kamusta si Laila.? Wag nyong pababayaan yan ha. Saka baka may kailangan pa siya lagi nyong tatanungin medyo mahiyain yan."
"Okey na okey siya tol. Wag ka mag alala. May ibibigay ako sayong number, tawagan o itext mo siya. Andyan siya ngayon sa Maynila. Kapag naiabot mo na ang pera itext mo ko ulit."
"Okey sige."
"Mang Oscar, maari po ba tayong dumaan sa bangko ko." tanong ni Rigor sa driver matapos kausapin ng lihim ni Rigor si Isagani.
"Kahit saan po sir sabihin nyo lang po kung saan po ang daan." sagot nito.
Ang totoo ay gagawin na niya ang plano na magbubukas siya ng ibang bank account at magtitira lamang siya ng kaunti para sa pamilya niya. Dun na din niya sa bangko kakatagpuin ang lalaking inutusan ni Isagani na makipagkita sa kanya.
"Mang Oscar, eto po magmeryenda po muna kayo at baka matagalan po ako dito." sabay abot ng isang libo ni Rigor sa driver.
"Salamat ha."
Menos kinse bago mag alas tres.m Malapit ng magsara ang bangko. Dahil galing sa magarang sasakyan ay malugod ang pagkaka welcome sa kanya ng mga guwardiya. Dahil sa malaki ang idedeposit niyang pera ay pinayagan siya ng management na makapagdeposit kahit halos nasa oras na ng closing ng bangko.
Umabot ng isang oras ang transaksyon ni Rigor sa bangko dahil sa mga interview at maraming papel na kanyang pinirmahan. Kalmado ang kanyang kilos upang pagkamalan siyang mayaman at pangkaraniwan lang ang ganung kalaking pera sa kanya.
"Sir Rigor Ramirez?" tawag ng isang guard na galing sa labas.
"Yes?" sagot naman niya.
"May lalaki po sa labas hinahanap po kayo."