CHAPTER 5

3523 Words
"Sir may lalaki po sa labas hinahanap po kayo." sabi ng guard. "Ah, kaibigan ko yan. Pwede po bang papasukin?" binalingan ni Rigor ang branch manager na katransaksyon niya." Mam pwede pa po bang papasukin?" "I'm sorry sir pero hindi na po talaga. May cctv po sa labas baka makita po sa main office yan na nagpapasok kami almost 5pm na po. Sorry po talaga Sir." sagot ng manager. Naiintindihan naman ni Rigor ang paliwanag ng kausap. Ngunit kung dahil sa pamimikas ng lalaking humahanap sa kanya ang naging basehan ng mga ito para hindi ito papasukin ay tiyak na ikagagalit niya. Natanawan niya ang lalaking humahanap sa kanya ng bahagyang ibukas ng gwardiya ang pintuan ng siya ay tawagin. Napansin niyang kupas ang suot nitong t shirt na pinatungan ng checkered na long sleeves. Medyo madumi ang suot din nitong faded maong pants at naka tsinelas lamang ito. Maaaring nagtataka ang guwardiya kung paano niya naging kaibigan ang lalaking humahanap sa kanya. Matapos ang transaksyon ay kinamayan siya ng manager at ng mga guwardiyang nasa labas. Inakbayan niya agad ang lalaking humahanap sa kanya para ipakita niya na kilala niya talaga ang lalaking humahanap sa kanya  at kasabay nitong sumakay sa kotse. "Mang Oscar, ihatid lang po natin tong pinsan ko sa may istasyon ng bus tapos uwe na po tayo." Mabilis lang ang naging pakikipag usap ni Rigor sa lalaking inutusan ni Isagani. Iniabot niya ang bag na may lamang isang milyon at tuluyan ng pumasok ang lalaki sa istasyon ng bus.Agad niyang tinext si Isagani upang ipagbigay alam dito na naibigay na niya ang pera. Sumagot naman agad ito ng okey at salamat. Pag uwe ng subdivision sa Pasig ay  nagpaalam na si Mang Oscar kay Rigor na uuwe na ito. "Hindi na po ba kayo magpapaalam kay Mrs. Alegre?"tanong ni Rigor. "Hindi na po sir. Magtetext na lang po ako sa kanya. Sige po sir tuloy na po ako." paalam ng driver. "Salamat." Pagpasok ng bahay ay sinalubong agad siya ni Ancis. "So kamusta ang lakad mo?" tanong agad nito sa kanya. "Okey naman.n Nagawa ko naman lahat ng dapat kong gawin." "Tara ipakita ko sayo yung kwarto natin saka magpalit ka na din tuloy ng pangbahay at magpapahain na din ako ng dinner." Binaybay nila ni Mrs.Alegre ang mahabang hagdan na sa tantiya niya ay nasa dalawampu ang baitang. Nakahawak pa ito sa kanyang braso habang sila ay papanhik. Laking gulat ni Rigor ng buksan ni Mrs.Alegre ang pintuan ng kwarto. Tumambad sa kanya ang fully carpeted na kwarto nito. Malaki ang king size bed nito kumpara sa ibang king size bed. Pati ang headboard ay kakaiba. Sa harap ng kama ay may isang malaking tv screen. Parang isang sala ang kwarto sa laki at malamig ang aircon nito. "Eto naman ang damitan mo. Nakaayos na lahat yan mula sa mga pangbahay, pantulog, panlakad o may pang gym din tayong binili. Hindi ko pa napapakita sayo ang gym dito sa bahay. Iwan muna kita dito at tingnan ko kung nakahain na ang mga maids." "Sige." tanging naisagot ni Rigor. Tinungo ni Rigor ang cr nagulat siya na aircon din ang cr nito. Malawak ang cr, parang sa mga mall. May  malapad itong salamin pagpasok pa lamang. Sa gawing kaliwa ay may jacuzzi at dalawang cubicle pa sa gawing kanan na pawang mga kubeta. Napakabango ng cr. May ibat ibang palamuti sa loob ng cr gaya ng mga ibat ibang kulay ng bato, mga cactus na nasa maliliit na lalagyan. May mga sabon din na sa tingin niya ay mga imported, pati ang mga shampoo. May nakasabit na mga tuwalya na akala mo ay nasa hotel siya. Nasa pag uusisa siya ng marinig niyang may kumakatok. "Sir, tawag na po kayo ni mam. Kakain na daw po." isa sa mga maid ng bahay. "Pakisabi susunod na ko."sagot ni Rigor. Humugot lang siya ng isang boxer shorts at isang sando para ipalit sa kanyang damit at mabilis na siyang bumaba ng bahay. "Napakahaba namang mesa nito Ancis, dalawa lang tayong kakain." puna ni Rigor. "Before kasi, madami kami dito sa bahay nung dito pa lahat ng mga anak ko at mga apo pati mga manugang ko kaya napupuno ito." paliwanag naman ni Mrs.Alegre. "Mas sexy ka pala kapag naka shorts at sando ka lang." puna naman ni Mrs.Alegre kay Rigor. "Hehe. komportable kasi ko sa ganitong suot pag nasa bahay lang." sagot niya. Hindi na pinuna ni Rigor ang pagkain bagamat napansin niyang madami ito. "Masarap ah. Mukhang magaling ang cook mo dito." si Rigor. "Yes. 25 years na namin siyang cook dito sa bahay. Pero hindi nagbabago lasa ng mga luto niya.s Sige kain ka lang ng kain. Iwas ka lang sa mga fats at less rice. Baka masira yang macho body mo." "May gym naman dito di ba sabi mo. Hehe. Bawi na lang ako sa gym.s Sarap kumain eh,sarap ng mga luto." "Haha. Ikaw bahala." natatawang sagot ni Mrs. Alegre. Nakabantay ang dalawang maid habang sila ay kumakain. May nagsasalin ng tubig sa baso ni Mrs.Alegre at sa baso ni Rigor. Matapos kumain ay sinabihan ni Mrs.Alegre and mga maid na ligpitan na ang pinagkainan nila at kumain na din sila. "Halika Rigor.itu tour muna kita sa bahay habang nagpapababa tayo ng kinain." yaya ni Mrs. Alegre kay Rigor. Dahil nasa dining area sila, dinala ni Mrs.Alegre sa kitchen si Rigor. "Ayan ang kitchen Rigor pero hindi masyadong ginagamit. Kapag may mga okasyon lang. Tara... eto naman ang dirty kitchen, eto ang madalas gamitin att eto nga pala si Flor ang nagluto ng mga kinain natin. "Good evening po sir... mam." bati ni Flor Binuksan ni Mrs. Alegre ang ilaw sa gawing likod ng bahay paglagpas ng dirty kitchen. Ipinakita kay Rigor ang gym na sinasabi nito. Kumpleto ang gamit dun pati ang wall na puro salamin. "May mini pool din dito pero pansamantala kong pinatuyuan ng tubig dahil wala namang gumagamit. May dalawa ding CR na nakahiwalay sa bahay para naman yan sa mga bisita kapag may okasyon. Mahaba din ang parking nito na kasya ang limang sasakyan. Dahil ako lang ang andito kaya isa na lang ang sasakyan na naka park. Tara na sa taas." yaya ni Mrs. Alegre. "Bukas ko na itutuloy ang pag tu tour sa yo at nakakapagod din. Kanina pa tayo lakad ng lakad sa mall." Mula sa kwarto ay may hinawing kurtina si Mrs. Alegre. May sliding glass door duon. Binuksan niya ito at nagulat si Rigor na may terrace pala sa loob ng kwarto nito. Tinungo niya ang terrace at tanaw niya mula sa itaas ang buong harapan ng bahay at ilang kapitbahay na malalaki din ang bahay. Malamlam na ilaw lang binuksan ni Mrs. Alegre sa terrace. "Tingin ka na lang sa ref kung ano gusto mong inumin. Basta ako red wine lang ako. Iwan muna kita dito at mag sa shower lang ako." "Sige." Habang wala si Mrs. Alegre ay nangarap si Rigor na kanya ang bahay. Na iyon ay kwarto nila ni Laila. Tumayo siya at tinungo niya ang refrigerator. Ibat ibang klaseng inumin ang andun. May softdrinks ,  energy drink, may mga prutas, chocolates, beer at iba pang pagkain na pangmatagalan. Kumuha siya ng brandy at cube ice sa freezer. Napansin na din agad niya ang lagayan ng wine glass dun at bumalik siya sa terrace at umupo sa couch na andun. Iniangat pa niya ang dalawang paa sa center table nito. Naglagay siya ng konting wine at isang cube ng yelo sa baso. Kunwari ay may kainuman siya at nakipag toast pa siya dito. Alam niya sa sarili na hindi ganuon kadaling abutin ang magkaroon ng ganuong kagarbong bahay at pamumuhay. Kahit mabayaran pa siya ng buo ni Mrs.Alegre ay wala pa sa kalingkingan sa yaman ng mga ito. Sige pa din siya sa pagtagay at pangangarap. Hindi namalayan ni Rigor na palapit na sa kanya si Mrs.Alegre. "I'm done." bungad nito. Nagulat si Rigor at bigla nitong naibaba ang mga paa na kanina lang ay nakapatong sa maliit na mesang naroroon. "Andyan ka na pala." bati ni Rigor. Nakalugay ang kanina lang ay nakapusod na buhok ni Mrs.Alegre. Wala naman halos nabago dito kahit walang make up. Dahil sa mayaman ay alaga sa pagpapabanat ng mukha ito ngunit hindi maikakaila ang edad nito sa mga kulubot nito sa leeg maging sa brasong nakalaylay na. Pero banaag pa din sa mukha nito na maganda ito nung kabataan. Nakaputing pantulog si Mrs.Alegre pero hindi naman nighties. Kumalat ang amoy nitong mabango ng tuluyan itong nasa terrace na. "Baka naman nakarami ka na diyan ha. Ikaw naman mag shower or later na?" "Mamaya na lang. Shot muna tayo. Nag-eenjoy pa ko tingnan ang malalaking bahay dito sa subdivision nyo." "Wait, kuha lang ako ng baso at ng maiinom ko." gaya ng sinabi ni Mrs. Alegre ay red wine lang ang kanyang iinumin. "Alam mo Rigor, lahat ng malaki nagsisimula sa maliit. Malalaki na anak namin ng lumipat kami sa subdivision na to. Dati, hindi ganitong kalaki ang bahay namin sa dating subdivision na tinirahan namin.. pero dahil sinuwerte sa mga negosyo kaya nakabili kami ng property dito. Everything is possible Rigor, hardwork, faith, tiwala sa sarili pagsama samahin mo yun.. makukuha mo ang gusto mo. Let's toast." Nagkwento pa si Mrs. Alegre tungkol sa kanyang pamilya, sa kanyang asawa kung paano sila nagkakilala hanggang sa kung ano ang mga tinapos ng kanyang mga anak at pati mga napangasawa ng mga ito. Hindi namalayan ni Rigor na nakarami na pala siya ng naiinum sa pagkukuwentuhan nila ni Mrs. Alegre. "Mukhang tinamaan na ko dun ah. Nahihilo ko ng konti. Siguro mas maganda kung mag shower na ko ng bumaba ng konti ang tama ko." sabi ni Rigor. "Better idea at liligpitin ko naman to habang nag sa shower ka." Habang nasa shower room si Rigor ay alam na niya ang susunod na mangyayari paglabas niya ng shower room. Ayaw niya talagang mawala ang tama ng alak sa kanya para mas malakas ang loob niya sa kanyang mga gagawin. Tatanggalin lang niya ang amoy alak sa katawan at sa bibig niya at lalabas na siya agad ng shower room. Hindi nga niya tinagalan ang ginawang pag sashower at dama pa din niya ang tama ng alak. Nakatapis lamang siya ng tuwalya ng paglabas niya ng cr. Medyo madilim ang loob ng kwarto dahil lampshade na lamang ang bukas na ilaw. Naaninag niyang nakahiga na din si Mrs.Alegre. Nanginig siya dahil sa lamig ng aircon kayat binuksan niya agad ang lagayan niya ng damit. "Rigor, mamaya na yan." "Kukuha lang ako ng damit." "That is what i'm telling you to do later." "Giniginaw ako eh." "Makapal ang kumot lika dito."may pang aakit ang lambing ng salita ni Mrs. Alegre pero may bahagya na ding nginig sa boses nito dahil na din sa edad nito. Hindi na kumuha ng damit si Rigor at sinunod niya ang sinabi ni Ancis. Sumampa na siya sa kama at pumasok sa loob ng kumot pero tinanggal niya ang nakatapis sa kanyang tuwalya dahil medyo basa ito kaya wala siyang saplot na kahit ano. Naramdaman niyang tumagilid ng higa paharap sa kanya si Ancis at ipinatong nito ang kaliwang kamay sa kanyang dibdib. Ito na marahil ang hudyat para simulan niya ang trabaho niya. Hinawakan niya ang kamay na ipinatong ni Ancis sa kanyang dibdib. Malambot ang kamay nito pero dama niya ang kulubot sa ibabaw ng mga palad nito. Dinala niya ang kamay ni Ancis sa kanyang mukha at papunta sa kanyang bibig. Nilabas niya ang kanyang dila at dinilaan niya ang palad nito. Sa pagkakadaiti sa kanya ni Ancis ay naramdaman niya ang mga dibdib nito na nakadikit sa kanyang mga braso. Kahit papano ay nakaramdam siya ng init. Pumikit siya at inimagine niya na si Laila ang kanyang katabi. Sa pagkaka imagine na yun ay humarap agad siya kay Ancis at kinabig niya ang katawan nito upang idikit pang mabuti sa katawan niya. Nagngalit ng husto ang alaga niya na bumubunggo ngayon sa puson ni Mrs.Alegre. Mula sa pagkakahalik sa palad ay isinubo ni Rigor isa-isa ang daliri ng hawak niyang kamay. Napaungol ng impit si Ancis sa ginawa ni Rigor. Matapos pagsawaan ang kamay ay dumako siya sa leeg ni Ancis. Dama ng labi ni Rigor ang kulubot na leeg ni Ancis pero dahil sa bango nito at tama ng alak sa kanya at imagination ay nagawa niya itong simsimin hanggang sa likod ng mga tenga. Nahihirapan sa posisyon niya si Rigor kayat pumatong na siya ng tuluyan kay Ancis. Nililis na niyang tuluyan ang suot nitong damit pantulog. Naramdaman ni Rigor ang init ng pagkakadikit ng kanilang katawan at hindi na niya masyadong alintana ang lamig na ibinubuga ng aircon. Pinagapang ni Rigor ang kanyang labi sa mga labi ni Ancis. Nakipag torrid kissing siya dito. Naramdaman niyang hindi sanay sa ganuong halikan si Ancis kaya iniba niya. Ginawa lang niya itong malumanay. Pinagapang pa niya ang kanyang mga labi pababa hanggang sa dibdib ni Ancis. Nilaro niya ng nilaro ang mga yun na nagpapaliyad sa katawan ni Mrs.Alegre. Habang ginagawa niya yun ay tuluyan na niyang hinubad ang huling saplot ni Mrs.Alegre. Lalong nag alburuto ang alaga ni Rigor sa pagkakalapat ng kanilang mga kaselanan. Dahil na rin sa pananabik at matagal ng walang s*x ni Rigor ay sinakatuparan na niya ang gagawin. Tuluyan ng nagsugpungan ang kanilang mga katawan na hindi na nagpahinto sa pag ungol ni Mrs.Alegre. Hindi lang iisang beses pinawalan ni Rigor ang init na nagmumula sa kanyang katawan. Hindi niya ito mabilang hanggang sa nakatulugan niya. Nagising si Rigor ng wala sa tabi niya si Mrs. Alegre. Naka brief at boxer shorts na siya ng tingnan niya ang kanyang sarili mula sa ilalim ng kumot na puti. Inaalala niya ang nangyari ng nakaraang gabi. Hindi niya alam sa sarili niya kung nag enjoy ba siya talaga sa pakikipag niig kay Ancis o dahil ginawa niya ito bilang parte ng kanilang napagkasunduan. Napansin niya ang isang photo frame na nakapatong sa maliit na mesa sa may gawing ulunan ng kama katabi ng lamp shade. Dinukwang niya yun at pinagmasdan. Maganda ang babae sa larawan  pero mukhang may kalumaan na ang litrato. Inaninag niyang mabuti at napigurahan niyang si Ancis ang nasa litrato, maaaring kuha ito nung siya ay dalaga pa. Maganda pala talaga si Mrs.Alegre nung araw na nahahalata pa din naman niya subalit dahil nga sa edad nito ngayon ay malaki na ang ipinagbago. Maaaring iniingatan niya ang picture na yun na nagpapaalala ng kanyang kabataan. Binalikan niya ng tingin ang maliit na mesa at nagbaka sakali siyang may iba pa siyang makikitang picture duon. Nang wala na ay ibinalik na niya ang picture frame at inunan nya ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa kisame. Chandelier pa lang sa kwarto nito ay napakaganda na, mukha na itong mamahalin. Lalo na marahil yung nakakabit dun sa sala at sa dining set. Hindi pa din siya makapaniwala na nangyayari sa kanya. Sana ay may dumating na lang sa kanya na ganung kalaking pera na wala sanang kapalit. Wala sana siyang inaalala ngayon gaya ng pag aalala niya kay Laila. Pero imposible namang mangyari yun. Yung mga tumatama lang sa lotto ang nagkakaroon ng ganung kalaking pera na biglaan. Ilang buwan lang naman ang kanyang hihintayin at magiging maayos na ang kanyang buhay na lahat ay pinaplano na niya. Gagawin niyang mas magarbo ang kanilang kasal ni Laila, kukunin niyang Ninong at Ninang ang mga kilala niyang tao at naging kliyente na mayayaman upang kahit papano ay makabawi siya sa gagastusin nila sa kasal. Kukuha siya ng isang bahay sa isang subdivision at palalabasin niyang hulugan ito. Pagkatapos at kukuha siya ng kotse at sasabihin niya kay Laila na ang kompanya niya ang maghuhulog nito at ikakaltas sa kanyang mga nagiging komisyon dahil isa siya sa mga topseller ng kumpanya. Tiyak na hindi maghihinala si Laila kung paano siya nakapagpundar ng mga ganuong bagay. Ipagpapatayo din niya ng tindahan ang kanyang Nanay upang may sarili itong kita at nalilibang. Sigurado na din siyang mapag aaral niya ng maayos ang dalawa pa niyang kapatid na kasalukuyang nag woworking student para lamang makapag aral at matapos ang kolehiyo. Iniisip niyang magiging mabango na ngayon ang pamilya niya sa mga kamag anak nila. Na dati rati ay hindi sila halos imbitahin ng mga ito kapag may mga okasyon gaya ng birthday o kahit anu pa man. Ito na marahil ang dinarasal niyang suwerteng darating sa kanya. Mabilis lang ang mga araw at matutupad na din niya ang mga plano niya. "Good morning dear Rigor, breakfast in bed." katulong ang isang maid ay dala ni Ancis ang isang tray na may box ng fresh milk at baso samantalang tulak tulak naman ng maid ang isang cart na laman ay ang mga pagkain. Hindi nagbago ng pwesto si Rigor sa pagkakahiga, tinanaw lamang niya ang mga pumasok ng kwarto. "Good morning" tanging sagot niya. ""Sige na  Lerma iwan mo na kami. Salamat." sabi ni Ancis sa maid niyang katulong magpanhik ng pagkain. "Bangon ka na dyan dear at ng makapag breakfast ka na. Alam kong malaki ang nawala sayong energy. hihi."malanding tawa ni Ancis. "Bakit naman pinanhik mo pa? Sana pinatawag mo na lang ako. Naabala ka pa tuloy." si Rigor. "Ano ka ba? Worth it ang pag effort ko dito dahil you made my night very wonderful." si Ancis habang inaayos sa kama ang kakainan ni Rigor. "Talaga? Akala ko hindi ka nag enjoy eh. hehe" "Who told you that. Pakiramdam ko nagbalik ako sa 21 years old kagabi and that is all because of you." "Palabiro ka din pala. Tara sabayan mo na ko kumain." yaya ni Rigor. "Nag coffee na ko dear. Maaga ko nagising kanina. Sige kain ka lang at inumin mo yang gatas ha." "Sige." "Dear, after mong kumain mag shower ka na ha." si Mrs.Alegre "Saan lakad natin.. An.. dear?" Tinawag na din niyang dear si Ancis upang mas lalo itong masiyahan. "Well, sa driving school. Para hindi na natin naabala si Oscar pag may lakad tayo, saka kapag alam mo na ang basics, ipapa assist pa din kita kay Oscar para makapag drive ka on your own. Madali lang naman at matic naman ang kotse natin." "Hmmm... sige sige.." "Ngapala dear, may passport ka ba?" "Yes meron. Kumuha ko two years ago. Bakit dear"? "Parang gusto kong mag tour around Asia bago man lang ako pumunta ng states. Like sa Thailand, Singapore, sa Japan.Alam mo maganda sa Thailand nakapunta na ko dun." Muntik ng masamid si Rigor sa sinabi ni Ancis. Alam niyang isasama siya nito kaya sinasabi sa kanya. Subalit gusto niya pa din itong marinig. "Talaga? Isasama mo naman ba ko sa tour na yan?" tanong ni Rigor. "But of course. Mukha naman akong tanga kung ako lang mag isa di ba." sagot ni Ancis. Grabe na to sa loob loob ni Rigor. Anim na buwan siyang magbubuhay mayaman at may kasama pang tour sa ibat ibang bansa. Hindi ito kasama sa nga pangarap niya kaya labis ang tuwa niya sa mga naririnig kay Ancis. "Kailangan mo munang matutong mag drive ha. Then, kumuha na ko ng schedule dun sa derma, 2 session tayo w****y dun. Next month na tayo mag tour, asikasuhin ko din muna yung mga iiwan kong business dito para wala akong inaalala pag namasyal tayo. Rigor, as i told you before... ipaparamdam ko sayo ang buhay ng gaya ko.. hindi ka magsisisi." Matapos sabihin ang mga huling kataga ay lumapit si Ancis kay Rigor at dinampian ito ng isang halik sa labi. Tumango tango lang si Rigor sa mga sinabi ni Ancis tanda ng kanyang pag sang ayon sa mga sinasabi nito. "Iwan na muna kita ha dear. Mauna na kong maliligo at medyo matagal akong gumayak. Alam mo na. hihihi. Tawag ka na lang ng maid sa baba kapag tapos ka na ha." sabi ni Mrs.Alegre bago ito tuluyang pumasok sa shower room. "Sige dear, take your time. Thank you nga pala dito sa breakfast." pahabol na sagot ni Rigor. Binilisan niya ang pagkain ng maalala niya na may gym nga pala sa likod bahay. Gusto niya itong masubukan habang hinihintay niyang gumayak si Ancis na may katagalan talaga mag ayos dahil bukod sa matagal itong maligo ay gumugugol din ng oras ang pag me make up nito. Matapos kumain ay itinabi lang niya ang cart at tuluyan na siyang bumangon at dumiretso sa ibaba. "Ate, paligpit na lang po ng pinagkainan sa itaas." bati ni Rigor sa isang maid na nalimutan niya ang pangalan. "Sige po sir."sagot naman nito. Pagpasok ng gym ay inilinga muna niya ang mga mata sa mga kagamitang anduon.Halos kumpleto nga ng gamit ang gym na yun pati ibat ibang weights ng dumbell. Dinampot niya ang  dalawang 2 kg na weights. Napansin niyang malilinis yun at walang alikabok kahit sa tingin niya ay wala namang gumagamit ng mga yun. Naisip niyang maaaring regular na pinapalinis ni Mrs.Alegre ang mga yun. Pagkakuha niya ng dalawang dumb bell ay humarap siya sa salamin. Napansin niya na maganda pa din ang hubog ng katawan niya. Naalala niya tuloy ang sinabi ng tauhan sa derma clinic na kahawig niya si Jericho Rosales. Nangiti siya sa harap ng salamin.Maaring sa mata at sa baba niya kaya nasabi nitong kahawig niya si jericho at sa buhok niyang makulot kulot. Inumpisahan niyang iangat ang isang dumbbell ng dahan dahan. Naglabasan ang  masel ng kanyang braso sa kanyang ginawa, matapos ang kabila naman. Pinagmamasdan ni Rigor ang sarili sa salamin at ngayon niya nasabi na hindi lang talino ang puhunan para yumaman. Pati ang itsura ng isang tao ay malaki ding puhunan para makuha ang iyong pangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD