CHAPTER 6

3062 Words
Ilang malalakas na paghampas sa animo'y planggana ang narinig ni Laila. Kasunod nuon ay ang maingay na takbuhan ng mga tao sa labas ng bahay. "Patayin nyo ang mga ilaw. Patayin nyo ang mga ilaw." narinig niyang isinisigaw ng isang lalaki. Hindi niya maintindihan kung anu ang nangyayari. Bigla siyang kinabahan. Imbes na buksan ang pinto ay sumilip siya sa siwang sa dingding. Wala siya halos makita dahil sa dilim. Nararamdaman niyang nagkakagulo ang mga tao sa labas. Hindi alam ni Laila kung ano ang gagawin, kung lalabas ba siya para alamin ang nangyayari o magtatago sa ilalim ng kanyang papag. "Mam.. Mam Laila.." sunod sunod na tawag at katok ng tao sa kanyang pintuan. Nabosesan niyang si Isagani yun at dagli dagli niyang binuksan ang pintuan. "Ano bang nangyayari Isagani?" tarantang tanong ni Laila. Imbes na sumagot ay dinampot agad ni Isagani ang kanyang gasera at hinipan ang apoy na nagmumula dito. "Bakit mo pinatay?" tanong muli ni Laila. "Wag kang maingay." tanging sagot ni Isagani kay Laila. Naramdaman ni Laila na tumahimik ang buong paligid. Wala na siyang naririning ni isang yabag sa labas. Nakabibinging katahimikan. Hindi din niya makita si Isagani sa sobrang dilim. Lalo siyang ginapangan ng takot. "Isagani.. Isagani.. Nasaan ka.? Ano ba talaga nangyayari?" pabulong na tanong ni Laila. "Narito lang ako sa harap mo Mam." Magsasalita pa sana si Laila ng makarinig ng mga papadating na ugong. Palakas ng palakas yun palatandaan na palapit ito ng palapit. Nahinuha niyang mga helicopter ang padating at naririnig niyang malapit na yun sa kinaroroonan nila. Ginapangan ng kilabot si Laila. Naiisip niyang natunton yata ang kuta na kinaroronan nila. Baka paulanan sila ng bala o kaya ay bagsakan na lang sila ng bomba. Naiiyak siya sa takot at sa mga naiisip niyang posibleng mangyari. "Isagani, natatakot ako." umiiyak na sabi ni Laila. Naramdaman ni Laila na may kamay na hinahagilap siya at ng mahawakan ang kanyang balikat ay kinabig siya nito. Niyakap siya ni Isagani at isinandal ang kanyang ulo sa dibdib nito. Nanginginig siya sa takot at naghihintay sa susunod na mangyayari. Naririnig niyang halos nasa itaas lang nila ang mga helicopter. Hindi lumalayo ang ingay nito kaya tantiya niya ay naroon lamang sa itaas katapat ng kanilang kinaroroonan. Hihina sandali, pamaya maya ay lalakas na naman. Pakiramdam niya ay umiikot ikot at nagmamanman. Halos pigil na pigil ang hininga ni Laila habang pinakikinggan ang ingay na nagmumula sa helicopter. Damang dama din niya ang kabog ng dibdib ni Isagani na sinasandigan niya. Pakiramdam niya kahit papaano ay ligtas siya dahil may kasama siya sa loob ng kanyang bahay. May karamay siya anuman ang mangyayari. Ilang sandali pa ay narinig niyang humihina ang ingay.. palayo ito.. pahina pa ito ng pahina. Maaring palayo pa ito ng palayo hanggang sa tuluyan itong mawala at hindi na bumalik pa. Tahimik pa din sa labas. Wala pa din siyang naririnig. Hindi din nagsasalita si Isagani. Maaaring nakikiramdam pa din ito. "Wala munang magbubukas ng ilaw... wala munang magsisindi ng mga ilaw nyo." narinig ni Laila na isinisigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay habang ito ay naglalakad. Bumitaw si Isagani sa pagkakayakap kay Laila at umakma itong tatayo. "Isagani san ka pupunta? tanong ni Laila. "Titingnan ko sitwasyon sa labas, babalik ako. Wag ka muna magbubukas ng ilaw." habilin ni Isagani. Ilang sandaling lumisan si Isagani at naiwan si Laila na nakaupo pa din sa sulok ng dingding. "Mam." tawag ni Isagani. "Isagani. Anong nangyayari? Eto ko sa sulok." sagot ni Laila. Nagbukas ng lighter si Isagani at kinuha nito ang gasera at sinindihan. "May nagmamanman na mga sundalo. Maaaring may nakapagreport para sonahin ang lugar na ito. Madali nila kasing maaatake ang mga kuta sa gabi. Kaya pinapatay lahat ng ilaw kanina parang walang makita ang mga nasa helicopter mula sa itaas. Puro mga puno lamang ang makikita nila. At kung narinig mo kanina yung humahampas sa plangganang metal yun ang nagbibigay ng hudyat na may paparating. Bawat palo niya ay may ibig sabihin. Kapag mabagal ang palo ay sa himpapawid nanggagaling ang kalaban. Kapag narinig mo namang mabilis, mga kalaban yun na naglalakad o tumatakbo at patungo na sa aming direksyon." "Delikado na ba tayo dito ha isagani?Natatakot ako, baka alam na ng mga sundalo na dito kayo nagkukuta. Isagani, ano gagawin nyo? Paano ko.. Paano yung mga bata?" sunod sunod na tanong ni Laila. Natuwa si Isagani sa narinig kay Laila. Hindi lang ang pansirili nitong kaligtasan ang iniisip nito ngayon. "Bababa ako bukas sa kapatagan. Magmamatyag ako at makikibalita." sagot ni Isagani. "Sige na at magpahinga ka na. Wag kang mag alala hindi na babalik ang mga yun. Hindi ugali ng mga yun ang magpabalik balik. Kapag tumigil sila sa isang lugar at nasiguro nilang wala silang nakita ay hindi na nila binabalikan. Kaya wag ka na matakot." pagbibigay ng lakas ng loob ni Isagani kay Laila. Pagkasara ng pintuan ni Isagani ay nag usal ng maikling dasal muna si Laila bago ito tuluyang humiga. Hindi pa man masyadong nahihimbing si Laila ng marinig niya muli ang paghampas sa planggana. Sunod sunod ang paghampas. Naisip niya agad na may mga paparating. Nagkakagulo na naman sa labas. Hinihintay niya muli ang pagbalik ni Isagani pero parang hindi pa siya naalala nitong puntahan. "Itago nyo na ang mga bata. Bilisan nyo ang kilos." narinig niyang isinisigaw ng isang lalaki. Nais na niyang lumabas upang sumama sa mga magtatago. Hindi na niya hihintayin si Isagani at baka matagalan pa ito. Wala ding nakaalala na daanan siya sa kanyang bahay. Mas maingay ngayon kaysa kanina. Ayaw niyang patayin ang kanyang gasera dahil lalo siyang matataranta kung wala siyang makikita. Lalabas na siya ng makarinig siya ng isang malakas na pagsabog. "Aaahhhh.." sigaw  ng mga kababaihan sa labas. Napasigaw na din siya at naudlot ang kanyang paglabas sa takot na masabugan siya. Tinakpan na lamang niya ang kanyang mga tenga at sumiksik sa isang sulok ng kanyang bahay. Muli, nakarinig na naman siya ng isang malakas na pagsabog na mas malapit sa kanyang bahay. Nagsisigawan ang mga kababaihan. May mga bata ng nag iiyakan. Narinig niya ang palahaw ng isang ina. "Anak kooooooo.." sigaw ng isang ina. "Urong.. urong tayo.. Ang mga bata dalhin sa ligtas na lugar.. magsitago na kayo.. atras." naririnig niyang isinisigaw ng isang lalaki. Nag iiyak siya sa kanyang kinaroroonan. Walang nakaaalala na siya ay puntahan. Mas maraming yabag ang narinig niya na papalapit matapos ay sunod sunod na putok ng baril. "Tingnan ang loob ng mga bahay kung may mga nagtatago." narinig niyang utos ng isang lalaki sa labas. Nanlalaki na ang ulo ni Laila sa nerbiyos at takot. Ito na marahil ang kanyang katapusan. Naririnig niya ang pwersahang pagbubukas ng mga pinto ng bawat bahay kasunod noon ay ang sunod sunod na pagpapaputok ng baril. Wala na siyang ligtas alam niyang ang bahay na niya ang susunod na pupuntahan dahil sa naririnig niyang mga hakbang na papalapit sa kanyang bahay. Isang malakas na pagsipa sa kanyang pintuan ang nagpabukas ng kanyang bahay. Isang armadong sundalo ang nakakita sa kanya na nakaupo sa sulok. "Wag po. Wag nyo po ako papatayin. Maawa po kayo sa akin. Wag po. Wag pooooo... "pasigaw niyang sabi sa sundalo. Subalit hindi siya pinakinggan ng sundalo at itinutok nito sa kanya ang armalite na hawak nito. Pumikit na lamang siya, yumuko at tinakpan ang kanyang mga tenga at sunod na sunod na putok ang pinawalan ng sundalo sa kanya. "Mam.. mam.." Sigaw pa din ng sigaw si Laila. "Mam.. mam gising po?" panay ang yugyog ni Isagani sa mga braso ni Laila. Biglang dumilat si Laila. Puno ng takot ang mukha pa din niya at patuloy ang pag iyak. Nang makita niya si Isagani sa gilid ng kanyang higaan at hawak siya nito sa kanyang mga braso ay bigla siyang bumangon at yumakap dito at pinatuloy niya ang pag iyak. Iyak na may kahalong takot at nerbiyos. "Nananaginip po kayo mam. Sigaw kayo ng sigaw. Hindi muna agad ako natulog nung umalis ako kani kanina lang. Nagbantay muna ko sa labas. Isang oras pa lang po yata kayo nakakatulog ng marinig kong sigaw ka ng sigaw. Akala ko kung ano na nangyari sa inyo?" "Isagani, natatakot ako. Hindi ko na yata kaya. Napakasamang panaginip.. parang totoong totoo Isagani." patuloy na palahaw ni Laila. "Mam, panaginip lang yan. Sabi nga nila kabaligtaran daw yung nangyari sa panaginip. Kaya kung ano man napaniginipan mo, yung kabaligtaran ang mangyayari dun." Dahan dahan ang pag alis ng pagkakayakap ni Laila kay Isagani subalit patuloy pa din siya sa pag iyak. Hinawakan muli siya sa braso ni Isagani at tiningnan siya sa mukha at pilit nitong kunin ang atensiyon ni Laila. "Makinig ka sa akin mam. Wag ka matakot. Ano sabi namin sayo, o ako, hindi ka namin pababayaan dito at poprotektahan ka namin. Sige magpahinga ka na mam at babantayan na lang muna kita. Dito na muna ko sa loob.makikikape na tuloy ako ha." pang aamo ni Isagani kay Laila. "Sige na mam. Magpahinga ka na. May klase ka pa naman bukas. Maaga akong bababa ng bayan. May ipapabili ka ba?" patuloy ni Isagani. Umiling lang si Laila at tuluyan na itong humiga. Nang makita ni Isagani na humiga na si Laila ay tumayo na din siya. "Saan ka pupunta Isagani?" biglang salita ni Laila "Juskupu, aatakihin ako sayo, wag ka namang nanggugulat. Lilipat lang ako dun sa mesa at magkakape ako. Huwag ka mag alala hindi nga ako aalis, dito lang ako." "Salamat Isagani, ngapala, pwede ka bang bumili ng mga kendi bukas. Medyo damihan mo, gagawin ko lang papremyo sa mga bata para mas ganahan silang mag aral." "Mga isang sakong kendi mam?" pagbibiro ni Isagani. "Wala akong planong sirain mga ngipin ng mga bata Isagani." medyo pataray na sagot ni Laila. "Si mam naman.bininiro ka lang eh.sige po,kendi lang po ba?kayo po baka may pabibili kayo para sa sarili nyo?" "Wala pa kumpleto pa ko sa mga gamit ko." "Sige po mam pahinga na po kayo." At pumikit na si Laila na nakaharap sa kinaroronan ni  isagani. Nagpatuloy si Isagani ng pagtitimpla niya ng kape. Pagkatimpla niya ay nilingon niya muli si Laila na natitiyak niyang nakatulog na ito. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa gasera ay napagmasdan niya ng malapitan ang mukha ni Laila. Makapal din pala ang kilay nito pero nakaayos. Hindi naman niya nakikita itong naglalagay ng pampaitim ng kilay kaya natural na natural ang kilay nito. Makitid ang ilong nito na matulis. Para pala itong si Ryza Zenon pag nakapikit. Mamula mula din ang pisngi nito kahit walang make up. Marahil dahil nasisinagan na ito madalas ng araw hindi gaya ng nasa Maynila pa ito. Sumasagi sa isipan ni Isagani ang itsura ni Laila nung naliligo sa talon. Maganda din ang katawan nito. Naiisip niyang maliit lang naman sigurong kasalanan ang ginawa niyang pagpapantasya sa katawan ni Laila. Hindi man niya ito nahawakan ay nakaraos naman siya. Hindi gaya ng iba na nakukuhang mang reyp o dinadaan sa dahas makuha lang nila ang gusto nila. Naalala niya bigla ang kaibigang si Rigor. Napakaswerte ni Rigor kay Laila. Matalino, maganda at mabait pa ang mapapangasawa nito at magiging maganda ang buhay ng mga ito dahil sa perang makukuha ni Rigor. Hindi man siya nagingimbulo sa kayamanang makukuha ni Rigor, pero ang magkaroon ng asawa na gaya ni Laila ay gusto niyang ikainggit sa kaibigan. Naiisip nya na sana ay makatagpo din siya gaya ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Naisip niya muli si Rigor.. at ang mga helicopter na nagdaanan kani kanina lang. Hindi yata gumagawa si Rigor ng paraan para iligaw ang mga pulis at sundalo.. para hindi mag isip mga ito na taong labas ang mga dumukot sa girlfriend niya. Tatawagan niya ito bukas. Ano na kaya ginagawa ngayon ni Rigor ang naiisip ni Isagani?Gagawin talaga niya maabot lang ang pangarap na yaman. Hindi naman niya masisi ang kaibigan dahil alam niya ang pinagdaanang hirap nito. Naaalala niya tuloy ang pagsama nila dati sa mga rally. Babayaran sila upang makisama sa mga pag rally at guluhin ang gobyerno. Natatawa siya dahil naiisip niya na kumita na siya, pabor pa sa kanya ang pinagagawa sa kanila. Kapag walang pera si Rigor ay binibigay na lang niya sa kaibigan ang kinikita sa pakikipag rally. Naidlip na din si Isagani kaiisip ng mga bagay bagay. Idinukdok na lang niya ang ulo nito sa mesa upang makatulog saglit bago siya bumaba ng kabayanan. Makalipas ang ilang oras ay awtomatikong nagising si Isagani. Bahagya niyang ginising si  Laila upang magpaalam. "Mam, malapit ng mag umaga, mauuna po ako bago tuluyang magliwanag." paalam niya kay Laila. "Salamat Isagani, mag iingat ka." sagot ni Laila Dinaanan muna ni Isagani ang mga cellphone na ichacharge at mga powerbank ng mga kasama nya at tuluyan na siyang bumaba ng kabundukan. Maagang may bisita si Laila sa kanyang bahay. "Mam maari ba kong pumasok?" si Kumander Balag "Pasok po kumander." anyaya ni Laila "Dumaan lang ako mam. Nais ko lang sabihin sayo na wag mong ikatakot ang pangyayari kagabi. Nakakuha na ko ng balita na nagreport na ang mga nagmamatyag kagabi na walang silang nakitang kuta sa kabundukang ito. Kaya wala ka ng dapat ipag alala." "Ganun po ba kumander. Hi-hindi po kasi ko sanay kaya po natakot po talaga ko." "Magtiwala ka mam. Poprtoketahan ka namin dito. Sige maiwan na kita, at yung anak ko ay gumagayak na aa klase nyo." "Sige po." Hindi ipinahalata ni Laila sa mga mag aaral niya ang takot na naramdaman niya ng nagdaang gabi. Maging sa mga bata ay hindi niya kabakasan ito sa pangyayari. "Ok class tingnan ko nga ang mga assignment na binigay ko. Buksan nyo ang mga notebook nyo at ipakita sa akin ang isinulat niyong mga letra." isa isang chinekan ni Laila ang bawat notebook ng mga bata. "Wow ang gaganda ng sumulat ng mga estudyante ko ah. Ngayong pamilyar na kayo sa mga letra at sa mga tunog nito ay sisimulan na natin ang pagbabasa ng mga salita. Halimbawa..." kinuha ni Laila ang stick na gawa sa kawayan at sinimulan ang pag le lecture sa manila paper na ginawa niyang parang black board. Natutuwa si Laila sa nakikita niyang kagustuhan ng mga bata sa pag aaral. Ang pagkahilig ng mga ito na matuto at ang mabilis na development ng mga ito simula ng siya ay nagsimulang magturo sa mga ito. Subalit sumasagi din sa isipan niya na paano mapapakinabangan ng mga batang ito ang mga itinuturo niya kung lagi lang sa bundok ang mga ito at kasama ang mga magulang nila na ang tanging pinaplano ay ang pakikibaka at pagtuligsa sa gobyerno. Paano na ang mga ambisyon ng mga batang ito na narinig niya ng minsan niyang tanungin isa isa. May gustong maging doktor, maging piloto, maging teacher at kung ano anung ambisyon pa. Pero tumatak sa isip niya ang ambisyon ng batang si Noel. "Oh ikaw Noel anu naman ang gusto mo paglaki mo?" tanong niya. . "Gusto ko pong maging isang pulis?" sagot ng bata. "Bakit mo naman gustong maging pulis?" muling tinanong ni Laila. "Gusto ko pong hulihin ang mga masasama." sagot nito. Nais pa sanang itanong ni Laila kung anong masasama ang ibig sabihin nito. Iniisip niya kung ano ba ang itinuro ng mga magulang nito sa mga bata. Sino ba ang mga masasama? Sino ba ang mga dapat hulihin? Ano ba alam ng mga batang ito sa mga masasamang gawain? Alam niyang limitado lang ang mga gawain niya sa samahang iyon at hindi na niya sakop ang ituro sa bata ang totoong nangyayari sa kapaligiran nila at ang maaaring mangyari sa mga bata kung patuloy ang pakikipaglaban ng mga magulang nito sa gobyerno. Pakiramdam niya ay nagkukulang ang pagiging teacher niya sa kanyang ginagawa. Natuturuan man niya ng paggalang ang mga bata, pagdarasal subalit hindi naman niya maaaring isama sa kanilang dasal na sana ay magkasundo na ang mga rebelde at ang gobyerno para walang giyera sa pagitan ng mga ito at wala ng gulo. Wala na ding magbubuwis ng mga buhay at wala na ding inosenteng madadamay. Sapat na ba talaga na maturuan lang na bumasa, sumulat at magkwenta ang mga batang ito. Dahil sa sinumpaan nilang tungkulin ay kailangan nilang ituring ito bilang kanilang mga anak. Hindi man niya nararanasan pang maging isang ina, pero alam niya kung paano bigyan ng wastong disiplina at kaalaman ang magiging anak niya na magagamit nito kapag humulabilo na ito sa lipunan. "Mga anak, may surpresa ko mamaya sa inyo pagdating ni Kuya Gani nyo." sabi ni Laila sa kanyang mga mag aaral. "Ano po yun mam?" tanong ng mga bata. "Hindi na siya surprise kapag sinabi ko na." sagot ni Laila. "Mam sabihin nyo na po." "Mam please." "Mam wag nyo na po i surprise." "Please mam." Nangungulit na ang mga bata kaya't sinabi na din ni Laila ang surpresa niya. "Okey makinig. Tahimik na muna lahat para marinig ang sasabihin ni mam." saway ni Laila sa mga nagkakaingay ng mga bata. Kapag nagsalita na si Laila ng ganun ay madali namang sumusunod sa kanya ang mga bata. Tumahimik ang lahat pero bakas niya sa mga mata nito ang excitement sa kanyang sasabihin. "Okey makinig mabuti. Kapag tinawag ko ang pangalan ng isa sa inyo, kailangan nyong basahin ang salitang ipapakita ko at kapag nabasa nyo ito ay may premyo kayong isang supot ng ibat ibang candies." "Woooow." sabay sabay ang mga bata at nagpalakpakan ang mga ito. "Kaya inaasahan ko na makikinig kayong mabuti para mabilis na matutong bumasa." "Mam, paano po kapag hindi nakabasa?" tanong ng isang bata Nakita ni Laila ang reaksyon ng ibang bata sa nagtanong. Naghihintay ng kanyang isasagot. "Lenlen, bakit mo naitanong yan?Hindi mo ba kayang bumasa?" tanong ni Laila. "Makinig lahat class. Narinig nyo ang tanong ni Lenlen. Ang gusto kong itanim nyo sa isip nyo ay kaya nyo. Makikinig lang at pag aralang mabuti ang itinuturo ko. Wag kayong mag aalinlangan na hindi nyo kaya. Dapat subukan muna natin bago tayo sumuko. Kailangan palaban tayo at wag susuko at makukuha natin ang gusto natin. Naiintindihan ba class?" paliwanag ni Laila. "Yes mam" sabay sabay sagot ng mga bata. "Mam mam.." taas ng kamay ni Cesar na anak ni Kumander Balag "Yes Cesar?" tanong ni Laila "Kaya pala sila papa at mama laban ng laban. Tama po pala ginagawa nila. Hindi sila sumusuko hanggat hindi nila nakukuha yung gusto nila. Galing mo mam ha. Tama po pala ang ginagawa nila papa." sabi ni Cesar. Biglang napipi si Laila sa tinuran ni Cesar. Anong isasagot niya sa sinabi ni Cesar.. na tama nga ang kanyang mga magulang? Hindi niya tinatanggal ang ngiti sa kanyang mukha dahil iniiwasan niyang magtanong ang mga bata muli kung sakaling mabago ang ekspresyon ng mukha niya. Tiningnan na lang niya sng kanyang relo. Limang minuto pa bago mag alas diyes. "O sige tayo na ang lahat at magdasal." naging dahilan ni Laila upang hindi na humaba pa ang usapang yun. "Pag uwe ng bahay mag aral agad bumasa." "Yes mam." "Okey goodbye class." "Goodbye mam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD