CHAPTER 14

2602 Words
"So paano pare, babalik na lang kami para sa invitation." paalam ni Rigor kay Dindo habang hinahatid sila nito sa labas ng apartment. "Sige pare ingat kayo. Laila.. bye." paalam ni Dindo. Hindi pinahalata ni Laila na may gusto pa siyang itanong kay Rigor tungkol sa sinasabi nung Keisha dahil nahalata na niya ang mga kilos ng boyfriend kanina na may itinatago ito. Kung sisitahin man niya ito ay hindi rin ito tiyak magsasalita at baka mauwe pa sa away ang lahat. Isa pang iniisip niya, alam niya ay lalaki ang kanyang boss bakit  amiga ang sabi ng Keisha. Ibig sabihin babae yung Ancis? Bata pa kaya yung Ancis na yun? Dalaga ba yun o may asawa na?Boss na talaga ni Rigor yun? Mga tanong na naglalaro sa isip ni Laila. "Love, ui. Thhimik ka na naman. "pukaw ni Rigor." Love napapansin ko yatang madalas ka nagkakaganyan. Yung bigla kang natatahimik tapos para kang laging nagugulat. Is there something wrong with you? May masama bang nangyari sayo na hindi mo sinasabi sakin, ha love?" usisa ni Rigor. "Wa..wala love. Ito naman ako ng ako nakikita. Mainit lang siguro dun sa loob ng apartment ni Dindo kaya parang sumama ang pakiramdam ko." katwiran ni Laila Iniisip ni Rigor na baka nag iisip pa din si Laila tungkol sa sinabi ni Keisha kaya kailangan niyang matanggal sa isip ni Laila agad yun. "Iniisip mo pa ba yung bisita ni Dindo kanina? hahaha. Alam mo naman si Dindo maraket yun. Nag di DI di ba kasi si Dindo. Eh yung boss ko na si Mam Ancis nagtanong kung may kakilala kong DI. Sabi ko mam dun po sa kabila lang nating department sa property insurance po. Hindi pala nila alam na DI din si Dindo. Ayun... akala ko naman yung boss ko ang may kailangan, yang friend pala niya na yan na si Keisha. Tapos ayun, bukod dun hindi ko na alam kung ano pa niraraket ni Dindo dun. hehe." imbentong kwento ni Rigor. "So may edad na din yung Ancis.? "tanung ni Laila "Oo naman love. 68 na yata si Mam Ancis. Bakit love nagseselos ka ba ha?Huy matanda pa kay nanay yun. Haha. Ano ka ba?" "Wala akong sinasabi ha." sagot ni Laila na lumabi pa Nawala man ang muntikang selos ni Laila sa Ancis na kasama ni Rigor sa abroad dahil nalaman niyang may edad na pala ito. Hindi pa din nawala ang kanyang pagdududa sa mga ikinilos ni Dindo at ni Rigor kani kanina lang. Pasasaan ba at malalaman din niya kung may inililihim man sa kanya  ang kanyang mapapangasawa sabi niya sa sarili. Biglang nag ring ang cellphone ni Rigor na nakalagay sa phone holder ng kotse. Napatingin bigla si Laila sa phone ni Rigor na nagriring. Ancis Alegre ang tumatawag. Napansin ni Laila na tumingin muna sa kanya si Rigor, naniniguro kung nakita niya kung sino ang tumatawag bago nito damputin ang phone. "Ah. hello... mam... nagda drive ako.. nag da drive po ako. Mamaya ka na lang po tumawag po, maya na lang po." kandabulol at kanda utal na sagot ni Rigor sa telepono. "Yan ba yung boss mo? Bakit hindi mo kinausap? "tanong ni Laila. "Ah, eh oo boss ko yan.. Eh nagda drive ako hindi pa ko sanay humawak ng phone habang nagda drive saka baka mahuli ko." katwiran ni Rigor. "Baka importante yun love.  Sana ni loud speaker mo na lang." si Laila "Tawagan ko na lang mamaya love." sagot ni Rigor. Nang bigla na na namang nag ring ang phone ni Rigor at si Ancis ulit ang tumatawag. "Sagutin ko gusto mo?" alok ni Laila "Naku wag.... wag love." napalakas ang pagsasalita ni Rigor at in-off na lang nito ang phone. "OA mo naman love. Kailangan bang sumigaw. Relax... o bakit pinatay mo love?" "Matagal kasi makipag usap yang boss ko na yan. Baka mawala ako sa focus pagda drive. Explain ko na lang sa kanya mamaya. Sabihin ko na lang biglang nag lowbat. hehe." "Kaw talaga love, bahala ka baka magalit sayo yun. Ay wait... love sabi nung bisita ni Dindo kanina na nakaalis na daw ulit si Ancis. San nagpunta boss mo? Ano ibig sabihin nun? "urirat ni Laila "Ahh... love, maraming lakad lagi ang boss ko.. out of town yun. Nasa Davao yata siya o Cebu ngayon. Hindi lang ako sure pero andun sa dalawa." palusot pa din ni Rigor. Dahil wala na silang pupuntahan ay nagpahatid na muna si Laila sa kanilang bahay upang magpahinga. Natuwa naman si Rigor sa desisyon ni Laila at magkakaroon siya ng pagkakataon na kausapin si Ancis. Nag aalala siya na magalit ito at hindi ituloy ang sinasabi nitong ipapadalang suporta sa kanya. Pagkahatid ni Rigor kay Laila ay hindi na ito bumaba ng sasakyan at sinabing magpapahinga na din muna siya. Pagkapasok ng bahay ay hinanap agad ni Laila ang kanyang ate. "Ate... Ate Leslie." tawag ni Laila. "Oh maaga yata kayo ngayon. Asan si Rigor? "tanong ni Leslie. "Hindi na bumaba ate. Pagod na din magpapahinga daw siya. Ate pahiram nga ako ng laptop mo." "O bakit?" "Wala pa kong phone di ba. Mag open lang ako ng facebook." sagot ni Laila "Ah oo nga pala, papanhik ka ba?Daanan mo na lang sa kwarto namin hindi naman naka lock yun. Andun lang naka charge, naglalaba ko eh." "Sige ate." at pumanhik na nga si Laila. Inopen agad ni Laila ang account niya at nakita niya na marami na palang message sa kanya simula nung nawala siya. "Sana ay nasa mabuti kang kalagayan." "Paramdam ka naman." "God bless. Sana makabalik ka na o may makakita na sayo." At marami pang ibang mensahe. Sinearch niya agad ang Ancis Alegre na sinasabing boss ni Rigor. Naka private man ang mga pictures nito pero hindi nakalagay dun na sa kumpanya nila Rigor ito nagtatrabaho. Nakita niyang may edad na nga ang babae pero gaya ni Keisha ay mapostura din ito. Kinagulat pa niya dahil si Rigor lang ang mutual friend nila samantalang  friend din niya sa f*******: ang ibang kasama ni Rigor sa kumpanya. At sa States ito nakatira na. Paano nangyari yun? Iniisip niyang tama nga ang iniisip niya na may inililihim sa kanya si Rigor tungkol sa Ancis Alegre na yun. Sumunod ay naisip bigla ni Laila ang mga litrato na itinago niya sa kanyang bag. Kinuha niya agad ang bag at dinukot ang mga litratong isinuksok nya duon. Tinitigan nya ang bawat litrato nung nasa college pa si Rigor at ang kasama nito. Kahit pagbali baliktarin niya ang litrato ay sigurado siya na si Isagani nga ang kasama ni Rigor sa litrato? Si Isagani nga kaya yung sinasabi niyang kaibigan nya nung kolehiyo pa sila na laging nanglilibre sa kanya. Pero ang sabi ni Rigor ay nag drop daw yung kaibigan niya samantalang ang sabi naman ni Isagani ay nasama na siya sa mga aktibista. Naguluhan bigla ang isip ni Laila. Iniisip niyang baka marami lang talagang magkakamukha sa mundo. Pero sa kwento ni Rigor ay isang kaibigan lang ang kinikwento niya nung college siya bakit nataon pa na kamukha ni Isagani ang lahat ng nasa litrato. Nabalik naman ang isipan niya kay Ancis Alegre. Kung nagsisinungaling si Rigor na boss niya ito, sino si Ancis Alegre sa buhay ng boyfriend niya. Bukod dito, hindi pa niya natatanong si Rigor sa sinabi nito sa ate niya na may tumawag sa kanya at pinarinig ang boses niya. Sino naman ang tatawag sa kanya? At paano naman malalaman number niya eh tinapon nga ni Isagani ang cellphone niya. Anong pag iimbento ng kwento ni Rigor yun.. at bakit kailangan niyang mag imbento ng mga ganung kwento? Si dinami dami ng kikidnapin bakit siya pa at sa dami ng taong labas o rebelde bakit si Isagani pa ang kumidnap sa kanya na kahawig ng nasa litratong kasama ni Rigor. Gulong gulo si Laila sa mga bagong bagay na natutuklasan niya. Nararamdaman niyang may ibang nangyayari na hindi niya alam o sadyang itinatago sa kanya ni Rigor. Hindi siya pwedeng tumahimik na lang. Kailangan niyang masagot ang mga gumugulo sa isip niya. Napakagaling gumawa ng palusot ni Rigor, kilala niya ang boyfriend niya kaya gagawa siya ng sarili niyang imbestigasyon para sa ikapapanatag niya. Kailangan niyang makapag isip ng maayos kaya tinawagan niya si Rigor gamit ang phone ng ate niya at sinabing wag muna sila lumakad kinabukasan at parang lalagnatin siya. "Gusto mo ba bantayan na lang kita bukas?" sagot ni Rigor sa telepono. "Huwag na love. Mag follow up ka na lang sa coor kung gawa na invitation natin para ma distribute na natin. Ipapahinga ko lang to. Basta wag ka na mag abala na pumunta dito ha, para hindi ka na din masyadong mapagod." "Sure ka dyan love ha." "Oo love." "Sige love.. bye.. i love you.." "i love you too.. bye." Kailangang may gawin siya sa loob loob ni Laila. Ilang buwan lang siya nawala pero parang may misteryong nangyayari. "Ate anong ginawa nyo nung nawala ako bigla?" tanong ni Laila sa ate niya. "Naku... para kong mababaliw... hindi ko alam kung paano magsisimulang hanapin ka. Lahat ng kakilala mo hinanap ko at pinagtanong kita. Lahat halos yata ng presinto dito sa maynila napuntahan ko. Bawat presinto nag iiwan ako ng picture mo na pina print ko ng madami. Tapus nababawasan lang ng katiting yung pag aalala ko pag sinasabi ni Rigor na may tumawag sa kanya at sabi nasa mabuti ka daw kalagayan pero hindi pa din ako timigil paghahanap sayo. Nung na confirmed ko na ikaw ang sinasabi nung may ari ng jeep na sakay niya, at may dumukot sa jeep niya na kasama ka nga, inisip namin rapist... pero nakita lang yung jeep sa isang bakanteng lugar katabi daw ng kalsada. Wala naman daw bakas na may nangyaring rape kahit saang kalapit lugar nun. So ang pangalawang inisip ko eh mga taong labas ang dumukot sayo o kaya kidnap for ransom. Sabi naman ni Rigor hindi naman daw humihingi ng ransom ang tumatawag sa kanya, so kinabahan talaga ko kung anung motibo. Kaya nakiusap ako sa mga pulis na tulungan akong hanapin ka .p Pinagalugad ko yung mga bundok kalapit kung saan nakita yung jeep. Kaso wala daw makitang kuta ng mga NPA dun." kwento ni Leslie. "Eh si Rigor ano ginagawa ate?" tanong ni Laila "Sabi niya nagtanong tanong din daw siya, tapos nung sinabi niya bago siya pumunta ng ibang bansa, sinabi niya na wag na daw ako masyadong mag alala dahil narinig na daw niya ang boses mo. Kaya lagi akong nagdarasal na sana nga kako ay totoo at okey ka kung nasaan ka man." si Leslie. "Teka, bakit mo nga pala natanong. Ano ba kwento sayo ni Rigor?" dugtong na tanong ni Leslie. "Hmm... wala naman ate.. Ate,makinig ka... kakailanganin ko ang tulong mo... pero hindi muna sa ngayon.. may iimbestigahan lang ako. Tutulungan mo lang ako mag analyze ng mga bagay. Totoo ang sinasabi ko ate na hindi ako nasaktan o kahit ano pa man kung saan man ako nanggaling. Ang iniisip ko lang ate, bakit sa dinami dami eh ako pa... at bakit nasaktuhan naman na paalis si Rigor. Magulo pa utak ko ate. Basta saka na lang. ." "Ano pa ba iniisip mo Laila? Okey ka na naman ah. Ipagpasalamat mo na kay Lord yun. Baka mapahamak ka pa diyan sa iniisip mo. "paalala ni Leslie. "Hindi ate. Basta hindi pa ngayon, pero malapit na... nararamdaman ko konti na lang."sagot ni Laila pero sa malayo ito nakatingin na halata pa ding gumagana ang isip nito. Kinabukasan, dahil alam ni Rigor na masama ang pakiramdam niya at sinabi na niyang wag na siyang puntahan ay sinamantala ni Laila ang pagkakataon. Gumayak siya paalis. "Saan ka pupunta Laila?" tanong ng ate niya. "Sa friend ko lang ate. Pag tumawag si Rigor sabihin mo na lang na natutulog ako, pag tumawag ulit ikaw na bahalang magdahilan.saglit lang naman ako." sagot ni Laila Kinabisado niya ang daan papunta sa apartment ni Dindo dahil nasa plano niya talagang balikan ito. Malapit na siya sa pintuan nito ng marinig niyang may tumutugtog kaya sigurado siyang nasa bahay si Dindo. Ilang katok ang ginawa niya bago siya tuluyang pinagbuksan ng pinto nito. "Ikaw pala Laila, pasensya na malakas sounds ko eh. Asan si Pareng Rigor?" "Ako lang mag isa Dindo." "Ganun ba. Tara pasok ka, pasensya ka na makalat pa. Hindi pa ko nakakapaglinis. Napuyat ako sa event kagabi kaya tinanghali ako ng gising." "Upo ka. Ano gusto mo coffee o softdrinks?" "Wag ka na mag abala Dindo hindi naman ako magtatagal." "Sigurado ka ha. Ano bang mapaglilingkod ko. hehe. Tagalog na tagalog." "Dindo alam kong magkaibigan kayo ni Rigor pero sana magsabi ka sa akin ng totoo." "Ui. Seryoso ba yan. Ano ba yun Laila?" "Oo seryoso ko Dindo. Para hindi ka na magsinungaling o gumawa ng alibi ako na muna unang magsasalita." seryosong salita ni Laila. "Sige." sabay upo ni Dindo sa sofa na nakapahalang sa kinauupuan ni Laila "Sinearch ko yung Ancis Alegre sa f*******: at alam kong yung Ancis sa f*******: at Ancis na sinasabi ng bisita mo ay iisa. Si Rigor lang ang mutual friend namin at hindi naka indicate sa info nya ang company nyo o company ni Rigor, so definitely hindi siya boss ni Rigor. Pangalawa, mayaman yung Ancis Alegre at sa States na naninirahan. Then bakit nung sinearch ko ulit eh naka block na ko sa account niya pero nung kay ate ang ginamit namin eh na search pa din namin siya. Bakit kailangan niya kong i-block? Kilala ba niya ko?Simple lang ang tanong ko Dindo. Sino si Ancis Alegre at ano ang koneksyon niya sa buhay ni Rigor?" Hindi malaman ni Dindo ang isasagot at pakiramdam niya ay sinisilihan ang puwet niya sa kinauupuan. "Dindo, wag ka magsisinungaling and i promise you na hindi ko sasabihin kay Rigor na nakapag usap tayo. Ayoko lang na ikakasal kami pero ang dami ko pa palang tanong na kailangan ko ng malinaw na sagot." "Laila, bakit.. I mean hindi ba pwedeng siya na lang ang tanungin mo?" "So may something nga kaya hindi mo masagot Dindo." "Hirap naman nito." "Sige ganito na lang kung nahihirapan ka. Pahiram na lang ako ng phone mo." "Aanhin mo naman phone ko Laila?" "Paki dial mo sa number nung bisita mo kahapon at sa kanya na lang ako magtatanong." "Laila, torture naman yan oh.  Sige magsasalita na ko. Pero sana tuparin mo pangako mo na hindi mo sakin nalaman." "May isang salita ako Dindo". Ikinuwento ni Dindo kay Laila kung paano nagkakilala ang dalawa at pinagtapat din niya kay Laila na sila nga ang magkasama na nagbakasyon sa iba't ibang bansa. Pero hindi din alam Dindo ang tungkol sa kasunduan nila Ancis at Rigor. "Kaya ba marami siyang pera ngayon?May bahay na agad nawala lang ako.t Tapos may plano pang kumuha ng kotse. Pinatulan niya yung matandang yun?" mga tanong ni Laila "Hindi ko na alam yan Laila ha. Wala na kong alam kung may relasyon ba sila. Basta yung sinabi ko sayo yun lang ang alam ko. Pag dyan sa mga tanong mo, sa bahay, sa kotse wala ako alam diyan." katwiran ni Dindo "Salamat Dindo. Sige tutuloy na ko." paalam ni Laila Alam ni Laila na ambisyoso ang mapapangasawa niya pero masipag naman ito sa pagtatrabaho. Kailangan pa ba niyang pumatol sa isang matrona para makuha ang mga gusto nya. Pero bakit nangyari yun nung kasalukuyang wala siya? Nagkataon lang ba talaga yun? Dahil kung hindi siya nadukot, tiyak na malalaman niya kung may ginagawang kalokohan ang boyfriend niya. Bakit nataon pa na wala siya at ilang araw lang ang naging pagitan. Kakaisip habang lulan siya ng jeep na sinasakyan ay bigla siyang kinabahan. Iniisip niya na kung si Isagani nga ang nasa litrato ay maaaring may komunikasyon pa din sila hanggang ngayon. "Diyos ko. Wag mo naman po magkatotoo ang iniisip ko." sa loob loob ni Laila. Kailangan niya ng tulong ng ibang tao o ng ate niya para makapag isip... at gagawin niya yun mamaya agad pag uwe niya. Sasabihin na niya sa ate niya kung saan talaga siya napunta at sasabihin niya lahat ng gumugulo sa isipan niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD