3-Alvaro's Empire

2119 Words
"Halika ka na, hija. Sumabay ka na sa amin." Paanyaya ng ina ni Thaddeus ng bumaba si Rocky. Pinaghila naman siya ng binata ng upuan sa tabi nito. Hmm... what a quite gentleman. Anang isip niya. "Thanks." "Heto, hija. Kumain ka nang kumain." "Eh, tita hindi po ako kumakain ng kanin sa umaga. Bumabaliktad po kasi ang sikmura ko." "Gano'n ba? Anong gusto mo kainin? At ipapaluto ko." Umiling siya. "Magkakape na lang po ako." "You have to eat even just a little." Sabat ni Thaddeus. Sakto namang tumunog ang telepono at tumayo ang ina para sagutin. Tiyak kasi na isa sa mga amega iyon ng ginang. "Ayoko." Isinandal niya ang likod sa sandalan. Nakatulog kasi siya ulit kaya parang tinatamad siyang kumilos. Sana pala ay tumakbo na lang siya kanina kahit mag-isa lang. Pinagpawisan pa sana siya. "Your coffee, ma'am." Untag ng katulong. Ngumiti siya. "Salamat." "Eat." Natigilan siya sa akmang pag-abot ng kape nang ilapit ni Thaddeus sa bibig ang kutsarang punong-puno. "Open your mouth." Naibuka niya ang bibig na hindi na nag protesta pa. "Sabado ngayon, mag-ooffice ka pa rin?" "I have tons of work on my table." Kinuha niya ang dulo ng necktie nito at pinaglaruan. "Yung babae na kasama mo kahapon. Siya ba yung papakasalan mo? Ayaw mo talaga sa'kin?" "Rocky." Nagbabanta ang boses sa malumanay na pagkasambit ni Thaddeus. "Gusto ko lang naman malaman." Aniya sa mababang tinig. "Finish your coffee, mali-late na ako sa opisina. Bilisan mo at ihahatid pa kita sa bahay niyo." Binitawan niya ang necktie nito at hinarap ang kape. "Kasing pait nang pagmamahal ko sa'yo ang lasa nito." Bulong niya na akala siguro hindi narinig ng katabi. Nang ilapag niya ang kape kinuha iyon ni Thaddeus at tinikman. "Wala ngang pait 'to." She snapped him. Kinuha niya ang tasa at muling dinala sa bibig. "Let's go kamahalan! Baka ma-late ka pa sa office mo at kasalanan ko pa." "Bakit naka-ganyan ka nga pala?" Tinaasan niya ng kilay si Thaddeus. Ibinuka ang kamay at umikot. "Bakit anong masama sa suot ko?" "If you want to jog, wear a t-shirt not a bodyfit sleeveless. Look at your cleavage, kulang na lang lumuha." Yumuko siya para tingnan ang dibdib. Hindi naman mukhang luluwa. Natural lang dahil naka-jogging attire siya. "Hindi naman ah! Sakto lang, syempre naka-jogging attire ako. Saka, ikaw kaya ang mag-suot ng t-shirt kapag tumakbo, tingnan natin kung hindi ka maghubad sa sobrang init." "Let's go, ang dami mong palusot." Umusok ang ilong niya. "Haller! Ako? Ako pa talaga?" Paulit-ulit na turo niya sa sarili kahit ang binata ay nauna nang maglakad palabas. "Rocky, hurry up!" Sigaw ni Thaddeus. "Oo na!" Tumakbo siya para maabutan ito. "Tita, we're going na po!" Sigaw niya sa ginang na kung saan man naroon ng sulok ng bahay bago tuluyang makalabas ng pinto. Nang maabutan si Thaddeus. Kaagad na isinukbid niya ang kamay sa braso nito. Sininghot niya ito sa tagiliran. "Rocky, stop it!" "Hmm, bakit ang bango mo? Sana akin ka na lang. Marry me, please. Will you marry me, Mr. Thaddeus Johnson Alvaro?" Napailing si Thaddeus. Bahagyang natawa sa kalokohan ng dalaga. "Puro ka kalokohan, Rocky." Saktong tumapat sila sa sasakyan. "Get in." Binuksan ni Thaddeus ang pinto para sa kanya. "Seryoso ako." Anya nang makapwesto si Thaddeus sa harap ng manibela habang nilalagay ang seatbelt. "Fasten your seatbelt, Rocky." "Hmp! Ayoko nga!" "Brat." Anito saka bumaling sa kanya at ito na mismo ang nagkabit ng seatbelt niya. Her body get tensed. At naramdaman niya ang pagbara ng laway sa lalamunan. Umangat ang ulo ni Thaddeus. Hindi siya nakagalaw nang masuyong haplusin nito ang mukha niya. Pagkatapos ay yumuko at ginawaran siya ng magaan na halik sa pisngi. "Behave, little kitten." Ngumuso siya. "Bakit sa cheeks lang? Pwede naman sa lips, ah." Reklamo niya. "Be a good girl." Bulong ni Thaddeus sa punong tainga. Na naging dahilan upang tumayo lahat ng kanyang balahibo. Ngunit nagawa pa rin niyang ngumiti at makaisip ng kalukuhan na may halong kaseryosohan. "Kapag ba good girl ako, payag ka nang pakasalan ako?" He lightly pinched her nose, na may bahagyang pagngiti. "We'll see." Sagot ni Thaddeus saka umayos ng upo sa harap ng manibela. "Oh my God! Payag ka na?" Masayang tanong ni Rocky na kulang na lang ay lumundag sa loob ng sasakyan. Umismid naman si Thaddeus. "I didn't say that, Rocky. So don't expect too much." "Hmp! Hindi man lang masakyan ang kaligayahan ko. KJ mo!" He chuckled. And started the engine. "How was your studay." Basag ni Thaddeus sa katahimikan. "So far, naipapasa ko naman lahat ng subjects ko. Nakakatamad na mag-aral." "You have to study very well, hindi 'yang patamad-tamad ka." "Kapag ba nag-aral ako ng mabuti at nakakuha ng mataas na grades, may pag-asa nang pakasal ka sa'kin?" "Rocky, hindi isang laro ang salitang kasal. You have to understand it. The meaning of marriage isn't about what you think it is." "Marriage is about two people who feel the same towards each other." "Pag-aaral muna ang atupagin mo bago ang ibang bagay. Marami ka pang dapat na matutunan, Rocky." Bumaling siya ng tingin sa labas ng bintana. Ayaw na niyang sumagot pa, masasaktan lang siya sa paulit-ulit na rejection ni Thaddeus. Humimpil ang sasakyan sa mismong harap ng gate. "Salamat sa paghatid, mag-ingat ka sa pagmamaneho." Ngumiti na may kasamang pagtango ang binata. "Sure, princess. Eat your bbreakfast hindi ka nakakain kanina." Hmp! Bumawi ang ulupong. Napangiti siya sa isipan. Lumapit siya para humalik sa pisngi nito, na mas lalo niyang ikinatuwa dahil sa hinayaan siya ng ni Thaddeus. "Can I visit you in your office, later?" "Take a taxi cab and sent it to your father's office to get your payment?" Hindi niya mapigilan ang tumawa na ikinatawa na rin ni Thaddeus. Isang maagan na halik sa noo ang iginawad ng binata bago siya bumaba ng sasakyan. Abot tainga ang ngiti niya nang pumasok sa bahay hanggang sa maka-akyat sa silid. At nagpaggulong-gulong sa kama. "And why are you smiling like crazy?" Napako ang tingin niya sa pintuan ng silid. Nakabukas pala iyon at ang kuya niyang kontrabida ang naroon at nakatayo. Pinag-kros pa nito ang dalawang braso sa dibdib. "Because I'm in love!" Pakantang sigaw niya. Tumaas ang kilay ng kapatid. "You're always in love with one sided love." Binato niya ng unan ang mapanira ng kaligayahan na lalaki. "Minsan lang ako maging masaya, sa halip na suportahan mo ako. Sinisira mo ang modo ko. Hahantingin ko talaga ang babaeng bibihag diyan sa bato mong puso. Humanda ka!" Lumundag siya ng kama at pumasok ng banyo. Iniwan ang kapatid na pumapalatak. "MA'AM, anong oras ko po kayo susunduin?" "Hindi na kailangan manong, magpapahatid na lang ako sa bahay. Sige ho, salamat sa paghatid." Kumuway si Rocky sa family driver nila at umibis ng sasakyan. Bitbit ang lunch pack na ipinaluto niya sa kusinera nila. Gusto niyang makasabay sa pagkain si Thaddeus, kaya naman nagpaluto siya dahil wala nga siyang alam sa kusina. "Hi!" Masiglang bati niya sa secretary ni Thaddeus. Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Ma'am, wala po si sir." "Ah, nasa meeting ba? Okay lang, hihintayin ko na lang siya. Anong oras daw matatapos ang meeting niya?" "Sa totoo lang, ma'am. Walang meeting si sir at kaaalis lang niya kasama iyong babae niyang bisita kahapon. Magla-lunch yata sa labas." Nawala ang kasiglahan ng mukha ni Rocky. Nagpaalam siya kanina na dadalaw rito at alam nitong darating siya. "Okay lang, hihintayin ko pa rin siya sa loob." Itinulak niya ang pinto pabukas. Lumakad siya at inilapag ang dala sa mesa. Pinadaanan ng daliri niya ang swivel chair ni Thaddeus pati working table nito. Ngumiti siya ng mapakla. Hindi siya bato para hindi makaramdam ng sakit. Kahit gano'n ang ugali niya. Pasaway, madaldal, maingay at tila laging hindi nagseseryo. Sa loob niya nasasaktan din siya. Tinatago lamang niya dahil ayaw niya maging mahina sa harap nang mga nakakakilala sa kanya. Ayaw niya maging mahina. Kaya kahit masakit, ngingiti pa rin siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang bigyan ng pagkakataon ni Thaddeus na mapatunayan ang sarili niya na karapat dapat siya para rito. Nakasilip nga siya ng pag-asa ngunit nawala naman bigla. Akala siguro ni Thaddeus. Lahat ay biro lang para sa kanya pero ang totoo, seryoso siya. Ayaw nga lang maniwala nito. Sinulyapan niya ang orasan mag-iisang oras na ngunit wala pa ring senyales na babalik ito. Ipinilig niya ang ulo at tinungo ang pinto. "Pakisabi na lang kay Thaddeus na dumaan ako. Iniwan ko rin ang dala kong lunch sana namin. Pero mukhang hindi pa sila babalik. Mauna na ako, ha? Salamat." "Sige po, ma'am sasabihin ko po kay sir. Mag-iingat po kayo." Ngumiti siya at tumalikod na. "BITCH, let's go to the bar. Fetch me up here at Alvaro's empire." "Oh goodness, bitch! Bakit diyan pa? At teka, bakit nandiyan ka? Paano ka napunta diyan?" "Alangan namang gumapang ako, so malamang nagpahatid ako sa driver ni dad." Umungol ang kaibigan sa kabilang linya. "I'm still on my bed, Rocky. I don't think I can fetch you, now." "Get up and be here! I want to get wasted I'm broken you know!" "Hmm, let me guess dahil sa Alvaro na 'yan, noh?" "Alam mo na nga tinatanong mo pa talaga! Please, get up and fetch me here." "Fine! I'm coming!" "Thank you, bitch! I'll wait for you." She cut off the line. Saktong bumukas ang elevator. Lumabas siya at naupo sa bench na nasa labas. Naningkit ang mga mata niya nang makita si Thaddeus kasama ang babaeng tinutukoy ng sekretarya nito. Tumayo siya, lalapitan na sana ang dalawa. Ngunit napatigil siya sa akmang paghakbang nang marinig ang tawa ni Thaddeus. Kapwa ang mga ito nakangiti at nagtatawanan. Naikuyom niya ang kamao. Bumalik ng upo sa bench na nagngingitngit ang kalooban. Hindi matanggap sa sarili na mayroong iba na nagpapatawa sa lalaking dapat siya lang ang magiging rason ng pagtawa nito. Ang nais niya'y sa kanya lang ito ngingiti at tatawa. "Bakit tumawa na ba nang ganyan si Thaddeus sa tuwing kayo ang magkasama? 'Di ba hindi pa naman?" Ang kontrabidang isipan nya. Sinundan niya ng masamang tingin ang dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin. Paano ba siya mapapansin ni Thaddeus kung naka-pokus ang paningin nito sa hitad na babae? Isang busina ang gumambala sa naglalakbay na diwa ni Rocky. Ang kaibigan niya iyon. Dali-dali siyang sumakay ng kotse at padabog na isinara ang pinto. "Alam mo tigilan mo na kasi ang pagpapangarap sa lalaking hindi ka naman naa-appreciate. Kita mo? Sinasaktan mo lang ang sarili mo." "Siya lang ang gusto ko, eh!" "Ang tanong, gusto ka ba niya? Kaya ba niyang suklian ang nararamdaman mo para sa kanya? 'Di ba hindi? Obvious naman na hindi ka type nung tao. Move on, bitch. There's a lot of men, hindi lang sa isang Alvaro umiikot ang buhay mo. Or should I say, 'wag mong paikutin sa isang lalaki ang bahay mo. If he can't be able to love you back, then fine! Leave him!" "Hindi nga kami!" "Yun na nga ang mas masakit. Hindi kayo pero nasasaktan ka. Ano pa kaya kung meron nang "kayo" pero hindi ka naman mahal ng mahal mo? Mas triple ang sakit no'n. 'Wag matigas ang ulo, Rocky. Bilang kaibigan mo, ayoko lang na kinakawawa mo ang sarili mo dahil lang sa isang lalaki." Hindi niya magawang sumagot dahil kung tutuusin malaki ang punto ng kaibigan. Bakit nga ba niya sinasaktan ang sarili kung pwede naman siya maging masaya? Hindi lang ang isang Alvaro ang kaligayahan niya, marami pang iba. "This is the last time, gusto ko munang makalimot ngayon. After this, promise, magiging okay na ako. Titigil na ako sa kakahabol sa kanya." Ipinalibot ng kaibigan ang mga mata. "Ilang beses ko nang narinig iyan mula sa bibig mo. Kaya ka nasasaktan kasi lahat nang pangako mo sa sarili laging napapako." Ngumuso si Rocky na lukot ang noo. Tama ang kaibigan. Pero ngayon ay determinado na siyang tuparin ang pangako. Palalayain niya ang sarili at magiging maligaya siya. "Where to?" "Same place." They both giggled. Tanghaling tapat ngunit heto sila at patungo sa bar na pag-aari ng isa nilang kaibigan. Sumalubong sa kanila ang pinaghalong bango ng mga mamahaling pabango. Alcohol and cigarettes with lights on and off and it sparkling all over the place. Napangiti siya kasabay nang pagpikit at sinamyo ang bango ng alak na kalalapag lang sa mesa. It's high time to give up and move on. Kinuha niya ang baso, sunod-sunod na shots ang kanyang ginawa. TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD