2-Ice cream

2172 Words
"Happy?" Thaddeus asked. Nakangiting tumango-tango si Rocky habang dinidilaan ang ice cream. Samantalang naiiling naman ang binata. "Anong oras ka uuwi?" Malawak na ngumiti si Rocky. "Hihintayin kita kasi ihahatid mo ako sa bahay." "I still have meeting to attend to baka gabihin ako sa pag-uwi." "Okay lang, hihintayin pa rin kita." "Mauna ka nang umuwi, ipapahatid kita." Ngumuso si Rocky saka pinasok sa bungga ang cone ng ice cream. "Ayoko nga! You have to drop me home." "Raquella." pigil ang inis. "Just Rocky, honey!" Umangat ang ulo niya sa pasaway na dalaga. Walang bakas nang anumang takot ang mukha nito. Normal na normal ang mala-anghel nitong mukha. "You have to go home dahil marami pa akong kailangan asikasuhin. May pupuntahan pa ako mamaya at hindi na kita maihahatid pa." Nangalumbaba ito sa mesa niya. "Saan ka ba pupunta? Can I go with you?" "No!" Nabigla si Thad sa isinagot. Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Rocky. He cursed in silent, feeling guilty. Bumaba ang tingin nito sa kandungan. At pinaglaruan ang mga daliri. "Fine! Ihahatid kita mamaya." "Really?" Umangat ang ulo ni Rocky. Lumiwanag ang mukha nito at nanlaki ang magagandang mga mata. "Yes, so you behave because I have a ton of work to do." Tila bata na sumagot nang sunod-sunod na tango si Rocky. Tumayo ito at tumungo sa sofa at doon naupo. Inaliw ni Rocky ang sarili sa kakabasa ng magazine. Sa huli humiga ito sa sofa, maya-maya pa'y lumalim na paghinga. Humugot si Thaddeus ng malalim na paghinga bago inabot ang attache case. Tumungo ito sa conference room. Rocky was yawning. Malapit nang gumabi, kakagising lang niya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nakita niya ang jacket ni Thaddeus sa upuan, ibig sabihin naroon pa rin ito sa opisina. Siguro ay nasa meeting pa ito. Makalipas ang ilang sandali bumukas ang pintuan. Pumasok si Thaddeus ngunit hindi ito nag-iisa. Tumaas ang isang kilay niya ng makita ang babaeng kasama ni Thaddeus. Umismid siya sa isipan. May bitbit pa itong bulaklak at nakangiti ang mapupulang labi na parang nilagyan ng azuete. Masaya itong nakikipag-usap sa lalaking nais niya ipagdamot kanino man. Lumingon sa kanya si Thaddeus, napalis ang ngiti nito. "Let's go, I'll drop you home dahil may pupuntahan pa ako." Sabi sa kanya. Tumango siya na parang wala sa sarili. Ni hindi man lang nito ipinakilala ang babaeng nakangiti na naman ulit. Grrr! Naiirita siya. "Who is she Thad?" The azuete girl asked. Muntik na niya itong pagtaasan ng kilay. Mabuti na lang at nakapagpigil siya. "A friend almost like a baby sister." Nagngingitngit ang loob ni Rocky sa isinagot ni Thaddeus. Tumayo siya at padabog na nauna nang maglakad palabas. Tahimik siya sa sulok ng elevator habang ang dalawa masayang nagkukwentuhan. Pinukol niya nang masamang tingin ang likuran ng mga ito. Gusto niyang sabunutan ang babae at ipamukha na fiance niya ang nilalandi nito. Pagdating sa ibaba, sa front seat na sana siya sasakay kaya lang ay binuksan iyon ni Thaddeus para sa babaeng kasama. Padabog siyang pumasok sa backseat. Bahagya siyang nilingon ni Thaddeus ngunit hindi niya ito pinansin. Magkasalubong ang mukha at kilay niya sa buong byahe. Masama ang kanyang loob. Masamang-masama. Sino ba kasi ang babaeng kasama nito? Sabi ng tita niya pumayag na itong magpakasal sila pero bakit may kasama pa itong ibang babae ngayon? "We're here." Untag ni Thaddeus sa naglalakbay niyang diwa. "Hindi mo ako ihahatid sa loob? Hindi ka magpapakita kay dad?" Tumingin sa kanya si Thaddeus mula sa salamin. "Sa ibang araw na lang may importante akong pupuntahan." "Kasama siya?" Turo niya sa babae sa hindi magandang timbre ng boses. "Rocky." May himig ng pagbabanta ang boses ni Thaddeus. "Fine!" Lumabas siya at ibinagsak pasarado ang pinto. Malapit na siya sa gate ng biglang may humablot sa braso niya. "I don't like what you did." Mahina ngunit matigas na pagkasabi ni Thaddeus. "Did what?" Anya sabay wasksi ng kamay nito sa siko niya. "Can you at least act like a lady like? Hindi iyang napaka-childish mong ugali." Unti-unting nangilid ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Bumuka ang labi niya ngunit wala namang may lumabas na kataga. Tinalikuran siya ni Thaddeus. Bumalik ito sa kotse at umalis kasama ang babae. Napahikbi siya. Hindi dapat ang babaeng iyon ang kasama ng fiance niya kundi siya mismo. Hindi siya makakapayag na mapupunta ito sa iba. Pinahid niya ang luha at tumuloy sa loob ng bahay. "O, BAKIT sambakol iyang mukha mo?" "DAD?" Nilingon ni Rocky ang orasan. 7 pm na nga pala. "Akala ko ba ihahatid ka ni Thaddeus, nasaan na ang batang 'yon." Padabog siyang naupo sa sofa. "Ayon, iniwan lang ako sa labas ng gate. Tapos, siya makikipag-date lang dun sa babaeng kasama niya." Tinabihan siya ng ama. "You're too young for him, Rocky. Ayokong balang araw maging mesirable ka sa oras na ipinilit mo ang gusto mo." "Daddy, hindi naman ibig sabihin na maging kami. Eh, magpapakasal na ako agad sa kanya. Syempre po, hihintayin ko ang oras na feeling ko handa na talaga ako lumagay sa tahimik." Ngumiti ang ama at kinabig siya. "I always reminded you tobbring a cash wherever you go but you never did." Humagikhik siya sa sinabi ng ama at nag peace sign. "Daddy, asan na 'yung condo na promise mo sa'kin?" "Kung ako lang ang masusunod ayokong mamuhay ka mag-isa. Maluwang itong bahay para sa ating tatlo." "Dad, I want to stand with my own. Gusto ko matuto sa lahat ng bagay na hindi naka-dependende sa mga katulong. I want to grow up, daddy, I want to be like mom." Hinalikan siya ng ama sa ulo. "Parang kailan lang, noong maliit ka pa. At ngayon, marunong ka nang mangarap. I'm so proud of you, princess. I'm sure, your mom will feel the same way too." "Thank you, daddy. Sure, she is." "Hey! What's happening here?" Si Viel. Ang kuya niya ang lumitaw mula sa pinto. Naka office attire pa ito, halatang kagagaling lang ng trabaho. "Hi, kuya!" Lumapit ang kapatid at hinalikan siya sa pisngi. Umupo ito sa tabi. Ipinatong ang paa sa center table. "Ikaw Viel, kailan mo balak dalhin ang girlfriend mo dito?" "Dad..." Viel warned in a tired voice. "Oo nga kuya, kailan mo dadalhin dito nang makilatis namin? Baka naman maunahan pa kita." "Hindi ka magbo-boyfriend hanggat hindi ka umaabot ng 27." "Kuya naman!" Protesta niya. "Fiance ko na nga si Thad." Dagdag niya. "What?! I will punch that bastard. Bakit niyo naman hinayaan si Rocky, dad? Ang bata pa nito at si Thaddeus mas matanda pa sa'kin yon?" "'Wag mo ng paki-alaman ang kapatid mo, Viel. Ikaw 'tong matanda dapat ay nagseseryoso ka na sa buhay. Mas mainam nang mapunta ang kapatid mo sa matured kaysa sa immature." Binilatan ni Rocky ang kapatid at nagsumiksik sa ama. "ARE YOU SURE WITH THIS? Paano kung hindi ako magustuhan ng mommy mo?" Binalingan ni Thaddeus ang babaeng nagsalita. Matagal-tagal na rin silang magkakilala ni Girlie. Ito lang ang babae na pwede niya iharap sa magulang. "I'm sure she will." He squeezed her hand to lessen her nervous. "Let's go?" "O-okay..." Nasa entrada pa lang sila ng pinto nang marinig ang lumalagatok na takong ng sapatos ng ina pababa sa hagdan. Tumingala si Thaddeus sa hagdan. Ang nakataas na kilay ng ina ang sumalubong sa kanya. "And who's this woman with you?" Kaagarang tanong ng ginang nang makababa ng tuluyan. "Ma, this is Girlie my girlfriend. Babe my mother, Marge." "Good evening ho, Mrs. Alvaro." "Hmm! And where did you pick this woman, Thaddeus?" "Ma! Don't be harsh to her, she's my girlfriend." "And you have your fiancee, already. Ano na lang ang mararamdaman ni-" "Ma, stop it! Heto na naman tayo, hindi ba pwedeng ako ang pumuli sa babaeng mamahalin at pakakasalan ko?" "So how long have you been dating?" "2 years-" "1 year-" Magkasabay pa silang bigkas ni Girlie Ang totoo'y makakalimutin talaga siya pagdating sa mga babae. "Sorry..." bulong ni Girlie. "See? Ni hindi niyo masagot ng tama ang simpling tanong ko." "It doesn't matter kung gaano na kami katagal, 'Ma. Ang importante, we love each other." "Iisang babae lang ang gusto ko para sa'yo Thaddeus at alam mo kung sino iyon!" And with that tumayo ang ina at iniwan sila. Bumalik ito sa itaas na sinundan na lamang ni Thaddeus ng tingin. "I'm sorry about that." Hinging paumanhin niya sa babae. "It's okay, naintindihan ko ang mommy mo." Humugot ng malalim na buntong hininga si Thaddeus bago inakay si Girlie sa dining area. "TITA!" "Hija, you're here. Ang aga mo yata. Aba'y, 5 in the morning pa lang, ah." Humalik si Rocky sa pisngi ng ginang. Pinasadahan naman nito ang kabuoan niya. "Nag-jogging po kasi ako, tita." "Gano'n ba? Halika pumasok ka muna rito. Si Thaddeus ay tulog mantika pa." Ngumuso siya. "Nakakainis 'yang anak niyo, tita." "Pagsensyahan mo na, hija. Ewan ko ba sa batang iyan, kung bakit hindi na lamang ikaw ang pakasalan." Tumawa siya sa sinabi ng ginang. Palibhasa botong-boto talaga sa kanya. MATAGAL nang nakatitig si Rocky sa natutulog na si Thaddeus. Nakasampa siya sa kama at mainam na pinagmamasdan ang mukha nito. Utusan ba naman siya ng ginang na gisingin ito para samahan siya sa pagkakbo which is gustong-gusto naman niya. She pinched his nose. Tracing his face and caressing his soft and silky hair but still tulog mantika pa rin si Thaddeus. Ang gwapo mo! Piping sigaw nya sa isip. "Honey, wake up..." Kinuha niya ang dulo ng mahabang buhok na naka-ponytail at nilaro sa ilong nito. Tinabig iyon ng binata ngunit hindi pa rin nagising." "Hon, gising na..." Niyugyog niya ang balikan ni Thaddeus. "What are you doing here in my room at this early morning, Maurine?" Napangiti siya ng gamitin ni Thaddeus ang kanyang second name habng nakapikit pa rin ang mga mata at tila walang plano dumilat. Humiga siya sa tabi ni Thaddeus at yumakap. "Ginigising ka. Samahan mo ako mag-jogging, Hon." "Ayoko, inaantok pa ako." Kinuha ni Thaddeus ang kamay niyang nakayapos at tumalikod ng higa. "Sige na, Hon! Samahan mo na ako, please..." "Gusto mong mag-jogging 'tapos magpapasama ka? Maghanap ka ng ibang makasama, 'wag ako." "Grrr! Gusto ko ikaw, eh!" Nagpadyak siya sa kama. Hindi sumagot si Thaddeus at hinayaan siya sa pagta-tantrums niya. "Ayaw mo akong samahan, edi, dito na lang ako." Humiga siya sa tabi nito patalikod. Gusto sana niyang humarap at yakapin ito mula sa likod. At syempre singhutin ang mabangong amoy ng mahal nya. Kaya lang, naiinis siya. Inis na inis! Nais pa nga niya sabunutan na lang ang katabi para makaganti kaso napaka-childish nun kung gagawin pa niya. "Hon, lilipat na ako ng bahay. Magiging malayo na ako sa'yo pero syempre palagi pa rin kitang pupuntahan. At dadalhan kita ng pagkain at syempre kailangan luto ko. Kaya nga gusto kong matuto magluto." Wala siyang narinig na sagot mula kay Thaddeus. Inikot niya ang katawan. Gano'n pa rin, nakatalikod ito sa kanya. Nais niyang abutin ito at haplusin ang ulo. Siguro nga, isang kapatid lang talaga ang tingin sa kanya ni Thaddeus. Sumilay ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. "Akin na lang kasi ang puso mo, huwag ka nang maghanap ng iba." Pinahid niya ang luha, pumikit siya at tahimik na pinapakinggan ang tibok ng puso. Nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy ni Thaddeus. Maya-maya pa, tuluyan na siyang nakatulog. BINALINGAN ni Thaddeus ang biglang nanahimik na dalaga. Iyon pala tulog na ito sa tabi. Maingat siyang tumayo nang makita ang oras. Inayos niya ang pagkakahiga ni Rocky at kinumutan ito. Pumasok siya ng banyo para maligo. May pasok siya sa opisina at kailangan niya tapusin ang mga naka-pending na trabaho. Napailing na lamang siya sa babaeng makulit. Pagkatapos maligo, nagbihis na siya. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng necktie nang magising ang makulit na dalaga. Humikab ito at kinusot ang mga mata pagkatapos ay bumaling sa tabi. Marahil ay hinanap siya. "Morning, princess." Anya na ikinagulat nito. "Ha? Katabi lang kita dito, 'tapos nakaligo ka na ng ganun kabilis?" Bumaba ito ng kama at lumapit sa kanya. Inagaw ang pag-aayos ng necktie niya. "Ang bango mo, pwedeng pa-chansing?" Tinitigan niya ng masama si Rocky. "Joke lang." Anito na natatawa at nag-peace sign pa. "Sa susunod gisingin mo ako, gusto ko maligo kasama ka." "Raquella!" Tatawa-tawa itong lumayo at bumalik sa kama. "There! Okay na! Guwapong-guwapo ka na." Nag-thumbs up pa ito. "Fix yourself, I'll drop you home before I go to my office." "Really?" Lumundag ito na parang bata. Maya-maya ay ngumuso. "Wala akong morning, kiss?" "Hihintayin kita sa ibaba." Sa halip ay tugon ni Thaddeus. Umingos si Rocky. Tumuloy na rin sa paglabas si Thaddeus bitbit ang suitcase nito. "Hmp! Damot!" Nagmartsang pumasok sa banyo ni Thaddeus si Rocky. Natatawang pinakialaman ang mga gamit doon. TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD