"PAANO ka nga pala napdapad dito sa Bacolod?" tanong ni Joanna kay Jared habang nagdi-dinner sila sa isang restaurant sa Balagtas. May isang buwan na rin simula nang nagkausap silang muli. At lumalabas sila kung minsan para magkuwentuhan. Kapag sa Midnight Tavern kasi ay limited lang ang oras na puwede raw ilaan ni Joanna para makipagkuwentuhan sa customer. Lalo pa at busy rin ito bilang isang manager. At sa loob ng isang buwan na iyon ay napilit din ni Jared si Joanna na magkuwento tungkol sa personal na buhay nito. Nalaman ni Jared ang kahayupang ginawa rito noon ng kaniyang yumaong ama. At nakaramdam siya ng pagkamuhi para rito na dati-rati ay hindi naman niya naramdaman dahil lang isa siyang bastardo. Kahit noong nalaman ni Jared na dating drug lord ang kaniyang ama ay hindi naman

