Chapter 8 Pagulong gulong si Yaya sa kanyang kama. Hindi siya makatulog dahil sa sinabi ni Noah sakanya kanina sa loob ng kwarto nito "Sabi niya hindi niya ako gusto? Pero bakit kami magde-date bukas? bakit niya ako niyaya mag date?" Napapadyak si Yaya sa kanyang kama at parang mababaliw siya kakaisip Pagkatapos kasi siyang yayain makipag date ni Noah kanina ay pumasok na agad ito sa bedroom nito. Hindi man lang nito hinintay na makasagot siya. Hindi rin nito sinabi kung saan o ano oras silang mag-dedate bukas "Noah Noah Noah! Nababaliw ako sayo!" Sumubsob si Yaya sa sarili niyang unan. Hindi niya maitago ang kilig at sayang nararamdaman niya Saan naman kaya sila mag-dedate? Anong oras naman kaya sila aalis? Mabuti nalang at day off niya bukas kaya walang magiging problema kung magde