Chapter 9 Hindi buo ang kaligayahan ni Yaya sa mga oras na iyon kahit pa kasama niya ngayon ang ultimate crush niyang anak ng kanyang amo. Walang iba kundi si Noah Hoffman. Kung tutuusin napakaswerte niya dahil sa dami ng babae ay siya pa talaga ang napili nitong magpangap bilang nobya nito. Atleast mararanasan niya kung paano ito maging nobyo kahit pa ang kapalit nito ay ang pagkadurog ng munting puso niya Minsan nalang nga umibig may mahal pang iba ang napili kong ibigin--- Aniya sa kanyang isip habang tahimik silang dalawa ni Noah sa loob ng kotse nito Kanina pa sila hindi nagkikibuan simula ng mapag-usapan nilang dalawa si Amanda. Nawalan na kasi siya ng gana sa date nilang iyon. Napabuntong hininga si Yaya dahil hindi niya maiwasan malungkot. Ang buong akala niya kasi may pagtin