Chapter 11 "Anong meron neng? Bakit may dalawang body guard ka?" Kunot nuong tanong ni Aling Fe kay Yaya pagpasok palang niya sa kusina Sinusundan parin kasi siya ng dalawang body guards hangang ngayon Nagkibit balikat lamang siya dahil hindi niya rin maintindihan kung bakit siya pinapabantayan ni Noah sa mga ito "Hindi ko rin ho alam Aling Fe. Kausapin niyo nga ho para lubayan na ako. Naaawa rin ho ako sakanila dahil hindi pa po sila natutulog. Magdamag nila akong binantayan kagabi" Bulong niya kay Aling Fe Lalo tuloy napakunot ang nuo ng matanda. Napapatingin pa ito sa dalawang gwardiya sa labas ng kusina "Nako neng baka naman may ninakaw ka? Kaya pinababantayan ka?" Napalunok siya at sunod sunod na umiling "Aling Fe naman alam niyo naman po na pinalaki ako nila inay ng maayos. K