Chapter 12 "Saan ang punta mo yaya?" Natigil sa paglalakad si Yaya ng marinig niya ang tinig ni Hector sa kanyang likuran Nagmamadali pa naman siyang pumunta sa parking area dahil naghihintay na raw si Noah sa loob ng kotse nito "H-Hector" Tumakbo ito palapit sakanya. "Saan ka pupunta yaya?" Tanong ulit nito sakanya "M-May pupuntahan lang kami ni Ser Noah" Pag amin niya. Hindi kasi siya sanay magsinungaling at isa pa makikita rin naman nito na sasakay siya sa puting kotse ni Noah "Saan?" Medyo napakunot ang nuo ni Hector. Moreno ito at gwapo rin. Mas matangkad nga lang si Noah ng kaunti kay Hector at mas matipuno ang pangangatawan ni Noah. Samantalang may katabaan naman si Hector dahil bilugan ang tiyan nito gawa ng kakainom nito ng alak "S-Sa pamimili. Ako kasi ang mamimili para