Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata dahilan upang makita ko ang nakalutang na makapal na dokumento sa aking harapan.
Ni wala pa akong balak na kunin ito ngunit napasigaw ako sa gulat nang kusa itong nahulog sakto sa aking mukha.
Unti-unti na akong tumayo habang hawak-hawak na ang dokumento.
Nagpasya akong buklatin ito ngunit tanging mga blangkong papel lamang ang laman nito.
Inilibot ko ang aking paningin at tila ba pamilyar sa akin ang itim na kalsadang aking kinatatayuan ngayon.
May mga malalaking d**o sa gild ng kalsada at sa hindi kalayuan naroon ang isang pamilyar na puno.
“Kuya Tobias.”
Agad akong napalingon sa aking likuran nang dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Unti-unting nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makilala kung sino ito.
“P—pineal.”
Walang pasubali ko siyang hinagkan ng sobrang higpit dahil sa takot na mawala muli siya sa aking tabi.
Hindi ako makapaniwalang makakaharap kong muli siya at hawak-hawak kong muli ang kaniyang kamay.
Paulit-ulit kong binibigkas sa aking isipan na sana,
“Hindi ito panaginip.”
“Kuya Tobias, hindi ka dapat nandito,” saad nito dahilan upang unti-unti akong kumawala sa pagkakayakap.
Kunot noo ko siyang tinignan habang inililibot niya ngayon ang kaniyang paningin sa paligid.
Hindi ko malaman ngunit nakakaramdam ako ngayon ng kaba dahil tila ba tarantang-taranta siya ngayon.
“Pineal, ano bang pinagsasasabi mo ha? Hindi ka ba masayang makita akong muli?” sunod-sunod kong tanong ngunit hindi lamang niya ako sinagot bagkus ay hinawakan niya ang aking pulso at hinila.
“T—teka lamang Pineal, bakit ba parang tarantang-taranta ka ha? May kalaban ba na dapat takbuhan para magmadali ka at hilahin ako?” sunod-sunod ko ngang tanong dito.
Ngunit natigilan ako nang makita ko ang katapat naming puno ng prutas na Pomegranates.
Halos mandiri ako at mapaiwas ng tingin nang makita ang nabubulok na mga bunga nito.
Wala ni isa sa kanila ang hindi inuuod at ang iba pa ngay nangahulog na sa lupa.
“Kuya Tobias, magtiwala ka na lamang sa akin,” saad ngayon ni Pineal dahilan upang ibaling kong muli ang tingin ko sa kaniya.
Pabalik-balik ang tingin niya ngayon sa aming pinanggalingan at hindi pa rin naaalis ang pagkataranta sa kaniyang mukha.
“Kailangan nating makaalis dito bago pa man sila magising at pumunta rito. Hindi nila tayo pwedeng makita”—saad nito habang kinakagat na ang kuko ng kaniyang hintuturo—“lalo na ang hawak mong dokumento.”
Para saan ang dokumentong ito kung puro naman blangkong papel ang kaniyang laman?
“Tara na Kuya Tobias, bago pa mahuli ang lahat,” saad niyang muli na akmang hahawakn muli ang aking pulso upang isama sa kaniyang pagtakbo ngunit kapwa kami ng sunod-sunod na yapak mula sa direksyon na aming pinanggalingan.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang kumpol ng mga tigreng patakbong palapit sa amin ngayon.
Naistatwa ako sa aking kinatatayuan hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagtataka.
Bakit tila pamilyar sa akin ang pangyayaring ito?
“Kuya Tobias, kailangan na nating umalis!” sigaw ni Pineal na siyang tuluyan na nga akong hinila patakbo at palayo sa mga tigre.
Ngunit kapwa kaming natigilan nang biglang yumanig ang lupa at unti-unting nabibiyak sa dalawa ang kalsadang tinatapakan namin ngayon
Napapikit ako ng aking mga mata nang maramdamang wala ng ano mang lupang tinatapakan ang aking mga paa.
Muli’t muli akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na tila ba nangyari na rin ang pangyayaring ito.
Pagmulat ko ng aking mga mata ako ay nagtaka nang hindi man lang ako nasaktan o napilayan bagkus ay parang nagbago lamang ang lugar na kinatatayuan namin.
Napatingin ako sa itaas kung saan kami nanggaling pero napakunot ako ng noo nang mapagtantong isang itim na kalangitan na lamang ito.
“Tatlong pintuan Kuya Tobias,” saad ngayon ni Pineal dahilan upang ibaling ko ang aking tingin sa harapan kung saan naroon ngayon ang tatlong pulang pintuan.
“Oras na para pumasok ka sa panibagong pintuan upang tulungan sila,” patuloy nito na siyang ikinanuot ng noo ko.
“P—pineal, hindi ko naiintidihan ang iyong sinasabi. S—saan ba papunta ang mga pintuan na ito Pineal?” nagtatakang tanong ko rito na siyang dahilan upang mabaling ang tingin niya sa akin.
“Nais kong buklatin mo ang dokumentong yaon Kuya Tobias,” sagot nito sabay baling ng kaniyang tingin sa aking likuran kung saan naroon ngayon nakalapag ang dokumentong hawak-hawak kong kanina.
Unti-unti akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito.
“Panahon na para muli mo itong buksan upang malaman mo kung anong pintuan ang susunod mong tatahakin.”
Unti-unti kong ibinuklat ang dokumento at halos walang kurap akong napatingin dito nang makitang ang blangkong papel kanina ay may nakaimprinta ng pangungusap ngayon.
“P—pangatlong pintuan?” unti-unti kong bigkas sa nakasulat dito kasabay nang unti-unti kong pagbaling ng aking paningin sa pangatlong pintuan.
“Hiling kong tahakin mo ang pintuang iyan Kuya Tobias. Hiling kong iligtas mo sila mula sa mga tigre.”
Naglakad ito palapit sa tapat ng pangatlong pintuan na siya kong sinundan.
Ngayon ko lang nakita na may nakalagay na numero sa harapan nito.
Tres, ang pintuan na aking papasukan.
Ni hindi ko alam kung anong meron sa likuran ng pintuan na ito.
Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ng puso ko na tuklasin ang nakakubling laman ng loob nito.
“Oras na muli Kuya Tobias,” saad nito dahilan upang unti-unti kong hawakan ang busol ng pintuan.
Tumingin ako sa kaniya bago ko pa man buksan ang pintuan.
“Ikaw ba ay sasama sa akin Pineal?” tanong ko rito ngunit unti-unti niya akong inilingan dahilan upang bitawan ko ang busol ng pintuan.
“Kuya Tobias, hindi man kita masasamahan ng pisikal sa laban na ito ay nais kong tandaan mo na ang presenya ko ay laging gagabay sa iyo,” saad nito na siyang hinawakan ang aking kamay at inilagay muli sa busol ng pintuan.
“Kaya mo ito Kuya Tobias, nagtitiwala akong magagawa mo silang iligtas sa tulong at gabay ng nasa itaas.”
Napahinga ako ng malalim at unti-unti siyang tinanguan.
Napagtanto ko sa kalagitnaan ng aming pag-uusap na isa na lamang itong panaginip dahil tunay ngang sa realidad ay wala na ang aking pinakamamahal na kapatid.
Pinigilan kong pumatak ang aking luha.
Pinigilan kong hindi malungkot habang unti-unti na siyang naglalaho ngayon sa aking harapan.
Ngunit hindi naman siguro masama? Na kahit ang lalaki man ay marunong tumangis dahil sa kaniyang lungkot na nararamdaman.
Pinunasan ko na ang aking luha at napabuntong hininga bago ko pa man tuluyang buksan ang pintuan.
Nakakubli ang liwanag sa buo kong paligid lalo na nang biglang nagsara ang pintuan sa aking likuran.
Marahan akong naglakad habang inililibot ang paningin ko sa kadilimang aking tinatahak.
Tila ba may liwanag na nagmumula mismo sa aking sarili na siyang nagsisilbi kong gabay ngayon.
Natigilan ako nang makita ang sampung puting tupa na kasalukuyang palapit ngayon sa akin.
Palapit sila ngayon sa akin habang tila ba walang kurap na nakatingin sa aking mga mata.
Nang nasa harapan ko na silang sampu ay walang pasubali kong nilapitan ang isa sa kanila at sinubukang hipuin at paamuhin ito.
Maamo ito maging ang kaniyang mga kasama.
Ngunit natigilan ako nang makita ang mga sugat nila sa kaparehong parte ng kanilang katawan.
Nagdurugo ngayon ang kanilang mga leeg dahilan upang manlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Nagpasya akong punitin ang ibaba ng aking damit bilang pantakip sa sugat ng isang tupa.
At balak ko pa sanang gawin ito sa iba ngunit sa kalagitnaan ng aking pagpupunit ay natigilan ako bigla nang isang napakalakas na tili ang umalingawngaw sa aking kapaligiran.
Tumingin ako sa gilid namin at nakita ang patakbong paglapit ng mga mababangis na tigre.
Halos maistatwa ako sa aking kinatatayuan at ni hindi ko alam ang aking gagawin.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa mga tupa ay halos manlumo ang aking puso dahil sa aking nakita.
Ngayon lamang ako nakakita ng mga tupang lumuluha.
Hindi ko mawari kung anong naisipan ko ngunit tiyaka na lamang ako natauhan nang mapagtantong narito na ako sa harapan ng mga tupa upang iharang ang aking sarili mula sa mga tigre.
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso.
Napapikit ako ng aking mga mata at inusal na lamang ang pangungusap na ni hindi ko alam kung saan nagmula.
“O, Diyos ko! I—ikaw na ang bahala.”