Pilipinas
~ Oktubre 8, 1943~
Halos trenta minutos din ang inantay ng dalaga upang magising si Tobias na nawalan ng malay kanina nang dahil sa gamot.
Kalmado na ito ngayon at kasama nga si Mary na naglalakad pabalik sa bahay-panuluyan dahil sa pagkasira ng sasakyang sinakyan nila. Wala rin siyang naalala sa nangyaring pagwawala niya kanina kaya wala siyang kamalay-malay na siya ang sanhi ng sugat ngayon ni Mary sa tuhod.
“M—masakit ba ang iyong paa?” nag-aalalang tanong ni Tobias na natigilan nga sa paglalakad. Kapansin-pansin nga ito dahil sa paika-ikang lakad ngayon ni Mary.
“Valenzuela,” pag-iiba ni Mary usapan dahilan upang mapakunot ng noo si Tobias. “Nakikilala mo ba ang apelyedong iyon?”
“V—valenzuela?”
Iniabot sa kaniya ni Mary ang kapirasong papel na nahulog niya kanina dahilan upang kunot noo niya itong kunin.
“Hindi mo ba nalalaman ang ibig sabihin ng nasa ibabang parte ng sulat na iyan?”
.--. .-. .. -- . .-. --- / . -. / .-.. .- / ..-. .- -- .. .-.. .. .- / ...- .- .-.. . -. --.. ..- . .-.. .-
Agad-agad na tinignan ni Tobias ang ibabang parte ng sulat at unti-unti itong umiling bilang sagot.
“Morse Code,” sambit ni Mary na siya ngang kinuhang muli ang papel mula kay Tobias. “Ang bawat karakter ay may katumbas na letra at kung isasalin ito sa letrang romano ay may kakatumbasan na kahulugan ang linyang iyan.”
“Anong katumbas ng mga karakter na ito?”
“Primero en la familia Valenzuela,” sagot ni Mary na siyang nagpatigil ng husto kay Tobias.
“First in the Valenzuela family?” nagtatakang tanong ngayon ni Tobias na isinalin nga ang salitang espanyol na iyon sa tagalog.
Tumango si Mary at muling ibinigay kay Tobias ang papel.
“Kilala mo ba ang apelyedong iyon Tobias?”
Akmang iiling si Tobias bilang sagot ngunit natigilan ito nang maalala ang isang pagkakataon kung saan niya narinig ang apelyedong iyon.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo Adam na ayaw kong nakikipagkita kang muli kay Manuelito o sa pamilyang iyon?!” bulalas ni Luisa na siyang nagpatigil ngayon kay Tobias sa akma niyang paglabas ng bahay sa kalagitnaan ng gabi upang makipagkita sa kaniyang mga kaibigan.
“Luisa, hindi mo ako tuluyang mapagbabawalan na makipagkita sa kaniya dahil matalik na kaibigan ko si Manuelito at isa pa ay kailangan niya ang tulong ko kaya’t sino ba naman ako para tanggihan ang hinihingi niya?” sagot ni Doktor Adam na siya ngang ibinaba sa mesa ang hawak nitong isang tasa ng kape.
“Adam, naririnig mo ba ang sarili mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Luisa sa kaniyang asawa.
Hindi umimik si Adam bagkus ay ibinaling ang tingin sa bintana ng kusina.
Napabuntong hininga naman si Tobias na siyang nagpasyang magtuloy na sa paglakad palabas sa kanilang bahay ngunit natigilan ito at halos hindi makapaniwala sa kaniyang natunghayan.
Isang sampal ang pinakawalan ni Luisa dahilan upang mamula agad ang maputing pisngi ni Adam.
“Hinding-hindi mo na sila kikitain Adam! Ayaw kong nakikipagkita kang muli sa pamilya Valenzuela!”
“Pamilya Valenzuela.”
“Nakikilala mo sila?” walang kurap na Mary na siyang dahilan upang tignan siya ngayon ni Tobias kasabay ng kaniyang pagtango.
“K—kung hindi ako nagkakamali ay Manuelito Valenzuela ang pangalan ng Doktor na laging nababanggit noon nila mamá at papá. Matalik siyang kaibigan ni papá na minsan nang dumalaw sa aming tahanan sa Muñoz noon,” sagot ni Tobias na siyang dahilan upang mapatango ngayon ng ilang beses si Mary.
“Kung gayon ay malaki ang posibilidad na konektado ang taong nasa likod ng sulat na ito sa matalik na kaibigan ng iyong ama,” saad ngayon ni Mary.
“A—at ano namang motibo niya para pagbantaan ang mga buhay namin?” kunot noo ngang tanong ngayon ni Tobias na muli’t muli na namang nagulo ang isipan nang dahil sa pagdagdag ng panibagong katanungan o problema sa kaniyang isipan kahit na hindi pa niya nasasagot ang mga problema niya sa Willson Research Institute.
_________________________
“Mabuti at narito na kayo,” bungad ni Bernard sa dalawa nang makitang palapit na ang mga ito sa bahay-panuluyan. “A—ano? Nahabol niyo ba ang sasakyan?”
“Ano ba sa tingin mo Pitt? May nakikita ka bang ibang tao bukod sa amin ni Tobias?” sarkastikong tanong sa kaniya ni Mary na siyang dahilan upang matigilan siya at sinamaan ng tingin si Mary ngunit kalaunan ay nanlaki nga ang mata niya nang mapagtantong naglakad lang ang dalawa pabalik.
“T—teka, nasaan ang iyong sasakyan Mary?” tanong nito na siya ngang lumabas pa mula sa tarangkahan at sinilip ang daan upang masigurong hindi nga nila kasama ito.
“Natakasan niya kami at pinuruhan niya ang gulong ng sasakyan ko,” sagot ni Mary na siya ngang dahilan upang mapakamot ng batok si Bernard at ibinaling ang tingin kay Tobias na tila may malalim ngayong iniisip.
“Sino ba kasi itong hinahabol mo Tobias?”
Napabuntong hininga at ibinaling ni Tobias ang kaniyang tingin kay Bernard.
“Hawak ng taong ito ang kapatid kong si Pineal,” sagot ni Tobias na siyang dahilan upang maalis ang kunot sa noo ni Bernard.
“Kailangan kong makilala ang taong ito at kailangan kong mailigtas si Pineal mula sa kamay kaniya.”
_________________________
Malalim na ang gabi ngunit dilat pa rin ang mga mata ni Tobias habang nakahiga ngayon sa katabing kama ni Hans na kasalukuyan ngang nakaupo sa kama at tulalang nakatitig sa pader.
“V—valenzuela,” saad ngayon ni Tobias habang nakatitig sa kisame at malalim na nag-iisip. “Anong motibo mo at gusto mo kaming patayin?”
Puno ng katanungan at pagtataka ang isipan ngayon ni Tobias na siyang iniisip na mabuti kung ano ang maaaring kaugnayan ni Manuelito Valenzuela sa kaniyang ama at ina. At kung bakit sa gabing narinig niya ang pag-aaway ng mga ito ay ang lalaking iyon ang nagmumukhang sanhi ng kanilang away.
Ngunit saglit ngang natigilan si Tobias sa pag-iisip at unti-unti ngayong ibinaling ang kaniyang tingin kay Hans. Kalaunan ay nagpasya itong umupo mula sa pagkakahiga habang hindi pa rin iniaalis ang tingin sa kaniyang kapatid.
“Kuya Hans?” tawag nito sa kaniyang kuya at nagbabakasakaling sa pagkakataong ito ay makausap na niya ng maayos ang kaniyang kuya.
“Maaari ba akong magtanong sa iyo?” patuloy ni Tobias ngunit hindi pa rin siya tinitignan nito at nanatili nga lang na tulala ito habang nakaharap sa pader na nasa harapan niya.
“Kilala mo ba si Manuelito Valenzuela?” tanong muli ni Tobias ngunit sa pangatlong pagkakataon ay walang naging reaksyon si Hans dahilan upang mapabuntong hininga ito at magpasyang bumalik na muli sa pagkakahiga dahil mukhang wala sa tamang kaisipan si Hans para sagutin ang mga katanungan nito.
“V—valenzuela?”
Ngunit agarang natigilan si Tobias at mabilisang bumangon nang marinig ang boses ni Hans.
Unti-unting ibinaling ni Hans ang tingin niya kay Tobias at diretso itong tinignan sa mata.
“Oo kuya Hans, ang mga Valenzuela. Kilala mo ba sila?”
Unti-unting tumango si Hans bilang sagot na siyang dahilan upang mapangiti ngayon si Tobias.
“K—kilala ko sila. Ang doktor Valenzuela at ang kaniyang mga anak,” saad ngayon ni Hans na siyang dahilan upang mas lalong ituon ngayon ni Tobias ang kaniyang atensyon dito.
“Ang tinutukoy mo ba kuya ay si Doktor Manuelito Valenzuela? A—at may mga anak siya?” sunod-sunod na tanong ni Tobias na siya ngang tinanguan ni Hans.
“Ang panganak niyang anak,” saad ngayon ni Hans ngunit natigilan ito maski si Tobias nang makarinig sila ng pagbasag mula sa bintana kasabay ng pagtilapon ng isang bato sa loob ng kwarto.
“H—huwag!” takip tengang sigaw ngayon ni Hans dahilan upang agad na tumayo si Tobias upang pakalmahin ito.
At nang mapakalma na nga ito ay unti-unti niyang kinuha ang bato. At walang pasubali nitong ibinuklat ang isang litrato na nakabalot dito.
Unti-unting nanlaki ang mata ni Tobias sa gulat nang makita ang nilalaman ng litrato. Para sa kaniya ay tila ba isang nakakatakot na bangungot ito.
“P—pineal? J—jonas?” hindi makapaniwalang saad ni Tobias nang makita sa litrato ang dalawa niyang kapatid na siyang nakasabit pareho ang dalawang kamay habang nakatakip ang kanilang mga bunganga.
Kapansin-pansin din nga ang nagdurugong katawan at mukha ni Pineal na halatang pinahirapan ng taong nasa likod ng lahat-lahat ng ito.
Hindi halos makagalaw si Tobias sa kaniyang kinatatayuan at halos tuliro ngayong binaliktad ang litrato dahilan upang mabasa niya ang nakasulat dito.
Malapit ko na kayong makumpleto Tobias.
.--. .-. .. -- . .-. --- / . -. / .-.. .- / ..-. .- -- .. .-.. .. .- / ...- .- .-.. . -. --.. ..- . .-.. .-