Pilipinas
~ Marso 14, 1929~
“Don Manuelito, narito po ang Doktor Adam Kley. Papapasukin ko na ho ba ito?”
Saglit na natigilan ang negosyanteng doktor sa kaniyang pagsusulat nang sabihin yaon ng kanilang tauhan.
“Papasukin mo siya,” tugon nito at bumalik muli sa kaniyang pagususulat.
Makaraan ang ilang minuto ay muling nagbukas ang pintuan ng opisina ng doktor at dito ngay pumasok sa isang amerikanong doktor na si Doktor Kley.
May dala-dala ito ngayong isang makapal na dokumento na siya niyang ibinagsak sa lamesa ni Doktor Manuelito dahilan upang unti-unti nitong bitawan ang kaniyang hawak na fountain pen at nagtatakang ibinaling ang tingin sa kaniyang kaibigan na doktor.
“Adam—“
“Paano mo nagawa sa akin ito Manuelito?” hindi makapaniwalang tanong ni Doktor Kley na walang kurap ngayong nakatingin ng diretso kay Manuelito.
“Adam, walang mali sa ginawa ko”—pakli ni Manuelito na habang tumatayo mula sa kaniyang pagkakaupo—“at isa pa, may karapatan akong gawin ito.”
Hindi makapaniwala at halos manlumo si Doktor Kley sa mga naririnig niyang tugon ni Manuelito sa kaniyang mga katanungan.
Kinuha niya ngayon ang ibinagsak niyang dokumento kanina at inilipat ito sa pangalawang pahina dahilan upang makita roon ang mga pangalan ng mga sumulat.
“Hindi lamang ikaw ang may karapatan dito Manuelito,” saad ni Doktor Kley na siyang itinuro ang kaniyang pangalan sa dokumento. “Baka nakakalimutan mong tayong dalawa ang sumulat ng mga pag-aaral na ito!”
Hindi na napigilan ni Doktor Kley na mapalakas ang kaniyang tinig nang dahil sa galit at inis na nararamdaman niya ngayon.
Ngunit nakangisi lang siyang tinignan ngayon ni Manuelito na siyang binuksan ang aparador niya sa mesa at doon inilabas ang isang makapal na libro na siya niyang ibinagsak sa gitna nila ni Adam.
“Baka nakakalimutan mo Adam na malaking parte ng pag-aaral na ito ay pag-aari ko? Kaya ako ang mas may karapatan na ibenta ito!”
Unti-unting tinignan ni Adam ang librong inilapag ni Manuelito na pinamagatan ng kaparehong pamagat ng dokumentong hawak niya ngunit ang pagkakaiba nga lang ay wala na ang kaniyang pangalan sa sumulat.
“Nahihibang ka na ba Manuelito? Hindi mo maaaring ibenta ang mga pag-aaral na ito sa institusyon ni Doktor Willson.”
“At bakit hindi Manuelito?”
“Dahil kapwa natin alam kung anong maaaring idulot nito sa mga tao sa oras na mahawakan ni Doktor Willson ang mga pag-aaral na ito,” tugon ni Adam na siyang sinubukan ngang kunin ang libro ngunit agad itong nailayo ni Manuelito. “Manuelito, baka nakakalimutan mong ang institusyon na ‘yon ang nagpakalat ng influenza noong taong taong 1918?! Don’t be foolish Manuelito!”
“Hindi lamang isang buhay ang madadamay sa gagawin mo kundi marami ang buhay na madadamay sa oras na ibigay mo ang mga pag-aaral na ‘yan kay Doktor Willson. Hindi ko hahayaan na gamitin ang mga pag-aaral na iyan upang samantalahin ang mga tao.”
“Adam, baka nakakalimutan mo rin na narito sa librong ito ang kagamutan kaya’t walang mamamatay kung gagawin ko ito!”
“For Pete's sake Manuelito! Hindi mo man lang ba isinasaalang-alang ang buhay ng mga mahihirap kung sakaling tamaan sila ng mga malulubhang sakit? Hindi mo man lang ba naisip na kahit magkayod sila hanggang kamatayan ay hinding-hindi nila magagawang bilhin ang kagamutan na ibebenta ng institusyon?!” tugon ngayon ni Adam na hindi na nga napigilan ang sarili na ibagsak ang kamay sa mesa dahilan upang hindi inaasahang masugatan at magdugo ang kaniyang kamao.
“Hindi ko na iyon problema Adam! Hindi ko kasalanan kung mahirap sila! Kung wala silang pambili edi—“
Hindi na naituloy pa ni Manuelito ang kaniyang sasabihin nang tuluyan na siyang suntukin ni Adam sa mukha nang dahil sa inis at galit na nararamdaman nito ngayon.
“Talaga bang ‘yang pagiging gahaman mo sa pera ang papairalin mo imbes na gampanan mo ang tungkulin na sinumpaan mo?” marahang sinabi ni Adam na hawak-hawak na ngayon ang kwelyo ng damit ni Manuelito. “Isa kang doktor Manuelito, at alam kong alam mo na sumumpa tayong magliligtas ng buhay, hindi ang tayo mismo ang gagawa ng bagay na ikapapahamak ng tao.”
Unti-unting binitawan ng doktor ang kwelyo ng kaniyang kaibigan kasabay nang mabilisan nitong pagkuha sa hawak na libro ni Manuelito at sa dokumento niyang dala kanina.
“Hindi ko hahayaang may mapahamak na tao at maski ikaw aking kaibigan ay hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak,” saad nito na siyang tumalikod na sa kaniyang kabigan at naglakad na paalis ng opisina.
“Sa tingin mo ba ay papayag akong muli na magparaya Adam?!”
Natigilan si Adam sa akma na nitong paglabas at unti-unti ngang hinarap ang kaniyang kaibigan ngunit kaalinsabay nito ang unti-unting paglaki ng kaniyang mga mata nang makitang may hawak-hawak ng baril ngayon si Manuelito na siyang nakatutok ng diretso sa ulo niya.
Dahilan upang agad siyang mapahawak sa baril na nasa tagiliran niya dahil sa kaba at gulat.
“Nakuha mo na ang pangarap kong magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang mahal kong si Luisa. Nakuha mo ang pangarap kong maging isang tanyag na doktor na siyang tinitingala ng lahat.”
“M—manuelito, ibaba mo ang baril na iyan.”
Halos hindi makagalaw ngayon si Adam sa kaniyang kinatatayuan dahil hinding-hindi pumasok sa isip nito kailanman na may namumuo palang paninibugho sa puso ni Manuelito. Hindi siyang makapaniwalang darating ang araw na tututukan siya ng baril ng sarili niyang kaibigan na siyang itinuturing niyang kapatid.
“Manuelito—“
“At nakuha mo rin pati ang loob ng aking mga magulang. Nais ko silang tulungan sa tuwing sila ay nagkakaroon ng karamdaman dahil isa akong doktor Adam! N—ngunit ikaw at ikaw pa rin ang kanilang tinatawag at pinagkakatiwalaan kahit pa na ako ang kanilang anak! Inagaw mo ang lahat-lahat sa akin Adam!”
Umiling si Adam na siyang nakatingin ngayon ng diretso
“Manuelito, pag-usapan natin ito ng maayos. Nang walang baril o ano mang dahas na bagay. Please Manuelito, put the gun down,” marahang sabi ngayon ni Adam na unti-unting humahakbang palapit sa kinaroroonan ng kaniyang kaibigan habang hawak-hawak pa rin sa kanang kamay niya ang baril na nasa tagiliran niya.
“H—hindi Adam.” Paulit-ulit na umiling si Manuelito na siyang tuluyang ikinasa ang baril. “Tatapusin na ito nang matapos na ang problema!”
“Manuelito huwag!”
Kasabay nang pagsigaw ni Adam niyaon ay isang putok din ng baril ang umalingaw-ngaw buong mansyon ng Valenzuela.
~ Enero 10, 1944~
“H—hindi,” pakli ni Tobias na agarang lumayo sa matanda habang ilang beses itong napailing dahil sa gulat at pagkalito na nararamdaman niya ngayon bunga ng sinabi sa kaniya nito.
“Sinungaling ka! Hinding-hindi magagawa ng papá ang iyong ibinibintang sa kaniya!”
“Pinatay ng tatay mo ang anak ko! Yaon ang katotohanan!” sunod-sunod na bulalas ng matanda dahilan upang maski si Enrico ay magulat na rin ngayon. “Kaya narapat lamang na maghiganti ang aking apo dahil hindi matatawasan ang ginawa ng iyong ama sa aking pamilya. Sinira niya ang lahat-lahat! Mamamatay tao ang tatay mo!”
Dahil nga ito upang bumilis ang t***k ng puso ni Tobias kasabay ng pagsakit ng kaniyang ulo at panginginig ng kaniyang katawan.
“Hindi! Nililinlang mo lamang ako! Pinapalabas mo lamang na masama ang aking papá kahit na hindi naman totoo!” pakli ni Tobias habang nakatikom na ngayon ang kaniyang kamao upang pigilan ang panginginig ng kaniyang buong katawan.
“Nagsasabi ako ng totoo iho, at narapat lamang na ibigay mo na sa akin ang dokumentong iyan dahil pagmamay-ari iyan ng aking anak!”
“Hindi ako maniwala sa iyo hangga’t wala kang patunay. Inosente ang aking papá,” marahang saad ni Tobias bakas ang panginginig sa kaniyang boses at tuluyan na nga itong tumalikod sa matanda at dire-diretsong lumabas sa kwarto nito.
“Hoy, bumalik ka rito! Ibigay mo sa akin ang dokumentong iyan!” sunod-sunod na sigaw ngayon ng matanda na nagpupumilit kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Enrico.
“Bumalik ka ritong hayop ka!”
Mabilis na nilagyan ni Enrico ng gamot na pampatulog ang iniksyon na nanggaling sa bulsa ng kaniyang lab gown upang turukan ang matanda at kumalma ito.
Unti-unting nanghina ang matanda at tuluyan na ngang ipinikit ang mata makalipas ang ilang minuto.
“Bumalik—“
_________________________
Mabilis na naglalakad si Tobias sa pasilyo ng pagamutan habang mahigpit ang kaniyang hawak sa dokumento dahilan upang malukot ang ibang pahina nito.
“Hindi. Hindi iyon magagawa ng papá,” usal nito habang nanginginig sa paglakad at hindi matigilan sa kakailing.
Hanggang sa natigilan ito nang may nabangga siya sa gitna ng paglalakad.
“Patawad—“
“T—tobias? Anong ginagawa mo rito?”
Unti-unting natigilan ngayon si Tobias at tinaas ang kaniyang tingin dahilan upang makita niya ang nanlalaking mga mata ngayon ni Mary na siyang gulat na gulat na makita si Tobias sa pagamutan.
“Mary—“
“Patient seven, anong ginagawa mo rito sa pasilyo? At paano ka nakalabas sa iyong kwarto?”
Sunod-sunod na tanong ng isang nars na kakalabas lang sa kwartong katapat ngayon nila Tobias.
Kunot noo itong nakatingin ngayon kay Tobias dahilan upang matigilan at mapakunot ng noo si Mary dahil sa kaniyang narinig na itinawag ng nars kay Tobias.
“P—patient seven? Pasyente niyo siya rito?”