Pilipinas
~ Enero 10, 1944~
Ala dos ng madaling araw ay naalimpungatan sa tulog si Mary na siyang unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib dahil sa bilis ngayon ng t***k nito.
Unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mata habang dahan-dahan na pinakalma ang sarili.
Dinalaw na naman siya ng lalaking lagi niyang nakikita sa kaniyang panaginip.
Ang lalaking parte ng kaniyang madilim na kahapon. Pilit man niyang kalimutan ay hindi niya magawa dahil ang isip ay makapangyarihan kaysa sa sarili.
May mga bagay tayong nais kalimutan at ibaon na lamang sa nakaraan ngunit patuloy pa rin itong ipapaalala ng ating isipan.
Tumayo na ngayon si Mary mula sa kama at naglakad papunta sa kaniyang bintanang bukas upang isara ito. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya dahilan upang matigilan siya sa pagsara nito at ibaling ang kaniyang tingin sa kalangitan.
Kitang-kita ang mabilog na buwan na nasa kaniyang tapat ngayon.
Maliwanag ngunit hindi tulad ng araw ay hindi ito nakakasilaw.
“Kamusta ka na aking kaibigan?” tanong ni Mary habang nakangiti siyang nakatingin ngayon sa maliwanag na buwan.
Itinuring na niya itong kaibigan mula pagkabata dahil tulad ng buwan na naiiba sa mga nagkalat na bituin sa kalangitan ay kakaiba rin ang tingin ni Mary sa kaniyang sarili.
Mula pa nang nasa bahay-ampunan ito ay kakaiba na ang turing sa kaniya ng mga kapwa niya bata. Walang nais na lumapit sa kaniya at walang naglakas ng loob na kaibiganin siya maliban na lamang kay Bernard na kalaunan naman ay iniwan lang din siya.
Simula magkahiwalay sila ni Bernard hanggang sa inampon siya ni Madame Celeste ay naging mailap na siya na tumanggap ng ibang tao sa kaniyang buhay. Dahil naniniwala siyang may kaniya-kaniyang buhay ang mga tao at wala silang pakialam sa kapwa nila tao. Na tayo raw ay isinilang na makasarili at mamamatay rin na makasarili. Hindi siya naniniwala sa salitang “pagtulong” dahil ni minsan ay hindi niya ito natanggap mula sa iba.
Napabuntong hininga siya ngayon at muli’t muli nang hawakan ang mga bintana upang isara ito ngunit natigilan siya nang mapansin ang pagbukas ng tarangkahan sa ibaba.
Unti-unting nanlaki ang mata nito sa gulat nang makilala niya kung sino ang nagbukas nito na ngayon ngay nakalabas na sa kalsada.
“T—tobias?”
Agad itong nagmadaling lumabas sa kaniyang kwarto kahit pa na naka-pantulog ito ngayon ay hindi ito naging alintala para mabilisan siyang bumaba mula sa ikalawang palapag upang habulin si Tobias.
Ngunit nang pagkalabas na nito sa kalsada ay wala ng bakas ni Tobias ang kaniyang naabutan.
“Merde! (Damn it)” usal nito na siya ngang napapikit pa dahil sa inis ngunit kalaunan ay nagpasya na itong pumasok muli sa loob ng bahay at doon ay agaran siyang pumunta sa kwarto ni Tobias na nagawa niyang mabuksan sa pamamagitan ng kaalaman niya sa pagbukas ng pintuan gamit ang aguhilya (hairpin).
Nang makapasok dito ay walang pasubali siyang naghalughog sa mga gamit ni Tobias hanggang sa may makita siyang isang hospital ID.
“Doctor James Enrico Smith?” basa nito sa posibleng tao na nagmamay-ari ng ID.
Kita niya sa itaas nito ang pangalan ng pagamutan at ang mismong address nito dahilan upang mapahigpit siya ng hawak sa ID dahil ang pagamutang ito ay pamilyar sa kaniya.
Ito nga ang siyang dahilan upang maghinala siya ng posibleng pakay ni Tobias sa pagamutang ito.
“Mukhang tama ang hinala ko,” saad ngayon ni Mary na siyang napabuntong hininga ngayon. “Pasekreto ka ngang nag-iimbestiga patungkol sa mga Valenzuela. At kung hindi ako nagkakamali ay baka alam mo na rin ngayon kung sino ang panganay na anak ni Doktor Manuelito Valenzuela.”
“P—patient seven? Pasyente niyo siya rito?”
Tumango ang nars kay Mary at ibinaling nga agad ang tingin nito kay Tobias kasabay ng paghawak nito sa kaniyang kamay.
“Hindi ka dapat basta-basta gumagala sa labas ng iyong kwarto Patient 7,” saad ng nars na siya ngang marahang hinila na si Tobias upang ibalik ito sa kaniyang kwarto ngunit agad na humarang si Mary sa daraanan nila dahilan upang kunot noo siya ngayong tignan ng nars.
“May problema ka ba ha? At teka nga, sino ka ba at bakit ka nakapasok dito sa aming pagamutan?”
“I’m Doctor Mary Smith,” sambitla nito na siyang inilabas ang isang hospital ID kung saan naroon ang kaniyang pangalan. “Ako ang bagong doktor.”
Dahilan upang unti-unti ngayon manlaki ang mata ni Tobias at nagtatakang tinignan si Mary.
“Ako na ang siyang magbabalik sa kaniya,” patuloy nga ni Mary dahilan upang unti-unting bitawan ng nars ang kamay ni Tobias.
“Patawad Doktor Mary, hindi ko alam na ikaw pala ang bagong doktor,” saad ng nars na medyo napaiwas pa nga ng tingin dahil sa hiya. “Mauna na ho ako.”
Agad-agad ngang napatakbo ito dahil sa hiya dahilan upang maiwan ngayon sina Tobias at Mary na kapwa nakatingin sa isa’t isa habang nakakunot ang kanilang mga noo.
“Bagong Doktor?” hindi makapaniwalang tanong ni Tobias na walang kurap ngayong nakatingin ng diretso kay Mary.
“Anong ginagawa mo rito Mary? Sinundan mo ba ako?”
Umiling si Mary bilang sagot sa kaniyang tanong, “Sa tingin mo ba ay tatanggap sila ng doktor sa na ngayon lang nila nakita?”
“H—hindi ito ang una mong beses na pagpunta. Sinusundan mo ba ako mula umpisa?” sunod na tanong ni Tobias.
“Hindi kita sinundan sa kahit na anong pagkakataon dahil kanina ko lamang nalaman na pumupunta ka rin sa pagamutan na ito,” tugon ni Mary. “At kung hindi ako nagkakamali ay iisa ang hangarin natin sa pagpunta rito—“
Natigilan ngayon si Mary nang mapansin ang hawak-hawak ni Tobias na makapal na dokumento.
“B—bedlam 45?” unti-unting basa ni Mary sa unang pahina dahilan upang manlaki ang mata ni Tobias sa gulat at itago ito sa kaniyang likod.
“Iyan ba ang mga pag-aaral ng iyong ama?”
Agad na napaiwas si Tobias nang akamang kukunin ni Mary ang dokumento mula sa kaniyang likod.
“P—patawad Mary ngunit wala akong balak na ipakita ito sa iyo,” saad ngayon ni Tobias na siyang dahilan upang matigilan si Mary at hindi ngayon makapaniwalang tinignan si Tobias.
“Hindi sa wala akong tiwala sa iyo ngunit upang makasigurong hindi ako malilinlang muli ay mas mabuti na lamang kung mag-isa ko nalang na gawin ang misyon na ito.”
“Huwag mong sabihin na pinaghihinalaan mong tratraydurin kita?”
“Hindi sa gayon Mary, sadyang hindi ko lang alam kung sino ba ang kakampi sa inyo—“
“Hindi ako kakampi ni Emmanuel,” sambitla ni Mary na siyang dahilan upang agad na mapakunot ng noo si Tobias.
“Alam ko na ang lahat-lahat Tobias. Alam kong si Emmanuel ay ang panganay na anak ni Doktor Manuelito Valenzuela na siyang matalik na kaibigan ng iyong ama. At na siyang pumatay sa iyong kapatid na si Pineal at may hawak ngayon sa isa mo pang kapatid,” patuloy ni Mary na siyang dahilan upang mapasingahap ngayon si Tobias at hindi makapaniwalang tinignan ito.
“K—kailan mo pa alam ang mga bagay na iyon?”
“Pagkatapos ng pagkamatay ng iyong kapatid,” tugon ni Mary. “Kaalinsabay nito ang kasunod na pagdiskubre ko ng motibo ni Emmanuel sa paghihiganti niya sa inyo,” patuloy ni Mary dahilan upang mapatingin sa kaniya ngayon si Tobias dala ang nanlulumo niyang mga mata. “Ang iyong amang si Doktor Adam Kley ang siyang hinihinala ng pamilya Valenzuela na pumatay kay Doktor Manuelito kaya’t hindi nalalayo na ito ang siyang motibo ni Emmanuel sa kaniyang paghihiganti sa inyong pamliya.”
“Imposibleng siya ang may pakanan ng lahat,” hindi makapaniwalang sambit nito na siyang dahilan upang mapasinghap si Enrico.
“Nasa inyong grupo mismo ang nasa likod ng pagkamatay ni Pineal. Si Senyor Emmanuel Valenzuela ay ang panganay na anak ni Don Manuelito Valenzuela sa kaniyang asawang si Doña Natalie Valenzuela. Ang bunso nilang anak ay si Senyor Gabriel Valenzuela na siyang kasalukuyang nag-aaral ngayon sa Europa ng pag-aabogasya. Bata pa lamang sila nang namatay si Doktor Manuelito sa isang insidente na walang malinaw na impormasyon. Sinubukan kong hanapin ang dahilan ng kaniyang pagkamatay ngunit tila ba sinadyang hindi itala ang bagay na ito,” paliwanag ni Enrico habang sunod-sunod ngayong tinitignan ni Tobias ang mga litrato ng mga pangalang binabanggit ni Enrico.
“Nang dahil sa pagkamatay ng Doktor ay nagpakamatay ang kaniyang asawang si Doña Natalie Valenzuela at nasiraan naman ng bait ang kaniyang ina na si Doña Marites dahil sa kawalan ng hustisya sa pagkamatay ng kaniyang anak. At si Don Manuel naman na ama nito ay inatake sa puso dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng kanilang negosyo na pinamamahalaan ni Doktor Manuelito. Namalagi ang mga anak ng doktor sa Visayas kung saan naroon ang kanilang tiyo at doon na sila naninirahan simula ng sunod-sunod na kamalasang nangyari sa kanilang pamilya.”
“Ngunit anong kaugnayan nito sa paghihiganti ni Emmanuel sa aking pamilya?”
“Yaon ang hindi ko pa alam ngunit ang sigurado ngayon ay hindi malabong nasa plano niya ang pakipagkaibigan sa iyo”—saad ng lalaki dahilan upang mapakagat ngayon ito sa ibaba ng kaniyang labi nang dahil sa pagpipigil niya ngayon sa galit—“Doktor Tobias.”
Nilabas na ngayon ni Tobias ang dokumento mula sa kaniyang likod at walang kurap itong tinititigan.
“P—posible kayang ang papá talaga ang pumatay sa Doktor Manuelito Valenzuela?”