Estados Unidos
~ Pebrero 1, 1940~
“Manang Selma, nasaan ho ang kuya Hans?” tanong ni Tobias na siyang kakalabas lang mula sa kaniyang kwarto at nakaayos ngayon upang makipagkita sa kaniyang kasintahan niyang si Gabriele.
“Maagang umalis ang iyong kuya dahil marami raw silang pasyente sa ospital ngayon,” sagot ni Manang Selma na kasalukuyang nagluluto ng kanilang umagahan habang tinutulungan siya ni Pineal at Jonas sa paghahanda ng hapagkainan.
“T—talaga ho?” tanong ni Tobias na unti-unti ngayong napangiti nang malaman na wala ang kaniyang kuya upang pigilan siya sa pakikipagkita sa kaniyang kasintahan na matagal na nga nitong ipinagbawak na gawin ni Tobias.
“Bakit Tobias iho, saan ka ba pupunta?” nagtatakang tanong ngayon ni Manang Selma nang mapansin ang suot ni Tobias.
“Makikipagkita lang po sa isang kaibigan Manang,” sagot sa kaniya ng binata na siyang nagmadaling kunin ang kaniyang bag at akmang lalabas na nga sana ng kanilang tahanan nang biglang lumitaw si Hans sa harap niya na ngayon ay walang pasumbaling sinuntok ng diretso si Tobias na dahilan upang mapasigaw si Manang Selma kat magulat silang lahat.
“Hans!” gulat ngayong bulalas ng matanda na agarang umawat kay Hans na akmang susuntukin muli si Tobias.
“Pineal, Jonas, ihanda niyo na ang mga gamit dahil aalis na muli tayo,” sambit ni Hans na nakatingin pa rin ng diretso kay Tobias dala ang dismayado niyang mga mata.
“A—aalis? Hans, ano bang problema anak at biglaan ka nalang nanununtok?” sunod-sunod ngang tanong ni Manang Selma na siyang gulong-gulo na sa mga nangyayari.
Napabuntong hininga ngayon ang binatang doktor na siyang hindi pa rin iniaalis ang tingin kay Tobias.
“Tobias, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na huwag na huwag kang mahuhulog sa sino mang babae? Tignan mo ng nangyari, niloko ka na ay nalaman pa niya ang mga katauhan natin. At sigurado akong papunta na ngayon rito ang mga tauhan ng Willson Institute dahil sa ginawa mo!”
Bulalas ni Tobias na dahilan upang matigilan si Manang Selma at gulat ngayong ibinaling ang tingin kay Tobias.
“Kuya, mahal ko si Gabriele at hindi ako naniniwalang tauhan siya ng Institute na iyon!”
“Hindi naniniwala? Habang papunta ako sa ospital ay hinahabol ako ng mga tauhan ni Doktor Willson at kasama nila ang babaeng iyon!”
“Kuya, paano kung kung dinukot lang pala siya? Hindi ako naniniwalang kakampi niya ang mga iyon,” pangangatwiran pa nga ni Tobias na siya ngang dahilan upang hindi napigilan ni Hans ang sariling itulak si Manang Selma upang akmang susuntukin na nga muli niya ang kaniyang kapatid ngunit isang nakakarinding putok ng baril ang sunod-sunod na tumama sa katawan ni Kuya Hans na dahilan para mapasigaw si Manang Selma at halos manlaki naman ngayon ang mga mata ni Tobias nang dahil sa gulat.
“Kuya!”
Pilipinas
~ Septyembre 10, 1943~
“Kailangan naming malaman kung anong nangyari kay Doktor Yod Hans Kley bago niya patayin ang sarili niya.”
Imbes na sagutin ni Tobias ang katanungang iyo ni Emmanuel ay halos mapakunot ang noo nilang lima nang makitang napapikit si Tobias habang hawak-hawak ang magkabilaang tenga niya.
“Doktor Aegeus Tobias Kley?” tawag ni Emmanuel sa kaniyang ngunit napailing lamang ito ngayon na siyang kinuha ang papel na inilapag nil Zane habang nanginginig ang magkabilaang kamay niya.
“K—kuya Hans,” unti-unting sambit ni Tobias kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha.
“Doktor Kley, ayos ka lamang ba?” nag-aalalang tanong ni Helda na kapareha nila Bernard at Zane ay nilapitan na nila si Tobias upang pakalmahin ito.
“B—bitawan niyo ako,” saad ni Tobias nang akmang hahawakan na siya ni Emmanuel upang pakalmahin. “Bitawan niyo ang kuya ko!”
“Bitawan niyo si kuya Hans!”
Sunod-sunod na sigaw ni Tobias na siyang dahilan upang nagtatakang magtinginan ang apat pwera kay Mary na ngayon ay dali-daling pumunta sa kusina at kumuha roon ng hiringgilya (syringe) at isang maliit na bote na naglalaman ng Nembutal (acts as a depressant, or sedative, used short-term to treat insomnia).
Agaran itong pumunta sa kinaroroonan ni Tobias at kahit na nagwawala na ito at sinusumpong ng kaniyang karamdaman ay nagawa pa rin ngang isaksak ni Mary ang gamot sa binata sa tulong nila Emmanuel at Bernard na hinawakan ang magkabilaang kamay ni Tobias. At dahilan ang gamot upang unti-unting kumalma si Tobias.
“B—bitawan niyo ang kuya—“ nanghihinang sambit ni Tobias na unti-unting ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog at agad na ipinahiga nila Emmanuel at Bernard sa sofa.
“Mukhang nakuha niya rin ang karamdaman ng kaniyang kapatid,” saad ni Emmanuel na tinanguan din naman ni Helda.
“Ngunit hindi iyon hadlang upang makuha natin ang kailangan natin sa kaniya,” saad ni Mary na dahilan upang mabaling ang atensyon sa kaniya ng apat at makita ngang hawak na nito ang bag ni Tobias at doon inilabas niya ang sobre na nakabalot sa isang panyo. O ang bagay na iniwan ni Hans kay Tobias bago pa man ito magpakamatay.
_______________________
Unti-unting iminulat ni Tobias ang kaniyang mga mata nang maalimpungatan siya sa pagsindi ni Helda ng ilaw.
“N—nasaan ako? Anong ginawa niyo sa akin?!” sunod-sunod na tanong ni Tobias na agarang bumangon mula sa pagkakahiga na siyang nagdulot nang kaonting pagkahilo sa kaniyang ulo dahilan upang agad siyang mapahawak dito at unti-unti itong bumalik sa pagkakahiga.
“Huwag ka munang bumangon ginoo dahil sa mga oras na ito ay sigurado akong ramdam mo na ang epekto ng gamot na itinurok sa iyo ni ate Mary kanina,” saad ni Helda na siyang naupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan ngayon ni Tobias.
“Sabihin mo sa akin binibini, bihag niyo na rin ba ako? At tulad din ba ni Doktor Willson ay sasamantalahin niyo rin ang karamdaman ko?”
Dahilan ang mga katanungan ni Tobias upang agarang mapailing ang dalaga na ngayon ay kinuha ang basong nasa tabi nitong mesa at nilagyan ito ng maiinom mula sa dala niyang pitzel kanina.
“Inumin mo itong pinakuluang tubig na may luya at yerbabuwena nang maibsan ang sakit ng iyong ulo,” saad ni Helda sabay abot ng baso kay Tobias na noong una ay nag-alangan ngang muli itong tanggapin ang inumin.
“Huwag kang mag-alala walang lason ito,” paniniguro ni Helda na inilapag muna ang inumin ni Tobias at tiyaka kumuha ng isa pang baso at nilagyan ng parehong inumin. “At upang makasiguro ka ay sasabayan kita sa pag-inom.”
At dahilan nga ang suhesyong gawin ni Helda upang tuluyan nang kunin ni Tobias ang baso at tulad ng sinabi ng dalaga ay sabay nila itong ininom.
“M—maraming salamat—“
“Helda.”
“Mukhang napakabilis mo atang makalimot ginoo,” nakangiting saad ni Helda na siyang inilapag na ang kaniyang inumin sa mesa.
“N—nasaan ang mga kasama mo?” kalaunang tanong ni Tobias nang mapansin na sila lamang dalawa ngayon ang nasa kwarto. Naging mas kalmado na ito kumpara nang kagigising pa lamang niya kanina.
“Naghahanda sila upang puntahan ang mapa,” sagot ni Helda na tumayo na mula sa pagkakaupo. “Pupuntahan nila ang mapang itinuturo ni Doktor Hans.”
At dahilan nga ang sinabi ni Helda upang matigilan si Tobias sa akmang pag-inom niyang muli.
“M—mapa? Anong mapa ang tinutukoy mo?”
“I—iyong sulat na nakabalot sa panyo,” nag-aalangang sagot ni Helda nang mapansin ang naging reaksyon ni Tobias.
“Kinuha niyo ang sulat? At sinong nagsabi sa inyong dapat niyong pakielaman ang sulat na iyon?!” sunod-sunod na bulalas ni Tobias na siyang ikinagulat ni Helda na akma ngang pipigilan niya sana ito sa pagtayo ay wala na siyang nagawa nang pwersahang tumayo si Tobias at mabilisang mag-aakmang lumabas sana ito nang naunahan siya ni Mary na buksan ang pintuan mula sa labas.
“May problema ba rito Helda?” bungad ni Mary na nagkunwaring walang nalalaman kahit pa na rinig na niya sa labas ang sigaw ni Tobias kanina.
“Nasaan ang sulat? Bakit niyo ito kinuha nang walang pahintulot ko?!” sunod-sunod na tanong ni Tobias dito ngunit walang kaemo-emosyon lamang siyang tinignan ni Mary.
“Sa tingin mo ba ay mahihingi pa namin ang pahintulot mo kung wala kang malay at sa tamang katinuan kanina?” baling na tanong sa kaniya ni Mary ngunit kinunutan lamang siya ng noo ni Tobias.
“Gamit ko pa rin iyon at wala kayong karapatan para—“
“Doktor Aegeus Tobias Kley, ang laman ng sulat ay ang mapang nagtuturo kung saan naroon ang mga pag-aaral na ginawa ng inyong amang si Doktor Adam Kley,” putol ni Mary sa kaniya dahilan upang matigilan ito ng tuluyan. “Ano sa tingin mo ang kinalaman ng mga pag-aaral na ito upang patuloy na habulin ng William Research Institute ang iyong pamilya?”