Pilipinas
~ Septyembre 10, 1943~
"Damn it! Mukhang nasundan nila tayo!” sunod-sunod ngang sigaw ni Mary na siya ngang napapikit nang dahil sa inis.
Nang dahil sa sunod-sunod na putok ng barol ay agad-agad na napalabas ng baril ang lima kasabay nang pagdapa nila sa sahig kasama si Tobias.
“Mary at Helda, kayo nang bahala kay Mister Kley,” utos ni Emmanuel na tinanguan si Bernard at Zane na siyang agad na sinundan ang dahan-dahan na paggapang ni Emmanuel habang nakadapa sa sahig papunta sa pintuan.
“A—anong nangyayari?” natataranta ngayong tanong ni Tobias ngunit hindi siya sinagot ni Mary na ngayon ay agarang tumayo habang hawak-hawak ang pulso ni Tobias.
“Helda,” tawag ni Mary kay Helda na siya rin namang tinanguan siya bago pa man ito tuluyang tumayo at marahang nauna maglakad papunta sa likurang pintuan ng bahay.
Ang mga bawat galaw, senyas, at tinginan ng lima ay palatandaan ng kasanayan nila sa mga ganitong sitwasyon. Na tulad ng magkakapatid na Kley ay halos araw-araw rin napupunta sa bingit ang buhay ng mga ito nang dahil sa paghahabol sa kanila ng iba’t ibang illegal na ospital at institusyon na sinusuplong nila sa gobyerno.
“Kung hindi ako nagkakamali ay hindi na bago sa iyo ang mga pagkakataong ito,” saad ni Mary kay Tobias habang nagmamadali na silang tumakbo palabas ng bahay habang nasa unahan nila si Helda na siyang naninigurong walang kalaban sa daang pupuntahan nila palabas. “May baril ka hindi ba?”
At kahit na gulong-gulo nga si Tobias ngayon ay nagawa pa rin niyang sagutin ng isang tango ang dalaga na kasabay non ang paglabas niya ng kaniyang baril mula sa dala nitong bag.
“At alam mo naman siguro kung paano paganahin iyan?” sarkastikong tanong ni Mary sa kaniya na kasalukuyang nakatuon ang tingin sa likod nila kung saan kita niya ang pakikipagputukan nila Emmanuel sa mga lalaking nakasuot ng itim na maskara bilang pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan. Habang si Helda naman ay patakbong pumunta sa kinalulugaran ng sasakyan na siya rin ang nagpaandar kanina nang papunta sila rito.
“A—alam ko ngunit ang hindi ako sigurado ngayon ay kung sasama ako sa inyo? Hindi ko kayo kilala at malay ko ba kung tauhan—“
“Hindi kami tauhan ni Doktor Willson,” agarang saad nga ni Mary na sa ngayon ay walang kurap na tinignan si Tobias sa kaniyang mga mata. “Dahil kung tauhan man niya kami ay hindi kami ganoon katanga para bulgaran naming ipakita sa iyo ang aming mga pagmumukha.”
At dahilan nga ito upang matahimik si Tobias at makita nga ang ipinupunto ng dalaga.
“Ate Mary, sakay na!” bulalas ni Helda na siyang sakay na ng kotse at ipinaandar nga ito papunta sa tapat ng kinatatayuan nila Mary at Tobias.
Dali-dali ngang binuksan ni Mary ang pintuan ng sasakyan at doon ay walang pasumbali niyang itinulak si Tobias na siya niyang agad na sinundan. At pagkapasok na pagkapasok ni Mary sa sasakyan ay agad ngang ipinaandar ito ni Helda.
“Kung hindi kayo tauhan ni Doktor Willson ay sino kayo?”
________________________
“Tawagin mo kami sa pangalang Telos,” sambit ni Mary na sa ngayon ay nakarating na silang tatlo sa bahay na tinutuluyan ng kaniyang grupo.
At kasalukuyan nga ngayong nakaupo at nakatali si Tobias sa isang silya na nasa gitna ng sala ng bahay. Nakatali ito ngayon nang dahil sa kadahilanang nagsubok itong makatakas kanina habang sakay sila ng kotseng pinapaandar ni Helda. Kaya nga ay wala nang nagawa si Mary kundi itali ito na parang bihag kanina at magpahanggang sa makauwi sila ay itinali niya ito sa upuan upang siguradong wala na itong kawala.
“T—telos?” nakakunot na sambit ni Tobias na siyang nagpupumilit na kumawala sa pagkakatali ngunit sa higpit nito ay namimilipit lang ang kaniyang kamay at paa sa sa tuwing sinusubukan niyang makawala. “Kung hindi kayo tauhan ni Doktor Willson ay marahil tauhan kayo ng ibang ospital! Dahil kung talagang kakampi kayo ay dapat hindi niyo ako itinali rito na parang bihag!”
“Hindi kami tauhan ng kahit na anong ospital ginoo. At inaasahan kong maiintindihan mo na kaya ka namin itinali ay dahil sa pagnanais mong kumawala kanina,” sagot ni Helda sa kaniya na siyang may dalang isang baso ng tubig at sinubukang ipainom ito kay Tobias ngunit iniiwas lamang nito ang kaniyang ulo dahilan upang kamuntikang matapon ang tubig na laman nito.
“Hindi ako naniniwala sa inyo, at huwag na huwag mo akong susubukan na painomin niyan dahil hindi ako nakakasigurong wala kayong hinalong kahit na anong gaot sa inumin na iyan,” diretsahang saad ni Tobias na dahilan upang mapasinghap si Mary na ngayon ay walang pasumbaling kinuha ang tubig kay Helda at biglaan ngang mahigpit niyang hinawakan ang panga ni Tobias upang matignan niya ito ng diretso.
“Sa tingin mo talaga ay papatayin ka namin?”
At kasabay ng katanungang iyon ni Mary ay ang tuloy-tuloy niyang pag-inom ng tubig habang walang kurap na nakatingin ng diretso kay Tobias.
“Hindi ka namin papatayin dahil tulad mo ay tinutugis din kami ni Doktor Willson.”
“Tama iyon ginoo, wala kaming intensyong masama sa iyo,” saad din naman ni Helda na siya ngang inalis na ang nakahawak na kamay ni Mary kay Tobias bago pa man maubusan ng pasensya si Mary at baka kung ano pa ang maaari niyang magawa sa binata.
“K—kung wala kayong intensyon na saktan ako ay anong kailangan niyo sa akin?” unti-unting tanong ni Tobias na unti-unti na ring nahihimasmasan ngayon.
“Kailangan namin ang tulong mong pabagsakin ang Willson Research Institute,” saad ni Emmanuel na papasok ngayon sa bahay kasama sina Bernard at Zane na parehong mga pawisan bunga ng kanilang pakikipaglaban.
“Doktor Emmanuel Hernandez,” saad ngayon ni Emmanuel nang makarating na siya sa tapat ni Tobias. “Ang lider ng grupo.”
“Huwag kang mag-alala, alam na naming lahat dito ang tunay mong pangalan kaya’t malaya kang sabihin ito sa amin,” saad ni Bernard nang mapansin ang pag-aalangan ni Tobias na magpakilala
“D—doktor Aegeus Tobias Kley,” pagpapakilala ni Tobias na siya nga sanang makikipagkamayan nang mapagtantong hindi niya magagawa iyon nang dahil nakatali siya.
Dahilan upang nakakunot ngang tinignan ni Emmanuel sina Helda at Mary nang dahil sa pagtataka.
“I don’t have any choice, he tried to escape from us,” walang ganang sagot ni Mary na kasalukuyang nakaupo na sa sofa kasama si Helda.
“Pero Mary, hindi mo naman kailangang higpitan ang pagkakatali,” saad nga ngayon ni Zane na siyang inaalis na ang pagkakatali ni Tobias.
At tulad ng inaasahan ni Tobias ay nag-iwan nga ng mamumulang marka ang pagkakatali sa kaniya ni Helda.
“Doktor Bernard Pitt,” nakangising sambit ni Bernard sabay abot ng kaniyang kamay kay Tobias,
“A—ano ba talagang pakay—“
“Teka lang, hayaan mo nga munang magpakilala kaming lahat bago namin sagutin ang mga katanungan mo,” putol ni Mary kay Tobias na ngayon ay kinuha na ang iniaabot sa kaniya ni Zane na isang tasa ng tsaa.
“Zane Nikosi,” nakangiting pagpapakilala ni Zane habang naglalakad ito palapit kay Tobias na inabutan niya rin ng isang tasa ng tsaa. “Hindi pa ako ganap na doktor ngunit isang taon na lamang ay magiging ganap na rin.”
Ngayon ay tinanggap din naman ni Tobias ang tsaa ngunit natigilan nga ito sa paghigop nang mangambang muli na baka may inihalo silang gamot dito.
“Sa pang-apat na pagkakataon ginoo ay inuulit namin na wala kaming intensyon na patayin, lasunin, o patulugin ka,” saad ni Helda dahilan upang mapasinghap si Tobias na magpasyang inumin ang tsaa habang nakapikit ito at nanalangin na wala sanang bahid ng kasinungalingan ang sinabi ng babae.
“Helda Varela,” sambit ni Helda nang matapos nang makahigop si Tobias sa kaniyang tsaa. “Isa akong nars at purong Pilipino.”
“Ngayon ay maaari ka nang magtanong,” saad nga ni Mary matapos makapagpakilala ni Helda.
“T—teka lamang, hindi ka pa nakakapagpakilala Mary,” tutol ni Bernard.
“Kilala na niya ako dahil nagkatagpo kami sa tren kanina,” walang ganang sagot ni Mary sa kaniyang kaibigan na siyang tinanguan din naman ni Tobias na ngayon ay ibinaling nga ang tingin kay Emmanuel.
“Maaari ko na bang malaman kung anong pakay niyo sa akin?”
“Isa lamang naman ang pakay namin sa iyo Doktor Aegeus Tobias Kley,” panimula ni Emmanuel na ngayon ay tinanguan si Zane na agarang kinuha ang isang kapirasong papel mula sa kaniyang bag at yaon ay kaniyang binuksan at inilapag sa mesang nasa gitna nilang lahat.
At halos natigilan nga si Tobias nang makitang buo ang nakaguhit sa papel na inilapag ni Zane.
“Kailangan naming malaman kung anong nangyari kay Doktor Aleph Hans Kley bago niya patayin ang sarili niya,” patuloy ni Emmanuel habang nakatuon ngayon ang buong atensyon nilang lima kay Tobias.