Kabanata 6 |Mary Smith|

1531 Words
Marahang itinigil ni Mary ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang lumang bahay ampunan na matatagpuan malapit sa simbahan ng Cabanatuan. At unti-unti rin siyang bumaba mula sa kaniyang sasakyan habang dala-dala ang kaniyang bag na puno ng mga dokumento. Lumang-luma na ang bahay ampunan at sa paligid nga nito makikita ang mga nagtatakbuhang mga mga bata. “M—magandang umaga iha,” nakangiting bati ng isang madre kay Mary nang makapasok ito sa bahay ampunan. “M—maaari ko po bang malaman kung dito pa rin ba nagtratrabaho si Inang Pilita?” nag-aalangang tanong ni Mary na ngayon ay inilibot nga ang paningin sa buong ampunan kung saan niya napansin ang malaking pagbabago nito. “Si Madre Pilita Zamora po ba ang iyong sadya iha?” tanong sa kaniyang nong madre dahilan upang muli’t muling mapunta ang atensyon niya rito na siya nga niyang marahang tinanguan. “Ikinalulungkot kong ipabatid sa iyo iha na matagal nang hindi naninilbihan rito si Madre Pilita,” sagot ng madre na dahilan upang matigilan si Mary. “M—matagal ng wala rito si Inang Pilita?” panganglaro nito na siyang dismayado ngang marinig ang balita. “Oo iha at halos labinlimang taon na ang nakakalipas simula nang pumanaw ang yumaong madre,” kumpirma ng matandang madre na dahilan upang matigilan nang tuluyan si Mary na siyang unti-unting napabitaw sa kaniyang hawak sa hawakan ng dala niyang bag. “P—pumanaw?” Halos mawalan nga ng balanse si Mary nang dahil sa gulat. Mabuti na lamang at agad nga siyang naalalayan ng matandang madre paupo sa katabi nilang upuan. “Iha, ayos ka lamang ba? Nais mo ba ng maiinom?” nag-aalalang tanong ng matandang madre na siya rin naman ngang agad na inilingan ni Mary. “H—hindi na po. Huwag na po kayong mag-abala pa dahil saglit lang naman ho ako rito,” saad ni Mary na pinilit nga ang sariling tumayo mula sa pagkakaupo at walang pasumbali itong mabilisang naglakad palabas ng bahay ampuna. “Teka lamang iha!” tawag ng matandang madre sa kaniya na siya ngang nagpatigil kay Mary ngunit hindi nga ito lumingon dahil sa kadahilanang nagpipigil na siya ng kaniyang luha ngayon. “Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan iha?” tanong ng matandang madre sa nakatalikod na dalaga. “A—anastasia,” sagot ni Mary na sa hindi malamang dahilan ay unti-unti ngang nanlaki ang mata ng madre nang dahil sa gulat. “Ako po si Anastasia.” Tila ba naistatwa ang matandang madre sa kaniyang kintatayuan nang malaman ang pangalan ng dalaga na ngayon ngay nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papunta sa kaniyang kotse na hindi na nga napigilan ng matandang madre dahil sa panghihina ng kaniyang tuhod na dulot ng gulat at halo-halong emosyon na kaniyang naramdaman nang marinig muli ang pangalang iyon. “A—anastasia,” unti-unting sambit ng matandang madre na tuluyan nang napaupo sa lupa. ________________________ Habang pinapaandar ngayon ni Mary ang kaniyang sasakyan ay kasabay non ang walang humpay na pagtulo ng kaniyang mga luha nang dahil sa pagluluksa sa pagkamatay ng taong itinuring na niyang tunay na ina simula noong sanggol pa lamang siya. “Merde! (Damn it)” Ngunit napasigaw nga dahil sa inis si Mary nang unti-unting tumigil ang makina ng sasakyan sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamaneho na siyang agad na nga niyang napagtanto na mukhang naubusan na ito ng langis. “Bakit ngayon pa?!” bulalas muli nito na mabilisan na pinunasan ang kaniyang mga luha habang palabas sa kotse at tiyaka nga padabog na isinara ito. “Si vous êtes méprisé, oh! (Kung minamalas ka nga naman oh!)” Muling sigaw nito na sa inis ay sinipa nga ang gulong ng kaniyang sasakyan. Ngunit kalaunan ay napapikit na lamang ito at pinilit na pakalmahin ang sarili bago pa man niya eksaktong marinig ang tunog ng paparating na tren mula sa hindi kalayuan. ________________________ Nang makasakay na si Mary sa tren papunta sa Muñoz ay nahirapan nga itong makahanap ng uupuan niya dahil halos punuan na ang tren ngunit natigilan ito nang mapagtanto na ang tapat na niyang upuan ay bakante at may isa na lamang ngang binata ang nakaupo malapit sa bintana. “Ito na lamang ang natitirang bakanteng upuan,” saad ni Mary na siyang diretso nang umupo sa upuan nang hindi nililingon ang binata na nakatuon ang buong atensyon sa labas. Ngunit nang dahil sa talas ng mata nito ay nakita niya ang pagsulyap sa kaniya ng binata dahilan upang magpasya siyang ibaling ang tingin dito. Napansin ni Mary na hindi purong Pilipino ang binata batay sa kulay ng kaniyang balat, tangos ng kaniyang ilong, at estilo ng pananamit ay tila galing ito sa Estados Unidos o hindi kaya ay sa Europa. “Mary,” sambit ni Mary na sa kabagutan nga nito ay nagbakasakali itong makausap ang tahimik na binata. Saglit na naghintay si Mary nang sagot mula sa binata na siyang tinitigan lang siya at tila wala ata siyang balak na sagutin ito. “I am trying to start a conversation here sir. But I guess you are not planning to answer me at all,” saad ni Mary bilang pambabasag sa katahimikang namuntawi sa kanilang dalawa. “O baka hindi mo ako naiintidihan?” tanong muli niya na siyang tinaasan na nga ng kilay ang binata na kunot noo lang siyang tinignan. “W—wala ka man lang ba sasabihin ginoo?” “M—maaari ko bang malaman kung ano bang dapat kong sabihin sa biglaan mo na lamang pagpapakilala sa akin?” nag-aalangang tanong ng binata dahilan upang mapasinghap si Mary, “Ako ay nagpakilala sa iyo, ano sa tingin mo ang dapat mong isagot sa taong nagpakilala sa iyo?” sarkastiko ngang tanong ni Mary dahilan upang matulala saglit ang binata na kalaunan ay nagpasya na ngang iabot ang kamay nito na hindi naman tinanggap ni Mary dahil tuluyan na ngang naglaho ang pagka-interes niya sa pakikipag-usap sa binata. “Aeg—“ Sasagot na nga sana ang binata nang biglaang natigilan ito maging si Mary nang may tumutok na baril sa ulo ni Mary. “Mary Smith, sumama ka sa amin.” Napatayo ang binata nang dahil sa gulat ngunit kalmado lamang na tumayo si Mary at hinarap ang lalaki dahilan upang sa noo na niya nakatutok ang baril nito. “Rayver Institute? University of Georgia? Or you are from WRI?” sunod-sunod na tanong ni Mary sa lalaki na hula nga niya ay isa sa mga tauhan ng mga ospital o institusyon na sinuplong nila sa gobyerno. “T—teka, kilala mo ba sila?” sunod-sunod ngang tanong ng binata. “Marunong ka bang makipaglaban?” pabulong na tanong sa kaniya ni Mary dahilan upang unti-unti itong mapatango kahit pa na gulong-gulo ito ngayon. “Miss Mary Sm—“ ________________________ “Sino ka ba talaga?! At bakit ka hinahabol ng lalaking ‘yon?!” sunod-sunod na tanong ng binata nang tuluyan nang makatayo si Mary mula sa pagkakagulong nila sa palayan. “Kakapakilala ko pa lang sa iyo ngunit tila nakalimutan mo na agad ang ngalan ko?” sarkastikong sagot ni Mary sa kaniya dahilan upang serysoso siyang tignan ng binata. “Naaalala kong Mary ang iyong pangalan ngunit ang ibig kong malaman kung ano iyong nangyari kanina? At bakit ba ako hinila palabas ng tren? “Dahil kung hindi kita isasama palabas doon ay malamang sa malamang magpapaputok pabalik ang lalaki?” sarkastikong sagot ni Mary na siyang pinagpag ang kaniyang itim na palda. “Huwag mo nga ako pilosopohin! Hindi ka man lang ba makaramdam na baka may naabala kang tao na dapat ngayon ay patungo na sa lugar na dapat niyang pupuntahan?” “Bakit saan ba ang iyong punta ginoo?” tanong ngayon ni Mary sa kaniya na siya ngang napagtanto ang malaking abalang idinulot niya sa lalaking ilang minuto lamang nang makilala niya. “D—dapat ay nasa Muñoz na ako ngayon,” sagot ng binata na dahilan upang matigilan si Mary at inilibot ang kaniyang paningin hanggang sa maging pamilyar sa kaniya ang lugar na kinatatayuan nila ngayon na minsan na nilang nadaanan noon para sa isang misyon. “Kung gayon ay mukhang hindi naman ganoon kalaki ang abalang idinulot ko sa iyo sapagkat nasa Muñoz na tayo ngayon,” saad nga ni Mary na nag-umpisa na ngang maglakad. “N—nasa Muñoz na tayo?” paniniguro ng binata na sinusundan na ngayon si Mary sa paglalakad. ________________________ “At hanggang dito na lamang nga ginoo dahil may sadya rin ako sa bayan na ito. At isa pa ayaw ko na na maabala ka pa,” huling saad ni Mary sa binata bago pa man sila tuluyang maghiwalay na ngunit natigilan ngayon si Mary sa kaniyang paglalakad nang mapagtantong tila ba pamilyar ang mukha ng binata. At nang mapagtanto nga nito kung saan niya nakita ang mukha ng binata ay agad-agad niyang kinalkal ang dala niyang bag at doon kinuha ang isang litrato ng tatlong magkakapatid na Kley na kung saan sa gitna nga nila ay naroon ang binata. “A—aegeus Tobias Kley?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD