Kabanata 5 |Mary Smith|

2120 Words
Pransya ~ Agosto 10, 1942~ “Bonjour Lady Mary Amélie, (Magandang Umaga Senyora Mary Amélie)” bungad ng isa sa mga katulong ng pamilya Arquette. Si Mary ay isang dalagang nasa bente anyos na siyang kaisa-isang anak ng isa sa mga pinatanyag na taga-disenyo ng damit sa Pransya na si Madame Celeste Arquette. “Bonjour,” nakangiting sagot ni Mary bago pa man siya maupo sa hapagkainan kung saan naroon na ang kaniyang ina na kanina pa nagsimulang kumain. “Bonjour maman,” bati ni Mary sa kaniyang ina na abala ngayon sa pagbabasa sa hawak nitong dyaryo. “C'est bon et tu y manges Amélie parce que nous allons quelque part juste après avoir mangé, (Mabuti pa at kumain ka na riyan Amélie dahil may pupuntahan tayo pagkatapos na pagkatapos mong kumain)” sagot ni Madame Celeste nang hindi man lang binigyan ng kaonting oras upang masdan ang kaniyang anak. Napasinghap na lamang si Mary na siyang nag-umpisa nang kumuha ng tinapay at tikman ang tsaang tinimpla sa kaniya ng kanilang kasambahay. “Où allons-nous plus tard maman? (Saan po ba tayo paparoon mamaya ina?)” tanong ni Mary matapos uminom ng tsaa. “Nous allons à Enzo, (Pupuntahan natin si Enzo)” sagot ng kaniyang ina na siyang dahilan upang matigilan siya sa akma nitong pagkain ng piniraso niyang Brasillé  (a traditional French pastry made with flaky, buttery puff pastry, lightly salted butter, sugar, and eggs). “Et puis-je savoir maman pourquoi nous allons chez Enzo? (At maaari ko bang malaman ina kung bakit natin pupuntahan si Enzo?)” gulat na tanong ni Mary na hindi nga inaasahang marinig muli ang pangalang iyong mula sa bibig ng kaniyang ina. “Je veux que vous régliez tous les différends que vous avez parce qu'Antonio et moi avons déjà décidé de votre avenir, (Nais kong ayusin niyong dalawa ang ano mang alitan na mayroon kayo dahil nakapagpasya na  kami ni Antonio sa magiging kinabukasan ninyong dalawa,)” sagot ni Madame Celeste dahilan upang mabitawan na nang tuluyan ni Mary ang hawak nitong kapirasong tinapay at walang pasumbaling hinugot ang hawak na dyaryo ng kaniyang ina. “Amélie!” gulat na bulalas ni Madame Celeste na siyang nanlaki ang mga mata sa gulat sa ginawa ng kaniyang anak. “Mère, je n'épouserai jamais Enzo, (Ina, hinding hindi ako magpapakasal kay Enzo)” mariing saad ni Mary na dahilan upang walang kurap siya ngayon tignan ng kaniyang ina. “Vous entendez-vous Amélie? (Naririnig mo ba ang sarili mo Amélie?)” tanong ni Madame Celeste sa kaniyang na ngayon ay napatayo na nga ito mula sa kinauupuan niya. “Vous êtes celui qui m'a poussé à faire ça, alors ne me grondez jamais et ne me faites jamais mal paraître! (Ikaw ang siyang nagtulak sa akin para gawin ito kaya't huwag na huwag mo akong babastusin at pagmumukhaing masama!)” “Êtes-vous tellement en colère contre ce docteur de me faire ça et de le forcer à aller dans ce pays pour se venger de lui? (Gayon na lamang ba kalaki ang galit niyo sa Doktor na yon para gawin sa akin ito at ipagpilitang pumunta sa bansang 'yon para gantihan siya?)” hindi makapaniwalang tanong ni Mary na siyang tumayo na rin nga at hindi napatinag sa diretsahang tingin sa kaniya ni Madame Celeste. “Oui Amélie! Et si vous n'êtes pas en mesure de répondre à ma demande, soyons simplement patients car vous ne pouvez rien faire pour m'empêcher de vous épouser avec Enzo, (Oo Amélie! At kung hindi mo magagawang gawin ang kahilingan ko ay pasensyahan na lamang tayo dahil wala ka nang magagawa para mapigilan akong ipakasal ka kay Enzo)” saad ni Madame Celeste na dahilan upang tuluyan ngang mapapikit si Mary at mapabuntong hininga. “Et Amélie? Répondez-moi tout de suite! Si tu veux répondre à ma demande ou à la place je vais t'épouser avec l'homme qui t'a presque violée? (Ano Amélie? Sagutin mo ako ngayon din! Kung nais mo bang tuparin ang kahilingan ko sa iyo o bagkus ay ipapakasal kita sa lalaking kamuntikan ka nang ginahasa?)”  sunod nga ngayong tanong ni Madame Celeste na dahilan upang matigilan ang kasambahay nila na akmang pupuntahan na ang mag-ina nang marinig ang mga sigawan ng mga ito. “Je suis d'accord mais à une condition (Papayag na ako ngunit sa isang kondisyon)”—saad ni Mary na unti-unti ngayong iminulat ang kaniyang mga mata at diretsong tinignan ang kaniyang ina—“je veux que vous emprisonniez Enzo et que vous le laissiez souffrir pour les péchés qu'il a commis contre moi et mon frère. (ay gusto kong ipakulong mo si Enzo at hayaang magdusa sa mga kasalanang ginawa niya sa akin at sa aking kapatid.)” At dahilan nga ang kahilingan ni Mary upang saglitang matigilan ang kaniyang ina na kalaunan ay unti-unti na rin lang na tumango ito bilang pagsang-ayon sa gusto ni Mary kapalit ng paghihiganti na matagal na niyang inihanda para kay Mary. Simula nang ampunin niya si Mary sa bahay ampunan ay yaon na rin ang umpisa ng paggawa niya ng kaniyang buong plano na paghihiganti sa may-ari ng Willson Research Institue na si Doktor Willson. Si Mary ang siya niyang itinakdang magsasagawa ng kaniyang plano. At noong kaarawan nga ni Mary ay inasahan na nitong tatanggapin ng dalaga ang misyon na ipapagawa niya. Subalit taliwas ang nangyari at tutol nga si Mary sa misyong ito na dahilan upang magawa niyang takutin si Mary kanina na ipapakasal siya sa lalaking minsan nang nagtangka sa kaniyang buhay at na siya ring suspek sa pagkamatay ng kapatid ni Mary mula sa naunang pamilya na umampon dito. “Très bien, je vais mettre Enzo en prison. (Sige, ipapakulong ko si Enzo.)” saad ni Madame Celeste na siyang unti-unting naglakad palapit sa kaniyang anak at marahang hinawakan ang kaliwang pisngi nitong namumula na dahil sa galit at inis niya sa kaniyang ina. “Mais assurez-vous simplement mon cher fils que vous ne me décevez pas et que vous pourrez renverser ce docteur. (Ngunit siguraduhin mo lamang mahal kong anak na hindi mo ako bibiguin at magagawa mong mapatumba ang Doktor na iyon.)” “Amélie est-elle claire? (Maliwanag ba Amélie?)” walang kurap na tanong nito na mas hinigpitan pa nga ang hawak sa pisngi ni Mary dahilan upang magpigil ito at nakapikit na tumango. ~ Agosto 20, 1942~ “Bien et vous voilà Amélie parce que plus tôt, il y avait l'homme qui sera avec vous demain lors de votre voyage en Amérique. (Mabuti at narito ka na Amélie dahil kanina pa narito ang lalaking sasama sa iyo bukas sa iyong byahe papunta sa Amerika.)” Bungad ni Madame Celeste sa kaniyang anak nang nakaayos na nga ito at pababa na ngayon sa kanilang hagdan. Ngunit saglit na natigilan si Mary sa kaniyang paglalakad pababa nang mamukhaan nito ang binatang katabi ngayon ni Madame Celeste. “B—bernard?” kunot noong tawag ni Mary sa binata na dahilan upang kmapukaw ang atensyon nito sa pababang dalaga. “Est-ce que Bernard est avec moi en mission? (Si Bernard ang kasama ko sa misyon?)” “C'est Marie qui sera avec vous dans cette mission. Il savait déjà tout sur la mission. Et comme vous, je l'ai préparé depuis longtemps pour cette mission, (Siya nga Amélie ang makakasama mo sa misyon na ito. Alam na niya lahat-lahat patungkol sa misyon. At tulad mo ay matagal ko na rin siyang inihanda para sa misyon na ito)” sagot ni Madame Celeste sa kaniyang anak na dahilan nga para unti-unti na ngayon itong tuluyang bumaba at hindi makapaniwalang sinalubong si Bernard na kaniyang kababata at halos walong taon na nga ang nakalipas nang huli niya itong nakita. “O kay tagal din nang huli nating pagkikita Amélie,” nakangiting bati sa kaniya ng binata na tulad niya ay bihasa din sa wikang Filipino sapagkat pareho silang nanggaling sa isang bahay ampunan sa Pilipinas. Sabay silang lumaki sa ampunan hanggang sa naunang inampon si Bernard ng mag-asawang galing sa Amerika.  At sumunod naman si Mary na inampon din ng mag-asawang galing sa Amerika na may kaugnayan sa mga umampon kay Bernard dahilan upang hindi maputol ang uganayan nilang dalawa. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang magulang ni Mary noong nwebe anyos pa lamang ito. At nang siya ay nasa taong onse anyos ay roon nga siya kinupkop ni Madame Celeste na isang pranses na byuda. “B—bernard, paanong—“ “Tiyaka ko na lamang ihahayag ang lahat-lahat Mary,” tigil nga ni Bernard sa kaniya na siya ngang ibinaling ang tingin kay Madame Celeste.   Pilipinas ~ Septyembre 10, 1943~ Sa isang lumang bahay namamalagi ang grupong Telos. O ang grupo ng mga mediko na siyang may iisang hangaring suplungin ang mga ospital o institusyon na lumalabag sa batas. “Mary, sigurado ka bang susunod ka na lamang sa amin sa pagpunta sa Muñoz?” nagtatakang tanong ni Emmanuel na siyang lider ng grupo. Si Emmanuel Hernandez ay isang ganap na doktor na minsan nang nagtrabaho sa iba’t ibang tanyag na ospital at institusyon tulad na lamang ng William Research Institusyon. Tumango nga si Mary bilang sagot na ngayon ay abala sa pagsasalin ng kimikal mula sa hawak nitong test tube patungo sa flusk. “Mary, sigurado ka ba? Kung gusto mo ay hintayin nalang kita upang may kasama kang bumyahe papunta sa Munoz,” suhesyon naman ni Bernard Pitt na isang purong Amerikano at kababata ni Mary. Isa rin siyang ganap na doktor na siyang natapos nga ang pagdodoktor sa Estados Unidos. Ngunit mas pinili nitong sumama sa kaniyang kaibigan upang isagawa ang misyon nito sa bansang Pilipinas. “Do not worry Pitt”—saad ni Mary na sanay ngang tawagin ang kaibigan sa apelyedo nito—“hindi ako maliligaw tulad ng dati dahil halos kalahating taon na rin naman tayong nagpapabalik-balik sa lugar na ‘yon.” “Pero Mary—“ Ngunit napatigil nga si Bernard nang bigla na lamang sumabog ang flusk na pinaglagyan ni Mary ng kimikal dahilan para agaran silang mapaiwas mula rito. “Sige na, mauna na kayong apat at susunod na lamang ako,” saad nga ni Mary na hindi man lang nagulat sa pagsabog bagkus ay inalis na nga ang mga suot nitong protective gears sa mukha nang matapos ang biglaang pagputok ng flask. “A—are you sure?” paniniguro naman ni Zane Nikosi na isang purong Finnish at kasalukuyang nagmemedisina palang particular sa larangan ng sikolohiya (psychology). “I am sure Zane. At isa pa hindi pa ako tapos sa ginagawa ko kaya mas mainam na lamang na mauna na kayo,” paninigurado pang muli ni Mary dahilan upang mapatango ang tatlong lalaki na siyang naghanda na nga ng kanilang mga gamit. At kasabay non ang panggigising ni Zane sa panghuli nilang kasamahan na si Helda. Si Helda Varela ay isang purong pinay at isang ganap ngang nars. “A—aalis na tayo?” tanong nga nito kay Zane nang maimulat na niya ang mga mata niya at maingat ngang iniangat ang ulo niya mula sa mesa. “Oo aalis na tayo,” sagot sa kaniya ni Zane na hindi maiwasang mapangiti nang dahil sa itsura ni Helda. Gulong-gulo kasi ang buhok nito ngayon at halos inosente rin nitong iminulat ang kaniyang mga mata na parang bata. “Kung gayon Mary ay mag-iingat ka na lamang sa pagbyahe,” saad naman ni Emmanuel nang makahanda na silang apat sa pag-alis. At sunod-sunod na nga silang naglakad palabas ng bahay na tinitirhan nila subalit napatigil si Bernard sa paglalakad na nag-aalangang ngang iwanan ang kaibigan kaya’t nilingon nga niya ito at sumubok muling kumbinsihin ito na magpapaiwan na rin siya. “Mary, sigurado ka ba talaga na—“ “Bernard, sige na umalis na kayo,” agaran na saad ni Mary na siya ngang mabilisang lumakad papunta sa pintuan para itulak na nga palabas ang kaibigan. “Mag-iingat kayong lahat!” bulalas ni Mary sa kaniyang mga kasamahan bago pa man niya isara na ang pintuan sumandal patalikod dito. Unti-unti nitong ipinikit ang kaniyang mga mata at tiyaka nagbilang ng ilang segundo sa kaniyang isipan. Makaraan ang ilang minutong pagbibilang ay muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata at sumilip sa bintana kung saan niya sinigurong nakaalis na ang kaniyang mga kasamahan. At nang masiguro nga ito ay dali-dali niyang kinuha ang mga kagamitan niya sa katabing lamesa kasabay nang pagkuha niya ng susi ng sasakyan niya. Ngayon ngay madaliang sumakay si Mary sa kaniyang sasakyan na walang pasumbali niyang pinaandar papunta sa taliwas na direksyong pinuntahan nig mga sasakyan ng kaniyang mga kasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD