Kabanata 4 |Ang Unang Pagkikita|

2286 Words
Pilipinas ~ Septyembre 10, 1943~ Kinaumagahan ay naghanda na si Tobias ng kaniyang mga gamit para pumunta sa dati nilang bahay. Kinakabahan si Tobias sa kaniyang muling pagbisita sa lumang bahay ng kaniyang mga magulang dahil isa sa pangyayaring bumabangungot sa kaniya ay nangyari sa bahay na ito. “Kuya Tobias, sigurado ka bang ayaw mo magpasama kahit pa na sa akin man lang?” tanong ngayon ni Jonas sa kaniyang kapatid na siyang kasama ngayon ni Tobias sa kaniyang kwarto. “Jonas, hindi ko ibig pa na mas malagay sa peligro ang mga buhay niyo ni manang,” sagot ni Tobias na siyang isinara na ang kaniyang bag na dadalhin. “Mas ikabubuti niyo kung mananatili nalang muna kayo rito dahil sa paraang yaon ay mas makakampanti ako.” “Pero kuya Tobias paano kung mapahamak ka sa sandaling pumunta ka roon? Paano kung”—saad ni Jonas na ngayon ngay napabuntong hininga—“nag-aabang pala sila roon upang ikaw naman ang kunin nila mula sa akin?” At dahilan nga ang sinabi ni Jonas upang matigilan si Tobias na ngayon ay tinabihan na si Jonas sa pag-upo. “Jonas, walang mawawala at hinding-hindi ako papayag na makuha nila ako,” saad ngayon ni Tobias habang nakatingin ng diretso sa mata ng kaniyang nakababatang kapatid. “At doon sa nangyari kay Pineal, ipinapangako ko sa iyo na ibabalik ko siya sa piling natin nila manang.” Hindi na nga napigilan pa ni Jonas na maluha habang iniisip ang magiging sitwasyon ng kaniyang kuya sa oras na pumunta ito sa kanilang lumang bahay. Iniisip niya ngayon na malaki nga ang posibilidad na maaaring mapahamak ang kaniyang kuya. At kung mangyari man ‘yon ay ninanais nito ngayon na mapasama sa kaniyang kuya sa oras na dukutin ito dahil ayaw na niyang maiwan pa tulad nang ginawa sa kanila ng kanilang mga magulang, kuya Hans, at kuya Pineal. “Halika nga rito,” saad ngayon ni Tobias na hindi na nagdalawang-isip pa na yakapin ang kaniyang kapatid. ________________________ Lulan ngayon si Tobias ng tren papunta sa Muñoz, Nueva Ecija. Ang bayan kung saan bumuo ng pamilya ang kaniyang ama at ina. At kung saan din isinilang ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Hans. Tulala ngayong nakatuon ang pansin ni Tobias sa mga dinadaanang palayan ng tren na sinasakyan niya. Ngunit saglit itong natigilan nang bigla na lamang may umupong dalaga sa tabi nito. “Ito na lamang ang natitirang bakanteng upuan,” saad ng dalaga na siyang hindi man lang nag-atubiling tignan si Tobias. Saglitan lamang nga siyang sinulyapan ni Tobias na kalaunan ay ibinaling na nga muli ang tingin sa labas. “Mary,” saad ng dalaga na siyang dahilan para unti-unting mapatingin sa kaniya si Tobias na natigilan nang makita ang kulay asul na mata ng babae na siyang namumuntawi sa kaniyang maaliwalas na mukha. At pansin din nga nito ang maputlang balat ng dalaga na siyang nagpapahiwatig na tila baga may lahing banyaga ito. Napakunot ngayon ng noo si Tobias habang nakatingin sa dalagang ngayon ay walang kaemo-emosyong nakatingin sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong gagawin niya o isasagot sa biglaan na lamang pagpapakilala ng dalaga. “I am trying to start a conversation here sir. But I guess you are not planning to answer me at all,” saad ng dalaga bilang pambabasag sa katahimikang namuntawi sa kanilang dalawa. “O baka naman hindi mo ako naiintidihan?” tanong ng dalaga na siyang tinaasan na nga ng kilay si Tobias na kunot noong nakatingin pa rin sa kaniya ngayon. ”W—wala ka man lang ba sasabihin ginoo?” “M—maaari ko bang malaman kung ano bang dapat kong sabihin sa biglaan mo na lamang pagpapakilala sa akin?” nag-aalangan na tanong ni Tobias na siya ngang nagkaroon na ng lakas ng loob upang kausapin ang dalagang bigla na lamang siyang kinausap. “Ako ay nagpakilala sa iyo, ano sa tingin mo ang dapat mong isagot sa taong nagpakilala sa iyo?” sarkastiko ngang saad ng dalaga dahilan upang matulala nga saglit si Tobias na kalaunan ay nagpasya na nga itong iabot ang kaniyang kaliwang kamay. “Aeg—“ Sasagot na nga sana si Tobias nang biglaang natigilan ito nang biglang may tumutok ng baril sa ulo ng dalaga. “Mary Smith, sumama ka sa amin,” saad ng lalaking nakatakip ang buong mukha at tanging mata lamang ang makikita mula sa kaniya. Ito ang siyang nakatutok ngayon ng pistol na baril kay Mary. At halos mapatayo ngayon si Tobias sa kaniyang kinauupuan nang dahil sa gulat. Ngunit taliwas nga ito sa naging reaksyon ni Mary na kalmadong tumayo at hinarap ang lalaki dahilan upang sa noo na niya nakatutok ang baril nito. “Rayver Institute? University of Georgia? Or you are from WRI?” sunod-sunod na tanong ni Mary sa lalaki na siyang kalmado pa rin. “T—teka, kilala mo ba sila?” sunod-sunod ngang tanong ni Tobias sa dalaga na siya ngang isinuksok na ang kaliwang kamay sa kaniyang sling bag upang doon kapain ang dala nitong baril na siya niyang idinala upang protektahan ang kaniyang sarili kung sakaling may makaingkwentro siyang tauhan ni Doktor Willson sa sandaling bumalik siya sa Muñoz. “Marunong ka bang makipaglaban?” pabulong ngang tanong sa kaniya ni Mary dahilan upang unti-unti itong mapatango kahit pa na gulong-gulo ito ngayon. “Miss Mary Sm—“ Ni hindi na nga natapos ng lalaki ang kaniyang pagtawag muli kay Mary nang sipain siya nito sa maselang parte ng kaniyang katawan na dahilan upang magkaroon ng tyempo si Mary na hawakan ang kamay ni Tobias at kasama itong tumakbo palayo sa lalaki na iniinda ang sakit nang pagkakasipa sa kaniya ni Mary. “Teka, ano bang nangyayari ha?” gulong-gulo ngang tanong ni Tobias habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo ni Mary hanggang sa matigilan sila sa pintuan ng tren. “Hindi mo ba narinig?” sarkastiko ngang sagot ni Mary na nakatuon ang atensyon sa lalaki na nakakuha na ng lakas upang patakbong sundan sila. “Gusto akong kunin ng hinayupak na lalaking iyon. At nakita niyang kasama kita kaya baka paghinalaan niyang kasama ka namin.” “N—namin? Bakit ano ka ba? Myembro ka ba ng sindikato?” sunod-sunod na tanong ni Tobias ngunit hindi siya sinagot nito bagkus ay nagulat siya nang biglaan na lamang kunin ni Mary ang hawak-hawak nitong baril sa kaniyang bag at walang pasumbali itong pinaputok sa kinaroroonan ng lalaking palapit na sa kanila. Dahilan upang matamaan sa paa ang lalaki at para magsigawan din ang mga taong lulan ng tren. “Kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling oras,” saad ni Mary na siya ngang ibinalik ang baril kay Tobias na gulat na gulat pa rin sa nasaksihan niya. “T—teka, gulong-gulo na ako—“ At hindi na nga tuluyang naituloy ni Tobias ang sasabihin niya nang bigla na lamang nagbukas ang pintuan ng tren habang umaandar pa rin ito. Kasabay non ang paghila sa kaniya ni Mary palabas ng tren. Dahilan upang gumulong sila sa isang malawak na palayan. Na kalaunan ay unti-unti na ngang tumayo si Tobias mula sa magkakabagsak niya sa lupa. “Sino ka ba talaga?! At bakit ka hinahabol ng lalaking ‘yon?!” sunod-sunod na tanong ni Tobias na patungo na ngayon sa misteryosong dalaga na kakatayo rin lang nga. “Kakapakilala ko pa lang sa iyo ngunit tila nakalimutan mo na agad ang ngalan ko?” sagot sa kaniya nito dahilan upang seryoso siyang tumingin dito. “Naaalala kong Mary ang iyong pangalan ngunit ang ibig kong malaman kung ano iyong nangyari kanina? At bakit ba ako hinila palabas ng tren? “Dahil kung hindi kita isasama palabas doon ay malamang sa malamang magpapaputok pabalik ang lalaki?” sarkastikong sagot ni Mary na siyang pinagpag ang kaniyang itim na palda. “Huwag mo nga ako pilosopohin! Hindi ka man lang ba makaramdam na baka may naabala kang tao na dapat ngayon ay patungo na sa lugar na dapat niyang pupuntahan?” tanong sa kaniya ni Tobias na hindi mapigilang mainis dahil mukhang maaantala nga ang pagpunta niya sa bahay ng kaniyang mga magulang nang dahil sa insidenteng nangyari. “Bakit saan ba ang iyong punta ginoo?” tanong ngayon ni Mary sa kaniya na siya ngang napagtanto ang malaking abalang idinulot niya sa lalaking ilang minuto lamang nang huli niyang makilala. “D—dapat ay nasa Muñoz na ako ngayon,” sagot ni Tobias na ibinaling ang tingin sa riles ng tren. “Kung gayon ay mukhang hindi naman ganoon kalaki ang abalang idinulot ko sa iyo sapagkat nasa Muñoz na tayo ngayon,” saad ng dalaga dahilan upang mapaharap sa kaniya si Tobias at makita ngang naglalakad na ito sa palayan. “N—nasa Muñoz na tayo?” paniniguro ni Tobias na sinusundan na ngayon si Mary sa paglalakad. Makalipas ng ilang minutong paglalakad ng dalawa ay lumabas nga sila sa kalsada na dinaraanan ng mga jeepney at iba pang sasakyan. “Diretsuhin mo lamang ang daan na ito at makakarating ka sa sentro ng bayan,” saad ni Mary na siyang hinarap si Tobias na kanina pa sumusunod sa likuran niya. “A—at paano naman ako makakasiguro na walang bahid na kasinungalingan ang iyong sinabi?” tanong nga ni Tobias dahilan upang walang kurap siyang tignan ni Mary. “Kung ayaw mong maniwala ay hindi kita pipilitan. Basta’t ang pagtulong na ito ang siyang paraan lamang na naisip ko upang makabawi sa abalang idinulot ko sa iyo,” sagot ni Mary. “At hanggang dito na lamang nga ginoo dahil may sadya rin ako sa bayan na ito. At isa pa ayaw ko na na maabala ka pa.” ________________________ Pagtapak ni Tobias sa bungad ng bahay ay isang may malakas na hangin ang sumalubong sa kaniya at parang pinipigilan siya nito na pumasok sa bahay. “Huwag mo sabihing natatakot ka kuya Tobias?” At natigilan nga ito nang biglaan na lamang ulit niyang narinig ang boses ni Pineal sa kaniyang isipan. Dahilan upang mapapikit siya at mapabuntong hininga bago pa man tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Halatadong luma na ang bahay dahil halos lahat ng gamit ay kinakain na ng alikabok at parang sa kahit anong oras ay maaari na itong bumagsak dahil sa kalumaan nito. Ang ibang gamit ay parang binagyo sa sobrang kalat. Marami ring nakakalat na bubog na galing sa basag-basag ng bintana ng bahay. Habang naglilibot ay napansin ni Tobias ang isang litrato na nasa sahig. Pagkakuha niya nito ay nakita niya ang lumang litrato nila noong kumpleto pa sila. Tila nagbalik lahat ng masasayang ala-ala nilang magpapamilya. Hindi mapigilan ni Tobias na mapaluha sa tuwa nang maalala niya ang mga ito. "Ich vermisse sie so sehr (I miss them so much)" saad ni Tobias na agaran ngang napapunas ng kaniyang mga luha. Habang patuloy nga sa pagtingin si Tobias sa iba pang natirang kagamitan sa kanilang dating bahay ay natigilan ito at nabitawan ang hawak niyang litrato nang biglaang nagsara ang pintuan ng bahay sa likuran niya at makita ang anino ng limang tao sa gilid niya. "Hanggang dito ba naman?" saad ni Tobias na unti-unting humarap sa kaniyang likuran ngunit natigilan ito nang makita ang isang pamilyar na dalaga kasama ang tatlong binata at isa pang dalaga. “M—mary?” naguguluhang tawag nito sa dalaga na kapareha niya ay natigilan din dahil hindi rin nito inaasahan na muling makaharap ang lalaking nakasabay niya sa tren kanina. "We are not your enemies," saad ng nong isang binata na kulay olandes (blonde) ang buhok at tulad ni Mary ay kulay asul din ang mata. "You cannot fool me!" bulalas ni Tobias itinutok ang hawak nitong baril sa lalaking nagsalita. "We are not from the Willson Research Institute," mahinahong saad nong isang dalaga na katabi ni Mary. "You are not from Willson Research Institute?" sarkastikong tanong ni Tobias. “Do you think I will trust you all just by telling me that?” "Oh, damn it!" bulalas ni Mary na hindi na nga napigilan ang sariling lapitan si Tobias kahit pa na sa kaniya na nakatutok ang baril nito. "Hey Mary! Magchill ka nga!" saad naman ng isang lalaki na kayumanggi ang kulay at my kulay kapeng buhok. "Shut up Pitt!" sagot ni Mary sa kaniya na ngayon ay inilabas na rin ang baril at sabay na napatigil nang oras na naitutok na niya ang baril kay Tobias. “Kung hindi kaya ng mga salitang ‘yon na kumbinsihin kang paniwalaan kami ay baka makumbinsi ka ng bari ko,” saad ni Mary kay Tobias habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. "Mary, will you please chill out?" tigil naman nga ng binatang nasa gitna ng lima kanina. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang apat at tulad nong Bernardo ay kulay kape rin ang buhok nito ngunit mapapansin ang maputlang kulay ng balat nito. Kusa na ngang lumapit ang lalaking ito kay Mary na siya na mismong humawak sa kamay ni Mary na nakahawak ng baril dahilan upang ibaba na niya ito nang tuluyan. "Hindi kami kalaban. Kakampi niyo kami," pagpapaliwanag nong lalaki na nagpatigil kay Mary. "I am Emmanuel Hernandez," pagpapakilala nito at akmang makikipagkamayan na nga sana siya kay Tobias nang biglang may sunod-sunod na nagpaputok ng baril sa labas ng bahay dahilan upang manlaki ang mga mata ng lima maski si Tobias na kapareha nila ngayong napaibaba na sa sahig upang iwasan ang mga putok ng baril. "Damn it! Mukhang nasundan nila tayo!” sunod-sunod ngang sigaw ni Mary na siya ngang napapikit nang dahil sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD