Pilipinas
~ Oktubre 7, 1943~
“No! Please Doctor Morgan, do not take my sisters away from us!”
“Oh, please Doctor Morgan!”
“Zane, ang mga kapatid mo! Pigilan mo sila!”
“Doctor Morgan please—“
“Z—zane?”
Unti-unting iminulat ni Zane ang kaniyang matang namamasa nang dahil sa mga luhang patuloy na lumabas habang binabangungot siya ng isang masamang panaginip mula sa kaniyang nakaraan.
“Zane, gusto mo ba ng maiinom?” nag-aalalang tanong muli ni Helda na siya ngang gumising sa binata nang saktong bumisita siya sa kwarto nito habang dinadalaw siya ng panaginip niya.
“H—hindi, ang nais ko ay tumayo rito at bumalik sa ospital,” sagot nito na siyang akmang tatayo na nga mula sa pagkakahiga ngunit agad-agad siyang napigilan ni Helda mula sa gusto niyang gawin.
“Hindi ka maaaring pumunta sa ospital nang ganito ang kalagayan mo. Marahil ay nahihilo ka ngayon dahil sa epekto ng pampatulog na itinurok sa iyo ni Doktor Emmanuel kaya’t mas mabuti kung magpahinga ka muna upang ibalik ang lakas mo,” pigil ni Helda sa kaniya ngunit inilingan lamang niya ulit ito at saka muling nagpumilit bumangon.
“Kailangan kong iligtas ang mga kapatid ko Helda. Bago pa man mahuli ang lahat,” bulalas nito na hindi na nga napigilan ang sariling pwersahing alisin ang pagkakahawak sa kaniya ni Helda dahilan upang makakuha na siya ng tyempong tumayo.
“Zane, makinig ka nga!” bulalas ni Helda na siyang nagpatigil sa binata dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawang sumigaw ni Helda na kailanman ay hindi niya pa nagawang marinig.
“Sa tingin mo ba ay maililigtas mo ang mga kapatid kung basta-basta ka na lamang susugod doon ng walang kaplano-plano?” patuloy ni Helda na siyang tumayo na nga ngayon at naglakad papunta sa harapan ni Zane. “Zane, alam ko kung gaano kahirap makitang naghihirap ang mahal mo sa buhay. At alam ko rin ang pakiramdam ng gustong-gusto mong gumawa ng paraan para mailigtas sila. Ngunit alam ko rin ang pakiramdam ng magsisi nang dahil sa padalos-dalos na desisyon.”
Dahilan ang mga sinabi ni Helda upang tuluyang hindi na mapigilan ni Zane ang sariling umiyak sa harap ng dalaga na siyang dahilan upang walang pasubali siyang niyakap nito.
“K—kasalanan ko kung bakit sila naroon ngayon,” nauutal na saad ni Zane habang yakap-yakap siya ngayon ni Helda.
Halos tatlong taon niyang sinisisi ang sarili sa sinapit ng kaniyang mga kapatid na siyang naging dahilan din ng pagkamatay ng kaniyang ina. Sa tatlong taon na iyon ay tanging hangad lamang niya ay ang makitang muli ang dalawang kambal na idinala ng institusyon sa Amerika upang pag-aralan at pag-ekperimentuhan.
Malaki ang pag-asang sumisibol sa puso niya na darating din ang araw na makita niya ang kambal. At kung darating man ang pagkakataon na iyon ay nais niyang gawin ang kahit na anong paraan upang maialis ang mga ito sa kamay nila Doktor Willson Morgan.
Ngunit sa nakita niyang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang mga kapatid ay mas lumaki ang hangad niyang mailigtas ang mga ito.
Matapos ekspeksyunin ng doktor na kasama ngayon nila Zane ang pasyente sa ikalawang kwarto ay tuluyan na nga silang lumabas mula rito.
Akmang papasok na nga sana silang tatlo sa kalapit na kwarto ay natigilan ang mga ito nang makarinig ng malakas na pagbukas ng pintuan mula ika-apat na kwarto.
“Doktor Pineda, emergency ho, kinukumbulsyon po ang isa sa mga kambal!” bulalas ng isang nars na nagmula sa ika-apat na kwarto na ngayon ngay pawisan at hinihingal na inihatid ang mensaheng iyon sa Doktor.
Tila ba natigil ang takbo ng oras ni Zane at halos maistatwa ito ngayon sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng nars. At tila baga biglang kumirot din ang kaniyang puso kasabay ng kutob niyang ang mga nasa kwartong iyon ay ang mga taong matagal na niyang hinahanap.
“Ignacio, kumuha ka ng 30 mg dosis ng Phenytoin,” agarang utos ng doktor sa isang nars. “At ikaw bagong nars, sumama ka sa amin.”
Madalian ngang tumakbo ang doktor papunta sa kalapit na kwarto habang unti-unti namang naglakad si Zane upang sumunod sa kanila hanggang sa natigilan siya sa pagpasok nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang dalawang batang babae na kasalukuyang nakatali ang magkabilaang paa at kamay sa kama habang ang isa sa kanila ay sinusumpong ng kumbulsyon.
“H—Hanelle,” unti-unting tawag ni Zane sa batang babae na kasalukuyan ngang sinusumpong ng kumbulsyon.
Marahan itong naglalakad ngayon papasok sa kwarto kasabay ng unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha.
“A—anna,” tawag nito nang makalapit na siya sa isang kambal na kasalukuyang walang malay.
Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ng mga ito na halos ikinabigla nga ni Zane dahil halos kita na ang paglitaw ng mga buto nila dahil sa ipinayat nila. At pansin niya ang mga galos sa bawat parte ng katawan ni Anna dahilan upang hindi na niya matigilan ang sarili na mapatikom ng kaniyang kamao.
“Hoy, bagong nars, ano bang ginagawa mo riyan? Pumunta ka na roon kina Doktor Pineda at tulungan kami,” saad ngayon ni Ignacio nang makita ngang nakatunganga ngayon si Zane habang pinagmamasdan si Anna.
Dahilan ito upang unti-unting maglakad si Zane palapit sa hindi nalalayong kama kung saan naroon na ang Doktor at ang dalawang nars.
Rinig niya ngayon ang mga nakakabinging sunod-sunod na sigaw ni Hanelle habang pinagtutulungan siya ngayong hawakan ng tatlo upang pakalmahin. At nang akmang tuturukan na nga sana ng Doktor si Hanelle ay natigilan ito nang patakbong pumunta sa kanila si Zane sabay tapik ng hawak nitong hiringgilya.
“A—anong ginagawa mo?” gulat na tanong doktor kay Zane ngunit hindi ito sumagot bagkus ay unti-unti ngang hinawakan ang pisngi ni Hanelle habang walang humpay pa rin ito sa pagsigaw at tiyaka nga kasunod na niyakap ito habang patuloy na ang pagtulo ng mga luha nito sa mata.
“H—Hanelle, narito na ang kuya, huwag ka ng matakot, nandito na ako,” sunod-sunod na sambit ni Zane dahilan upang mapakunot ngayon ang noo ng tatlo dahil sa nasasaksihang inaasal ni Zane na sa hindi malamang ay nagdulot ng pagkakalma ng bata.
“H—Hanelle, huwag ka ng umiyak—“
“B—bitiwan mo ang pasyente!” bulalas ngayon ng doktor na inutusan nga ang dalawang nars na ilayo ngayon si Zane mula sa pasyente.
“Bitawan niyo ako!” sigaw nga ni Zane nang hilahin siya ngayon ng dalawang nars palayo sa pasyente.
Dahilan nga ang sigaw nito upang bumalik muli si Hanelle sa pagwawala.
“Kailangan ako ng mga kapatid ko! Bitawan niyo ako!”
“Sinabi nang bitawan niyo ako!” sunod ngang bulalas ni Zane na nagawang makawala sa kamay ng dalawang nars at agarang tumakbo papunta sanang muli kay Hanelle ngunit hindi na nito nagawa nang suntukin siya ng doktor diretso sa pagmumukha at kasabay non ang muling paghuli sa kaniya ng mga nars.
“Ilabas niyo iyang baliw na iyan!” utos ng doktor na siya rin naman agad na sinunod ng mga nars na siya ngang pwersahang hinila si Zane palabas ng kwarto habang walang tigil ito ngayon sa kakasigaw at pagpupumilit na malapitan ang mga kapatid.
“Bitawan ninyo ako! Hanelle! Anna!”
“Kailangan ko silang iligtas Helda,” mariing saad ngayon ni Zane na siyang unti-unti na ngang kumawala sa pagkakayakap kay Helda.
“Alam ko Zane, dahil kahit kami ay naghahangad din na mailigtas ang lahat-lahat ng biktima ng institusyon na iyon at kasama na rin nga roon ang mga kapatid mo.”
_________________________
“Ang sabi mo ay may bago silang pasyente na galing sa Estados Unidos?” muling tanong ngayon ni Tobias na kasama ngayon sina Emmanuel, Bernard, at Mary.
Narito sila ngayon sa sala ng bahay at pinag-uusapan nga ang mga impormasyong nasagap ni Emmanuel.
“Oo Tobias iyon nga ang nalaman ko. At tulad mo ngayon ay malakas din ang kutob kong iyon na ang Doktor Hans,” sagot ngayon ni Emmanuel na siya ngang abala ngayon sa pagbabasa ng isang dokumento mula sa kaniyang briefcase na laging dala.
“Kung alam na natin ang kwarto kung nasaan siya ay ano pa bang ginagawa natin dito?” tanong nga ngayon ni Tobias na hindi nga ngayon mapalagay sa pabalik-balik na paglalakad sa harapan ng tatlo habang ulit-ulit na iniaayos ang suot nitong salamin.
“Dahil hindi na lamang patungkol sa kuya mo ang kasong aasikasuhin natin dito,” sagot sa kaniya ni Mary na siya ngang ibinaling ngayon ang tingin kay Emmanuel.
“Nasa malaking kapahamakan din ngayon ang mga kapatid ni Zane,” sambit ni Emmanuel na siyang iniabot nga ang isang kapirasong diyaryo kay Tobias na siya rin naman niyang agad na kinuha.
“Eugenicists held genetics responsible for undesirable characteristics and social conditions like criminality and poverty?” basa ni Tobias sa headline ng diyaryong mula sa pa sa taong 1939.
“Ang dalawang kambal na kapatid ni Zane ay isa lamang sa mga kambal na kinuha ng institusyon para gawing subject sa kanilang pag-aaral kung paano makokontrol ang genetics ng isang tao. Dahil ito ang siyang pinaghihinalaan nilang makakasolusyon sa lumaganap na kahirapan at kriminalidad sa mundo. Na kung magagawa nilang kontrolin ang genetic lines ng tao ay makokontrol din nila ang masasamang ugali na maaaring maipasa sa susunod na henerasyon. At mas madali nga nilang mapag-aaralan ang mga bagay na iyon sa katawan ng mga kambal na may magkaparehong genome,” paliwanag ngayon ni Emmanuel na siyang tumayo na mula sa pagkakaupo tulad ni Bernard na siya ngang agarang pumunta sa likuran ni Tobias upang makibasa rin sa diyaryo.
“This is not a research study,” nakakunot na sambit ni Bernard nang mabasa nga ng tuluyan ang nilalaman ng diyaryo. “T—this is cruelty.”
“Tama, maituturing ngang brutal ang nangyari sa mga kapatid ni Zane ngunit maswerte pa rin si Zane na ang mga kambal niyang kapatid ang kaisa-isang pares ng kambal na nakaligtas sa konektadong pag-aaral patungkol sa bagay na iyan noong taong 1940,” saad naman ni Emmanuel na dahilan upang halos sabay ngang mapatingin at mapailing ngayon si Tobias at Bernard sa kaniya.
“Anong maswerte doon? Kahit pa na ligtas sila ay mananatili at mananatili pa rin sa isipan nila ang bangungot na idinulot ng institusyon. Kalapastanganan ang ginawa nila sa mga bata a hindi ko lubos maisip na pati sa bata ay gagawin nila ito. At ang mas ikinagagalit ko pa ay ang makitang hawak pa rin sila ng demonyong institusyon na iyon magpahanggang ngayon,” kunot noong saad ngayon ni Tobias habang sobrang higpit na nga ang hawak niya ngayon sa diyaryo dahilan upang malukot ang parteng hawak nito.
“Kung ako rin naman si Zane ay talagang magpupumilit talaga akong pumunta ngayon sa ospital na iyon para kunin ang mga kapatid ko! And no one knows kung ano bang nadatnan niyang kalagayan ng mga bata sa ospital na iyon,” saad nga ni Bernard na kapareho ngayon ni Tobias na hindi makapaniwala sa nabasa nila sa diyaryo at halos manggigil nga rin ito ngayon sa galit.
“Naiintindihan ko at maski ako ay hindi na rin mapigilang murahin ang walang hiyang institusyon na iyan,” sambit ni Emmanuel. “Subalit kailangan nating isaalang-alang na bago tayo sumugod doon ay kailangan nating planuhin ng mabuti ang lahat-lahat dahil hindi lang naman ang mga kambal ang kailangan nating mailigtas kundi maging ang kuya mo rin Tobias.”
At dahilan nga ang sinambit nito upang mapabuntong-hininga ngayon si Tobias na siya rin namang unti-unting tinanguan si Emmanuel.
_________________________
“Iyon lang ang bukod tanging paraan upang matigil ang walang awang pagpapahirap ng institusyon sa kanilang mga pasyente at para mabigyang hustisya ang mga taong pinatay nila.”
Kasalukuyan ngang binabasang muli ngayon ni Tobias ang sulat sa kaniya ni Pineal habang nakaupo ito sa balkonahe ng bahay nila Zane.
Magpahanggang ngayon ay dinudurog pa rin siya ng konsensya at galit niya patungkol sa ginawa ng institusyon sa mga kapatid ni Zane.
“Tama ka nga Pineal, kailangan ng matapos ang lahat-lahat ng ito at para mangyari iyon ay kailangan ko nang makausap si Kuya Hans patungkol sa mga dokumento ni papá,” sambit ngayon ni Tobias habang nakatitig pa rin ngayon sa hawak niyang sulat.
Lubos niyang napagtanto ngayon na hindi na lamang patungkol sa sakit niya o sa paghahanap sa kaniyang mga kapatid ang misyon na ito kundi nakasalalay sa misyon na ito maging ang mga buhay na maililigtas nila mula sa kamay ng institusyon.
Habang tulala si Tobias sa kakatingin sa sulat ay hindi nga sadyang makita ni Mary ang binata nang akmang pupunta na ito sa kaniyang kwarto malapit sa balkonahe habang hawak-hawak ang isang tasa ng kape.
Malalim na ang gabi at halos tulog na nga ang iba pwera lamang kina Tobias, Mary, at maging si Zane na pare-parehong hindi makatulog sa mga oras na ito dahil sa kaniya-kaniya nilang mga iniisip.
“Hindi ka rin ba makatulog?” tanong ni Mary sa binata na ngayon ngay umupo na sa katabing upuan na inuupuan ni Tobias.
Dahilan nga iyon upang mabaling agad ang atensyon sa kaniya ni Tobias na unti-unti na ngang tiniklop ang sulat at ibinalik ito sa kaniyang bag.
“Kailan pa ba ako hindi nahirapang makatulog?” sagot nga ni Tobias na siyang naintindihan naman agad ni Mary na siyang humigop na nga sa dala nitong isang tasa ng kape.
“Sinubukan mo ba ang itinuro ko sa iyo?” tanong nga ni Mary rito habang nakatuon ang atensyon nito sa madilim na kalangitan na napapalibutan ng mga kumikinang na bituin.
Umiling nga si Tobias bilang sagot na ngayon ay napahinga nga ng malalim at ibinaling din ang tingin sa kalangitan.
“Nais ko lang munang hindi matulog sa gabing ito upang pag-isipang mabuti ang mga nangyayari,” sagot ni Tobias na siyang dahilan upang unti-unting ibaling ni Mary ang tingin niya sa binata.
“Bakit? Naguguluhan ka na ba sa mga nangyayari? Susuko ka na ba?” sunod-sunod na tanong ngayon ni Mary na siyang sinagot naman ni Tobias ng isang iling kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa dalaga na siyang dahilan upang magtama ang mga mata nilang dalawa ngayon.
“Napagtanto ko lamang ng tuluyan kung ano ang mga rason ng kapatid ko kung bakit nila tinahak ang misyon na ito kahit pa na ikapapahamak nila,” sagot ni Tobias na muli’t muling ibinaling ang tingin sa kalangitan.
“Hindi nalang ito patungkol sa sakit ko, o sa pagkawala ni Pineal, o sa sinapit ni Kuya Hans,” unti-unting sambit ni Tobias na siyang ibinaling muli ang tingin kay Mary. “Kundi patungkol na ito sa lahat ng taong nabiktima ng institusyon.”