Kabanata 24 |Pagtakas|

2014 Words
Pilipinas ~ Oktubre 8, 1943~ Isang tango ni Emmanuel ang siyang naging palatandaan ng lima upang isagawa na nila ang plano matapos na makababa silang lahat sa sinakyan nila papunta sa ospital. Malalim na ang gabi at napagplanuhan nga ng grupo na isagawa ang plano sa ganitong oras upang tiyak na halos tulog na ang mga nagbabantay na nars o doktor sa ospital. Sa pamamagitan nito ay mas mapapadali na lamang para sa kanila ang gumalaw sa loob ng ospital para hanapin at iligtas ang dalawang kambal at si Hans. Sabay na naunang tumakbo sina Bernard at Mary papunta sa tapat ng likurang pader ng ospital. “Sa unang kwarto sa ikalawang palapag ang siyang dapat niyong lapagan dahil doon makikita ang lahat-lahat ng uniporme ng mga nagtratrabaho sa ospital,” saad ni Emmanuel habang nasa gitna nilang anim ngayon ang mapa ng buong ospital na nagawang makuha ni Mary at Helda sa may munisipyo ng bayan. Maingat na tumataas ngayon si Bernard papunta sa bintana ng unang kwarto sa ikalawang palapag gamit ang matibay na lubid na siyang nagawa nilang maisabit sa ibabang parte ng dungawan ng bintana. “Pitt, bilisan mo,” pabulong ngang isinaad ni Mary kay Bernard habang nasa baba ito at inaantay nga ang oras niya sa pag-akyat. Habang nakasunod naman sa kaniya sina Zane at Tobias. At naiwan naman nga ngayon sina Helda at Emmanuel na siyang magmamaneho sa mga sasakyan sa oras na mailabas na ng apat ang mga taong ililigtas nila sa gabing ito. Agad ngang umakyat si Mary sa lubid nang matagumpay na sumampa si Bernard papunta sa loob ng kwarto kung saan nakasabit ngayon ang mga uniporme ng mga nagtatrabaho sa ospital. “S—sino ka?” Ngunit halos manlaki nga ang mata ni Bernard nang mahagilap niya sa kaniyang gilid ang dyanitor ng ospital na ngayon ngay nakatutok na ang hawak nitong walis kay Bernard at talagang handa na nga ito ngayong sunggaban o atakihin si Bernard. “Magnanaka—“ sisigaw at akmang papaluin na nga sana ng dyanitor Bernard ngunit natigilan ito nang naunahan na nga siya ni Bernard na siyang tinakpan ang kaniyang bunganga gamit ang nakuha nitong uniporme. At mabuti na lamang ngay sakto na ring nakalapag si Mary dahilan upang matulungan na niya ito sa pagtigil sa matanda. Agad-agad na pinaupo ni Bernard ang dyanitor habang mabilisan ngang itinali ng mahigpit ang damit nasa bunganga ng dyanitor. Kasabay nito ang pagtali rin ni Mary sa mga kamay at paa nito. Matapos ay kasunod na kinuha ni Mary ang hiringgilya na nasa suot niyang bag ngayon. At doon ay madalian din niyang nilagyan ng gamot na pampatulog ang hiringgilya ay sabay abot nito kay Bernard. “N—nawa ay mapatawad niyo po ako sa aking gagawin manong,” saad nga ngayon ni Bernard na siyang nag-aalangan pa nga ngayon na turukan ang may katandaan ng dyanitor. “Just do it Pitt,” sambit sa kaniya ni Mary na kasalukuyan na ngayong kumukuha ng damit na maisusuot niya sa pagpapanggap bilang isang nars. Dahilan nga upang mapabuntong hininga si Bernard at tuluyan nang itinurok ang hiringgiliya sa dyanitor na siyang kalaunan ay unti-unti na rin ngang nanghina at nakatulog kasabay nang paglundag ni Tobias mula sa bintana. “Pumili na kayo ng masusuot niyo nang makalabas na tayo sa kwartong ito,” utos nga ni Mary sa dalawa na siya na ngang pumasok sa maliit na palikuran sa loob ng kwarto upang makapagpalit na. At habang nagpapalit na nga ang dalawa ay saktong makapasok na rin si Zane mula sa bintana na walang pasubaling madaliang nagpalit na ng kaniyang damit. Makalipas ang ilang minuto ay unang lumabas mula sa kwarto sina Bernard at Zane na siyang parehong nakasuot ngayon ng pang-nars. Sila ang siyang pupunta sa ikatlong palapag upang iligtas ang mga kambal na kapatid ni Zane. At sina Tobias at Mary naman na kakalabas lang ngayon ay ang siyang pupunta sa dulong kwarto sa palapag na kinaroroonan nila ngayon. O ang kwarto na siyang maaaring kinalalagyan ni Hans. Makalipas ng ilang minutong maingat na paglalakad nila Zane at Bernard ay nakarating din sila sa tapat ng kwartong kinalalagyan ng dalawang kambal. “Sige na Zane, pumasok ka na at ako na ang siyang magbabantay rito sa labas kung sakaling may dumating,” saad nga ni Bernard na siyang tinanguan din naman ni Zane na hawak-hawak na nga ang busol (doorknob) ng pintuan. Napahinga muna ng malalim si Zane kasabay ng saglit niyang pagpikit ng kaniyang mga mata na kalaunan ay unti-unti rin nga niyang iminulat kasabay ng tuluyan niyang pagbukas sa pintuan. _________________________ Kasalukuyang nakapikit ngayon ang mata ni Tobias habang hawak-hawak niya ang busol ng pintuan ng posibleng kwarto ng kaniyang kapatid. Unti-unti niyang iminulat ito kasabay ng pagbukas niya ng pintuan. “Sige na Tobias, pumasok ka na at ako na ang magbabantay rito sa labas,” sambit nga ni Mary na siyang nakatalikod ngayon kay Tobias habang nagmamasid-masid sa pasilyo ng ikalawang palapag dahil kahit na anong oras ay maaaring may lumabas sa mga kwarto o hindi kaya naman ay baka may tauhan ng ospital na tumaas mula sa unang palapag kung saan naroon karamihan sa kanila ngayon. Ngunit natigilan ngayon si Mary nang wala siyang marinig na sagot mula kay Tobias dahilan upang unti-unting ibaling nito ang tingin sa binata na siyang naistatwa ngayon sa kaniyang kinatatayuan habang nakatuon ang tingin sa kaisa-isang kama sa kwarto na kung saan ay walang pasyente ang nakahiga rito. “W—ala rito ang kuya Hans,” unti-unti ngang saad ni Tobias na siyang dahilan upang madaliang pumasok ngayon si Mary paloob ng kwarto upang halughogin maski ang palikuran para masigurong wala nga si Hans dito. “Maaring nagkamali lamang ako sa pagkuha ng impormasyon mula kay Doktor George,” saad nga ngayon ni Tobias habang hindi pa rin gumagalaw mula sa kinatatayuan niya. “Baka—“ “Narito ang iyong kuya,” sambit ni Mary na siyang pumutol nga sa gustong sabihin ni Tobias na sa ngayon ay nakatuon nga ang atensyon ng dalaga sa isang dokumento na nasa katabing lamesa ng kama. “Ngunit mukhang nahuli tayo,” patuloy ni Mary dahilan upang kunot noo siyang tignan ni Tobias na siyang madalian na lumapit dito at agad ngang tinignan ang dokumentong naglalaman ng pangalan ng kaniyang kuya Hans. _________________________ “Kuya Bernard, bilisan mo,” sambit nga ngayon ni Zane kay Bernard habang hawak-hawak niya ang walang malay na katawan ni Hanelle habang hawak naman ni Bernard ang kay Anna na wala ring malay ngayon. Maingat at mabilis na nailabas ng dalawa ang mga kambal mula sa likurang pintuan ng ospital kung saan sa hindi kalayuan nakaabang ngayon ang kotseng sinasakyan ni Helda na siya ngang agad na pinaharurot ang sasakyan papunta sa kanila. “Helda, nasaan sina Tobias? Nauna ba silang bumaba sa amin?” sunod-sunod na tanong ngayon ni Bernard nang makalayo na nga sila ng tuluyan sa ospital. Ngunit bago pa man nga masagot ito ni Helda ay halos sabay ngang maglakihan ang mga mata nilang tatlo nang makarinig sila ng sunod-sunod na putukan mula sa ospital. “Helda, anong nangyayari?” gulat na tanong ni Zane na kapareho ni Bernard na nakadungaw ngayon sa likuran ng sasakyan. _________________________  “Ilag!” bulalas ngayon ni Emmanuel na siyang nagmamaneho ng sasakyang sinasakyan ngayon nila Tobias at Mary. Sunod-sunod na putok ng baril ang tumama sa harapan ng kanilang sasakyan matapos agad na umilag ang tatlo. Kasalukuyan nilang sinusundan ngayon ang isang itim na sasakyan na siyang pinagsakayan kay Hans. “Ngunit mukhang nahuli tayo.” Unti-unti namang tumango ngayon si Tobias bilang pagsang-ayon sa dalaga na ngayon ngay unti-unti na siyang naglakad palabas ng kwarto na siya rin namang sinundan ni Mary. “Can you please walk faster instead?!” Ngunit halos sabay natigilan at nanlaki ang mga mata ng dalawa nang makita ang dalawang lalaki na nakasuot ng puting coat at pantalon na kasalukuyang pababa na sa unang palapag ng ospital habang may hawak-hawak ang isang pasyente na pinaggitnaan nila. Hindi man makita ngayon ni Tobias ang mukha ng pasyenteng hawak nila nang dahil sa nakatalikod ito sa kanila ay halos bumilis ngayon ang t***k ng kaniyang puso nang dahil sa lakas ng hinala niya na ito na ngayon ang kuya Hans niya. Agad ngang tumakbo ngayon si Tobias upang sundan ang mga ito na siya rin namang sinundan ni Mary. “H—hey! Stop!” sunod-sunod na bulalas ni Tobias na siyang dahilan upang matigila ang dalawang lalaki na kasalukuyang nasa hagdan na ngayon. Unti-unti nga nilang ibinaling ang tingin nila sa likuran dahilan upang halos sabay na manlaki ang kanilang mga mata nang makilala kung sino ang tumawag sa kanila. Kasabay nito ang paglabas ng baril ng isang lalaki na walang pasubaling ipinutok sa direksyon ni Tobias na siyang agad din naman nahila ni Mary palapit sa kaniya dahilan upang hindi siya maputukan nito. “Run!” sigaw nga ng lalaki na nagpaputok ng baril dahilan upang agad din namang tumango ang kaniyang sa kasama. Patakbo na ngang bumaba ang mga ito dahilan mataranta at magpumiglas ngayon ang pasyenteng hawak nila. “Dala mo naman siguro ‘yong baril mo ano?” tanong nga ngayon ni Mary kay Tobias na siyang itinulak na nga ito palayo sa kaniya dahil halos ilang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha kanina na siyang dulot ng pagkakahila nito sa binata para mailigtas sa putok na pinakawalan ng lalaki. Agad na tumango si Tobias na siya ngang mabilisang inilabas ang baril niya sa bag. At ngayon ngay agad na tinanguan ito ni Mary na siyang tumakbo na paibaba na sinundan naman agad ni Tobias.   “Sigurado akong nakarating sa kanila ang pagwawala ni Zane kahapon kaya agaran na nagpadala si Doktor Willson ng mga tauhan niya upang agad na mailipat si Doktor Hans,” saad nga ngayon ni Mary na kasalukuyang nakayuko magpahanggang ngayon dahil sa sunod-sunod na putok na baril na ibinabato sa kanila ng sasakyang sinusundan nila. “Kumapit kayo ng mahigpit sa mga kinauupuan ninyo!” bulalas ngayon ni Emmanuel bago pa man humarurot na ng takbo ang sasakyang sinasakyan nila. Dahilan upang makatapat na nila ngayon ang sasakyan na sinusundan nila. At makalipas lamang ang ilang segundo ay tuluyan na ngang nalagpasan ni Emmanuel ang sasakyan na siya nga niyang agad na hinarangan. Agad-agad na bumaba ang tatlo sa sasakyan habang pare-parehong nakatutok ang mga baril nila sa sasakyan na walang nagawa kundi matigilan nang dahil sa pagharang ni Emmanuel sa kanila. Ngunit halos sabay-sabay na napailag ang tatlo nang sunod-sunod muling nagpaputok ang dalawang lalaki mula sa binata ng kanilang kotse. “Merde! (Damn it)” bulalas ni Mary na siyang walang katakot-takot na naglakad palapit sa sasakyan habang patuloy na pinapaputok ang dalawang magkabilaang baril na hawak niya ngayon na eksaktong tumama sa mga ulo ng dalawang lalaki na nasa harapan ng sasakyang sinundan nila. “You have never failed to impress me Miss Smith,” nakangising saad nga ngayon ni Emmanuel kay Mary na siya ngang tinanguan na si Tobias na kasalukuyang tulala ngayon sa kaniyang kinatatayuan dahil sa kadahilanang mukhang ito na nga ang pagkakataon na muli niyang masilayan ang kaniyang kapatid. Unti-unting naglakad ngayon si Tobias palapit sa sasakyan at nang mahawakan na nga niya ang pintuan ng sasakyan ay bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob upang agarang buksan ang pintuan. Tumambad sa kaniya ang lalaking may kahabaan na ang buhok at halos ballot na nga ng balbas ang kalahating mukha nito. Kasalukuyang tulala ang lalaki habang patuloy ang pagbulong nito ng mga hindi maintindihang salita. “K—kuya Hans?” unti-unting tawag ni Tobias sa lalaki kasabay ng unti-unti ring pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata. Kahit pa na halos hindi na makilala ang lalaki ay hindi naging mahirap para kay Tobias na makilala ang kaniyang kapatid na siya nga niyang agad-agad na niyakap kasabay ng unti-unting pagkawala ng pagkalumbay niya sa pagkawala ng kaniyang kuya. “B—buhay k—ka nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD