Pilipinas
~ Oktubre 8, 1943~
“B—buhay k—ka nga,” nanginginig na sambit ngayon ni Tobias habang yakap-yakap si Hans na siyang nanatiling walang reaksyon sa mga nangyayari.
“Tobias, mabuti pa at idala na natin siya sa sasakyan nang makaalis na tayo rito,” sambit ni Emmanuel nang masiguro nila ni Mary na hindi na tumitibok ang puso ng dalawang tauhan ng institusyon.
Unti-unti rin naman ngang tumango ngayon si Tobias kasabay ng pagbitiw niya sa pagkakayakap.
“Kuya, huwag ka ng mag-alala dahil ligtas ka na ngayon.”
_________________________
Hindi ngayon maiwasan ni Zane na manlumo nang makita niya na nang tuluyan ang mga galos sa iba’t ibang parte ng katawan ng dalawang kambal lalo na ang kapansin-pansing marka ng tahi sa mga tiyan nila.
“M—magbabayad sila sa kung ano mang ginawa nila sa inyo,” nanginginig ngang saad ngayon ni Zane habang hawak-hawak ang mga kamay ng kaniyang mga kapatid na siyang pinaggitnaan siya ngayon.
Wala pa ring malay ang dalawang kambal kahit pa na halos isang araw na ang nakalipas simula nang maitakas sila sa ospital. Pinaghihinalaan ni Zane na pinainom sila ng gamot na pampatulog kaya kahit pa na madalian silang itinakas mula sa ospital kanina ay hindi man lang sila nagising na dalawa.
“Hindi ka ba muna magpapalit at kakain?”
Ngayon ngay kakapasok lang ni Helda sa kwarto na siyang may dala-dala ngayong sphygmomanometer upang makita ang blood pressure ng dalawang kambal. At bukod dito ay may dala rin nga itong mga hiringilya at mga laboratory tube upang makuhanan ng dugo ang mga kambal.
Umiling nga ngayon si Zane bilang sagot na siyang kasalukuyan nga ngayong hawak ang pisngi ni Hanelle na halos wala na ngang laman kung maituturing nang dahil sa laki ng pinayat nito.
“Huwag kang mag-alala Zane, ligtas na sila,” saad ni Helda na siyang ibinaba nga ang mga dalang kagamitan sa kalapit na mesa ng kamang hinihigaan ni Hanelle. “Alam kong yaon ang ikinababahala mo kayo ni hindi mo mabitawan ang mga kamay nila.”
“Ayaw ko silang iwanan Helda dahil natatakot ako na baka mawala silang muli sa piling ko,” sagot nga ngayon ni Zane na kasalukuyang namamaga na ang mga mata dahil sa walang sawa nitong pagtangis simula noong nakita niyang muli ang kaniyang mga kapatid. “Dahil sa kahit na anong oras ay maaaring bumalik sila para kunin ang mga kapatid ko. At hinding-hindi ko na muling hahayaan na mangyari yaon Helda.
Napabuntong hininga ngayon si Helda na siya ngang unti-unting hinawakan ang kamay ni Zane na kasalukuyang nakahawak ngayon sa kamay ni Hanelle.
“Nararamdaman ko ang pangambang bumabagabag ngayon sa iyong kalooban Zane ngunit sinisiguro ko sa iyo na hindi sila mawawala sa sandaling umalis ka muna rito upang magpalit,” saad ni Helda habang diretso ngang nakatingin sa mga mata ni Zane. “Ipinapangako kong hindi sila mawawala sa oras ng pagbabantay ko sa kanila kaya’t mabuti pa ay magpalit ka nalang muna at kumain Zane.”
“Pero Helda—“
“Naglilibot ngayon sa buong panuluyan sina Kuya Emmanuel, Kuya Bernard, at Ate Mary upang masigurong ligtas tayo kaya’t wala kang dapat ipangamba Zane.”
Dahilan nga ito upang mapabuntong hininga ngayon ang binata na bago pa man tumayo sa kaniyang kinauupuan ay salitan muna niyang sinilayan ang dalawang kambal na magkasunod nga niyang hinalikan sa noo bago pa man siya tumango kay Helda at tuluyan na ngang lumabas sa kwarto.
Nang tuluyan na nga itong makaalis ay napabuntong hininga na muna si Helda bago pa man niya isa-isang tinignan ang dalawang kambal dala ang awa sa kaniyang mga mata dahil sa itsura ng mga ito na halatang napahirapan ng samu’t-saring eksperimento na ginawa sa kanila ng ospital.
“Hanelle?”
“Anna?”
Sunod-sunod ngang tawag ngayon ni Helda sa dalawa kasabay sunod-sunod niyang paghawak sa mga kamay ng mga ito na siyang nanlalamig nga ngayon dahilan upang tignan nito ang kanilang temperatura dahilan upang mapag-alaman niyang bumalik na naman ang mga sinat ng mga ito.
“Pabalik-balik na lagnat?” nagtatakang tanong nga ngayon ni Helda na siyang isnulat nga ang temperaturang nakuha mula sa mga kambal at kasunod non ang pagkuha niya ng mga blood pressure ng mga ito.
Halos manlaki ang mata nito nang makita kung gaano kababa ang mga blood pressure ng mga ito na noong huli naman niyang tinignan ay ayos pa naman ang mga blood pressure ng mga ito.
Dahilan upang madalian niya itong itinala sa dalang papel kasabay ng madalian niyang pagkuha ng mga blood sample.
Ngunit nang akma ngang ilalagay na niya ang mga laboratory tubes na naglalaman ng mga dugo sa mga lulugaran ng mga ito ay sabay nga niyang nabitawan ang mga ito nang dahil sa gulat nang bigla na lamang pag-kumbulsyon ni Hanelle sa kaniyang kinahihigaan.
Agaran nga ngayong hinawakan ni Helda ang mga kamay ng bata ngunit hindi nga sapat ang lakas niya upang pigilan ito dahilan upang taranta siyang mapatakbo ngayon palabas ng kwarto upang sana tawagin si Zane ngunit wala ito ngayon sa ikalawang palapag ng bahay-panuluyan. At ang iba naman ngay nasa baba ngayon at kasalukuyang nagbabantay kaya’t tuluyan nang nagpasya ito na tawagin ang kaisa-isang doktor na kasama niya ngayon sa ikalawang palapag.
Agad na binuksan nito ang kwartong katabi nila at walang pasubaling tinawag ang kaisa-isang taong makakatulong sa kaniya ngayon.
“G—ginoong Tobias,” nauutal na tawag nito kay Tobias na kasalukuyang binabantayan ang walang malay na si Hans.
“H—helda?” kunot noong tawag sa kaniya Tobias.
“Ginoo, inaatake ng kombulsyon ang isang kambal, kailangan niya ang inyong tulong” sagot ni Helda na siya ngang dahilan upang manlaki nga ang mata ni Tobias sa gulat na agad nga ngayong tumayo sa kaniyang kinauupuan at mabilisang kinuha ang isang kahon na kinalalagyan ng mga gamot na nabili nila kanina na para sana kay Hans kung sakaling siya ang sumpungin.
“Sige na ginoo pumunta ka na at ako muna ang magbabantay sa iyong kapatid,” saad ni Helda nang biglang napatigil si Tobias sa pintuan dala ang nag-aalangan niyang mukha na siya rin namang agad naintindihan ni Helda na pareho ngayon ng pangamba si Tobias at Zane.