Kabanata 26 |Placebo Effect|

1086 Words
“Sige na ginoo pumunta ka na at ako muna ang magbabantay sa iyong kapatid.” Tumango ngayon si Tobias na siyang nagmadali na nga ng lakad papunta sa kwarto ng mga kambal at nang makita nga niya si Hanelle na halos mahulog na sa kaniyang kinahihigaan ay agad siyang tumakbo papunta rito upang isaayos ang pagkakahiga nito na siyang ipinatagilid nga niya ng higa kasunod ng  pagluwag niya ng kasuotan nito upang mas makahinga ito ng maayos. Matapos non ay maingat nga niyang inalis ang mga malalapit na bagay na maaaring makasakit sa bata sa kasagsagan ng kaniyang pagkokumbulsyon. Nang sasaksakan na nga sana ni Tobias ang bata ng ilang dosis ng Phenytoin  ay natigilan ito nang may naalala siyang memorya sa kaniyang isipan. “Ganito Tobias, kung sakaling may sumpungin ng seizure ay mahalagang hindi mo ito sapilitang pigilan o mas malala ay itali para mapigilan. Bagkus ay ayusin mo ang kaniyang pagkakahiga at itagilid ito upang masala ang kaniyang laway,” saad ni Hans habang isinasadula kay Tobias ang gagawin sa taong sinusumpong ng kumbulsyon. Pinatagilid niya ang higa ni Pineal na siyang kunwaring nagkukumbulsyon upang maisadulang mabuti ang pangyayari. “Tapos alisin mo ang kahit na anong bagay na malapit sa kaniya dahil maaaring makasakit ang mga ito sa kaniya sa oras ng pagsi-seizure niya,” patuloy ni Hans na siya ngang inalis ang mga gunting at iba pang bagay na pang-medikal na nasa tabi ng kamang hinihigaan ngayon ni Pineal. Mabusising nakikinig ngayon si Tobias sa kaniyang kuya habang namamangha sa mga kaalaman ng kaniyang kuya sa medisina kahit pa na unang araw pa lamang nito sa kaniyang pagdodoktor. “Matapos mong gawin ito ay mahalagang matutunan mong hindi ka dapat maglagay ng anumang pagkain, inumin o bagay sa bibig ng pasyente mo dahil maaaring maging sanhi lamang ito ng pinsala tulad na lamang ng pagkasira ng kaniyang ngipin o bibig. O hindi naman kaya ay pwede ring mabilaukan lang ito,” patuloy na paliwanag ni Hans na siyang sunod-sunod din namang tinanguan ni Tobias. “Tapos kuya? Anong susunod na gagawin? Tuturukan ko na ba siya ng gamot?” sunod-sunod ngang tanong ni Tobias na madalian ngang kinuha ang hiringgilya at akma kunwari na nga sanang tuturukan si Pineal ngunit natigilan ito nang hawakan ni Hans ng mahigpit ang kaniyang pulso. “Hindi Tobias,” saad ni Hans habang nakadiretso ang tingin kay Pineal. “Antayin mo munang kumalma ang pasyente nang walang tulong ng kahit na anong gamot. Tiyaka mo na lamang tuturukan ito kung makalipas ang limang minuto ay hindi pa siya tumitigil.” Dahilan nga ito upang kunot noo siyang tignan ni Tobias. “A—ano? Bakit naman kuya? Nagmumukhang pinapahirapan ko naman ang pasyente non,” nagtatakang tanong ni Tobias. “Kaya nga kuya? I am going to act like an idiot within five minutes?” sunod namang tanong ni Pineal na dahilan upang halos sabay siyang tignan ng masama ng dalawa niyang kuya. “Pineal, huwag mong sabihin iyan. Hindi mo alam kung gaano ang hirap na dinaranas ng mga taong sinusumpong ng sakit na ito,” suway nga sa kaniya ni Tobias dahilan upang matahimik ito at nagpatuloy na ngang muli sa pagaakto. “Tobias, mahalagang matutunan mo na hindi lahat ng gamot ay nakagagamot,” sambit ngayon ni Hans na siyang dahilan upang mas kumunot ang noo ngayon ni Tobias. “A—anong ibig mo sabihin kuya?” “Antayin mo munang matulungan nila ang sarili nilang katawan bago mo pa man iturok sa kanila ang pekeng kagamutan. Kagamutan na nililinlang lamang sila na ito ang siyang gumamot sa kanila ngunit ang buong katotohanan ay isa lamang palang bagay ito na nagpapakampante sa kanila. At ang kampanteng iyon ang siyang tunay na pinagmumulan ng kagamutan,” saad ngayon ni Hans habang tulalang nakatitig kay Pineal na isinasadula nga ang isang taong sinusumpong ng kumbulsyon. “A—ano? Ang lalim nama ng paliwanag mo kuya,” reklamo nga ngayon ni Tobias na siyang dahilan upang mapangiti si Hans na siyang ginulo nga ang buhok ng nakababatang kapatid. “It is called placebo effect,” saad nga ni Hans na siyang natigilan nga sa paggulo ng buhok ni Tobias at napabuntong na nga ng hininga. “P—placebo?” “Basta Tobias, huwag mo munang turukan ng gamot ang pasyente pwera na lamang kung hindi pa rin ito kumakalma sa loob ng limang minuto,” pag-iiba nga ni Hans sa usapan na ibinaling na nga ang tingin kay Pineal. “At ikaw naman Pineal, tumayo ka na riyan dahil tapos na ang iyong pagsasadula.” “Masasabi ko ngang sa galing mo sa pag-akto ay maaari ka ng sumali sa mga dula-dulaan sa teatro,” pabiro ngang saad ni Hans na siyang dahilan upang sabay silang matawa ni Pineal ngunit nanatili ngang tahimik si Tobias habang iniisip pa rin ang sinabing paliwanag ni Hans. “Hanelle!” Natauhan nga ngayon si Tobias nang dumating na si Zane patakbo sa kaniyang kapatid. “Anong ginagawa mo kuya Tobias?” gulat ngang tanong nito nang mapansin na nakatayo lamang si Tobias habang pinapanuod si Hanelle. “Hindi ba dapat tinuturukan mo na siya ng gamot?” nagtatakang tanong nga ni Zane na madalian ngang kinuha kay Tobias ang hawak nitong hiringgilya upang iturok nga sana kay Hanelle ngunit agad nga siyang natigilan ni Tobias upang gawin ito. “Teka lamang Zane, huwag mo muna siya turukan hangga’t—“ “Huwag turukan? Nahihibang ka na ba kuya Tobias?! Kung hindi ko pa siya tuturukan ay maaaring mamatay siya dahil sa pagkukumbulsyon niya,” sunod-sunod ngang bulalas ni Zane na pwersahan ngang kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Tobias. “Sampung segundo,” sambit muli ni Tobias na mabilisang iniharang ang sarili sa harap ni Zane. “Ano bang ginagawa mo kuya Tobias?! Papatayin mo ba ang kapatid ko nang dahil diyan sa kahibangan mo?! Umalis ka riyan kuya Tobias!” sunod-sunod ngang sigaw ni Zane na siyang umalingaw-ngaw sa buong kwarto. “Limang segundo,” patuloy ni Tobias na siya ngang unti-unting ipinikit ang kaniyang mga mata habang nagbibilang. “Sinabi nang umalis ka riyan!” Kasunod ng sigaw na iyon ang pagbagsak ni Tobias sa sahig na dulot ng pagkakasuntok sa kaniya ni Zane na akmang tuturukan na nga sana ngayon si Hanelle ay natigilan ito nang unti-unting kumalmang mag-isa ang bata. “N—null, (Zero,)” sambit ni Tobias na siyang unti-unti ngang iminulat ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD