Pilipinas
~ Hulyo 21, 1940~
“Wala akong kwentang doktor Manang Selma,” halo-halong emosyon ngayon ang nararamdaman ni Tobias dahil sa biglaang pagpapakamatay ng kaniyang kuya Hans.
Hindi nito maiwasan na sisihin ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang kuya. Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang ito kay Manang Selma na siyang ngayon ngay hawak-hawak ang magkabilaang kamay ni Tobias na kasalukuyang pinantatakip niya sa kaniyang tenga habang tuliro siya ngayong nakaupo sa malamig na sahig ng kwarto ni Hans.
“N—naturingan akong doktor pero wala akong nagawa para iligtas siya,” patuloy ni Tobias na tuloy pa rin ang pagtangis habang nanginginig na ngayon ang mga paa at kamay niya.
“Tobias anak, makinig ka,” tawag ngayon ni Manang Selma sa kaniyang alaga habang sinusubukan ito ngayong pakalmahin. “Wala kang kasalanan sa nangyari sa iyong kuya kaya’t hindi mo dapat sinisisi ang iyong sarili.”
Ngunit muli’t muli lamang na umiling si Tobias bilang sagot na ngayon ay diretsong tinignan sa mata ang matanda. “Manang, ako ang pumatay kay kuya. Kasalanan ko ang lahat-lahat ng ito manang! Dapat ako na lamang ang namatay eh! Ako ang siyang dapat namatay!”
Sa sunod-sunod na sigaw ni Tobias ay nanlaki ang mata ng matanda nang dahil sa gulat at halos mapahawak pa nga ito sa kaniyang dibdib nang sunod na biglaan na lamang sinampal ni Tobias ang kaniyang sarili.
“Tobias, huminahon ka!” pigil ng matanda na siyang pilit ngang pinipigilan ang mga kamay ni Tobias.
“Bitiwan niyo po ako!” sigaw ngang muli ni Tobias na siya na ngang narinig nila Pineal at Jonas mula sa labas ng kwarto.
Sabay ngang manlaki ang mga mata nila nang madatnan ngayon ang pagwawala ng kanilang kuya Tobias habang nasa sahig naman na si Manang Selma na siyang hindi sinasadyang maitulak ni Tobias dala ng kaniyang pagwawala.
“Manang Selma!” agad na lumapit si Jonas upang tulungang makatayo ang matanda.
“K—kuya Tobias?” hindi makapaniwalang tawag ngayon ni Pineal na sinubukang lapitan ang kaniyang kuya ngunit agad lamang itong umiwas mula sa kaniya.
“Kuya Pineal, nasisiraan na rin po ba ng ulo si Kuya Tobias tulad na lamang ng nangyari kay Kuya Hans?” nanginginig na tanong ni Jonas na siyang gulong-gulo na nga sa mga nangyayari.
Dahilan ang katanungang ito upang mapasinghap ngayon si Pineal marahang lumakad palapit kay Tobias upang subukan na pakalmahin ito.
“K—kasalanan ko ang lahat-lahat, dapat ako nalang ang namatay,” sunod-sunod na sambit ngayon ni Tobias na siyang agad ngang umiwas sa akmang paghawak sa kaniya ni Pineal.
“K—kuya Tobias, huminahon ka, wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Kuya Hans,” saad ni Pineal na mabilasang hinawakan ang mga braso ng kaniyang kuya upang subukan itong pakalmahin.
“Hindi Pineal, kasalanan ko ang lahat-lahat, kung hindi ako—“
Tuluyang natigilan sa pagsasalita si Tobias nang yakapin siya ni Pineal.
“Wala kang kasalanan kuya Tobias,” pag-uulit ni Pineal na ngayon ay kapareho ni Tobias na hindi na rin maawat ang pagtangis.
~ Oktubre 8, 1943~
“Ayos na ang kalagayan ng iyong kapatid Zane,” sambit ngayon ni Bernard matapos matignan ang kasalukuyang kalagayan ni Hanelle.
“M—maraming salamat Kuya Bernard,” saad ngayon ni Zane na siyang marahan ngang naglakad palapit sa kaniyang kapatid at sunod na hinaplos ang mga pisngi nito.
“Mabuti siguro kung magamitan na sila ng ionizing radiasyon (x-ray test) upang makita na natin ng tuluyan ang kalagayan ng kanilang mga katawan lalo na sa parte ng kanilang tiyan na may bahid ng tahi,” suhesyon ni Bernard na siya ngang maituturing na pinakabihasa sa kanilang lahat sa larangan ng radiology (isang larangan sa medisina na tumutukoy sa paggamit ng ionizing radiasyon para sa paggagamutang pagsusuri). Malaki ang koneksyon nito sa kaniyang propesyon bilang isang general surgeon kahit kapansin-pansin ngang hindi na bago sa kaniya ang mga sugat na nakita nila sa tiyan ng dalawang bata.
“Kung hindi ako nagkakamali, malaki ang koneksyon ng mga tahi nila sa tiyan sa pabalik-balik nilang lagnat,” patuloy nga ni Bernard na siya ngang napabuntong pa ngayon ng hininga dahil sa awang nararamdaman niya ngayon sa dalawang bata.
“Tama si Kuya Bernard, kailangan na nating makita ang kalagayan ng iyong mga kapatid Zane,” sang-ayon naman ni Helda na siyang dahilan upang mapabuntong hininga si Bernard kasunod ng kaniyang pagtango.
“Bukas na bukas ay nais kong isagawa mo na pag-iinspeksyon sa kanilang kalagayan kuya Bernard,” saad ngayon ni Zane na tinanguan naman ngayon ni Bernard.
Noong una ay nagdadalawang-isip pa ito dahil sa kadahilanang natatakot siyang malaman kung anong iniindang sakit ng kaniyang mga kapatid. Natatakot siyang malaman na baka bilang na ang mga oras ng mga ito dahil sa iniindang nilang sakit. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ito kung sakali.
“Bumaba na ang mga temperatura nila,” patuloy ni Helda na kakatapos nga lang tignan ang temperatura ni Anna.
“Kung gayon Zane ay wala ka ng dapat ipagalala,” saad naman ngayon ni Mary na siyang nakaupo nga ngayon sa sofang nasa harapan ng kamang kinahihigaan ng dalawang kambal.
Lumipas nga ang oras ay nagpasyang bumalik na sina Bernard at Mary sa pagbabantay sa labas ng panuluyan dahilan upang maiwan ngayon sina Helda at Zane.
“Zane,” tawag ni Helda kay Zane na kasalukuyang iniaayos ang higa ni Anna.
Agad na nabaling ang tingin nito kay Helda nang tawagin siya nito.
“Hindi mo ba pupuntahan si Ginoong Tobias?” tanong ni Helda na siyang nagpatigil ngayon sa ginagawa ni Zane na siya ngang unti-unting inalala ang mga nangyari sa pagitan nila ni Tobias kanina.
Kasalukuyang nagsasalok ngayon si Zane ng kape sa kaniyang tasa nang bigla niyang naalala ang kaniyang talaarawan na naiwan niya sa kwarto nila Anna at Hanelle.
Ugali nitong sa tuwing umiinom siya ng kape o tsaa ay sinasabayan niya ito ng pagsusulat sa kaniyang talaarawan.
Yaon sana ang pagkakaabalahan niya abang umiinom ng kape kaya’t napasinghap na lamang ito sa kawalan at ibinaba muna ang kape niya upang pumaroon muli sa itaas at kunin saglit ang kaniyang talaarawan.
Ngunit sa kaniyang paglalakad palapit sa kwarto ng kaniyang mga kapatid ay natigilan ito at napakunot ng noo nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto dahilan upang kutuban siya ng wala sa oras at mabilisan ngang pumasok sa kwarto upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang mga kapatid.
Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang dahil sa gulat nang makita ang pagwawala ni Hanelle sa kaniyang kinahihigaan. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay nang makita ngayon si Tobias na nakatayo lamang sa harapan ni Hanelle habang tila tulala at wala itong ginagawa upang agapan o pakalmahin ang kalagayan ng kaniyang kapatid.
Dahilan upang patakbo siyang lumapit rito at nagtatakang tinignan ito.
“Anong ginagawa mo kuya Tobias? Hindi ba dapat tinuturukan mo na siya ng gamot?” sunod-sunod na tanong ni Zane na madalian ngang kinuha kay Tobias ang hawak nitong hiringgilya upang siya na ang magtuturok kay Hanelle nito ngunit agad nga siyang natigilan ni Tobias upang gawin ito.
“Teka lamang Zane, huwag mo muna siyang turukan hangga’t—“
“H—huwag turukan?” hindi makapaniwala at gulong-gulo ngayon si Zane sa narinig niya. “Nahihibang ka na ba kuya Tobias?! Kung hindi ko pa siya tuturukan ay maaaring mamatay siya dahil sa pagkukumbulsyon niya!”
Pwersahan ngang inalis ni Zane ang pagkakahawak sa kaniya ni Tobias.
“Sampung segundo.”
Ngunit natigilan muli siya nang iharang ni Tobias ang kaniyang sarili sa daraanan niya papunta sa kay Hanelle.
“Ano bang ginagawa mo kuya Tobias?! Papatayin mo ba ang kapatid ko nang dahil diyan sa kahibangan mo?!”
“Umalis ka riyan kuya Tobias!”
Sunod-sunod na sigaw nito ang umalingaw-ngaw sa buong kwarto nang dahil sa inis niya sa inaakto ngayon ni Tobias.
“Limang segundo,” patuloy ni Tobias na mas ikinainis pa nito at dahilan upang tuluyan niyang itikom ang kaniyang mga kamao.
“Sinabi nang umalis ka riyan!”
Nang dahil nga sa inis ay walang pasubali nitong sinuntok si Tobias sa pisngi dahilan upang tuluyang maalis ito sa harapan niya na kasalukuyan na ngang nasa sahig ngayon.
At akmang tuturukan na nga sana ngayon ni Zane si Hanelle ay natigilan ito nang unti-unting kumalma ang bata kahit pa na hindi pa siya natuturukan ng gamot.
“Zane?”
“M—maaari bang bantayan mo muna sila?” tanong ngayon ni Zane kay Helda kasabay ng pagtingin niyang saglit sa dalawang bata.
Agad din namang tumango si Helda bilang sagot.
_________________________
Natigilan ngayon si Zane sa harapan ng pintuan ng kwarto kung saan naroon si Tobias. Napagpasyahan nga niyang humingi ng kapatawaran sa binata na siyang nasuntok niya dala ng kaniyang emosyon.
Nang mahawakan niya na ang busol ng pintuan ay nag-alangan pa siyang buksan ito ngunit bumuntong ito ng hininga at nagpasyang katukin ang pintuan bago pa man tuluyang buksan ito.
“K—kuya Tobias, maaari—“
Ngunit natigilan ito nang bigla na lamang nagmadaling lumabas si Tobias sa kwarto na siyang tila ba tarantang tumakbo palabas ng kwarto nang hindi man lang nililingon si Zane dahilan upang maiwan itong nakakunot ang noo habang kamot-kamot na ang batok nang dahil sa pagtataka.