Kabanata 28 |Kapahamakan|

1552 Words
Kasalukuyang nakaupo si Tobias sa katabing upuan ng kama ni Hans na wala pa ring malay magpahanggang ngayon dahil sa itinurok na gamot sa kaniya upang mapakalma ito. Kung si Hanelle kanina ay nakayang pakalmahin ang kaniya sarili ay kabaliktaran naman nito ang kay Hans na hindi na nga kayang pakalmahin ang sarili sa pagwawala. Na kung minsan pa ngay walang pasubaling sinasaktan ang sinomang taong pumigil sa kaniya. “P—patawarin mo ako kuya Hans,” saad ngayon ni Tobias na unti-unti ngang hinawakan ang kaliwang kamay ng kaniyang kuya. “Wala akong nagawa para pigilan sila sa pagturok sa iyo ng mga gamot na nagiging sanhi ngayon ng iyong karamdaman.” Hindi nito maiwasang pigilan ang pagtulo ng kaniyang luha nang dahil sa pagsisisi at hinagpis na nararamdaman niya sa tuwing nakikita ang kalagayan ng kaniyang kuya. Dahil para sa kaniya ay masyado nang huli ang lahat-lahat para tulungang ibalik sa katinuan ang kaniyang kuya. “Kung pinili ko lamang sanang maging matapang upang mag-imbestiga ay dapat mas maaga kung nalaman ang lahat-lahat. At maaaring nailigtas pa kita mula sa kanila,” patuloy ni Tobias habang diretso ngang nakatingin ngayon sa mukha ng kaniyang kuya. “Dahil sa kaduwagan ko ay hindi kita nagawang mailigtas. Kuya, ipinapangako kong hinding-hindi ka nila muling makukuha. At ipinapangako ko ring gagawin ko ang lahat para mahanap ang kagamutan sa iyong karamdaman. Hindi ko man magawang matulungan ka noon ay sa pagkakataong ito ay gagawin ko ang lahat-lahat para tulungan ka sa nasimulan mong misyon.” Habang unti-unti nang kumalma si Hanelle sa kaniyang pagkokombulsyon ay unti-unti na rin ngang tumayo ngayon si Tobias mula sa pagkakaupo niya sa sahig. “Hanelle.” Tawag ni Zane sa kaniyang kapatid kasabay ng paghawak nito sa mga kamay ni Hanelle. “Hanelle, huwag kang mag-alala narito na ang kuya,” patuloy ni Zane na siyang hinagkan si Hanelle. Unti-unti ngang naglakad si Tobias palayo sa kinahihigahan ni Hanelle at tiyaka nga napasinghap bago pa man ibinaling ang tingin niya kay Zane na ngayon ngay nakawala na sa pagkakayakap mula sa kaniyang kapatid. “Zane,” tawag ni Tobias sa kaniya dahilan upang ibaling nito ang tingin sa binata. “Patawarin mo ako kung—“ “K—kuya Zane?” Akmang hihingi sana ng tawad si Tobias ngunit halos sabay silang natigilan ngayon ni Zane at lumingon pareho sa kabilang kama kung saan naroon si Anna na ngayon ngay nakamulat na at halos maluha-luhang nakabaling ang tingin niya kay Zane. “A—anna?” Halos tumigil nga ang mundo ni Zane nang marinig muli ang pamilyar na boses niyaon at halos manlaki nga ang mata nito nang makitang nakamulat na ang mga mata ni Anna. “Anna,” muling tawag ni Zane na siyang hindi na nga magkamayaw sa saya at walang pasubaling niyakap ang kaniyang kapatid. “K—kuya Zane,” nauutal na tawag ni Anna na siyang tuluyan na ngang tumangis sa braso ng kaniyang kuya. “Akala ko ay hindi ka namin makikitang muli.” “Narito na akong muli Anna at hinding-hindi na nila kayo makukuhang muli,” saad nga ngayon ni Zane na siya ngang buong ngiting hinalikan ang ulo ni Anna bago pa man ito tuluyang kumawala. “Kuya, si Hanelle?” unti-unting tanong ni Anna na siyang dahilan upang umalis ngayon si Zane sa harapan niya dahilan upang makita niya sa kabilang kama ang walang malay na si Hanelle. Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ni Anna na siya ngang hindi maiwasang maawa sa kalagayan ng kaniyang kambal. “K—kuya Zane, hindi pa rin ba gumigising si Hanellle?” Ngayon ngay unti-unting nilapitan ni Zane ang kaniyang kapatid kasabay ng pagpunas nito sa mga luhang nasa pisngi ng bata. “A—anna,” tawag ngayon ni Zane sa bata habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. “Maaari mo bang sabihin sa kuya kung anong ginawa nila sa inyo ni Hanelle?” Dahilan nga ang katanungang iyon upang matigilan sa paghikbi si Anna na siya ngang unti-unting tumango bilang sagot sa katanungan ng kaniyang kuya ngunit natigilan ito saglit nang mapansin si Tobias na nasa harapan nila ngayon. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng binata na siyang dahilan nga para mapakunot siya ng noo ngayon. “B—bumalik ka,” saad ni Anna habang nakangiti ngang nakatingin ngayon kay Tobias dahilan upang mapakunot ito ng noo. “A—anong ibig mo sabihin Anna?” nagtatakang tanong ngayon ni Zane na siya ngang kunot noong ibinaling ang tingin kay Tobias. “Si Doktor Hans kuya,” sagot ni Anna. “Siya ang nagsubok na mailigtas kami mula kina Doktor Morgan ngunit nahuli siya nila kaya’t inakala namin ni Hanelle na hindi na siya babalik at tuluyan na kaming mabubulok o mamamatay sa ospital ngunit bumalik siya at mukhang tinupad nga ang pangako niyang ililigtas niya kami.” “Ililigtas ko ang mga ibang pasyente Kuya Hans. At ipinapangako ko ring bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng papa at mama.” Kasabay ng mga katagang yaon ay ang pagtulo ng mga luha niya sa mata na kanina lang ay sinubukan niyang pigilan ngunit nang dahil sa lungkot at hinagpis na nararamdaman nito ay hindi na nga niya napigilan ang sarili na tumangis. Ngunit natigilan ito nang biglaan siyang makarinig ng tunog mula sa likuran niyang bintana dahilan upang kunot noo siyang tumayo ngayon at unti-unting lumapit dito ngunit agad siyang napaatras nang may isang bato ang tumagos mula sa labas patungo sa harapan niya. Agad-agad ngang bumilis ang t***k ng kaniyang puso kasabay nang agarang niyang pagtakbo papunta sa bintana upang makita ang nagbato nito ngunit ni anino ay wala siyang nadatnan. Dahilan upang mapabuntong hininga na lamang siya at unti-unting naglakad upang pulutin ang bato na ngayon lamang niya napansin na may nakabalot pa lang papel dito. Yumukod ito upang kunin ang bato at wala ngang pasubaling ibinuklat ang lukot na papel. Dahilan upang tuluyan niyang mabasa ang laman ng papel na sa hindi malamang dahilan ay unti-unting nanginig ang kaniyang mga kamay habang hawak-hawak ang binabasang papel. At hindi nga sinasadyang mabitawan niya ang papel matapos mabasa ang nilalaman nito. Halos maistatwa siya ngayon sa kaniyang kinatatayuan at nanlalaki nga ang kaniyang mga mata na tila nakakita siya ng isang multo. Ngunit isang katok mula sa pintuan ang siyang dahilan upang matauhan ito at madalian ngang pulutin ang nahulog na kapirasong papel. “K—kuya Tobias, maaari—“ Hindi na naituloy pa ni Zane ang kaniyang sasabihin nang madaliang tumakbo palabas ng kwarto si Tobias. Dahilan upang maiwan siya ngayong nagtataka sa ikinilos ng binata na tila nagmamadaling nilagpasan lang siya na parang bula. _________________________ Sa loob ng isang abandunado at madilim na pabrika kakakitaan ngayon ang isang binata na nakasabit ang mga kamay sa kisame habang patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Isang misteryosong lalaki ang siyang naglakad ngayon papunta sa harapan ng binata habang hila-hila ang isang makapal na metal na tubo mula sa kaniyang kanang kamay. “Talaga bang magmamatigas ka pa rin kahit pa na halos durugin ko na ang mga buto mo sa katawan?” tanong ng misteryosong lalaki na siyang umalingaw-ngaw sa buong paligid at na siya ring dahilan upang unti-unting imulat ngayon ng binata ang kaniyang mga mata. “W—wala akong alam sa mga itinatanong mo,” hirap na sagot ng binata na siyang napaubo pa nga ng dugo sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasalita. Isang halakhak ngayon ang muling umalingaw-ngaw sa paligid na siyang nasundan nga ng tunog ng isang malutong na sampal mula sa pisngi ng binata. “Hinding-hindi mo ako maloloko dahil nabasa mismo ng aking mga mata ang ipinadala mong sulat kay Doktor Tobias,” saad ngayon ng lalaki habang mahigpit nga ngayong hawak-hawak ang panga ng binata. “Kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang dokumento ay ako mismo ang papatay sa mga kuya mo!” “U—ulitin ko, wala akong alam!” bulalas ngayon ng binata na siyang sunod ngang napasigaw sa sakit nang paluin ng lalaki ang kaniyang tiyan gamit ang tubong dala nito. “Isa pang kasinungalingang lalabas diyan sa bunganga mo ay hindi ako magdadalawang isip na durugin ang mga buto mo sa katawan,” diretsahang saad ng lalaki habang hawak-hawak muli ang panga ng binata. “Malinaw ba Pineal?” Ngunit agad na napapikit ngayon ang lalaki nang biglaan na lamang siyang duraan ni Pineal ng dugo mula sa kaniyang bunga dahilan upang mapasinghap at mapapunas ang lalaki ng kaniyang mukhang may bahid na ng dugo mula sa binata. “Talagang tama nga ang nasagap kong impormasyon,” saad ng lalaki na siyang nanggigigil na ngayon nang sa inis niya sa ginawa ni Pineal. “Na ang pangatlong anak ni Doktor Adam Kley ang siyang pinakamatapang sa apat. Ngunit tignan na lamang natin kung hanggang saan ka dadalhin nito dahil hindi ako magdadalawang isip ngayon na ikaw ang unahin ko sa inyo.” Saad ng lalaki na nang dahil nga sa galit at inis ay walang pasubaling sunod-sunod na pinalo ang tiyan ni Pineal gamit ang tubong hawak niya dahilang upang sunod-sunod din na sigaw ang siyang umalingaw-ngaw ngayon sa buong pabrika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD