Kabanata 18 |Mapaglihim|

1652 Words
 “Zane, saan ka paparoon?” Agad na natigilan si Zane sa akma niyang pagpasok sa sasakyan nang biglang lumabas si Helda at tanungin siya nito. “T—titingin lamang ako saglit ng makakain natin sa bayan,” sagot ni Zane na siya ngang itutuloy na sana ang pagbukas ng sasakyan ngunit natigilan muli ito nang unahan siya ni Helda sa pagbukas ng sasakyan. “Sasama ako at mabuti pa at ako na lamang ang magmamaneho dahil halos ilang oras din na ikaw ang nagmaneho kanina,” saad nito na siyang dali-dali na ngang binuksan ang pintuan ng sasakyan at agad na pumasok rito dahilan upang mapabuntong hininga na lamang si Zane na siyang tuluyang wala nang nagawa kahit pa na gustuhin niyang hindi sumama si Helda. Habang bumabyahe nga ngayon ang dalawa papunta sa sentro ng bayan ng San Fabian ay hindi nga maiwasan mapansin ngayon ni Helda ang pagiging tahimik ni Zane na ngayon nga ay nakatuon ang pansin sa bintana. Napatikhim nga ngayon si Helda upang makuha ang atensyon ng binata na hindi rin naman niya nabigong makuha. “Ano bang mga sikat na makakain dito?” tanong ni Helda bilang pagsusubok niyang basagin ang katahimikang namamayani sa kanilang dalawa. “Maaari tayong bumili ng tupig bilang pinagmamalaking kakanin dito sa aming bayan,” sagot ni Zane na siyang dahilan upang mapangiti si Helda na siya ngang hilig na kumain ng mga kakanin. “T—tupig? Ngayon ko lamang ata narinig ang kakaning ito?” “Isa itong kakanin na ibinalot sa dahon ng saging na kung saan nga ay naglalaman ito ng karne ng niyog, malagkit na bigas, gatas ng niyog, at asukal,” sagot ni Zane. “Siguradong magugustuhan mo yaon dahil mahilig ka sa mga kakanin.” Tumango nga si Helda na mas nasabik pa nga ngayong matikman ang kakanin dahil sa pagpapaliwanag ni Zane patungkol dito. “Zane, maaari ko bang malaman kung ilang taon na rin nang huli kang nakauwi rito?” tanong ni Helda sa binata na siyang dahilan upang matigilan ito matahimik muli na siya ngang napansin ni Helda na agad na napaiwas ng tingin at napapikit pa nga ngayon nang mapagtantong masyadong personal ang itinanong niya rito. “Patawad, isawalang bahala mo na lamang ang aking naging katanungan,” kalaunang sambit ni Helda na siya ngang dahilan upang unti-unting tumingin sa kaniya si Zane na ngayon ay napabuntong hininga at napansin nga ang pag-aalala ng dalaga na baka lumagpas na ito sa linya nang dahil sa naging katanungan niya. “Paborito ng aking mga kapatid ang kakanin na ito,” saad ni Zane na siyang dahilan upang mapasulyap sa kaniya si Helda dala ang gulat nitong mukha dahil sa kadahilanang ito ang siyang unang pagkakataon na marinig niyang magbahagi si Zane patungkol sa kaniyang buhay. “At naaalala ko pa nga na ilang ulit nila akong kinukulit noon para lamang bilhan sila nito bago ako umuwi sa bahay galing sa eskwelahan,” patuloy ni Zane na ngayong ngay nakangiti na habang ikinukwento kay Helda ang bahaging yaon ng kaniyang buhay. “May mga kapatid ka pala?” gulat ngang tanong ngayon ni Helda na hindi maiwasang mapangiti sa nagawang pagkwekwento ni Zane. Tumango nga si Zane ngayon na siyang hindi pa rin maialis ang ngiti habang inaalala ang masasayang ala-ala niya mula sa nakaraan. “Dalawang babae.” “D—dalawang babae? Mas bata sila sa iyo?” tanong muli ni Helda na siya rin namang tinanguan ni Zane. “Nasaan na sila ngayon?” kasunod na tanong ni Helda na siyang nagpatigil kay Zane at unti-unti ngang nawala ang mga ngiti nito sa labi nang dahil sa katanungang yaon. Agad din namang napansin ni Helda ang pananahimik ng binata dahilan upang mapatikhim siya ngayon at nagpasyang ibahin na nga ang usapan bago pa man mailang si Zane sa kaniya nang dahil sa mga katanungan niya. “M—malapit na ba tayo sa bayan?” pambabaling na tanong ni Helda na siya rin namang tinanguan ni Zane habang nakatuon nang muli ang atensyon nito sa labas. _________________________ Unti-unti nang itinigil ni Helda ang sasakyan malapit sa pamilihan ng bayan ng San Fabian kung saan kakikitaan ang iba’t ibang maliliit na tindahan sa bawat sulok ng pamilihan at umaalingawngaw rin nga ngayon ang ingay na idinudulot ng mga namimili na siyang nakikipag presyuhan sa mga tindera. Narito rin ang mga tagpo kung saan nagkakamustahan ang mga magkukumareng nagkakasalubungan. “Marami rin pa lang mga sariwang isda rito,” saad ngayon ni Helda habang inililibot ang kaniyang paningin sa buong pamilihan. “Mainam ang mga ito na pananghalian natin. Ano sa tingin mo ang magandang lutuin para sa tanghalian natin?” Ngunit hindi nga siya sinagot ni Zane na siyang tila ba nasa ibang mundo ngayon. Na kahit kasama siyang pisikal ni Helda ay nasa ibang mundo naman ang kaniyang presensya at isipan. Dahilan nga ito upang mapasinghap na lamang si Helda at ipinagpatuloy na lamang ang paglakad papunta sa kalakip na tindahan ng isda. “Magandang araw ho, magkano ho ang isang kilo nito?” tanong ni Helda sa  tindera sabay turo ng bangus na buhay pa at sariwang sariwa. Ngunit imbes na sagutin siya nito ay nabaling agad ang atensyon ng tindera sa kasama nitong binata na siyang pamilyar sa kaniya. “Z—zane?” nag-aalangang tawag ng tinder kay Zane. “Zane Nikosi? Ikaw na ba ‘yan?” Agad-agad ngang nanlaki ang mata ni Zane nang mamukhaan ang tindera. “Tiya Pilita,” tawag nga ni Zane sa tindera na pareho nitong pagkalaki-laki na ng ngiti. “Kamusta ka na Zane? Mabuti naman at naisipan mo ring dumalaw rito,” sunod-sunod ngang sambit ng tindera na siyang dahilan upang mapagtanto nga ni Helda nang tuluyan na mukhang isa nga sa kakilala ni Zane ang tinderang ito. “Ayos lamang ho ako Tiya Pilita, kayo nga ho ang dapat kong tinatanong ng katanungang iyan eh,” sagot nga ni Zane ngunit natigilan ang tindera nang mapansin nito ang binibining katabi ni Zane na siyang nagtanong nga ng presyo kanina. “T—teka lamang Zane, kasama mo ba ang napakagandang binibining ito?” nakangiti ngang tanong ng tindera na siya ngang sabik na sabik malaman ang kaugnayan nito kay Zane. “Ah, opo Tiya Pilita, ito po si Helda, at Helda ito naman si Tiya Pilita, isa sa mga tumulong sa aking pag-aaral,” pagpapakilala ni Zane na siyang dahilan upang buong ngiting alukin nga ni Helda ang tindera sa isang pakikipagkamayan na siyang hindi naman agad tinanggap ng matanda nang dahil sa amoy isda nitong kamay. “Naku iha, hindi mo gugustuhing makipagkamayan sa akin ngayon,” saad nga nito habang natatawang ipinakita kay Helda ang kamay nitong may mga kaliskis pa nga. “Kung gayon po ay narapat na lamang po na sabihin ko sa inyong ikinagagalak ko hong makilala kayo,” nakangiting saad ni Helda na siya rin namang tinanguan ng tindera. “At gayon din ako iha, nagagalak akong makilala ang kasintahan ng isa mga naging anak-anakan ko,” saad ng tindera na siyang dahilan para kapwa ngayong manlaki ang mga mata ng dalawa na halos sabay ring napailing bilang pagtanggi sa sinabi ng matanda. “Ah, Tiya Pilita nagkakamali ho kayo. Hindi ko po kasintahan si Helda bagkus ay magkaibigan lang ho kami,” agarang saad nga ni Zane na siya rin namang tinanguan ni Helda. “Ay sus, huwag niyo na akong paglihiman pa, kita ko naman ang pamumula ng inyong mga pisngi ng sabihin ko ito,” saad nga ng tindera na siyang dahilan upang halos sabay muling mapahawak ang dalawa sa kanilang pisngi sabay iling sa matanda. “Magkaibigan lang ho talaga kami ni Zane,” saad naman nga ngayon ni Helda dahilan upang sa huli ay mapatango na lamang ang tindera. “Sayang naman dahil ang akala ko pa naman ay magkakaapo na ako,” saad nga muli ng tindera na siyang dahilan upang mas lalong mag-init ang mga pisngi ng dalawa nang dahil sa hiya. “Naku Tiya Pilita, wala pong namamagitan sa amin ni Helda at tanging kaibigan lang ho ang turing namin sa isa’t isa,” saad nga ni Zane habang nakatingin ngayon kay Helda na kasalukuyang napapailing nang dahil sa mga biro ng matanda. “Oh siya, binibining Helda, sabihin mo na lamang sa akin kung anong bibilhin niyo at hindi niyo na kailangan pang bayaran ito,” saad ngayon ng tindera dahilan upang mapakunot ang noo ni Helda. “P—po?” “Hindi niyo na kailangang magbayad pa dahil hindi na rin naman iba sa akin itong si Zane eh,” panganglaro pa nga ng matanda dahilan upang tuluyan nang mapatango si Helda. Malipas nga ang ilang minuto ay tuluyan na ngang iniabot ni Pilita ang bayong na naglalaman ng tatlong kilong bangus kay Zane. “Maraming salamat ho—“ “Tawagin mo nalang din akong Tiya Pilita iha,” saad nga ng matanda dahilan upang mapangiti si Helda at tinanguan ang matanda. “Maraming salamat ho Tiya Pilita,” pag-uulit ni Helda na siyang tinanguan ng matanda. “Mauna na ho kami Tiya Pilita,” paalam nga ni Zane na kapareho ni Helda na akmang maglalakad na nga paalis. “Ay teka lamang Zane!” habol ng matanda na siyang dahilan upang halos sabay na mapaharap sa kaniya sina Zane at Helda. “Kunin mo itong isang kilo ng hipon dahil naalala ko palang paborito ito ng dalawang kambal. Ikamusta mo rin pala ako sa kanila ha iho,” pahabol ng matanda na siyang naging dahilan upang matigilan ng husto si Zane sa hindi inaasahang pagkakataon na mabanggit ng matanda ang patungkol sa dalawang kapatid nito sa harap ni Helda na ngayong ngay napataas ng kilay nang marinig ang impormasyon na kambal pala ang dalawang kapatid na tinutukoy ni Zane kanina sa sasakyan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD