Kabanata 19 |Pagkakaibigan|

1685 Words
Pilipinas ~ Oktubre 6, 1943~ Unti-unting itinigil ni Zane ang sasakyan na siya na ngang nagmaneho sa kanilang dalawa pabalik sa bahay na tinutuluyan nila. At tahimik ngayong bumaba si Zane sa sasakyan at dire-diretso na ngang pumasok sa loob ng bahay dala-dala ang mga pinamili nila nang hindi na inantay pa si Helda. Naiwan naman ngayon tulala at nagtataka si Helda na siyang kakababa lang ng sasakyan. Gustuhin man niyang tawagin ang binata kaninan ay hindi na niya nagawa pa dahil sa pagkabahalang mangyaring muli ang naging reaksyon nito nang tanungin siya ni Helda matapos ang marinig ang patungkol sa kapatid nito. Naglalakad na ngayon sina Zane at Helda pabalik sa sasakyan upang makauwi na. Naisipan nga ngayon ni Helda na tanungin ito patungkol sa binanggit ng matandang tindera kanina kaya naman ay napatikhim nga ito at unti-unting tinignan si Zane na siyang tahimik lamang na naglalakad ngayon. “Kambal pala ang dalawa mong kapatid?” katanungan ni Helda na siyang nagpatigil kay Zane sa paglalakad dahilan upang matigilan din ngayon si Helda. Unti-unting tinignan ni Zane si Helda na kasalukuyan ngang inaantay ang magiging kasagutan ng binata. “Maaari ba Helda ay huwag mo na akong tanungin ng kahit na anong personal na bagay patungkol sa aking buhay?” At dahilan nga ang sinambit na yaon ni Zane upang matameme ngayon si Helda na siya ngang tuluyan nang napaiwas ng tingin sa mga mata ni Zane. “P—patawad,” sambit ng dalaga na siyang nakaramdam nga ng pagkailang nang dahil sa hiya niya na tila lumagpas na naman siyang muli sa linya. Nagsisisi siya ngayon kung bakit pa niya naitanong ang bagay na yaon dahil sa pag-aakalang ayos lamang sa binata na pag-usapan ito dahil siya rin naman ang nagbukas ng paksang iyon kanina. Pero ang siyang nasa isip ngayon ni Helda ay dapat inisip na lamang niyang masyadong personal ito at dapat hinantay na lamang niya ang pagkakataon na si Zane na mismo ang magsabi nito. “Susmaryusep ka talaga Helda, dapat kasi minsan pinipigilan mo ang pagtatanong,” sambit ngayon ng dalaga na siya na ngang naglakad papasok sa bahay kung saan ay sinalubong siya ngayon ni Bernard na kailanman hindi nawawala ang ngiti. “Oh, Helda, saan ka nanggaling ha?” tanong nito sa dalaga na siyang walang ideya ngayon na sinamahan pala nito si Zane sa pagbili sa pamilihan. “Sinamahan ko ho si Zane sa pamilihan kuya,” sagot ni Helda na siya ngang tinanguan ni Bernard na ngayon ay tinulungan nga si Helda sa pagbitbit sa dala nitong nakadyaryong tupig. Kasalukuyang nasa kusina na si Zane na inumpisahan na ngang patayin ang mga gumagalaw pang mga bangus kasabay nang pag-alis nito sa mga lamang loob nila. “Ano ba ang iyong lulutuin sa tanghalian Helda?” tanong nga ni Bernard nang mailapag na ang tupig sa lamesa. “Isisigang ko ang mga sariwang bangus pero kung gutom na ho kayo ay maaaring kumain nalang po muna kayo ng tupig,” sagot ni Helda na siya ngang binigyan si Bernard ng isang pirasong tupig at kumuha rin nga siya ng isa para sa kaniya. Ito ang unang beses nilang dalawa na tikman ang kakanin na ito kaya’t pareho nga silang nagtataka ngayong at humuhula nang maaaring lasa nito. At nang halos sabay na nga silang kumagat sa mga hawak nilang tupig at dahan-dahan nila itong ninamnam kasabay ng unti-unti nilang pagngiti dahil sa sarap ng kakanin na may tamang tamis lamang at hindi nakakasawang kainin. “Masarap itong isabay sa kape,” saad ngayon ni Bernard na tuwang-tuwa pa ngang isinubo ang natirang tupig na hawak niya at kumuhang muli ng isang piraso. “Tama kuya Bernard, mabuti na lamang at hindi nalimutan ni Zane na irekomenda ang kakanin na ito,” saad naman nga ngayon ni Helda na siyang ibinaling nga ang tingin kay Zane na nakatilikod magpahanggang ngayon at abala sa paglilinis ng bangus. “Ate Mary! Mabuti at narito ka na, tikman mo itong tupig na siyang ipinagmamalaking kakanin ng bayan na ito,” tawag nga ni Helda kay Mary na siyang kakalabas lang ng kwarto kung saan niya iniayos ang kaniyang mga gamit at saglit na naidlip dito. “Mary, you will not regret tasting this,” nabubulol ngang sambit ni Bernard sa kadahilanang punong-puno ngayon ng tupig ang kaniyang bunganga at may hawak ngang muli na isang piraso sa kaniyang kamay na siyang pangatlo na niya. “No doubt Pitt, dahil hindi mo pa lang nga nauubos iyang nasa bunganga mo ay may hawak ka na agad na isa,” sarkastikong saad ni Mary habang naglalakad na palapit sa kanila at kinuha na nga ang iniaabot na tupig sa kaniya ni Helda. “Helda, tapos ko ng linisan ang mga isda, maaari mo nang lutuin ito,” saad ngayon ni Zane na siyang hindi man lang nilingon si Helda bagkus ay naglakad na nga paalis sa kusina habang diretso lang ang tingin nito sa daan. “Helda, magluto ka na dahil ako ay sabik na sabik na talagang matikman ang sinigang mo,” saad nga ni Bernard kay Helda na nakatuon ang tingin kay Zane na lumabas sa likurang pintuan ng bahay papaunta sa bakuran. “T—teka lamang kuya Bernard, kakausapin ko lamang saglit si Zane,” paalam nga ni Helda na siyang hindi na inantay pa ang isasagot nila Bernard bagkus ay dali-dali na itong naglakad upang sundan si Zane. _________________________ Unti-unting bumagal ang paglakad ni Helda nang makita na nga si Zane na kasalukuyang namimitas ngayon ng kamias na siyang gagamitin nga nilang pampaasim sa sinigang na lulutuin ni Helda. “Z—zane?” nag-aalangang tawag ngayon ni Helda sa binata na kasalukuyang nasa likod na nga niya ngayon. Humarap naman sa kaniya ang binata na may hawak na ngayong ilang piraso ng kamias. “Nais ko lang sana na humingi ng tawad sa mga naging katanungan ko kanina. Wala naman akong intensyon na manghimasok sa buhay mo ngunit—“ saad ngayon ni Helda na siyang natigilan sa kaniyang gustong sabihin dahilan upang kunot noo siyang tignan ngayon ni Zane. “N—nagbabakasakali lamang ako na mas makilala ka dahil halos isang taon na rin kitang nakakasama sa mga misyon at tunay ngang isang kaibigan na ang turing ko sa iyo,” patuloy ni Helda na siyang dahilan upang mapabuntong hininga si Zane bago pa man niya tuluyang tignan si Helda. “Naiintindihan ko Helda dahil isang kaibigan na rin ang turing ko sa iyo,” sambit ni Zane. “Ngunit bilang kaibigan ay nais ko sanang maintindihan mo na hindi pa ako handang buksan ang libro ng aking nakaraan. Ngunti ayaw ko sanang ang hindi ko paogkahanda ay ang siyang sisira sa ating pagkakaibigan.” Unti-unti ngang tumango si Helda tanda ng kaniyang pag-intindi sa binata. “Naiintindihan ko Zane at ipinapangako kong hindi na ulit ako magtatanong ng kahit na anong pribadong bagay patungkol sa iyong buhay. At huwag kang mag-alala dahil hindi ito ang sisira sa ating pagkakaibigan dahil nirerespeto kong hindi ka pa handa para sabihin sa akin ang mga bagay na yaon,” nakangiting saad ni Helda na siyang dahilan upang hindi na rin nga maiwasan pang mapangiti ni Zane dahil kanina ang buo niyang akala ay ang pag-iwas nito sa mga katanungan ni Helda at ang paghingi nito na tumigil na siya sa kakatanong ang siyang sisira sa pagkakaibigan nila. Kaya’t hindi na talaga niya alam pa kanina kung paano niya kakausapin si Helda nang makapasok sila sa kotse. Ngunit tila ba nabunutan siya ng tinik ngayon nang malaman niyang naiintindihan ni Helda na hindi pa siya handa na sabihin sa sino man ang patungkol sa buhay niya na may malaking koneksyon kung bakit siya sumali sa grupo. “Tulungan na kita sa pamimitas ng mga kamias,” saad nga ngayon ni Helda na siya ngang naglakad na papunta sa puno ng kamias na nasa likuran ni Zane. “Maraming Salamat Helda,” nakangiting sambit ngayon ni Zane nang makaharap na nga ito sa puno kung saan namimitas na si Helda. Tumango naman nga si Helda bilang sagot na kasalukuyang may tatlong kamias nang napitas. “Sigurado ka bang maaasim ito at kayang paasimin ang sinigang ko?” pag-iiba na nga ni Helda sa usapan na dahilan upang agad din namang mapatango si Zane. “Kung iyong nais ay tikman mo ito nang masiguro mong maasim ito,” saad nga ni Zane na siyang kumuha nga ng isang kamias mula sa basket na pinaglagyan niya ng mga hawak niya kanina at pinunasan nga itong mabuti gamit ang ibabang bahagi ng kaniyang damit. “Ito, tikman mo,” sambit ng binata sabay abot ng isang pirasong kamias kay Helda na agad din naman nitong kinuha at kinagatan. At halos mapapikit nga at mapakunot ng noo si Helda nang dahil sa asim ng kamias. “Ano sa tingin mo? Kaya ba niyang paasimin ang sinigang mo?” natatawa ngang tanong ni Zane nang dahil sa naging ekspresyon ni Helda nang matikman ang kamias. “Tikman mo rin para masagot mo ang iyong katanungan,” sarkastiko ngang sagot ni Helda na sinamaan nga ngayon ng tingin ang binata nang dahil sa pagtawa nito hanggang ngayon. “Hindi na kailangan pa—“ saad nga ngayon ni Zane na agaran ngang umiwas nang akmang isusubo na sa kaniya ni Helda nang kamias. “Nagtatanong ka kung maasim kaya’t tikman mo rin,” sunod na saad ngayon ni Helda na siya ngang hinahabol na ngayon si Zane upang ipasubo sa kaniya ang kamias. ~ Oktubre 7, 1943~ “Nakaalis na sina Bernard at Helda papuntang Dagupan,” saad nga ngayon ni Mary kina Emmanuel, Tobias, at Bernard na siyang naiwan ngayon sa bahay at naghahanda ngang isagawa ang planong pagpasok sa ospital na limang kilometro lamang ang layo mula sa bahay na tinutuluyan nila. “Kung gayon Tobias at Mary, mauuna na kami ni Zane na pumunta sa ospital at sumunod na lamang kayo sa amin,” saad ni Emmanuel na siyang tinanguan na nga si Zane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD