Pilipinas
~ Oktubre 7, 1943~
Unti-unting itinigil ni Zane ang sasakyan sa isang malaking pasilidad o ospital na pagmamay-ari nga ng Willson Research Institute.
Unang bumaba sa sasakyan ay si Emmanuel na unti-unting tinignan ang kaitaasan ng ospital malapit nga sa pasukan ng ospital naroon ang karatulang may nakasulat na numero 45 na siyang nagpapatunay na ito na nga ang siyang lugar na tinutukoy ng nakuhang impormasyon ni Tobias mula sa mga dokumento ni Doktor George.
“Z—zane?” tawag ngayon ni Emmanuel kay Zane sabay katok sa bintana ng sasakyan dahil magpahanggang ngayon ngay hindi pa rin ito bumababa sa sasakya.
At dahilan nga ang pagkatok ni Emmanuel para matauhan siya at unti-unting lumabas na mula sa sasakyan.
“Susubukan nating makalusot sa nars upang makapasok sa loob ng ospital,” saad ngayon ni Emmanuel sabay ayos ng leather bag nito sa kaliwa niyang balikat.
“At paano natin maisasagawa ‘yon Doktor Emmanuel?” nagtatakang tanong ni Zane na siya ngang hindi agad sinagot ni Emmanuel na kasalukuyang inilibot ang paningin hanggang sa kapwa sila matigilan ni Zane nang dahil sa kakarating na kotse na siyang tumigil sa tapat nila.
Lumabas ang dalawang lalaki mula rito na siyang dumiritso sa likuran ng kanilang sasakyan upang kunin doon ang isang malaking kahon na kinalalagyan ng iba’t ibang kagamutan o kagamitan para sa ospital.
Parehong nagtinginan ngayon sina Emmanuel at Zane at sabay na tinanguan ang isa’t isa na tanda na pareho sila ngayon ng planong iniisip ngayon.
Dali-dali silang naglakad papunta sa katapat na kotse at halos sabay nga silang naglabas ng kanilang mga baril at kaniya-kaniyang itinutok ito sa dalawang lalaki.
“M—maawa po kayo, may mga anak pa po akong uuwian,” nanginginig na saad ngayon ng isa sa mga lalaki na kapereho ng kasama niyang nakataas na ang dalawang kamay.
“Hindi namin kayo sasaktan kung susunod lamang kayo sa mga iuutos namin,” sagot ni Emmanuel sabay kasa ng hawak niyang baril na kasalukuyang nakatutok sa ulo ng nagsalitang lalaki.
Unti-unti namang tumango ang dalawang lalaki na wala na ngang magawa dahil buhay nila ang siyang nakasalalay ngayon.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas sina Zane at Emmanuel sa sasakyan ng dalawang lalaki habang suot-suot na ang mga kasuotang suot ng dalawang lalaki. Habang ang dalawang lalaki naman ngayon ay parehong nakatali na sa loob ng sasakyan.
Dali-daling binuhat pareho nila Zane at Emmanuel ang malaking kahon upang idala ito sa loob ng sasakyan kung saan nga ibinaba nila sa tapat ng nars na nagbabantay ngayon sa bungad ng ospital.
“Magandang umaga binibini,” nakangiting bati ni Emmanuel sa babaeng nars na ngayon ngay natigilan sa kaniyang ginagawa at tiyaka nga isa-isang tinignan ang dalawang binata.
“Iyan na ba ang mga medisinang ipinadala namin?” tanong ng nars matapos usisain ang dalawa.
Tumango naman si Zane bilang sagot na siyang iniabot nga ngayon ang dokumentong nagpapatunay na sila na nga iyon. Ang dokumentong ito nga ay nakuha rin ng dalawa mula sa tunay na mga tagapaghatid ng mga medisina.
“Kung gayon ay idala niyo na iyan sa itaas,” saad ng nars nang masigurong ito nga ang mga inaasahan nilang medisina na darating sa araw na ito.
Walang pasubali ngang binuhat muli ng dalawa ang malaking kahon at maingat itong idinala sa ikalawang palapag ng ospital kung saan naroon ang kwartong pinaglalagyan ng mga kagamitan ng ospital.
“Zane, ako na ang titingin dito sa ikalawang palapag at ikaw na ang siyang mag-iimbestiga sa ikatlong palapag,” saad ngayon ni Emmanuel nang maisara ang pinto ng kwartong pinaglagyan nila ng kahon.
Narito rin nga sa kwartong ito ang mga uniporme ng mga nagtratrabaho sa ospital kaya’t dali-daling kumuha ang dalawa ng kani-kanilang mga damit na pampalit bilang daan para makapasok sila sa mga kwarto ng mga pasyente at mahanap nga ang kinalalagyan ni Hans.
Makaraan ang ilang minuto ay sunod-sunod nang lumabas ang dalawa mula sa kwarto suot ang unipormeng pang-nars ng ospital.
Tinanguan na nga ni Emmanuel si Zane na siyang dali-dali nang tumaas sa ikatlong palapag ng ospital kung saan sumalubong sa kaniya ang mahabang pasilyo ng mga kwarto ng mga pasyente.
Bilang plano nga ay isa-isang papasukan ni Zane ang mga kwarto upang hanapin ang lalaking nasa litratong hawak niya ngayon sa kaniyang bulsa.
Nang akmang papasok na nga sana siya sa unang kwarto ay natigilan nga ito ng bigla itong nagbukas bago paman niya tuluyang mahawakan ang busol (doorknob) ng pintuan.
“Oh, ikaw ba ang bagong nars? Bakit ngayon ka lamang?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ng matandang doktor na may kasamang isang lalaki na parehong nakasuot ng unipormeng suot ngayon ni Zane.
“A—ako nga po,” nag-aalangan ngang sagot ni Zane na kalaunan ay naisipang sabayan na lamang ang pag-aakala ng doktor,
“Pasensya na po at nahuli ako,” patuloy nga ni Zane. “Naharangan po kasi ako ng mga sundalong hapon upang suriin ang mga dala kong kagamitan.”
Tumango naman agad ang doktor na siyang nauunawaan nga ang rason ng inaakala niyang bagong nars sapagkat mas nahihigpit ngayon ang mga hapon sa pagbabantay sa mga taong labas pasok sa bayan. At lalo pa siyang nakumbinsi ni Zane dahil napansin niyang may ibang lahi ang nars at maaaring napagkamalan siyang Amerikano ng mga sunadalong hapon.
“Mabuti at hindi ka nila napagkamalang kalaban,” saad nga ng doktor na siyang tinanguan na ang katabi nitong nars at nagpatuloy na nga sa paglakad palabas ng unang kwarto.
“Sumunod ka nalang muna sa amin at mamaya ko nalang ituturo sa iyo ang mga gagawin mo,” saad ng nars kay Zane.
At nang akmang isasara na nga sana ng nars ang pintuan na pinanggalingan nila ng doktor ay agad ngang tinigilan ito ni Zane dahilan upang mapakunot siya ng noo dahil sa pagtataka.
“A—ako na lamang ang magsasara nang hindi ka na maabala pa,” dahilan ni Zane na siya rin namang unti-unting tinanguan ng nars na siyang sumunod na nga sa doktor.
At bago pa man nga maisara ni Zane ang pintuan ay nakakuha nga ito ng tyempo upang silipin pagmumukha ng pasyente at nang makitang isa itong babae at hindi si Hans ito ay agad na nga niyang isinara ang pintuan at sumunod na nga sa Doktor at nars na kasalukuyang paloob na sa pangalawang kwarto.
_________________________
Nang magkahiwalay na nga si Zane at Emmanuel ay agad-agad na nagpunta si Emmanuel sa kwartong katabi ng pinanggalingan nila ni Zane kanina.
Unti-unti niyang binuksan ang pintuan at doon ay natigilan siya nang maabutan niya ang isang dalagang pasyente na kasalukuyang nakatali ang magkabilaang kamay at paa sa dulo ng kamang kinahihigahan niya ngayon.
Akmang isasara na nga sana ni Emmanuel ang pintuan ngunit natigilan ito nang unti-unti siyang tinignan ng pasyente na siyang dahilan upang makita niya ang pagmumukha nito.
Gulong-gulo ang buhok, nangingitim na ang labi at litaw na rin ang pangangayayat ng pasyente. Hindi maiwasan ni Emmanuel na matulala dahil sa awang nararamdaman niya nang makita ang dalagang pasyente na sa tingin niya ay nasa edad kinse anyos pa lamang.
“T—tulungan mo ako,” unti-unting sambit ng dalaga kasabay ng unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha.
Hindi malaman ngayon ni Emmanuel ang kaniyang gagawin dahil sa puso niya ay nais niyang iligtas ang dalaga o hindi kaya ay tignan ang kalagayan nito na siya niyang trabaho bilang isang doktor.
“M—maawa ka sa akin ginoo, ilayo mo ako sa kanila,” muling sambit ng dalaga na hirap nga kung magsalita dahil sa bawat bigkas niya ng mga salita ay hirap siya kung habulin ang kaniyang hininga.
Unti-unti namang humakbang ngayon si Emmanuel papasok sa kwarto.
“S—sino ka?”
Ngunit natigilan ito nang biglang may nagtawag sa kaniyang likod na isang nars na ngayon ngay palapit na sa kaniya.
“Tinatanong kita, sino ka?” tanong muli ng lalaking nars na ngayon ngay hinawakan na ang braso ni Emmanuel at pwersahang pinaharap ito sa kaniya.
“Ngayon lamang kita nakita rito?” kunot noong tanong ng nars nang makita ang pagmumukha ni Emmanuel dahilan upang tila tumigil nga sa pagtibok ang puso ni Emmanuel nang dahil sa kaba na mahuli na siya kahit pa na hindi pa niya natatapos libutin ang ikalawang palapag.
“P—pasensya—“
“Alam ko na, ikaw iyong bagong nars? Bakit nahuli ka ata ng dating?” putol sa kaniya ng nars na siya nga niyang tinanguan agad at hindi nga niya maiwasang mapangiti dahil tila nabunutan siya ng tinik nang dahil sa mga katanungan ng nars na magsisilbi niyang susi para hindi siya paghinalaan.
“Ako nga, ako nga ang bagong nars at hindi pa ako pamilyar sa pasikot-sikot dito sa ospital kaya’t inakala kong ito ang kwartong babantayan ko,” paliwanag ni Emmanuel na siya rin namang hindi pinaghinalaan ng nars.
“Hindi ang kwartong ito ang siya mong babantayan,” saad ng nars na siya ngang isinara nang tuluyan ang kwarto.
“Ikaw ang siyang magbabantay sa bagong pasyente roon sa pinakadulong kwarto,” patuloy ng nars sabay turo sa pinadulong kwarto rito sa ikalawang palapag na siyang dahilan upang matigilan si Emmanuel.
“B—bagong pasyente?”
“Oo, kakarating lang ng pasyenteng iyan noong isang linggo.” Sagot ng lalaki na siyang ngayon ngay mas lumapit pa kay Emmanuel upang ibulong ang kasunod nitong sasabihin. “At tiyak na hindi mo gugustuhing bantayan ito dahil iyang pasyenteng iyan ang pinakabayolenteng pasyente na nahawakan ng ospital.”
“T—talaga? Maaari ko bang malaman kung anong pangalan ng pasyenteng ito?” tanong muli ni Emmanuel ngunit umiling lamang nga ang nars bilang sagot.
“Hindi ko na maalala ang pangalan nito ngunit ang balita ko ay galing daw ang pasyenteng ito sa Estados Unidos.”